Home/Makatawag ng Pansin/Article

Sep 02, 2021 927 0 Mary Therese Emmons, USA
Makatawag ng Pansin

Huwag Sumuko

Ipinagdarasal mo ba ang iyong mga mahal sa buhay? Narito ang isang kwento upang mapanatili kang may pag-asa

Kahapon lamang

Naaalala ko na parang ito ay kahapon lamang-nakaupo sa sala na may isang malabong ilaw  kasama ang aking magiging biyenan pagkatapos kumain ng hapunan. Ito ang unang pagkakataong nakilala ko ang mga magulang ng aking kasintahan, at kapansin-pansin akong kinakabahan. Ang pamilya ay naghiwa-hiwalay na pagkatapos ng hapunan, iniwan kami ni Harry upang makipag kuwentahan sa harap ng maliit na apoy. Marami akong narinig tungkol sa kanya kaya nasasabik ako na magkaroon ng pagkakataong tulad nito na makipag-usap sa kanya. Tunay na makatawag pansin si Harry dahil sa kanyang katangiang hindi kapani-paniwalang pagkamapagpatawa. Siya ay ama ng anim na anak — masipag, isang kampeon ng equestrian may-ari, at isang beterano ng isang piling organisasyon ng militar. Nililigawan ako ng kanyang panganay na anak.

Hinahangaan ko na siyang matagal bago ko pa siya nakilala at inaasahan ko na makagawa ako ng magandang impression. Ako rin, ay nagmula sa isang malaking pamilya, at isang debotong Katoliko — isang bagay na inaasahan kong makikita niyang kanais-nais. Alam ko si Harry ay lumaki sa Simbahang Katoliko, ngunit umalis sa pagka katoliko matagal na bago siya nagpakasal at nagsimula ng isang pamilya. Ito ay isang bagay na pumukaw sa aking pag-usisa at nais kong may malaman pa — upang maunawaan ko kung bakit. Ano ang maaaring dahilan at tinalikuran niya ang pananampalatayang ito na ako, kahit na isang kabataan, ay mahal na mahal? Kalaunan ang pag-uusap ay napunta sa paksa ng relihiyon,  nasasabik akong ibahagi sa kanya ang aking debosyon sa pananampalataya. Ang sagot niya ay hindi ko inaasahan at nakasasakit ng puso. Siya ay walang pag-aalinlangan, at malamig, na sinabing siya ay dating Katoliko—at naging sakristan nuong siya ay bata pa, ngunit ngayon ay hindi na siya sigurado kung maaalala pa niya ang Panalangin na Ama Namin. Gustong kong sumagot nang may kasamang  paggalang, kaya malumanay kong sinabi kung gaano kalungkot iyon — at labis kong naramdaman ito. Ang pag-uusap na ito ay nag-iwan ng isang impression sa akin at isina-isang tabi upang isara at alisin sa aking memorya ito.

Kumikislap na mga Ilaw

Dumating at lumipas ang mga taon, isinama naming mag-asawa si Harry sa aming mga dasal — umaasa na balang araw siya ay babalik sa pananampalataya. Naroroon si Harry ng ikasal kami ng kanyang anak sa Simbahang Katoliko. Siya ay nandoon para sa mga pagdiriwang ng sakramento para sa aming mga anak, at nandoon din siya noong araw na ang kanyang sariling anak ay naging isang Katoliko.

Hindi ko mapigilan ang aking luha dahil sa kagalakan habang pinapanood ko ang bautismo ng aking asawa, ang alaala ng aking pakikipag-uusap sa kanyang ama, sampung taon na ang nakalilipas, bumalik na nag-uumapaw at nakaramdam ako ng konting pag–iinit dahil sa galit – galit na ang ama ng aking asawa ay niloko siya at pinalaki sa labas ng pananampalataya. Mas higit pa ang gusto ng asawa ko para sa kanyang sariling mga anak. Hindi lamang niya sinuportahan ang pagpapalaki ng aming  pamilya sa pananampalatayang Katoliko, kungdi siya mismo ay nakadama ng pag-asam at higit pang pananabik. Ang kanyang pagpasok sa Simbahang Katoliko ay isang napakagandang halimbawa niya sa pagmamay-ari ng malalim na pananampalataya at tiwala.

Nakita ko ang maliliit na kutitap ng pananampalataya kay Harry sa paglipas ng mga taon, at palagi akong umaasa na mayroon pa ring paniniwala na  nakabaon sa kanyang puso. Nang masuri ang aking asawa na may cancer, sinabi ng aking biyenan ng buong tiwala na siya ay nagdarasal sa Ating Ina para sa kanya, dahil siya ay may isang malalim na debosyon sa kanya.

Ito ay isang bagay na hindi pa niya nasasabi sa kanino man, at ipinagtapat niya ito sa akin. Naramdaman ko ang isang tunay na kaligayahan sa pagkaka-alam nito, kahit na hindi nakikita, ay naroon pa rin. Optimistiko, kami ng aking asawa at nagpatuloy na manalangin para sa tuluyang pagbabalik ni Harry sa pananampalataya.

Isang Regalong Walang Katumbas

Ang taong 2020 ay naging malupit sa marami, at ang aking mahal na biyenan ay isa sa mga biktima nito. Naging masama ang kanyang pagkatumba, kaya inilagay siya sa isang rehabilitasyong pasilidad na walang personal na pakikipag-ugnay sa loob ng maraming linggo. Ang kanyang kalusugan ay nagsisimulang manghina, at ang malakas, at puno ng buhay na taong ito ay nagsisimulang lumiliit — sa tangkad pati na rin sa pag- iisip at ang sintomas ng demensya ay naging malinaw na din. Nagpasya ang aking asawa na subukan at gamitin ang pagkakataon na ito para tanungin ang kanyang ama kung nais niyang mabisita ng isang paring Katoliko. Sa aming labis na pagkagulat, sabik siyang sumang-ayon — at hiniling sa akin na magbigay ng isang kopya ng Ama Namin upang masariwa niya sa kanyang memorya. Muli, ang pag-uusap namin nuong aking kabataan ay agad na sumagi sa aking isipan, ngunit sa pagkakataong ito ay nakaramdam ako ng pagkasabik at pag-asa.

Sa sumunod na mga araw, sinamahan ng aking asawa ang isang pari sa tahanan ng kanyang ama dahil limitado na ang madaliang pagkilos ngayon. Tiwala si Harry na sumali sa Sakramento ng Kumpisal at tinanggap ang pag-aalay ng Banal na Komunyon mula sa kanyang sariling anak na lalaki. Ang pagtanggap ng sabay sa mga sakramentong ito sa kauna-unahang pagkakataon sa halos animnapung taon ay isang napakahalagang regalo. Natanggap din ni Harry ang Pagpapahid ng Banal na langis sa maysakit, at ang mga mahahalagang sakramento ng walang pag-aalinlanganan at binigyan siya ng mga biyaya upang mabuhay ng payapa sa kanyang huling linggo.

Sa kanyang huling araw, ang kanyang anak ay dinalhan siya ng isang rosaryo, at pinagdasalan ito sa tabi ng kanyang kama kasama ang aming mga anak—alam namin na si Harry ay naglalakad ngayon sa mabuting daan sa pagitan ng buhay na ito at sa susunod. Bilang isang tapat na anak ng Ating Ina, tila isang angkop na pamamaalam. Si Harry ay pumanaw ng mabilis at mapayapa pagkatapos ng dasal, at ang aming mga puso magpakailanman ay punong-puno ng pasasalamat sa ating maawain na Diyos at sa Ating Ina sa pagbabalik kay Harry sa pananampalataya bago siya pumanaw. Ang pagkaalam na si Harry ay nakikipagpayapaan sa mga makalangit na anghel ay labis na nakagiginhawa sa amin. Maaaring inabot siya ng mga dekada upang kilalanin ito, ngunit pagkatapos ng maraming mga taon ng walang tigil na mga panalangin, at isang pangwakas na pagkakataong alok mula sa kanyang mapagmahal na anak, ay nariyan pa rin ang kanyang pananampalataya. Palagi itong nandiyan.

Share:

Mary Therese Emmons

Mary Therese Emmons is a busy mother of four teenagers. She has spent more than 25 years as a catechist at her local parish, teaching the Catholic faith to young children. She lives with her family in Montana, USA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles