Home/Magturo ng Ebanghelyo/Article

May 12, 2022 967 0 Rosemaria Thomas, USA
Magturo ng Ebanghelyo

HINDI KAPANI-PANIWALA!

Matutong Kumilos At Matutong Manalangin

Nang nagpalista ako para sa AP Biolohiya noong nakaraang taon sa aking ika-10 baitang, hindi ko inakala na magiging mahirap para sa akin ang Biolohiya.  Sa unang araw, nakaramdam ako ng pananalig at tiwala sa sarili.  Ngunit sa paglipas ng mga araw, nagsimula akong mapahuli.  Habang sinasagot ng mga kasama ko ang mga tanong at tiwalang binibigkas ang mga pagkaunawa, ako ay nalito at nagulumihanan.  Araw-araw, ngumiti ako, tumango, at nagpanggap na alam ko ang nangyayari.

Noong gabi bago ang unang pagsusulit sa Biolohiya ay bahagya lang akong nag-aral.  Binasa ko ang ilang mga salita sa bokabularyo at sinubukan kong isaulo ang ilang mga kahulugan. Nang tingnan ko ang unang tanong sa pagsusulit ay nagsimulang uminog ang aking ulo.  Ang mga tanong ay ga-talata ang haba at sa kabila ng paulit-ulit na pagbabasa, hindi ko maunawaan ang mga ito!

Nang sumunod na araw, nakuha ko ang aking namarkahan nang pagsusulit at hindi ako nabigla nang makita ko ang 53%.  Subalit nasiraan ako ng loob dahil madami sa aking mga kamag-aral ang nakakuha ng mas mahusay na marka.  Nang suriin ko ang aking mga marka online, napansin kong ang aking pangkalahatang marka ay bumaba ng “C”.  Hindi ko malaman kung ano ang gagawin.

Habang lumilipas ang mga buwan at mga pagsusulit, pabago-bago ang grado ko.  Binigyan ako ng aking ina ng pinakamahusay na payo: higit pang manalangin at humingi ng tulong sa Diyos.  Mula noon, bago kuhanin ang bawat pagsusulit, sinisimulan kong tawagin ang Banal na Espirito at tunay kong nadama na tinutulungan ako ng Diyos.  Alam kong hindi ako nag-iisa.  Ang aking mga marka sa pagsusulit ay nagsimulang tumaas nang mabilis.  Mas madaming oras ang ginugol ko sa pagdadasal.  Napansin ng lahat ang isang malaking pagbabago sa akin habang lumalalim ang aking pagmamahal at pagtitiwala sa Diyos.

Bago pa kuhanin ang pagsusulit sa AP, madaming buwan ang ginugol ko sa pag-aaral, pagdadasal, at paghahanda para sa pagsusulit.  Dahil alam kong magiging sa komputer  ang pagsusulit sa taong ito dahil sa COVID-19, kinabahan ako.  Dumating ang araw ng pagsusulit at ang nag-iisang namutawi sa aking mga labi ay, “Ako ang Diyos na Siyang nagbibigay sa iyo ng tagumpay.”

Habang sinimulan ko ang pagsusulit at tiningnan ang mga tala, mga talaguhitan, at masalitang mga tanong, nasiraan ako ng loob at labis na di-mapakali sa oras na magugugol ko.  Gayunpaman, pinagpatuloy ko.  Pinalagay kong maayos ang pagkakagawa. Lumipas ang mga buwan.  Nang araw na nailagay sa komputer ang mga kinalabasan, ang aking kapatid na lalaki ay naunang nagising, lumakda sa aking pangalan  , at sinuri ang aking marka.  Sinabi niya matapos sa aking ina at ama ang tungkol dito.  Sinabi ko sa aking mag-anak na huwag sasabihin sa akin ang aking marka hangga’t hindi ko sila tinatanong.

Ilang oras maya-maya, hindi niya napigilan ang sarili, hinayaan kong sabihin sa akin ng kapatid ko ang aking marka.  Hindi ako makapaniwala sa aking nadinig nang sabihin niyang nakakuha ako ng “4” sa pagsusulit sa AP Biology.  Ang aking kamag-aral, na may pinakamahusay na marka sa klase at inaasahang makakuha ng pinakamataas na marka, ay nakakuha ng mas mababang marka kaysa sa akin.  Paano nangyari ito?

Alam ko na iyon ay hindi dahil sa sarili kong kahusayan at palagi akong magpapasalamat sa Diyos sa pagpapalang ito sa aking buhay.  Siyempre, natutunan ko ang kahalagahan ng pagsusumikap at paggawa ng lahat ng kinakailangang pag-aaral.  Ngunit natutunan ko din ang kahalagahan ng pagtitiwala sa Diyos.  Nagtitiwala ako na ang Diyos ay mamamalagi sa aking buhay, sa kabila ng anumang mga hadlang na maaari kong harapin.

Share:

Rosemaria Thomas

Rosemaria Thomas is a high school student. Despite her busy schedule, her priority is her faith and what she can do to grow in that faith. She lives with her family in Camarillo, California.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles