Home/Makatawag ng Pansin/Article

May 19, 2023 515 0 Teresa Ann Weider, USA
Makatawag ng Pansin

HINDI MARAPAT NA HANDOG

Ang mga biglaang pagpapalit at pagbabago sa buhay ay maaaring nakakapanlulumo ngunit lakasan mo ang loob!  Hindi ka nag-iisa…

Ang pagpapaliwanag ng sandaling namulat ako sa kamalayan sa aking kaugnayan sa Diyos ay tulad ng paghiling sa akin na gunitain kung kailan ako nagsimulang huminga; hindi ko iyon magawa.  Dati na akong may kamalayan sa Diyos sa aking buhay.  Walang isang tiyak na “Aha” na sandali na nagpamulat sa akin tungkol sa Diyos, ngunit mayroong hindi mabilang na mga sandali na nagpapaalala sa akin na Siya ay palaging nandoon.  Maganda ang sinasabi ng Awit 139: “Sapagkat hinugis Mo ang aking mga panloob na bahagi, binuo Mo ako sa sinapuounan ng aking ina.  Pinupuri kita, sapagkat ako ay ginawang kamangha-mangha” (Awit 139:13-14).

Ang Tanging Katugunan

Bagamat ang presensya ng Diyos ay walang tigil na nasa aking buhay, madaming ulit na ang iba pang mga bagay ay hindi kasing palagian Ang mga kaibigan, tahanan, kalusugan, pananampalataya at damdamin, halimbawa, ay maaaring magbago sa paglipas ng panahon at mga pangyayari.

Minsan ang pagbabago ay nakakapanibago at kapana-panabik, ngunit sa ibang pagkakataon ito ay nakakatakot at iniiwan akong mahina at madaling masaktan.  Mabilis ang unti-unting pag-agos ng mga bagay at pakiramdam ko ay nakabaon ang mga paa ko sa gilid ng mahangin at mabuhanging dalampasigan kung saan patuloy na binabago ng pagtaas at pagbaba ng tubig ang aking pagkakatayo at nagdudulot sa akin na muling mahanap ang aking balanse.  Paano natin pinamamahalaan ang mga pang-araw-araw na pagbabago na nag-aalis sa punto ng ating balance?  Para sa akin, isang lamang ang sagot, at pinaghihinalaan ko na gayun din ito para sa iyo: Biyaya—ang sariling buhay ng Diyos na kumikilos sa kalooban natin, ang hindi tampat at hindi marapat nating matanggap na handog ng Diyos na hindi natin kayang kitain o bilhin, at siyang umaakay sa atin sa buhay na ito tungo sa buhay na walang hanggan.

Ang Paglilipat Na Walang Pahinga

Sa pamantayan, ako ay nakapaglipat na misan bawat humigit-kumulang 5 o 6 na taon. Ang ilang mga paglipat ay mas lokal at pansamantala;  dinala ako ng iba nang mas malayo pa at sa mas mahabang panahon pa.  Ngunit lahat ng ito ay paglilipat at pagbabago gayunpaman.

Ang unang malaking pagbabago ay dumating nang kinailangan ng pinapasukan ng aking ama na lumipat kami sa kabilang panig ng bansa.  Ang aming angkan ay may malalim na pinagmulan sa isang probinsiya na lubhang naiiba sa heograpiya at kultura ng panibagong probinsiya.  Ang pananabik sa isang bagay na bago ay pansamantalang nakabawas sa aking takot sa di-nababatid.  Gayunpaman, nang dumating kami sa aming bagong tahanan, ang katotohanan na iniwan ko ang lahat ng aking nalaman—ang aking tahanan, ang aming mga kamag-anak, mga kaibigan, paaralan, simbahan at lahat ng pamilyar—ay bumalot sa akin ng may matinding kalungkutan at kawalan.

Binago ng paglilipat ang pamamaraan ng pamilya namin.  Habang iniaakma ng bawat isa ang kanilang sarili sa mga pagbabago, sila ay naging abala sa kanilang mga indibidwal na pangangailangan.  Parang hindi kami ang dating mag-anak.  Walang naramdamang kaligtasan o pagiging pamilyar.  Nagsimulang manahan ang kalungkutan.

Pumapatak

Sa mga linggong sumunod matapos nang aming paglipat. Inalis namin sa pagkakaimpake ang aming mga gamit at inayos.  Habang nasa paaralan ako isang araw, inalis ng aking ina sa pagkakaimpake ang isang krusipiho na dating nakasabit sa dingding sa itaas ng aking kama mula nang ako ay isinilang.  Inalis niya ito sa balot at isinabit sa bago kong silid.

Iyon ay isang maliit na bagay, subalit nagbigay ng isang malaking pagkakaiba.  Ang krus ay isang bagay na pamilyar at minahal.  Ipinalala nito sa akin kung gaano ko kamahal ang Diyos at kung gaano ko Siya kadalas na kausapin sa dati kong tahanan.  Kaibigan ko na Siya mula noong ako ay maliit pang bata babae, ngunit sa paano’t paanuman, inisip kong iniwan ko Siya.  Kinuha ko ang krus sa dingding, hinawakan ito ng mahigpit sa aking mga kamay at tumangis.  May kung anong bagay ang nagsimulang nagbago sa akin.  Kasama ko ang matalik kong kaibigan, at muli ko Siyang nakausap.  Sinabi ko sa Kanya kung gaano kakaiba ang pakiramdam ng bagong lugar na ito at ang pananabik kong makauwi.  Sa loob ng madaming oras sinabi ko sa Kanya kung gaano ako naging malungkot, ang mga takot na sumunggab sa aking puso, at humingi ako ng tulong sa Kanya.

Paunti-unti, ang mga luhang pumatak sa aking pisngi ay pumawi sa mga pirapirasong dilim na dumaklot sa aking puso.  Kapayapaan, matagal ko nang hindi naramdaman, nanahan sa aking puso.  Ang mga luha ay unti-unting natuyo, ang pag-asa ay pumasok sa aking puso at, sa pagkakaalam na kasama ko ang Diyos, muli akong naging masaya.  Ang presensya ng Diyos sa aking silid nang araw na iyon ay nagpabago sa aking kalooban, aking puso, at aking pananaw.  Hindi ko magagawa iyon sa aking sarili.  Ito ay handog ng Diyos sa akin… Kanyang biyaya.

Ang Tanging Palagian sa Buhay

Sa banal na kasulatan sinasabi sa atin ng Diyos na huwag matakot dahil lagi natin Siyang kasama.  Isa sa mga itinatangi kong talata ay tumutulong sa akin na harapin ang aking takot sa pagbabago: “Maging matatag at matapang.  Huwag kang matakot o mangamba sa mga ito, sapagkat ang Panginoon mong Diyos ang Siyang sumasama sa iyo.  Hindi ka niya iiwan o pababayaan.” (Deuteronomio 31:8)

Madaming ulit na akong naglipat at nagbago mula pa nang ako ang batang babaeng iyon, ngunit napagtanto ko na ako ang naglilipat at nagbabago, hindi ang Diyos.  Hindi Siya nagbabago.  Lagi Siyang nandiyan kasama ko saan man ako magpunta at kung ano ang nagbabago sa buhay ko. Ibinalik ng Diyos ang aking balanse matapos ang bawat paglilipat, bawat pagbabago, at bawat pagbaling sa buhangin.  Naging bahagi na Siya ng buhay ko simula pa sa maalala ko.  Kung minsan nalilimutan ko Siya, ngunit hindi Niya ako nalilimutan.  Paano Niya magagawa?  Kilalang-kilala Niya ako na “maging ang mga buhok ng (aking) ulo ay bilang na bilang” (Mateo 10:30-31).  Iyan din ay biyaya.

Nang araw na tinanggal ko ang krus na iyon sa dingding ng aking silid at hinawakan ito ng mahigpit ay sumagisag sa pagkakaroon ko ng ugnayan sa Kanya sa natitirang bahagi ng aking buhay.  Kailangan ko ang Kanyang patuloy na presensya para angatin ang kadiliman, bigyan ako ng pag-asa, at ituro sa akin ang daan.  Siya ang “daan, ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6), kaya’t kumakapit ako Siya nang mahigpit hangga’t kaya ko sa pamamagitan ng panalangin, pagbabasa ng banal na kasulatan, pagdalo sa Misa, pagtanggap ng mga Sakramento, at pagkikibahagi sa kapwa ng mga biyayang ibinibigay Niya ako.  Kailangan ko ang aking kaibigan na laging kasama ko gaya ng Kanyang ipinangako.  Kailangan ko ang lahat ng Kanyang kamangha-manghang mga biyaya at hinihiling ko ang mga ito araw-araw.  Natitiyak kong hindi ako nararapat sa mga ganoong handog, ngunit ibinibigay Niya pa rin ito sa akin dahil Siya ay Pag-ibig at nais na iligtas ang isang ‘abang tulad ko.’

Share:

Teresa Ann Weider

Teresa Ann Weider ay naglingkod sa Simbahan sa loob ng maraming taon sa pamamagitan ng kanyang aktibong pakikilahok sa iba't ibang ministeryo. Nakatira siya kasama ang kanyang pamilya sa California, USA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles