Home/Masiyahan/Article

Feb 25, 2025 19 0 Shalom Tidings
Masiyahan

Huwag Palampasin ang Pagkakataong Ito !

“Mama, huwag mong hayaang mawala sa akin ang pagkakataong makamit ang Langit nang napakadali at sa maiksing panahon,” wika ng 12-taong-gulang na si José sa kanyang ina.

Noon ay 1926. Ang mga Mexicanong Katoliko ay pinag-uusig dahil sa kanilang pananampalataya—ang mga simbahan at mga paaralan ng parokya ay isinara, ang mga pari ay pinapatay, at ang mga ari-arian ay kinukuha.  Sa bandang huli ay ipinagbawal ng gobyerno ang pampublikong pagsasagawa ng Katolisismo at ginawang ilegal ang mga panata sa relihiyon.  Nagsama-sama ang mga magsasaka mula sa sentral at kanlurang estado ng bansa upang pangalagaan ang Simbahan, at sumiklab ang Digmaang Cristero.

Ang mga kapatid na lalaki ni José ay itinala sa hukbo, ngunit siya ay hindi pinayagan ng kanyang ina.  Subalit siya ay walang humpay kaya’t napilitang bumigay ang ina sa mga paulit-ulit na pagsusumamor na ‘makapunta sa Langit nang madalian.’  Nagsimula siya bilang tagapagdala ng bandila ng tropa at di nagtagal ay binansagan siyang Tarcisius, pagkatapos sa sinaunang Kristiyanong Santo na pinatay dahil sa pagtanggol sa Eukaristiya laban sa kalapastanganan.  Tumaas ang kanyang ranggo bilang pangalawa ng Heneral, at pagkatapos ay naging tagatugtog ng korneta, nakasakay sa kabayo kasama nito sa pakikipaglabanan at naghahatid ng mga atas.

Nang maglaon, si José ay nabihag ng mga sundalo ng pamahalaan at pinilit na itakwil ang kanyang pananampalataya.. Ipina-panood sa kanya ang pagbitay ng isang kapwa Cristero, ngunit lalo lamang inudyukan ito ng batang si José sa kanyang pagkamartir.  Sa galit, tinanggal ng mga sundalo ang mga talampakan niya at pinilit siyang palakadin sa mga lansangan na nababalutan ng graba.  Sa matinding sakit, ang batang ito ay nagrosaryo para sa mga nananakit sa kanya.  Inawit niya ang mga awit ng ating binibini ng Guadalupe at ipinahayag ang kanyang pananampalataya nang malakas, kahit pa ilang ulit siyang nadapa sa kalye.

Si José ay sumulat ng ilang liham sa kanyang ina na nagsasabi na masaya siyang magdusa para kay Kristo.  Inalok siya ng mga sundalo ng kalayaan kung ipahayag niya: “Kamatayan kay Kristong Hari,” at ang pagtanggi niya ay nagbunga ng nakamamatay na pagpapahirap.  “Hinding-hindi ako susuko.   Vivo Cristo Rey Santa Maria de Guadalupe,” sabi ni José habang hinuhugot ang huli niyang hininga.

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles