Home/Makatagpo/Article

Mar 16, 2022 501 0 Dr. Victor M. Nava
Makatagpo

HANAPIN ANG KAPAYAPAAN NG IYONG KALOOBAN

Ako noon ay 65 taong gulang at sinisikap kong baguhin ang aking patakaran sa seguro sa buhay. Siyempre, kailangan nila ng ilang mga pagsusuri sa laboratoryo. Naisip ko, “Okay, Susunod ako sa mga kailangang gawin.” Mula noon hanggang sa nakaraan, ang bawat pagsusuri sa laboratoryo na ginawa sa akin, ay normal, kabilang ang mga x-ray sa dibdib, EKG at colonoscopy, lahat ay normal. Ang aking presyon ng dugo ay 126/72 at ang aking BMI ay 26. Nag-eehersisyo ako ng apat na beses sa loob ng isang linggo at kumakain ng medyo malusog na diyeta. Mabuti ang pakiramdam ko at ganap na walang sintomas.

Maayos at nasa normal ang lahat ng resulta ng lab ko…maliban sa PSA ko, ito ay 11 ng/ml (normal ay mas mababa sa 4.5ng/ml). Nuong nakaraang tatlong taon lagi itong normal. Nakaka-inis! Kaya, pumunta ako sa aking Doktor. Sa pagsusuri ng aking tumbong, nakita niyang lumaki ang aking prostate at naninigas. “May hinala akong ito ay cancer, isasangguni kita sa isang urologist,” sabi niya. Nakakadismaya, talaga.

Labing-isa sa labing-isang prostate biopsy ay positibo sa cancer. Ang aking marka sa Gleason ay 4+5 na nangangahulugan na ito ay isang mataas na uri ng cancer at maaaring lumaki at kumalat nang mas mabilis. Kaya, sumailalim ako sa isang radikal prostatectomy, radiation therapy at hormone therapy na may Lupron. Ooh ang mga biglaang maalinsangang pakiramdam! Mga kababaihan maniwala kayo sa akin pag sinabi ko, na alam ko kung ano ang pinagdadaanan nyo. Nakakadismaya na naman.

Kung ganon bakit “nakakadismaya” lang imbis na “hindi ako naniniwala, hindi maaari ito, na mamamatay ako. Pinarurusahan ba ako ng Diyos”?

Buweno, sasabihin ko kung bakit. Bago nangailangan ng gamutan sa sakit sa bato ang aking ina na ginagawa sa bahay, ang aking mga magulang ay nakapaglakbay ng husto, lalo na sa Mexico. Nang dahil sa araw-araw na dialysis tumigil sila sa kanilang paglalakbay, ginugol nila ang kanilang maraming oras sa paggawa ng mga puzzle, pagbabasa at pag-aaral ng kanilang Bibliya. Ito ang lalong naglapit sa kanila sa Diyos. Kaya, nang sabihin sa kanya ng kanyang mga doktor na wala na silang magagawa para sa kanya, okay na siya doon. Sinabi niya sa akin, “Pagod na ako, handa na akong makasama ang aking Ama. Ako ay may kapayapaan sa pamilya at mga kaibigan, sa aking sarili, ngunit higit sa lahat, ako ay may kapayapaan sa Diyos.” Makalipas ang ilang araw, namatay siya nang payapa na may ngiti sa labi.

“Ako ay may kapayapaan sa Diyos”. Iyon ang gusto ko. Hindi ko na ginustong maging isang Katolikong lingguhang nagsisimba lang. Magmula noon nagsimula ako sa pagtahak sa landas na mas maglalapit sa akin sa Diyos: pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya sa parehong Ingles at Espanyol, pagdarasal, pagdarasal ng rosaryo, pagpapasalamat sa aking mga pagpapala, at pagboluntaryo bilang isang guro ng Katesismo. Sa lalong madaling panahon, inaasahan kong matapos ang aking internship bilang isang boluntaryong chaplain sa ospital at malapit ko na ring matapos ang aking kursong espirituwal na paggabay.

Kaya, oo, ang pagkakaroon ng kanser sa prostate ay nakakadismaya, pero hanggang doon lang, dahil ako ay may kapayapaan sa Diyos.

Share:

Dr. Victor M. Nava

Dr. Victor M. Nava ay isang retiradong Plastic Surgeon na may higit sa 40 taong karanasan. Kasalukuyan siyang Catechism volunteer teacher sa St Clare's Catholic Church at volunteer Male Advocate sa Sacramento Life Center, isang Pro-life clinic. Nakatira siya kasama ang kanyang asawa, tatlong anak at apat na apo sa Roseville, California.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles