Home/Makatawag ng Pansin/Article

Mar 23, 2023 434 0 Deacon Jim McFadden
Makatawag ng Pansin

GAWIN ANG PINAKAMAHUSAY MONG PAGPILI NGAYON!

Ang paggawa ng tamang pagpili ay mahalaga; Ano ang iyong kapasiyahan?

Apatnapung taon na ang nakalipas, ibinabad ni Bob Dylan ang kanyang sarili sa paggalugad ng Kristiyanismo, na makikita sa kanyang album Slow Train Coming (1979). Sa mga sumusunod na liriko tinanong ni Dylan “Kanino mo ibinibigay ang iyong lubos na katapatan?’

“Oo, kailangan mong maglingkod sa kung sino man. Buweno, maaaring ang Diyablo o maaaring ang Panginoon, Ngunit kailangan mong pagsilbihan ang kung sino man.”

Hindi natin maiiwasan ang katanungang ito dahil sa katunayan tayo ay nilikha “upang maglingkod sa kaninoman.”  Bakit ganon?  Bakit hindi na lang tayo magpaanod sa isang karanasan at sa kasunod nito na di tayo nagbibigay ng ating katapatan sa anuman o sinuman?  Ang tugon ay nagmumula sa likas nating pagkatao: mayroon tayong Isip (mapanimdim na kamalayan) at isang Loobin (na naghahangad ng mabuti).  Ang ating Isip ay may likas na kakayahan na maghanap ng kahulugan sa ating pag-iral bilang tao.  Hindi tulad ng ibang mga nilalang, hindi lang tayo basta dumadanas; bagkus, umaatras tayo at nagpapalagay, binibigyan natin ng kahulugan ang mga kaganapan.  Sa kaparaanan ng ating pagbigay-katuturan sa ating mga karanasan, dapat nating harapin ang tanong ni Dylan: Sino ang aking paglilingkuran?

Patungo Sa Kawalan?

Si Hesus, gaya ng kanyang nakaugalian, ay pinasimple ang pagpili nang sabihin niyang, “Walang sinoman ang makapaglingkod sa dalawang panginoon.  Kamumuhian niya ang isa at mamahalin ang kabila o magiging tapat sa isa at hahamakin ang kabila. Hindi kayo makapaglilingkod sa Diyos at sa kayamanan” (idinagdag ang pagbibigay-diin; Mateo 6:24).

Alam ni Hesus na tayo ay naghahanap ng katuparan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Diyos, ang pinagmulan ng ating pagkatao, o naghahanap tayo ng kaligayahan nang malayo sa Diyos.  Hindi natin makakamit ang dalawa nang magkasabay: “…maaaring ang Diyablo o maaaring ang Panginoon, ngunit makakapaglingkod ka sa isa lamang.”  Ang ating pagpili ang nagpapasiya sa ating kapalaran.

Kapag ibinigay natin ang ating katapatan sa ‘kayamanan’ tinatanggihan natin ang ating Tunay na Sarili, na ang layon ay maging nasa tunay na ugnayan sa Diyos at kapwa.  Sa pagpili sa kayamanan, tayo ay nagiging makasarili, na nakikita ang pagkakakilanlan nito sa ari-arian, karangalan, kapangyarihan, at kasiyahan.  Kapag ginawa natin ito, ginagawa nating paninda ang ating sarili.  Sa mga magkapanabay na katawagan, tinatawag natin itong ‘pagtitinda ng Sarili.’  Sa madaling salita, tayo ay kung ano ang taglay natin.

Ang landas ng ari-arian, katanyagan, kapangyarihan, at kasiyahan ay humahantong sa isang daan na walang lusutan.  Bakit? Dahil ang mga ito ay…

– kakaunti—hindi lahat ay may daanan sa kayamanan, katanyagan, kasiyahan, at kapangyarihan.  Kung ang pagkakaroon ng mga paninda ng mundo ay ang daanan sa kaligayahan, sa makatwid ang kadamihan sa mga tao ay walang pagkakataon sa kaligayahan.

– pili–na bunga ng kanilang kakapusan.  Nagiging talo-at- panalong laro ang buhay kung saan nahahati ang lipunan sa ‘mayroon’ at ‘wala.’  Habang umaawit si Bruce Springsteen sa kanyang kantang “Siyudad sa Antlantika”: “Dito sa ibaba ay panalo at talo lamang at Huwag pahuhuli sa maling gilid ng guhit na iyon.”

– lumilipas–na nangangahulugan na ang ating mga pangangailangan at kagustuhan ay nagbabago; hinding hindi natin maaabot ang dulo dahil laging may iba pa duong mimithiin.

– panandalian–ang kanilang pangunahing sagabal ay ang pagiging mababaw.  Bagama’t ang materyalismo, pagbubunyi, katayuan, at pagiging may kapangyarihan ay makakapagbigay-kasiyahan sa atin sa atin nang minsan, hindi nila tinutugunan ang pinakamalalim nating pananabik. Sa bandang huli, ang mga ito ay maglalaho: “Kapalaluan ng mga kapalaluan!  Ang lahat ng bagay ay kapalaluan” (Eclesiastes 1:2b).

Tunay na Pagkakakilanlan

Ang paghahangad sa kayamanan at kasiyahan ng mundong ito ay maaaring magkaroon ng mapangwasak na sikolohikal at espirituwal na mga pahiwatig.  Kung ang aking pagpapahalaga sa sarili ay nakasalalay sa aking mga pag-aari at mga nagawa, samakatwid ang kakulangan sa pinakabagong mga aparato o pagdanas ng ilang kabiguan ay nangangahulugan na hindi lamang ako mas mababa kaysa sa iba o nabigo ako sa ilang pagsisikap, ngunit nabigo ako bilang isang tao.  Ang paghahambing ng ating sarili sa iba at umasa sa pagiging perpekto ng ating sarili ay nagpapaliwanag ng pagkabalisa na nadadanasan ng napakadaming kabataan ngayon.  At habang tayo ay nagkakaedad at nagiging walang gaanong kakayahan, maaari nating mawalan tayo ng pakiramdam ng pagiging kapaki-pakinabang at pagpapahalaga sa sarili.

Wika sa atin ni Hesus na ang isa pa nating mapamimilian ay ang “paglingkuran ang Panginoon” na siyang Buhay mismo at nais na ibahagi ang Kanyang Buhay sa atin upang tayo ay maging katulad Niya at maipakita ang kababalaghan ng kanyang pagkatao.  Ang Huwad na Sarili, ang Lumang Sarili, ang Panindang Sarili ay humahantong sa pagtutuon sa sarili at sa espirituwal na kamatayan. Ngunit sa pamamagitan ng “paglilingkod sa Panginoon” tayo ay pumapasok sa Kanyang mismong pagkatao.  Ang Bagong Sarili, ang Tunay na Sarili ay si Kristo na nabubuhay sa atin; ang sarili ang inutusang magmahal dahil, gaya ng paalala sa atin ni San Juan, “Ang Diyos ay pag-ibig” (1 Juan 4:7b). Idinagdag ni San Pablo na kapag nasa atin ang Tunay na Sarili na iyon, tayo ay napapanumbalik sa larawan ng ating Lumikha (Colosas 3:1-4).

Ang ating kaalaman kung sino tayo ay nagpapadali na malaman kung ano ang gagawin.  Kung sino tayo ay mas walang hanggang mahalaga kaysa sa kung ano ang mayroon tayo sapagkat ang kaalaman natin kung sino tayo ang nagsasabi sa atin kung ano ang gagawin.  Tayo ay mga minamahal na anak ng Diyos na nilikha upang mahimlay sa pag-ibig ng Diyos.  Kung tayo ay nakatuon sa katotohanang iyon, ang alamin kung sino ang paglilingkuran ay hindi na isang mahirap na pagpasya.  Sa pagkopya kay Joshua, buong pagtitiwala nating masasabi, “Kung sa akin at sa aking sambahayan, kami ay maglilingkod sa Panginoon” (Josue 24:15).

Share:

Deacon Jim McFadden

Deacon Jim McFadden mga ministro sa Saint John the Baptist Catholic Church sa Folsom, California. Siya ay isang guro ng Teolohiya at naglilingkod sa pagbuo ng pananampalataya at espirituwal na direksyon at sa ministeryo ng bilangguan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles