Home/Masiyahan/Article

Feb 22, 2023 454 0 Shalom Tidings
Masiyahan

HIMALA!

Si Maria Stardero, isang 12-taong-gulang na batang babae, ay dinala ng kanyang tiyahin sa simbahan kung saan dose-dosenang mga batang lalaki ang nakatayo o nakaluhod sa pagdadasal habang hinihintay nilang dumating si Don Bosco para sa kumpisal.  Habang patungo siya sa upuan, napansin ng ilan sa mga batang lalaki na ang mga mata ng batang babae ay walang mga cornea at kahawig ng mga puting holen.

Pagdating ni Don Bosco, tinanong niya ang batang babae tungkol sa kanyang kalagayan.  Hindi siya isinilang na bulag, sinabi niya sa kanya, ngunit dahil sa karamdaman sa mata ay ganap na nawala ang kanyang paningin dalawang taon na ang nakalipas.  Nang tinanong niya ang tungkol sa paggagamot, nagsimulang humikbi ang kanyang tiyahin.  Nasubukan na nila ang lahat, ngunit ang mga manggagamot ay may isang bagay lamang na masabi: “Ito ay walang lunas!”

“Masasabi mo ba kung ang mga bagay ay malaki o maliit?” tanong ni Don Bosco sa bata.

“Wala po akong makita.”

Siya ay kaniyang dinala sa may bintana upang tingnan kung nakakaaninag siya ng liwanag, ngunit hindi niya makaya.

“Gusto mo bang makakita?” tanong ni Don Bosco.

“Aba, opo! Ito ang tanging bagay na nais ko,” wika ng batang babae, naluluha.

“Gagamitin mo ba ang iyong mga mata para sa ikakabuti ng iyong kaluluwa at hindi upang masaktan ang damdamin ng Diyos?”

“Pinapangako ko pong gagawin ko, nang buong puso ko!”

“Mabuti,” sabi ni Don Bosco. “Mababawi mo ang iyong paningin.”

Matapos ang pagdulog kay Maria, Tulong ng mga Kristiyano, binigkas ni Don Bosco ang Aba Ginoong Maria at binasbasan ang batang babae.  Kapagdaka hawak ang medalya ng Maria, Tulong ng mga Kristiyano, sa harap ng mga mata ng batang babae, hiniling niya, “Para sa kaluwalhatian ng Diyos at ng Mahal na Birhen, sabihin mo sa akin kung ano ang hawak ko sa aking kamay.”

“Hindi niya kaya . . .” sinimulan ng nakakatandang tiyahin, ngunit hindi pinansin ni Don Bosco.  Pagkaraan ng ilang sandali, sumigaw ang bata, “Nakakakita ako!”  Kaagad niyang inilarawan ang medalya nang buong linaw.  Ngunit nang iunat niya ang kanyang braso para tanggapin iyon, gumulong ito sa isang madilim na sulok.

Kumilos ang tiyahin upang kunin ito, ngunit sinenyasan siya ni Don Bosco pabalik.

“Hayaan mo siyang hanapin yon nang makita kung lubusang naibalik ng Mahal na Birhen ang kanyang paningin,” giit niya.  Agad na naglakad ang batang babae patungo sa madilim na sulok at yumuko upang kunin ang maliit na bagay.  Habang madaming saksi ang nakamasid, mangha at labis na natinag, si Maria ay lubos na nagpasalamat kay Don Bosco at nang may mga hikbi sa labis na kagalakan.

Ipagkatiwala mo ang lahat kay Hesus sa Banal na Sakramento at kay Maria, Tulong ng mga Kristiyano, at makikita mo kung ano ang mga himala! – San Juan Bosco

 

 

 

 

 

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles