Home/Makatawag ng Pansin/Article

Jun 23, 2021 699 0 Shalom Tidings
Makatawag ng Pansin

Ganap Nang Bayad

Iyon ay isang mainam na umaga sa pamilihan.  Magkasamang humahangos ang may edad nang mag-asawa sa mga pasilyo.  Nilayag ng matandang babae ang karwahe habang ang kanyang asawa ay painda-indayog sa pagkolekta ng mga gamit sa kanilang listahan.  Bigla na lang, habang paliko, natumbok ng karwahe ang isang estante na naglalaman ng mga pinggan.  Ang malakas na lagapak ay umalingaw ngaw.  Nagbulungan ang mga tao at tumanga sa kalamidad.Kinakabahang sumilip ang matandang babae sa mga basag na pinggan na nakapaligid sa kanila.  Namumula sa kahihiyan, sya’y napaluhod, balisang pinulot ang mga basag na piraso, habang sinimulan ng kanyang asawa na mag-alis ng mga bar codes mula sa mga nabasag na pinggan at paungol na nagsabing “Ngayon, kailangang bayaran natin ang lahat ng ito!”

Ang bawat tao’y nakatayo lamang doon, nakapako ang tingin sa kanya, hanggang sa ang tagapangasiwa ng tindahan ay mabilis na dumating. Nakaluhod sa sahig sa tabi niya, sinabing, “Iwan mo, lilinisin namin ito.  Kunin namin ang iyong impormasyon nang sa gayon ay maka punta ka sa ospital para matingnan ang hiwa sa iyong kamay.”

Namimighati, ang babae ay walang magawang napatitig sa kapinsalaan sa kanilang paligid, “Ngunit kailangan ko munang magbayad para sa lahat ng ito.”  Ang tagapangasiwa ay ngumiti habang tinulungan siyang makatayo na nagsasabing, “Hindi po, mayroon kaming seguro para dito, hindi mo na kailangang magbayad ng anupaman.”

Isipin ang mga ginhawang kanyang nadama nang nauunawaan nya ang pagsisi at gastos ay na ganap na inalis mula sa kanyang mga balikat.  Ngayon, saglit nating isara ang ating mga mata at isalarawan ang Dios na ginagawa ang tulad nito sa atin!

Tipunin ang mga piraso ng iyong durog na puso, dinurog ng mga tampal at hampas na naranasan nito.  Ang seguro na bibinigay ng Dios laban sa pagbasag ay tinatawag na Biyaya. Kapag tinanggap natin Siya sa ating buhay, sinunod ang Kanyang Daan at humingi ng tawad, ang Tagapangasiwa ng Sangsinukob, sasabihin ng—DIYOS—, “Lahat ng bagay ay bayad na.”

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles