Home/Makatawag ng Pansin/Article

May 19, 2023 248 0 Denise Jasek
Makatawag ng Pansin

DAYENU

Naghahanap ka ba ng higit pa sa iyong buhay? Hawakan ang susi na ito upang maisiwalat ang misteryo.

Tuwing Sabado Santo, bilang paghahanda sa Pasko ng Pagkabuhay, ipinagdiriwang ng aming pamilya ang isang Kristiyanong bersyon ng Nakakamalay na Pagkain .  Kumakain kami ng tupa, matamis na panimpla , mapait na halamang gamot at nagdarasal kami ng ilan sa mga sinaunang panalangin ng mga Hudyo.

Ang ‘Dayenu’ ay isang masiglang awit na nagsasalaysay ng mga kabaitan at awa ng Diyos sa panahon ng Pag-alis, ay isang mahalagang bahagi ng Paskuwa Seder. Ang salitang “Dayenu” ay isang terminong Hebreo na nangangahulugang “sapat na sana para sa amin,” o “sapat na.” Sinusuri ng kanta ang mga pangyayari sa Exodo at ipinahayag, “Kung inilabas tayo ng Diyos sa Ehipto at hindi nagsagawa ng mga paghatol laban sa mga Ehipsiyo, Dayenu! Sapat na sana iyon. Kung nagsagawa Siya ng mga paghatol laban sa kanila, at hindi laban sa kanilang mga diyus-diyosan…Dayenu, at iba pa. Kahit sino sa mga awa ng Diyos ay sapat na. Ngunit ibinigay Niya sa atin ang lahat ng ito!

Tulad ng marami sa atin, ginugol ko ang karamihan sa aking kabataan sa walang katapusang paghahanap para sa isang bagay na sapat o kasiya-siya. Palaging naroon ang hindi mapawing pananabik—isang pakiramdam na may ‘iba pa’ doon, ngunit hindi ko lubos maisip kung ano, saan, o sino iyon. Hinabol ko ang karaniwang pangarap ng mga Amerikano na magagandang marka, mga kapana-panabik na pagkakataon, tunay na pag-ibig, at isang kasiya-siyang karera. Ngunit ang lahat ng ito ay nag-iwan sa akin ng pakiramdam na walang natupad.

Nang Matagpuan Ko Siya

Naalala ko noong sa wakas ay nakita ko na ang hinahanap ko. Ako ay 22 taong gulang at nakilala ko ang mga tunay na Kristiyano na aktibong naghahangad na sumunod kay Jesus. Ang kanilang impluwensya ay nakatulong sa akin na mas lubusang yakapin ang aking sariling pananampalatayang Kristiyano, at sa wakas ay nasumpungan ko na ang kapayapaang hinahangad ko. Si Hesus ang Isa na hinahanap ko.

Natagpuan ko Siya habang naglilingkod sa iba, habang sinasamba Siya, naglalakad sa gitna ng Kanyang mga tao, nagbabasa ng Kanyang Salita, at ginagawa ang Kanyang Kalooban.

Napagtanto ko sa unang pagkakataon na ang aking pananampalataya ay higit pa sa isang obligasyon sa Linggo. Napagtanto ko na palagi akong nasa mabuting piling ng isang Diyos na nagmamalasakit sa akin at gustong magmalasakit ako sa iba. Nais kong matuto nang higit pa tungkol sa Mapagmahal na Diyos na ito. Binuksan ko ang maalikabok kong Bibliya. Nagmisyon ako sa Cameroon, Africa. Isang taon akong nanirahan sa pakikiisa sa mga mahihirap sa isang Katoliko Bahay ng Manggagawa .

Ang ‘Kapayapaan ni Kristo na nakahihigit sa lahat ng pang-unawa’ ay pumaligid sa akin at hindi ako pinabayaan. Ako ay nabalot ng Pag-ibig ni Jesus na ang mga tao ay walang pili na lalapit sa akin at magtatanong kung bakit ako mapayapa, at kung minsan ay talagang sinusundan ako.

Si Maria, ang Mahal na Ina ng aking Panginoon, at Tagapagligtas, ay gumabay sa aking bawat hakbang. Ang Rosaryo at pang-araw-araw na Misa ay naging kailangang-kailangan na bahagi ng aking espirituwal na pagkain at kumapit ako kay Maria at kay Hesus na para bang ang aking buhay ay nakasalalay dito.

Gayunpaman, sa isang dako sa susunod na yugto ng aking buhay, nawala sa akin ang pakiramdam ng Dayenu, ang pakiramdam ng kasiyahan at ang malalim na kapayapaan na higit sa lahat ng pang-unawa. Hindi ko masabi nang eksakto kung paano o kailan. Ito ay unti-unti. Kahit papaano, habang namumuhay sa aktibong pagpapalaki ng limang anak at pagbabalik sa trabaho, naipit ako sa kaabalahan ng buhay. Akala ko kailangan kong punan ang bawat sandali ng paggising at maging produktibo. Hindi maganda ang araw na iyon maliban lang kung may nagawa ako, o ilang mga bagay.

Mga Bulsa ng Katahimikan

Ngayong ang aking limang anak ay halos lahat ay malaki na, natutukso pa rin akong lumundag nang buong lakas pabalik sa mundo at punan ang bawat oras ng paggising ng may kasamang mga gawain. Ngunit patuloy na hinihila ng Panginoon ang aking puso na gumugol ng mas maraming oras sa Kanya at sinadyang lumikha ng mga bulsa ng katahimikan sa aking araw upang marinig ko nang malinaw ang Kanyang Tinig.

Upang aktibong bantayan ang aking isip at puso mula sa ingay ng mundo, gumawa ako ng isang kaugaliang pamamaraan na tumutulong sa akin para manatiling nakikipag-ugnayan sa Diyos. Tuwing umaga, ang unang bagay na ginagawa ko (pagkatapos asikasuhin ang mga mahahalagang bagay tulad ng kape at tignan ang mga bata sa pagpasok sa paaralan) ay magdadasal na ako ng pang-araw-araw na pagbabasa ng Misa, mag-Rosaryo, at dumalo sa araw-araw na Misa,  Bibliya. Rosaryo. Eukaristiya. Ang mga gawaing iyon ang nagdudulot sa akin ng kapayapaan at nakapagtutuon sa akin kung paano gugulin ang natitirang bahagi ng aking araw. Minsan may ilang tao, isyu, at iba’t ibang gawain ang pumapasok sa isip habang nagdarasal, at sinisiguro ko na (sa huling bahagi ng araw) na makausap o ipagdasal ang taong iyon, ipagdasal ang alalahanin na iyon, o tapusin ang mga gawaing iyon. Nakikinig lang ako sa Diyos, at kumikilos ako ayon sa pinaniniwalaan kong hinihiling Niya sa akin sa araw na iyon.

Hindi lahat ng araw ay pareho. Ang ilang mga araw ay mas puno kaysa sa ibang mga araw. Hindi ako palaging tumutugon nang mabilis sa abot ng kaya ko o nagmamahal ng husto na siyang dapat. Ngunit iniaalay ko sa Panginoon ang lahat ng aking mga panalangin, gawa, kagalakan, at pagdurusa sa simula ng bawat araw. Pinatatawad ko ang iba sa kanilang mga paglabag, at nagsisisi ako sa anumang pagkukulang ko sa katapusan ng bawat araw.

Ang aking layunin ay malaman sa kaibuturan ng aking puso na ako ay naging isang mabuti at tapat na lingkod at ang aking Panginoon ay nalulugod sa akin. Kapag nadarama ko ang kasiyahan ng Panginoon, nasusumpungan ko ang malalim at walang hanggang kapayapaan.

At ang Dayenu… ay sapat na!

Share:

Denise Jasek

Denise Jasek ay isang minamahal na anak ng Diyos na lubos na nagpapasalamat sa kanyang pananalig, kanyang limang mga anak na puno ng pananampalataya, kanyang kabiyak na si Chris, at pagkakataong makapaglingkod sa ministeryo ng musika at kampus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles