Trending Articles
Ang lahat ng mayroon tayo ay handog mula sa Itaas, ngunit naisip mo ba kung ano ang nilayon ng Diyos nang ibinigay Niya ito sa iyo?
Nang isinilang ako bilang bunso sa tatlong lalaki, ang aking mag-anak ay Kristiyano ngunit hindi aktibong nakikibahagi. Ang aking mga magulang ay hindi Katoliko sa simula, kaya sa aking unang araw bilang isang freshman sa Providence Catholic High School, natatandaan kong takot na takot ako dahil wala pa akong nakatagpong pari o madre. Hindi ko alam ang unang bagay tungkol sa Misang Katoliko ngunit sinabihan akong dumalo sa lahat ng Misa sa paaralan. Kinailangan kong kumuha din ng mga kurso sa teolohiya, ngunit dahil ang balak ng pagpunta ko doon ay ang kanilang baseball program, hindi ko na binigyang pansin.
Bilang isang 14 na taong gulang, isa sa aking pinakamalaking takot ay ang mapahiya sa harap ng mga kasama ko—na tatanungin ako ng pinakapangunahing tanong ng pananampalataya at hindi ko masagot. Ngunit hindi ako inilagay sa alanganin ni Sister Margaret, na nagturo sa amin ng freshman theology. Isang araw pagkatapos ng klase, hinintay niya ako sa pintuan. Binalak kong lampasan siya, ngunit pinigilan niya ako, tumingin sa aking mga mata, at nagsabing:”Burke, may hinahanap ka.” Sinubukan kong lumayo, subalit ulit niya akong pinigilan at nagsabing: “Basahin mo ito.” Ibinigay niya sa akin ang aking unang Bibliya.
Nang gabing iyon, pagkatapos ng aking pagsasanay sa besbol, takdang-aralin, at hapunan, nagpunta ako sa aking silid, isinara ang mga pinto, at nagsimulang magbasa ng ebanghelyo ni Matthew mula sa Bibliya. Naintriga talaga ako sa ganyang ito ay naging ugali na. Unti-unti, ang teolohiya ay naging isa sa mga paborito kong klase.
Sa buong-paaralan na mga Misa, pinapanood ko ang aking mga kaibigang magpunta sa Komunyon at maging mausisa tungkol sa kanilang paggalang sa piraso ng tinapay na ito na kanilang tinatanggap. Sa isa sa aming mga junior retreat, sa huling araw ng Misa, nagkaroon ako ng taintim na pagtatagpo sa Eukaristiya na nagpaunawa sa akin ng kapangyarihan ng Diyos sa kalooban ko.
Tinipon kami ng pari sa palibot ng altar para sa Pagbabanal at Komunion; hindi pa ako nakapunta sa altar nang ganoon kalapit. Noong Komunyon, ang pari ay lumapit sa bawat isa sa amin na may dalang Eukaristiya; Hindi ko alam ang gagawin ko. Habang papalapit siya sa akin at nagsabing: “Ang katawan ni Kristo,” ang intensyon ko ay sabihin sa kanya na hindi ako Katoliko. Ngunit sa pagbuka ko ng aking bibig, inilagay niya ang Consecrated Host sa aking dila. Naramdaman ko sa sandaling iyon ang kapangyarihan ng Diyos na dumadaloy sa buong katawan ko. Bagama’t alam ko na ngayon na para sa isang hindi binyagang tao—para sa bagay na iyon, kahit na isang binyagang tao na hindi naniniwala sa Tunay na Presensya ni Kristo sa Eukaristiya—hindi tama na tanggapin ang Eukaristiya, ang mga pangyayari ay ganyang natanggap ko ang aking unang komunyon nang hindi sinasadya! Binago ng pangyayaring ito ang aking buhay sa masidhing paraan; Nagsimula ako sa pamamagitan ng pag-aaral ng higit pa tungkol sa pananampalataya, at sa oras na lumipat ako sa Mississippi,ako ay naging Katoliko na maaaring tumanggap kay Kristo nang tunay araw-araw.
Maayos ang takbo ng besbpol, at ang koponan ay madalas na niraranggo sa buong bansa. Noong ika apat na taon ko, nang makapasok ako sa sona, tumama ako ngdakilang kalampag na nagdala sa amin sa College World Series Tinanghal akong Pinaka Mahahalagang Manlalaro ng paligsahang iyon. Ngunit sa dalawang pagkakamali sa tatlong labanan , nawal lahat ito. Nang World Series Major League Draftm walo sa aking mga kasam sa grupo ay nakuha sa plano, ngunit ang aking telepono ay tahimk
Nadurog ako. Umuwi ako ng hindi alam ang gagawin. Makalipas ang ilang linggo, tumawag ang aking dating taga aral ng besbol nuong nasa mataas na paaralan para sa Chicago White Sox at sinabi sa akin ang tungkol sa pagsubok na maglaro ng propesyonal na besbol. Naging maayos iyon para sa akin, dahil kinabukasan, pumirma ako ng kontrata sa White Sox. Ngunit hindi ito natuloy ayon sa plano ko. Sa pagtatapos ng panahon, sinabi nila: “Burke, ginagawa mo ang lahat nang maayos at walang mahusay, naghahanap kami ng kadakilaan.” Hindi nila inulit ang kontrata ko. Sinubukan ko ito ng matagal, ngunit sa kalunan, kailangan kong harapin na it ay tapos na . Ako ay 23 taong gulang na may tapos na kurso lamang sa Math.
May nagbanggit na may posibleng karera sa siyentipiko ng aktwaryo, kaya nakakuha ako ng trabaho at kumita ng malaki. Ngunit ang kahalagahan ay napakababa na naging nakakainip kaya umalis ako sa aking trabaho. Matapos makumpleto ang aking Master mula sa Ohio University, nakakuha ako ng trabaho sa Kane County Cougars, isang menor de edad na baseball team. Pagkatapos ng apat na taon, nagkaroon ako ng dalawang alok na trabaho sa mesa–dalawang pangarap na trabaho sa baseball nang sabay!
Kasisimula ko lang makipag-tipanan kay Stephanie, na nakilala ko sa lokal na simbahan. Isang gabi, nasa labas kami para maghapunan at habang papalabas kami ng restaurant, sinabi niya: “Dumaan tayo ng Simbahan para sa Eyukaristikong Pagsamba” Bagaman ako ay Katoliko sa loob ng hindi bababa sa walo o siyam na taon, hindi ko pa nadinig ang tungkol sa Eyukaristikong Pagsamba . Ipinaliwanag niya na gugugol kami ng isang oras ng tahimik na pananalangin sa harap ng Banal na Sakramento.Doon, napagtanto ko na sa katahimikan, nakakaharap natin ang Diyos.
Nagsimula kaming magpunta tuwing Martes nang gabi para sa isang oras ng Pagsamba, at pagiging takot ko sa katahimikan, ay napunta sa pananabik para sa katahimikan. Ito ang naging pinakamapayapang oras ng aking linggo. At sa aking puso, ang pagiging pari ay patuloy na lumilitaw. Para hinihiling sa akin ng Diyos na ako ay maging pari; paulit-ulit na malumanay na paanyaya. Ang aking mga ka-pamilya, mga kaibigan, at kahit ganap na mga hindi kakilala ay nagsimulang lumapit sa akin na nagsasabi na iniisip nilang ako ay magiging isang mabuting pari. Nadama ko na ang Banal na Espirito ay kumikilos kapwa sa loob at labas. Kaya, kinausap ko si Stephanie, at sinabi niya sa akin na kung iyon ang tawag ko, kailangan kong sundin ito.
Binalak kong pumadok sa seminaryo sa loob ng isang taon at pagkatapos ay magbalik kay Stephanie. Ngunit habang pumapasok ako sa pintuan ng seminaryo, nadama ko ang kapayapaang ito na hindi kailanman lumisan
Iyon ay buwan ng Mayo ng ‘98, ang pagtatapos ng aking unang taon sa seminaryo, nang makatanggap ako ng tawag mula sa aking ama na humihiling na umuwi kaagad dahil ang nanay ko ay nasuri na may kanser sa baga, na kumalat sa utak at atay. Binitiwan ko ang lahat at umuwi. Iyon ay nasa ikaapat na antas. Bagaman patuloy kaming umaasa, dalawang buwan ang lumipas, bumagsak siya sa aking mga bisig habang nanonood ng telebisyon. Iyon ay kakila-kilabot.
Habang ako’y nakadungaw sa bintana at nakita ang sasakyan ng aking ina sa driveway, naisip ko na ang aking ina ay kaharap ng Diyos. Hindi tinatanong ng Diyos ang tungkol sa uri ng sasakyan na kanyang minamaneho o kung gaano kadaming pera ang kanyang kinita, sa halip, isang bagay na mas mahalaga, tulad ng: “Inibig mo ba ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, pag-iisip, at kaluluwa, at inibig mo ba ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili?” Ang ina ko, kahit hindi siya palasimba, ay nagturo sa amin tungkol sa pag-ibig ng Diyos.
Dinaanan ko ang krisis ng pananampalataya. Naisip ko pa nga kung may buhay ba pagkatapos ng kamatayan. Nagalit ako sa Diyos dahil kinuha Niya ang pinakamahalagang tao sa buhay ko, ngunit ang nangyari, sinubaybayan ako ng Diyos.
Nanatili ako at naordinahan bilang pari. Nagpapasalamat ako sa Diyos na hindi ako nakapasok sa mga pangunahing liga dahil ang kagalakan at kapayapaan na nadanasan ko bilang isang pari ay higit pa sa anumang nadanasan ko sa larangan ng baseball.
Hindi lamang ako naging Katolikong kapelyan para sa Chicago Cubs, kundi nakapagtatag din ako ng mga Katoliko na kampo pang palakasan, na ngayon ay lumalawak. Ito ay isang paraan lamang na pinahintulutan ako ng Diyos na pagsama-samahin ang mga nais ko sa sports at dalhin ito sa aking ministeryo.
May dahilan ang Diyos na nagbibigay sa atin ng mga biyaya, at nais Niyang gamititin natin sa paraan hindi natin naisip
Naglilingkod si Father Burke Masters sa St. Isaac Jogues Parish sa Hinsdale, Illinois. Siya ang may-akda ng aklat na A Grand Slam for God A Journey from Baseball Star to Catholic Priest .
Father Burke Masters serves at St. Isaac Jogues Parish in Hinsdale, Illinois. He is the author of the book A Grand Slam for God: A Journey from Baseball Star to Catholic Priest.
Want to be in the loop?
Get the latest updates from Tidings!