- Latest articles
Sa isang nakakapasong hapon sa mga lansangan ng Calcutta, nakilala ko ang isang batang lalaki…
Ang panalangin ay isang hindi maikakaila, sentro, at mahalagang bahagi ng buhay ng bawat Kristiyano. Gayunpaman, binigyang-diin ni Hesus ang dalawa pang bagay na malinaw na sumasabay sa panalangin—pag-aayuno at paglilimos (Mateo 6:1-21). Sa panahon ng Kuwaresma at Adbiyento, partikular tayong tinatawag na maglaan ng mas maraming oras at pagsisikap sa lahat ng tatlong gawaing asetiko. ‘Higit pa’ ang mahalagang salita. Ano pa man ang kapanahunan natin, ang radikal na pagkakait sa sarili at pagbibigay ay patuloy na panawagan para sa bawat binyagang mananampalataya. Humigit-kumulang na walong taon na ang nakalilipas, literal na pinatigil ako ng Diyos upang pag-isipan ang tungkol sa bagay na ito.
Hindi Inaasahang Pagtatagpo
Noong 2015, nagkaroon ako ng malaking pribilehiyo at pagpapala na tuparin ang isang panghabambuhay na pangarap na makasama at mapaglingkuran ang ilan sa mga kapatid na higit na nangangailangan sa buong mundo sa Calcutta, India, kung saan ang mahihirap ay inilarawan hindi lamang bilang mahirap kundi ang ‘pinakamahirap sa mga dukha.’ Mula sa paglapag ko, parang may kuryenteng dumaloy sa aking mga ugat. Nadama ko ang napakalaking pasasalamat at pagmamahal sa aking puso na mabigyan ng kamangha-manghang pagkakataong ito na maglingkod sa Diyos kasama ng relihiyosong orden ni Santa Mother Teresa, ang Missionaries of Charity. Ang mga araw ay mahaba ngunit ganap na puno ng aksyon at biyaya. Habang nandoon ako, hindi ako nag-isip na magsayang ng sandali. Pagkalipas ng 5 sa umaga ito ang simula ng bawat araw na may isang oras ng pagdarasal, kasunod ang Banal na Misa at almusal, pagkatapos kami ay aalis upang maglingkod sa isang tahanan para sa mga maysakit, dukha, at mamamatay na matatanda. Samantalang nagpapahinga sa oras ng pananghalian, makalipas ang hindi mabigat na pagkain, marami sa mga kapatid sa relihiyon na aking tinutuluyan ay nag-siesta upang muling magkarga ng kanilang mga baterya, upang maging handang muli sa hapon at hanggang sa gabi.
Isang araw, sa halip na magpahinga sa bahay, nagpasya akong maglakad-lakad para maghanap ng lokal na kapihan na may internet, para makipag-ugnayan sa aking pamilya sa pamamagitan ng email. Sa pagliko ko sa isang sulok, nakasalubong ko ang isang batang lalaki na nasa edad pito o walong taong gulang. Bakas sa mukha niya ang magkahalong pagkabigo, galit, lungkot, sakit at pagod. Ang buhay ay tila nagsimula nang magpahirap sa kanya. Dala-dala niya sa kanyang balikat ang pinakamalaking malinaw, matibay na plastik bag na nakita ko sa buhay ko. Naglalaman ito ng mga plastik na bote at iba pang mga bagay na plastik, at ito ay puno.
Nadurog ang puso ko habang tahimik naming sinusuri ang isa’t isa. Napunta sa isip ko kung ano ang maibibigay ko sa batang ito. Nadurog ang puso ko, nang dumukot ako sa aking bulsa, napagtanto ko na may kaunting sukli lang ako para magamit ko sa internet. Naghahalaga ito ng wala pang isang pound sa English money. Habang ibinibigay ko iyon sa kanya, na nakatingin sa mata niya, parang nagbago ang buong pagkatao niya. Siya ay nabuhayan at nagpapasalamat, habang ang kanyang magandang ngiti ay nagliliwanag sa kanyang magandang mukha. Nag kamayan kami, at naglakad na siya. Habang nananatili akong nakatayo sa likurang kalye ng Calcutta, namangha ako dahil alam kong personal na itinuro sa akin ng Makapangyarihang Diyos ang makapangyarihang aral na nakapagpabago ng buhay sa pamamagitan ng pagtatagpong ito.
Pag-aani ng mga Pagpapala
Pakiramdam ko ay magandang naitinuro sa akin ng Diyos sa sandaling iyon na hindi ang aktwal na regalo ang mahalaga kundi ang disposisyon, intensyon, at pagmamahal mula sa puso kung saan ibinibigay ang isang regalo. Maganda ang pagbubuod nito ni Santa Mother Teresa sa pagsasabing, “Hindi lahat tayo makakagawa ng mga dakilang bagay, ngunit magagawa natin ang maliliit na bagay nang may dakilang pagmamahal.” Sa katunayan, sinabi ni San Pablo, Ipamigay ko man ang lahat kong ari-arian, at ialay ko man ang aking katawan upang sunugin, kung wala naman akong pag-ibig, walang kabutihang maidudulot ito sa akin! (1 Korinto 13:3).
Inilarawan ni Hesus ang kagandahan ng pagbibigay, na kapag tayo ay “nagbigay… ito ay ibabalik sa atin; Magbigay kayo,at bibigyan kayo ng Diyos: hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang takalang ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamitin ng Diyos sa inyo.” (Lukas 6:38). Ipinaalala rin sa atin ni San Pablo na “Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; ang Diyos ay di madadaya ninuman. Kung ano ang inihasik ng tao, iyon din ang kaniyang aanihin” (Gal 6:7). Hindi tayo nagbibigay para makatanggap, ngunit ang Diyos sa Kanyang walang hanggang karunungan at kabutihan ay personal tayong pinagpapala sa buhay na ito at gayundin sa susunod kapag tayo ay humakbang dahil sa pag-ibig (Huan 4:34-38). Gaya ng itinuro sa atin ni Jesus, “higit na mapalad ang magbigay kaysa tumanggap” (Mga Gawa 20:35).
'Hindi ko napagtanto ang aktwal na kahulugan ng “pamatok” hanggang sa…
Sa pagkakadama ng kabigatan sa umagang ito, alam kong iyon ay malinaw na tawag na mag-ukol ng karagdagang oras sa pananalangin. Sa pagkaalam na ang presensya ng Diyos ang panlunas sa lahat ng karamdaman, namalagi ako sa aking “silid ng pag darasal,” na, para sa ngayon, ay matatagpuan sa aking beranda. Mag-isa, maliban sa huni ng mga ibon at payapang simoy ng hangin na tumatagos sa mga puno, namahinga ako sa mga tunog ng malumanay na tugtuging pangsamba na nagmumula sa aking telepono. Madalas kong naramdaman ang kalayaan na nagmumula sa pagpalis ng aking paningin sa aking sarili, sa aking mga pakikipag-ugnayan, o sa mga alalahanin ng mundo. Ang pagbaling ng aking pansin sa Diyos ay nagpaalala sa akin ng talata mula sa Awit 22: “Ikaw ay banal, nasa trono, pinaparangalan ng Israel” (3). Sa katunayan, ang Diyos ay naninirahan sa mga papuri ng kanyang mga tao.
Nagsimula akong makadama na ako’y nakasentro minsan pa, malaya sa mga pasanin na umaaligid sa ating bansa at mundo. Bumalik ang kapayapaan nang maramdaman kong na ang tawag para sa akin ay hindi ang pasanin ang mga ito kundi yakapin ang pamatok na iniaalok ni Hesus sa Ebanghelyo ni Mateo: “Kayong lahat na napapagal at nabibigatang lubha, pumarito kayo sa akin at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin sapagkat ako ay maamo at mababang-loob. At masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa.” (11: 28,29).
Tatak Ng Kristiyano
Kapwa ng mga magulang ko ay lumaki sa mga bukid. Maaaring nakakita sila ng dalawang hayop na pinagsama ng balagbag na kahoy na nakapatong sa kanilang mga leeg, ngunit ako ay hindi. Palagi kong binibigyang-kahulugan ang talatang iyon sa pamamagitan ng paggunita kay Hesus na katuwang natin sa buhay. Siya, na binabalikat ang bigat ng pasan, at ako, na naglalakad katatabi, ginagawa ang dapat kong gawin sa Kanyang tulong at patnubay.
Ngunit kamakailan, nalaman ko na ang isang “pamatok” ay isang unang-siglong idiyoma sa hudiyo na nangangahulugan ng isang bagay na ganap na naiiba sa agraryong imahe ng mga baka na magkakakkabit sa kanilang mga leeg.
Ang “pamatok,” gaya ng ginamit ni Hesus, ay tumutukoy sa koleksyon ng mga turo ng isang gurong Hudyo. Sa pagpili na sundin ang mga aral ng isang partikular na gurong Hudyo, ang isang tao ay nagiging alagad Niya at pinipiling lumakad na kasama Niya. Sa diwa, sinasabi ni Hesus, “Ipinpaikita ko sa iyo kung ano ang kasintulad ng maglakad kasama ang Diyos.” Ito ay hindi isang tungkulin o isang obligasyon kundi isang tanging karapatan at isang handog! Bagama’t nadanasan ko ang “pamatok” ni Hesus bilang isang tanging karapatan at isang handog, ang “mga kaguluhan sa mundo” na ipinangako niya na dadanasain natin ay madalas na nagpapatamlay sa aking kagalakan na siyang tanda ng isang Kristiyano.
Sa panalangin ngayong umaga, binuksan ko ang isang aklat, na isinulat ng isang paring Franciscano, halos dalawampu’t limang taon na ang nakakalipas, at bumaling sa pahina na parang isinulat ngayon:
‘Kapag ang biyaya ay hindi na isang katotohanang nadanasan, tila ang larangan ng kalayaan ay nawala na din…Napakadaling gawing magmukhang demonyo ang kabilang panig. Maliwanag nating nakikita ito sa mga halalan sa bansang ito. Ang alam ng magkabilang partido ay kung paano gawin ay ang pag-atake sa kabilang panig. Wala tayong kahit ano mang bagay na mapapaniwalaan, ano mang bagay na may lubos na kabatiran o masagana, o matindi. Ang di-mabuting pagkakakilanlan, gaano man ito kababaw, ay mas madaling maganap kaysa sa matapat na pamimili. Ang sa totoo, mas madaling maging laban kaysa maging panig. Maging sa Simbahan, madami ang walang mainan na pasulong na napananaw kaya pinangungunahan nila ang paglusob nang paatras o salungat. Pansinin na ang pagkaunawa ni Hesus tungkol sa ‘Paghahari ng Diyos’ ay lubos na positibo—hindi nakabatay sa takot o laban sa sinumang indibiduwal, grupo, kasalanan, o problema.’ (Everything Belongs, 1999).
Paunti-unti
Ang bigat na naramdaman ko ay sanhi hindi lamang sa kawalan ng pagkakaisa sa ating bansa kundi pati na din sa loob ng sarili kong grupo na, tulad ko ay, tumatawag kay Hesus na “Panginoon,” ngunit tila hindi kayang igalang ang ibang tawag at landas ng kapwa. Sa pagkaalam na naipanumbalik ni Hesus ang dangal sa mga ipinahiya ng lipunan, hindi ba dapat, bilang Kanyang mga tagasunod, ito ang ating hangarin na gawin para sa isa’t isa? Kasama, hindi pwera; ang pagtulong, hindi pagtalikod; pakikinig, hindi panunumbat.
Ako mismo ay nahirapan dito. Mahirap unawain kung paanong makita ng iba ang mga bagay sa paraang na para sa akin ay tila taliwas sa mensahe ng Kristiyano, ngunit gayun pa man ay nahihirapan silang sumilip sa lente na kung saan ngayon ay namasdan ko ang “pamatok” ni Jesus. Napag-alaman ko ilang taon na ang nakalipas ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang espiritong “natuturuan”. Madali para sa atin na maramdaman na taglay natin ang tanging katotohanan, samantala, kung tayo ay matatag na mga alagad, patuloy nating mapapalawak ang ating pangitain sa pamamagitan ng hindi lamang panalangin kundi sa pamamagitan ng pagbabasa, pagninilay sa Banal na Kasulatan, at pakikinig sa mga mas matalino kaysa sa ating sarili. Sinoman ang ating pinili upang pahintulutan sa puwesto ng panghihikayat sa atin ay napakamahalaga. Ang mga taong may subok nang pananampalataya at katapatan na namuhay ng “buhay na karapat-dapat sa kanilang pagkakatawag” ay karapat-dapat sa ating pansin. Higit sa lahat, ang halimbawa ng mga huwaran ng pag-ibig, na nagnanasa ng ikabubuti ng lahat, ay tutulong sa na umunlad at magbago sa paglipas ng mga taon. Ang ating pagkatao ay mapapadalisay, unti-unti, habang tayo ay “nagbabagong anyo upang maging kalarawan ni Kristo.”
Kung tayo, sa lahat ng ating kaliwanagan, ay nararamdaman pa din na dapat nating sabihin ang katotohanan ayon sa pagkakaunawa natin, kahit na may pag-ibig na kaakibat nito, napakadaling magkamali sa pag-iisip na tayo ang tinig ng Banal na Espirito sa buhay ng isang tao! Ang Diyos lamang ang nakakaalam ng puso, isipan, at pagtalima ng isang buhay na inalay para sa Kanya. Ang gawain ng Kanyang Espirito at ang tugon ng iba ay hindi natin nasasakupan.
Tiyak, ang isang mabuting magulang ay hindi maguturo ng daliri sa isang bata at igiit na kumilos sila tulad ng isang may sapat na gulang. Nauunawaan ng isang mabuting magulang na kailangan ng madaming taon, madaming pagtuturo, at isang magandang halimbawa upang maging ganap na ang isip ng bata. Sa kabutihang palad, mayroon tayong napakabuting Magulang! Muling sumaisip ang Awit 22. Ang mismong salmo na binanggit ni Hesus sa krus, sa gitna ng Kanyang pasakit at pagdurusa, ay nagtatapos sa paalala na ang bawat henerasyon ay magsasabi sa kanilang mga anak tungkol sa mabubuting bagay na ginawa ng Panginoon. Sagana ang biyaya, at kasunod ang kalayaan. Nagpasiya akong muli na ialay kapwa ang sa mga hindi ko maintindihan at hindi makaintindi sa akin.
Ang Isa na kasama ko sa pamatok pang-habang buhay ay nagpapakita sa akin ng daan.
'Si Inigo Lopez ay ipinanganak sa isang marangal na pamilya noong ika-15 siglong Espanya. Dahil sa mga mithiin ng magalang na pag-ibig at pagiging kabalyero, siya ay naging isang maalab na mandirigma. Habang ipinagtatanggol ang kanyang katutubong bayan ng Palermo laban sa mga mananakop na Pranses, si Inigo ay malubhang nasugatan ng isang kanyon loob, nakuha ni Inigo ang paghanga ng mga sundalong Pranses na naghatid sa kanya pauwi upang magpagaling sa halip na ipadala siya. sa kulungan.
Sa planong palipasin ang panahon ng kanyang pagpapagaling sa kanyang pagkakaratay nagbasa siya ng mga nobela tungkol sa romansa at siya ay naaliw, nadismaya si Inigo nang malaman na ang tanging mga aklat na mayroon ay tungkol sa buhay ng mga Banal. Nag-aatubili siyang binasa ang mga aklat na ito ngunit hindi nagtagal siya ay nabaon na sa pagbabasa, nagbabasa nang may pagkamangha tungkol sa mga maluwalhating buhay. Dahil sa pagka ispirado sa mga kuwento, tinanong niya ang kanyang sarili: “Kung kaya nila, bakit hindi ako?”
Ang tanong na ito ay bumagabag sa kanya habang siya ay pagaling na mula sa kanyang pinsala sa tuhod. Ngunit ang banal na kaguluhang ito na inihasik ng mga banal sa kanya ay lalong lumakas at sa bandang huli siya ay nabuo bilang isa sa mga pinakadakilang santo ng Simbahan: Ignatius ng Loyola.
Nang gumaling, iniwan ni Ignatius ang kanyang kutsilyo at espada sa altar ng Our Lady of Montserrat. Ipinamigay niya ang kanyang mga mamahaling damit at nagsimulang tahakin ang landas ng Banal na Panginoon. Ang kanyang tapang at pagnanasa ay hindi nabawasan, ngunit magmula noon ang kanyang mga laban ay para na sa hukbo ng Langit, na nakakapagpanalo ng mga kaluluwa para kay Kristo. Ang kanyang mga isinulat, lalo na ang mga Espirituwal na Pagsasanay, ay nakaantig sa hindi mabilang na buhay at nagturo sa kanila sa daan patungo sa kabanalan at kay Kristo.
'Q – Ang aking mag-anak ay may suliranin sa isa sa aking mga kapatid, at madalas na kailangan kong masalita tungkol sa kanya sa iba ko pang mga kapatid. Ito ba ay pagbubunton? Ito ba ày tsismis? Okay lang ba, o makasalanan?
A – Pinapahalagahan ni Santiago ang mga hamon ng pagtimpi sa dila. Sa ikatlong kabanata ng kanyang Kalatas, isinulat niya, “Kapag nilagyan natin ng renda ang mga bibig ng mga kabayo upang sundin tayo, kaya nating ibaling ang kanilang buong katawan…Gayundin, ang dila ay isang maliit na bahagi ng katawan, ngunit napakalaki ng nagagawang kayabangan. Isipin kung paanong ang isang malawak na kagubatan ay napapalagablab ng isang maliit na kislap. Ang dila din ay isang apoy, isang daigdig ng kasamaan na kabilang sa mga bahagi ng ating katawan. Lahat ng uri ng hayop ay napaamo ng sangkatauhan, ngunit walang taong makakapagpaamo sa dila. Ito ang ginagamit natin sa pagpupuri sa ating Panginoon at Ama, at ito din ang ginagamit natin sa paglait sa taong nilalang kawangis ng Diyos. Sa iisang bibig nanggagaling ang papuri at sumpa. Mga kapatid, ito ay hindi dapat maganap. Maaari ba na ang kapwa tubig-tabang at tubig-alat ay umagos mula sa iisang bukal?” (Santiago 3:3-12).
Ang Amerkanong punong-abala sa radio na si Bernard Meltzer ay minsang naglatag ng tatlong panuntunan sa kung dapat ba o hindi na tayo ay magsabi ng isang bagay tungkol sa ibang tao. Ito ba ay kinakailangan? Ito ba ay totoo? Ito ba ay malumanay?
Ang mga ito ang tatlong mahahalagang katanungan! Kapag pinag-uusapan ang iyong kapatid na babae, kinakailangan bang malaman ng iba pang miyembro ng iyong pamilya ang tungkol sa kanyang mga pagkakamali at pagkukulang? Inihahayag mo ba ang katotohanang nilalayon o pinalalaki ang kanyang mga kahinaan? Ipinagpapalagay mo ba ang pinakamahusay sa kanyang mga layunin, o pinahihintulutan mong tuligsain ang mga negatibong motibo sa kanyang mga kilos?
Minsan, isang babae ang nagtungo kay San Philip Neri at ikinumpisal ang kasalanan na tsismis. Bilang parusa, inatasan siya ni Fr. Neri na kumuha ng unan na puno ng mga balahibo at punitin ito sa ibabaw ng isang mataas na tore. Inakala ng babae na iyon ay isang kakaibang penitensiya, ngunit tinyoad niya ito at minasdan ang mga balahibo na lumipad sa apat na direksyon. Sa pagbabalik sa santo, tinanong niya kung ano ang ibig sabihin nito. Sumagot siya, “Ngayon, humayo ka at tipunin ang lahat ng mga balahibong iyon.” Tumugon siya na hindi ito magagawa. Sumagot siya, “Gayundin ang mga salitang sinasabi natin. Hindi na natin sila maibabalik dahil ipinadala sila sa hangin sa mga lugar na hindi natin mauunawaan.”
Ngayon, may mga pagkakataon na kailangan nating ibahagi ang mga hindi magandang bagay tungkol sa ibang tao. Nagtuturo ako sa isang Katolikong paaralan, at kung minsan kailangan kong ibahagi ang ilang bagay tungkol sa pag-uugali ng isang mag-aaral sa isang kasamahan. Ito ay palaging nagbibigay sa akin ng pag-aalinlangan—ginagawa ko ba ito para sa mga tamang dahilan? Tunay bang ninanais ko ang pinakamahusay para sa mag-aaral na ito? Madaming ulit na nakikita ko ang aking sariling nasisisyahan na magbahagi ng mga kwento tungkol sa mga mag-aaral nanakakasira sa kanila, at kapag nasiyahan na ako sa kanilang mga kasawian o masamang pag-uugali, sa sandaling iyon, tiyak na lumampas na ako sa linya tungo sa pagkakasala.
May tatlong uri ng kasalanan na nakakasira sa karangalan ng ibang tao. Mayroong padalos-dalos na paghatol, na nangangahulugang napakabilis nating ipinapalagay ang pinakamasama tungkol sa pag-uugali o layunin ng isang tao. Pangalawa, mayroong paninirang-puri, na nangangahulugang pagsasabi ng mga di-mabuting kasinungalingan tungkol sa ibang tao. Pangwakas, ang panliliit ay ang pagsisiwalat ng mga pagkakamali o pagkukulang ng ibang tao nang walang mabigat na kadahilanan. Kaya, sa kaso ng iyong kapatid na babae, isang panliliit ba na ibahagi ang kanyang mga pagkukulang? Kaya lang, nang walang mabigat na kadahilanan. Matanong mo ang iyong sarili: kung hindi mo ibahagi ang kanyang mga pagkukulang, siya ba o ang isa pang tao ay mapipinsala? Kung hindi–at ito ay para lamang “magbunto”–samakatwid tayo ay tunay na nagpakasawa sa kasalanan ng paninira. Ngunit kung ito ay tunay na kinakailangan para sa ikabubuti ng pamilya, kung gayon matuwid na siya ay pag-usapan nang patalikod.
Upang mapaglabanan ang mga pagkakasala ng dila, ipinapayo ko ang tatlong bagay. Una, ipamahagi mo ang magagandang bagay tungkol sa iyong kapatid! Ang bawat isa ay may mga mapantubos na katangian na maaari nating pag-usapan. Pangalawa, dasalin ang Pagpupuri isang magandang panalangin na lumuluwalhati at pumupuri sa Diyos, bilang kabayaran sa paggamit natin ng ating dila nang pasalungat. Panghuli, isaalang-alang kung paano natin nais na mapag-usapan. Walang sinuman ang magnanais na ipagparangya ang kanilang mga pagkakamali. Kaya, pakitunguhan natin ang ating kapwa nang may pagkahabag sa ating pananalita, sa pag-asang matatamo natin ang kawangis na kabaitan!
'Walang hanggang kagandahan ay hindi na malayong pangarap…
Ang aming pananabik na magmukhang kaakit-akit ay pangkalahatan. Mula pa noong panahon ng Bibliya, ang mga lalaki at babae ay magkaparehong nagsisikap na pagandahin ang kanilang mga katawan sa pamamagitan ng pag-aayos, diyeta, ehersisyo, pagpapaganda, alahas, pananamit, at iba pang palamuti. Dahil tayo ay ginawa ayon sa larawan at wangis ng ating Lumikha, na Siyang Kagandahan, hindi kataka-taka na tayo ay naghahangad na ipakita ang mga aspeto ng Kanyang kagandahan sa ating pisikal na anyo—sa katunayan, niluluwalhati ang Diyos sa ating mga katawan, gaya ng hinihimok sa atin na gawin (1 Corinto 6:20).
Ngunit ang ating kasalukuyang sekular na edad ay malakas na naghahayag ng ating mga pagkukulang araw-araw: hindi tayo sapat na maganda, hindi sapat na guwapo, hindi sapat na payat, hindi sapat na buff, hindi sapat na bata, hindi masyadong naka-istilong, atbp. Bawat taon, ang mga maaakit na mamimili ay bumibili ng napakaraming hindi kailangan mga pampaganda, mga produktong pampaganda, at mga kaugnay na serbisyo. Nakalulungkot, ang mga invasive na operasyon, iniksyon, filler, at iba pang mga kahina-hinalang cosmetic procedure ay nagiging pangkaraniwan, kahit na sa mga wala pang apatnapu.
Walang Kapintasan ang Kagandahan
Bilang mga Kristiyanong nabubuhay sa mundo ngunit hindi sa mundo, paano tayo magiging maganda? Si San Augustine, na nakikipagbuno sa mismong tanong na ito ilang siglo na ang nakalilipas, ay nagbigay sa atin ng walang hanggang sagot na ito sa isang sinaunang homiliya: ‘Sa pamamagitan ng pagmamahal sa Kanya na laging maganda. At ang sukat na lumalago ang pag-ibig sa iyo, sa parehong sukat ay lalago ang iyong kagandahan. Sapagkat ang pag-ibig sa kapwa ay tunay na kagandahan ng kaluluwa.’ (Sampung Homiliya sa Unang Sulat ni Juan, Ikasiyam na Homiliya ika siyam na talata )
Ang tunay na kagandahan ay nagmumula sa pag-ibig na nagniningning mula sa ating mga mata, ang “ilawan ng katawan” (Lucas 11:34), hindi sa kulay ng ating buhok o labi. Tunay nga, tinawag tayo ni Jesus na “ilaw ng sanlibutan” (Mateo 5-14)—ang ating mga ngiti ay dapat magningning ng Kanyang pagmamahal at magpapaliwanag sa buhay ng iba. Sa huli, ang kagandahan ng ating Kristiyanong saksi ay dapat makaakit ng iba sa kagandahan ni Kristo at ng Kanyang Simbahan, ang ating pangunahing misyon sa buhay na ito sa lupa.
Gayunpaman, bagama’t handa ang ating espiritu, kung minsan ang ating laman ay sumusuko sa maling ebanghelyo ng mundo ng kakulangan. Sa gayong mga sandali ng kahinaan ng tao, napasigla ako ng hindi mapag-aalinlanganang mensahe ng Diyos sa Awit ng mga Awit: “Ikaw ay maganda sa lahat ng iyong mga lakad, aking kaibigan. Walang kapintasan sa iyo” (4:7).
Bagama’t maaaring pagod na ang aking katawan sa loob ng ilang taon, nagpapasalamat ako na nabuhay ako nang sapat para matanggap ang aking kulay abong “korona” (Mga Kawikaan 16:31) at, oo, ang mga kulubot, na kumakatawan sa maraming karanasan at pagpapala na gusto ko. huwag ipagpalit ang makinis na balat.
Marahil ikaw ay isang ina, at ang iyong pigura ay nagbago sa pagbubuntis. Ngunit ang iyong katawan ay himala—ito ay naglihi, nagdala, at nagsilang ng isang anak ng Diyos. Nawa’y magalak ka sa iyong pagkamabunga na nagpalago sa Kanyang kaharian!
Marahil ikaw ay isang tinedyer, at ang iyong katawan ay sumasailalim sa hindi komportable na mga pagbabago; to compound matters, baka feeling mo hindi ka nababagay sa sikat na crowd. Ngunit ikaw ay gawain ng Diyos sa pag-unlad—isang obra maestra na Kanyang ginagawang kakaiba upang matupad ang iyong espesyal na layunin. Tungkol naman sa ‘popular’ na pulutong, nawa’y mahikayat kang manalangin para sa kanila; goodness knows, meron silang insecurities.
Marahil ikaw ay nasa katanghaliang-gulang at naglagay ng ilang labis na pounds sa mga nakaraang taon, o marahil palagi kang nakikipagpunyagi sa labis na katabaan. Bagama’t mahalaga ang pagkain at ehersisyo sa pagkamit at pagpapanatili ng malusog na katawan, mahal ka ng Diyos nang eksakto kung ano ka—nawa’y maging matiyaga ka sa iyong sarili at ipagkatiwala ang iyong sarili sa Kanyang magiliw na mga kamay.
Marahil ay nakikipaglaban ka sa isang sakit tulad ng kanser at nagdadala ng nakikitang epekto ng paggamot nito. Habang nanghihina ang iyong katawan, pinapasan ni Kristo ang Krus kasama mo. Ihandog ang iyong pagdurusa sa Kanya, at bibigyan ka Niya ng sapat na lakas at katatagan para gawin kang tanglaw ng pag-asa sa mga nakapaligid sa iyo na humaharap sa sarili nilang mga hamon. Nawa’y maaliw ka sa mabuting gawa ng Diyos na nagawa sa pamamagitan ng iyong matapang na halimbawa.
Marahil ay mayroon kang mga permanenteng peklat o disfigure mula sa nakaraan o kasalukuyang hamon sa kalusugan—nawa’y maaliw ka sa kaalaman na ang mga pockmark ni Saint Kateri ay mahimalang nawala pagkatapos ng kanyang kamatayan. Sa katunayan, sa ating tunay na tahanan sa Langit, babaguhin ni Kristo ang ating mababang katawan upang maging katulad ng Kanyang maluwalhating katawan (Filipos 3:20-21), at tayo ay magniningning tulad ng mga bituin (Daniel 12:3).
Perpektong Pinalamutian
Sa ngayon, tayo ang gusto ng Diyos sa atin. Hindi natin kailangang baguhin ang ating panlabas o pagbutihin ang kagandahang ibinigay Niya sa atin. Dapat nating tanggapin ang ating sarili kung ano tayo at mahalin ang ating sarili kung ano tayo. Ang pinakamahalagang bagay na magagawa natin ay ang mahalin si Hesus. Sa antas na ang ating mga puso ay puno ng Kanyang pag-ibig, ang ating katawan ay magpapakita ng Kanyang kagandahan.
Pero hindi ito paligsahan ng pagandahan. Bagama’t ang mundo ay karaniwang kumikilos sa prinsipyo ng kakapusan upang madama natin na kailangan nating makipagkumpetensya upang makuha ang ating patas na bahagi, si Kristo ay kumikilos sa prinsipyo ng kasaganaan upang laging mayroong higit sa kailangan— “sa mayroon ay bibigyan pa” (Mateo 13:12). Kung tayo ay magtitiwala sa Panginoon na “nagbibihis ng mga liryo” (Mateo 6:28), masisiyahan tayo sa katawan na ibinigay sa atin ng Diyos. Higit pa rito, makikilala natin na ang ating bigay-Diyos na kagandahan ay hindi lamang sapat kundi sagana.
Gayundin, hindi ito laro ng paghahambing. Bagaman madalas tayong natutukso na ihambing ang ating sarili sa iba, hindi tayo mauulit; Hindi tayo ginawa ng Diyos sa sinapupunan ng ating ina para maging katulad ng iba. Sa katunayan, ang bawat isa sa atin ay nasa iba’t ibang mga punto sa isang paglalakbay tungo sa pagiging natatanging maliwanag na pagmuni-muni at kaakit-akit na mga saksi ng ganap na kagandahan ni Hesu-Kristo. Perpektong pinalamutian tayo ng Diyos Ama.
Sa susunod na tumingin ka sa salamin, tandaan na kahanga-hanga ang Kanyang nilikha sa iyo, at Siya ay nagagalak na makita kung paano mo ipinakikita ang Kanyang Kagandahan.
'Si San Januarius (o San Gennaro, bilang siya ay kilala sa kanyang katutubong Italya) ay ipinanganak noon sa Naples noong ikalawang siglo sa isang mayamang aristokratikong pamilya. Siya ay naordenahang pari sa kahanga-hangang edad na labinlimang taong gulang. Sa edad na dalawampu, siya ay Obispo na ng Naples. Sa panahon ng pag-uusig ng mga Kristiyano na sinimulan ng emperador na si Diocletian, itinago ni Januarius ang maraming Kristiyano, kasama na ang dati niyang kaklase, na si Sossius, na magiging isa ring santo. Nalantad si Sossius bilang isang Kristiyano at ikinulong. Nang bumisita si Januarius sa kulungan, siya rin ay naaresto. Iba-iba ang mga naging kwento tungkol sa kanila, kung siya ba at ang kanyang kapwa mga Kristiyano ay itinapon sa mababangis na hayop na tumangging salakayin sila o sa isang pugon kung saan sila ay lumabas na hindi nasaktan.
Ngunit lahat ng mga kuwento ay sumasang-ayon na si Januarius ay tuluyang pinugutan ng ulo sa bandang taon ng 305 A.D. At dito nagiging interesante ang kwento. Inipon ng mga banal na tagasunod ang ilan sa kanyang dugo sa mga maliliit na babasaging mga bote at iningatan ito bilang isang banal na alaala. Yung dugo, na iningatan hanggang ngayon, ay nagpapakita ng mga kahanga-hangang katangian. Sa tatlong okasyon sa bawat taon, gaya ng dating nangyari ang himalang ito ay unang nangyari noong 1389, ang pagkatunaw ng namuong dugo.
Naka-imbak sa mga kristal na maliliit na lalagyan, ang tuyo at matingkad na pulang dugo na kumapit sa isang gilid ng sisidlan ay mahimalang nagiging likido na pumupuno sa bote mula sa gilid hanggang sa bawat gilid. Bukod sa araw ng kanyang kapistahan, Setyembre 19, nagaganap din ang himala sa araw ng paglilipat ng kanyang mga labi sa Naples at sa anibersaryo ng Naples na naligtas mula sa mga epekto ng pagsabog ng Mount Vesuvius noong 1631.
Sinubukan ng ilang siyentipiko ang pagsisiyasat at nabigo sila na ipaliwanag kung paanong ang solidong dugo ay nagiging lusaw. At ang anumang panlilinlang o masamang gawain ay hindi kasama. Ang masayang sigaw ng: “Nangyari na ang himala!” ay pumuno sa Naples Cathedral habang ang mga tapat ay humahalik sa relikaryo na may hawak ng dugo ng santo. Napakagandang biyayang ibinigay ng Diyos sa Simbahan sa pamamagitan ng kahanga-hangang santo na ito, at sa himala na bawat taon ay nagpapaalala sa atin kung paano si Gennaro-at marami pang iba-nagbuhos ng kanilang dugo alang-alang sa Panginoon. Tulad ng sinabi ni Tertullian, “Ang dugo ng mga martir ay ang binhi ng Simbahan.”
'Maaaring dalawin ang sinuman at lahat ng sampung milyong tao na nakakulong sa buong mundo sa anumang oras. Nagtataka kung paano? Magbasa pa
Noong ako ay nasa bilangguan, dinalaw mo ako” Ito ang ilan sa mga taong ipinangako ni Jesus na gagantimpalaan sa Araw ng Paghuhukom. May mga patakaran na naglilimita sa mga pagdalaw sa mga bilanggo, ngunit may mga paraan ba na maaaring bisitahin ng isang tao ang alinman at lahat ng sampung milyong tao na nakakulong sa buong mundo? OO!
Unang una sa pamamagitan ng palagian na pananalangin para sa lahat ng mga bilanggo, pagbanggit ng anumang personal mong kakilala sa pangalan. Ito ay maaaring samahan ng pagsisindi ng kandila upang sumagisag sa panalangin na umaakyat sa Diyos at nagdadala ng liwanag sa kadiliman ng buhay ng isang bilanggo. Noong ako ay nakapiit ang aking mag-anak at mga kaibigan ay nagsindi ng mga kandila bilang isang buhay na apoy ng pag-aalay sa Makapangyarihang Diyos, patungkol para sa akin. Nakita kong napakabisa nito. Ito ay kamangha-mangha kung paano ang isang sinag ng kagalakan ay biglang sumisikat sa karimlan na normal na buhay sa bilangguan. Isang bagay na maliit, ngunit napaka may kahulugan na malilimutan ko sandali kung nasaan ako at sa ilalim ng kung anong mga pangyayari, na nag-udyok sa akin na mag-isip, ‘mayroon din palang Diyos’, kahit dito.
Ngunit naniniwala ako na ang pinakamabisang paraan upang matulungan ang mga nasa bilangguan, o sinumang nangangailangan ng panalangin, ay ang pagnilayin ang mga banal na mahalagang sugat na dinanas ng ating Panginoon sa Kanyang simbuyo ng damdamin mula sa Kanyang pagkadakip noong Huwebes Santo ng gabi hanggang sa Kanyang kamatayan noong Biyernes Santo.
Walang – Salang Pangako
Pagnilayan ang lahat ng mga hampas at pansasalakay sa Kanyang katawan, kabilang ang malupit na paghagupit at ang patuloy na sakit ng mga sugat ng korona ng mga tinik, ngunit lalo na ang limang pinakamahalagang sugat sa Kanyang mga kamay, paa, at tagiliran.
Sinasabi sa atin ni Santa Faustina kung gaano ikinasisiya ni Hesus kapag pinagninilayan natin ang Kanyang mga sugat, at kung paano Siya nangako na magbubuhos ng karagatan ng awa kapag ginawa natin ito. Samantalahin ang maawain, mapagbigay na alok na ito na inilaan Niya para sa panahong ito. Manalangin para sa biyaya at awa para sa inyong sarili, para sa mga kilala ninyo sa pangalan, at para sa lahat ng 10 milyong nakakulong, na nakakulong sa lahat ng uri ng mga kadahilanan, makatarungan at hindi makatarungan. Nais Niyang iligtas ang bawat kaluluwa, tinatawag ang bawat isa pabalik sa Kanya upang tanggapin ang Kanyang awa at kapatawaran.
Ipagdasal din ang mga naaapi, ang mga pinagkakaitan, ang mga dukha, ang mga maysakit at nakaratay sa higaan, at ang mga nagdurusa nang tahimik na walang sinumang magsasalita para sa kanila. Ipanalangin ang lahat ng nagugutom— sa pagkain, sa kaalaman, o sa pagkakataong magamit ang mga biyayang bigay sa kanila ng Diyos. Ipanalangin ang mga hindi pa isinisilang at ang mga walang diyos. Tayong lahat ay mga bilanggo ng isang uri o iba pa man, ngunit higit sa lahat, tayo ay mga bilanggo ng kasalanan sa lahat ng mapanlinlang na anyo nito.
Hinihiling Niya sa atin na magtungo sa paanan ng Krus, na nabasa ng Kanyang Mahal na Dugo, ihain ang ating mga kahilingan sa Kanya, at ano pa mang hangarin, Siya ay tutugon sa awa.
Huwag nating palampasin ang anumang pagkakataong magmakaawa para sa hindi mabilang na kayamanan na ipinangako sa atin ng ating mahabaging Panginoon. Kapag nananalangin tayo para sa 10 milyong bilanggo sa buong mundo, bawat isa sa kanila ay tumatanggap ng 100 porsiyento ng benepisyo ng ating panalangin dahil, kung paanong ang ating mabuting Panginoon ay buong-buo na ibinibigay ang Kanyang sarili sa bawat isa sa atin sa Eukaristiya, pinadadami Niya ang ating nag-iisang panalangin tulad ng isang mikropono, na umaabot sa puso ng bawat isa sa kanila.
Huwag kailanman mag-isip “ano ang magagawa ng aking nag-iisang panalangin para sa napakadaming tao?” Alalahanin ang himala ng mga tinapay at isda at huwag nang mag-alinlangan pa.
'Noong mga unang araw ng pagsasara dahil sa pandemya kung saan ang tanging paraan para makadalo ako sa Misa ay sa pamamagitan ng buhay na daloy ng pangyayari, nakaramdam ako ng kakulangan…
Ang Banal na Espirito ay palaging kumikilos sa ating mga puso, kaya hindi ako dapat magtaka na, sa gitna ng pandaigdigang kaguluhan ng mga unang araw ng pandemya ng Covid 19, binuksan Niya ang aking puso sa isang mas tigib na karanasan sa mistikal na katawan ni Kristo.
Nang madinig ko ang balita na ang mga simbahan ay isasara kasama ng mga kainan, tindahan, paaralan, at opisina, nabigla ako at lubusang di makapaniwala. “Paanong nangyari to?” Ang panonood ng Misa nang buhay na daloyng pangyayari Kng parokya ay parehas na pamilyar at nakakalito. Nandoon ang aming pastor, nagpapahayag ng Ebanghelyo, nangangaral ng kanyang sermon, nagkokonsagra nang tinapay at alak; ngunit ang mga bangko ay walang laman. Ang aming mga walang lakas na tinig at tugon ay hindi umangkop sa aming sala. At hindi nakakagulat. Sinasabi sa atin ng Katekismo ng Katoliko Simbahan na ang liturhiya ay “nakikisali sa mga mananampalataya sa bagong buhay ng komunidad at kinapapalooban ng “may malay, kumikilos, at mabungang pakikilahok” ng lahat” (CCC 1071). Nakikilahok kami sa abot ng aming makakaya, ngunit ang komunidad, ang lahat, ay liban.
Nakaluhod sa tabi ng mesita sa oras ng komunyon, binasa ko ang panalangin para sa espirituwal na komunyon na nasa tilon, ngunit ako ay nagambala at hindi mapakali. Alam ko na ang kinonsagrang hostiya ay tunay na katawan ni Hesus at na ang pagkonsumo ng Eukaristiya ay makkipag-isa sa akin sa Kanya at makapagpapabago sa akin. At natitiyak kong hindi ito mangyayari sa pamamagitan ng buhay na daloy na pangyayari sa aking sala. Ang Yukaristiya, ang tunay na presensya ni Hesus, ay napakalaking pagkaliban.
Wala akong nalalaman tungkol sa pagsasagawa ng pang espirituwal na komunyon. Ang Katekismo ng Baltimore ay nagsasabi sa akin na ang komunyon pang espirituwal ay para sa mga may “tunay na pagnanais na tumanggap ng Komunyon kapag malayong mangyaring tumanggap ng sakramento. Ang pagnanais na ito ay nagbibigay sa atin ng mga biyaya ng Komunyon ayon sa lakas ng pagnanais.” (Katesismo Baltimore, 377) Bagama’t napakasakit na katotohanan ang hindi makatanggap ng Komunyon na sakramental, ikinalulungkot kong sabihin na ang pagnanais ko sa umagang iyon ay para lamang sa nakagawian na. Ako ay naguluhan, hindi mapakali, at hindi nasisiyahan.
Ang unang Linggo ay sinundan ng ikalawa, at ng ikatlo, at sumunod ang Huwebes Santo at Biyernes Santo. Ito ay isang natatanging dramatikong Kuwaresma, na may napakadaming pagpapakasakit na ipinataw, mga pagpapakasakit na hindi ko akalain. Mga sakripisyong tinanggap ko nang may sama ng loob. Ang Diyos ay mabait, gayunpaman, at maging ang aking mga sakripisyo na hindi lubos ay nagbunga. Sa halip na pagtuunan ng pansin ang lahat ng kulang sa mga liturhiyang ito, sinimulan kong isipin ang mga taong hindi makadalo sa mga ito kahit na sa “karaniwanl” na panahon. Ang mga naninirahan sa tahanan ng matatanda Ang mga bilanggo. Ang mga matatanda, maysakit, at may kapansanan ay walang kasama. Ang mga taong naninirahan sa malalayong pook na walang pari. Para sa mga Katolikong iyon, ang panonood ng Misa ay malamang isang pagpapala, isang kawing kay Hesus at sa Kanyang Simbahan. Umasa ako na muling makadalo sa Misa sa lalong madaling panahon; subalit sila, hindi nila makaya.
Ano kaya ang kahalintulad para sa iba pang mga Katoliko, na nakakatanggap ng mga sakramento nang paminsan-minsan lamang, kung sakali man? Sila ay mga kawani ng Simbahan, ng mistikal nq katawan ni Kristo, katulad ko, ngunit higit na nakahiwalay sa isang komunidad ng parokya. Habang sinimulan kong isipin ang tungkol sa kanila at hindi ang sarili kong mga kabiguan, sinimulan ko ding ipagdasal sila. At sa misa, nagsimula akong manalangin kasama nila. Sa isang banda, sila ang aking naging komunidad ng Pan Linggong Misa, ang mga taong nakapaligid sa akin, kahit paano man lang, sa aking pag-iisip. Sa bandang huli, maaari akong manahimik nang may kamalayan at aktibong pakikipaglahok sa buhay na pagdaloy ng pangyayari na Misa. Sama-sama sa pakikipag-isa kay Kristo, tunay kong ninanais ang pagkakaisa kay Hesus at ang espirituwal na Komunyon ay naging isang mapayapa, mabungang sandali ng biyaya.
Ang mga linggo ay lumipas at ang bago, ngunit hindi pangkaraniwang kalagayang ito ay pinalawig hanggang sa panahon ng Pasko ng Pagkabuhay. Isang Linggo, matapos ang buhay na pagdaloy ng pangyayari na Misa, inihayag ng aming pastor na ang isang lokal na aparador ng pagkain ay nagipit. Ang mga donasyon ng pagkain ay naputol nang magsara ng kanilang mga pinto mga simbahan, ngunit ang bilang ng mga pamilyang nangangailangan ng pagkain bawat linggo ay dumadami. Upang makatulong, ang aming parokya ay magsasagawa ng mabilisang pangongolekta ng pagkain sa Biyernes. “Anim na linggo nang sarado ang parokya,” naisip ko. “Dadating kaya sila?”
Dumating nga sila. Nagboluntaryo akong tumulong noong Biyernes na iyon, at habang inalalayan ko ang mga tagapagmaneho sa pook ng bagsakan sa likod ng paradahan, ang makita ang datihan at mga nakangising mukha ay maganda sa pakiramdam. Ang mainam pa, ang makita ang mga donasyon na nakasalansan, higit pa sa inaasahan ng sinuman. Ang pagiging bahagi ng pagtipontipon ng pagkain na iyon ay nakakapagpasigla; naniniwala ako na ang kinalabasan ay gawa ng Banal na Espirito. Tinipon Niya ang naglipanang komunidad ng parokya upang kumilos, upang maging buhay na Katawan ni Kristo na nangangalaga sa mga nangangailangan. Kung paanong pinukaw Niya ang aking personal na buhay pananalangin upang magkaroon ng higit na pagkakaisa sa mistikal na katawan ni Kristo, gayun din Niya ipinahayag ang Kanyang sarili sa akto sa komunidad ng aming parokya, na handang maglingkod sa kapwa na nangangailangan, kahit na tayo ay hindi makapagtipontipon.
'Hanapin ang landas na inilatag para sa iyo bago pa man magsimula ang iyong panahon sa mundo, at ang iyong buhay ay hindi kailanman magiging pareho.
Ang pagiging Perpekto, o ang Tamang Direksyon, ay isang pandaya na madalas kong ginagamit sa aking mga anak kapag kinakailangan nila ng pagwawasto. Sila ay lubos na bigo sa pakikipagtalo sa akin na inaasahan kong sila ay maging perpekto. Isinasagot ko na “Hindi ko hinihingi ang pagiging perpekto, gusto ko lang na magsimula ka sa tamang direksyon.”
Ang Inaasahan ng Diyos
Para sa akin, ito ay naglalarawan sa kababaang-loob ng kanilang puso. Kung kinikilala ng isa sa aking mga anak na nakagawa sila ng isang hindi tamang pagpili at ang kanilang mga naging aksyon ay labag sa mga mahahalagang pinaniniwalaan nating totoo at tama, samakatwid isang simpleng, ‘Alam kong mali ako, at ikinalulungkot ko. Ano ang maaari kong gawin para mapaganda ang mga bagay-bagay?’ ay ang pinakamabilis na paraan ng pagpapatawad at pagpapanumbalik ng pagkakaisa. Gayunpaman, kung makikipagtalo sila na kahit papaano ay okay lang para sa kanila na sumuway o gumawa ng isang bagay na wala sa itinatag na mga panuntunan ng aming tahanan, natural na tumatagal ang panahon ng paghihiwalay ng relasyon at ang bilang ng mga kahihinatnan.
Ito ay pareho sa ating paglalakad kasama si Hesus. Binigyan tayo ng mga inaasahan sa atin ng Diyos sa Sampung Utos, at nilinaw ito ni Hesus sa Pangaral sa Bundok (Mateo 5-7). At kung hindi pa iyon sapat, inuulit nina San Pablo, San Pedro, at ng iba pang mga Apostol ang mga Utos ng Diyos sa kabuuan ng kanilang mga Sulat sa isang nadaramang paraan.
Kita mo, wala tayong ibang paraan para dito. Ang Tamang Direksyon ay ginawang napakalinaw para sa lahat ng sangkatauhan. Masyadong halata ang lahat. Puwede nating piliin ang paraan ng Diyos o lumaban dito sa pamamagitan ng pagrerebelde.
At kaya nga, nagsimula na tayong makakita ng isang lipunang baluktot na nagbigay ng maling pakahulugan ang Banal na Kasulatan at binabaluktot ang mga paraan ng Diyos upang payapain ang pagkakasala ng makamundo nitong pagnanasa.
Tayo ay nahaharap sa isang panahon na walang katulad, kung saan marami ang nahulog palayo sa Katotohanan ng Diyos. Nakumbinsi sila na kung babaguhin lang nila ang salaysay, kahit papaano ay maiiwasan nila ang itinalagang resulta. Sa kasamaang palad, hindi nila naiintindihan ang mga paraan ng Diyos at ang realidad ng Kanyang Katotohanan.
Ito mga kaibigan, ang dahilan kung bakit ang Ebanghelyo ang pinakasimple ngunit hindi maintindihan na mensahe na maaaring ihayag kailanman.
Paliko-liko at Paikot-ikot
Ang mabuting balita ay napatawad ka na–nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. Gayunpaman, nangangailangan ito ng pagsisisi at matatag na pangako sa bawat araw upang ipagpatuloy ang pakikibaka upang manatili sa tamang landas. Ang kagandahan sa Ebanghelyo ay samantalang hindi natin magagawa ang ginawa ni Kristo sa pamamagitan ng Kanyang Pasyon at Pagkabuhay na Mag-uli, ay matatanggap pa rin natin ang pakinabang ng Kanyang gawain.
Kapag sumuko tayo sa Kanyang pamamaraan, patuloy Niya tayong aakayin sa Tamang Direksyon.
Sa Bagong Tipan, sinabi ni Hesus: “Kung hindi hihigit ang inyong pagkamakatwiran sa mga Pariseo, hindi kayo makapapasok sa Kaharian ng Langit.” Sa madaling salita, karamihan sa mga relihiyoso sa mundong ito ay hindi pa rin sapat na mabuti sa pamamagitan ng kanilang sariling mga gawa upang makapasok sa Kaharian ng Diyos.
Ang pagiging perpekto ay hindi ang sagot, at hindi rin ito ang kinakailangan para sa isang relasyon; kungdi ang pagpapakumbaba.
Kapag binasa mo ang Mateo kabanata 5-7, maaari mong tingnan ito bilang isang imposibleng gawain na inilalatag ni Hesus sa ating harapan.
Hanapin ang Iyong Daan Pabalik
Nabigo akong sundin ang marami sa mga tuntuning ito sa paglipas ng mga taon, gayunpaman, hindi inilalatag ni Hesus ang mga paraan ng Diyos upang ilibing tayo sa ilalim ng pang-aapi dahil sa mga tuntuning hindi matamo.
Ilarawan mo ang iyong sarili na kasama si Hesus at ikaw ay nakatayo sa tuktok ng (sa tuktok) isang burol na tinatanaw ang isang malaking lambak. May malinaw na pinagdaanan. Gayunpaman, humahabi ito sa mga kagubatan, ilog, at iba pang likas na katangian. Ganito ang Mateo 5-7. Ito ay ang landas. Ngunit, sa halip na sabihin ni Hesus na, ‘Buweno, mas makabubuting pumunta ka na,’ ipinakilala ka Niya sa Banal na Espiritu, iniaabot sa iyo ang isang kompas (ang Bibliya), at ipinapaalala sa iyo na hindi ka Niya iiwan o pababayaan. Pagkatapos ay sinabi niya, “Kung ikaw ay mapagpakumbaba, at ang iyong puso ay mananatiling nakatuon sa akin, mangyayaring mahahanap mo ang landas kahit gaano pa ito magpaliko-liko o magpaikot-ikot. At kung nagkataon na naligaw ka o pumili ng landas maliban sa akin, ang kailangan mo lang gawin ay magpakumbaba ng buong puso at tumawag sa akin, at tutulungan kitang mahanap ang daan pabalik.”
Ito ang tinukoy ng ilan bilang ang pinakamalaking iskandalo sa lahat ng panahon. Ang Diyos ng Langit, na lumikha ng lahat ng nakikita natin at maging ng hindi natin nakikita, ay nagpakumbaba ng Kanyang sarili upang iligtas ang Kanyang nilikha. Mayroon tayong isang simpleng trabaho. Magpatuloy sa Kanyang direksyon.
Dalangin ko sa araw na ito kung nasaan ka man at anuman ang iyong nagawa, masumpungan mo nawa ang iyong sarili na magpakumbaba at nakayuko sa harap ng krus at bumabalik sa landas na inilatag ng Diyos para sa iyo bago magsimula ang iyong panahon sa mundong ito.
'T: Hindi ako sumasang-ayon sa ilan sa mga turo ng Simbahang Katoliko. Mabuting Katoliko pa ba ako kung hindi ako sang-ayon sa lahat?
S: Ang Simbahan ay higit pa sa isang institusyon ng tao—ito ay kapwa tao at banal. Wala itong anumang sariling awtoridad upang magturo ng kahit ano. Bagkus, ang tungkulin ng Simbahan ay ituro nang matapat ang itinuro ni Kristo sa lupa: ang tunay na pagbibigay-kahulugan sa Kasulatan at ipasa ang Apostolikong Tradisyon na ipinaabot sa atin mula sa mga Apostol mismo. Ang salitang “Tradisyon” ay nagmula sa salitang Latin na “traditio”, ibig sabihin ay “ipasa”.
Ginagawa natin ang pagkakaiba, gayunpaman, sa pagitan ng Tradisyon (na may Malaking T) at mga tradisyon (na may maliit na t). Ang tradisyon (Malaking T) ay ang walang pagbabago, walang hanggang turo ng Simbahan na nag-ugat sa mga Apostol at kay Kristo. Kabilang sa mga halimbawa nito ang katotohanan na tanging tinapay na trigo at ubas na alak lamang ang maaaring gamitin para sa Banal na Eukaristiya; mga lalaki lamang ang maaaring maging pari; ilang mga moral na aksyon ay palagi at saanman mali; atbp. Ang mga maliit na-t na tradisyon ay mga tradisyong gawa ng tao na nababago, tulad ng pag-iwas sa karne tuwing Biyernes (nagbago ito sa takbo ng kasaysayan ng Simbahan), pagtanggap ng Komunyon sa kamay, atbp. Ang mga taong may mabubuting kalooban ay pinapayagan na magkaroon ng iba’t ibang opinyon tungkol sa mga gawaing pastoral, mga disiplina ng Simbahan, at iba pang mga tradisyon na “maliit na-t” ay mga tradisyon na nagmula sa mga tao.
Gayunpaman, pagdating sa Apostolikong Tradisyon (malaking-T), upang maging isang mabuting Katoliko ay nangangahulugan na dapat nating tanggapin ito bilang nagmumula kay Kristo sa pamamagitan ng mga Apostol.
Ang isa pang pagkakaiba na kailangang gawin, bagaman: may pagkakaiba sa pagitan ng pagdududa at kahirapan. Ang ibig sabihin ng “hirap” ay nahihirapan tayong maunawaan kung bakit nagtuturo ang Simbahan ng isang partikular na bagay, ngunit ang kahirapan ay nangangahulugan na tinatanggap natin ito nang may pagpapakumbaba at hinahangad na mahanap ang sagot. Pagkatapos ng lahat, ang pananampalataya ay hindi bulag! Ang mga teologo sa medyebal ay may isang parirala: Fides Quaerens Intellectum—Pananampalatayang Naghahanap ng Pang-unawa. Dapat tayong magtanong at maghangad na maunawaan ang Pananampalataya na ating pinaniniwalaan!
Sa kabaligtaran, isang pagdududa ang nagsasabing, “Dahil hindi ko maintindihan, hindi ako maniniwala!” Bagama’t ang mga paghihirap ay nagmumula sa pagpapakumbaba, ang pagdududa ay nagmumula sa pagmamataas—sa palagay natin ay kailangan nating maunawaan ang lahat bago tayo maniwala dito. Ngunit maging tapat tayo—may nakakaunawa ba sa atin ng mga misteryo tulad ng Trinidad? Sa palagay ba natin ay mas matalino tayo kaysa kay Saint Augustine, Saint Thomas Aquinas, at lahat ng mga Santo at Mistiko ng Simbahang Katoliko? Sa palagay ba natin ang patuloy na 2,000-taong-gulang na Tradisyon, na ipinasa mula sa mga Apostol, ay kahit papaano ay mali?
Kung nakatagpo tayo ng isang turong pinag-aagawan natin, patuloy na makipagbuno—ngunit gawin ito nang may kababaang-loob at kilalanin na ang ating isipan ay limitado at kadalasan ay kailangan nating turuan! Maghanap, at makikita mo—basahin ang Katesismo o ang mga Ama ng Simbahan, ang Encyclicals of the Popes, o iba pang solidong materyal na Katoliko. Maghanap ng isang banal na pari upang itanong ang iyong mga katanungan. At huwag kalimutan na ang lahat ng itinuturo ng Simbahan ay para sa iyong kaligayahan! Ang mga turo ng Simbahan ay hindi naglalayong gawin tayong miserable, bagkus ay upang ipakita sa atin ang daan tungo sa tunay na kalayaan at kagalakan—na makikita lamang sa isang masiglang buhay ng kabanalan kay Hesu-Kristo!
'Nakikinig ako na hindi makapaniwala sa mga mapamarusang salita ng aking tagapagbigay ng pantahanang pangangalaga. Ang kanyang mapabulaanang titig at tono ay nakadagdag lang sa pag-alboroto sa aking tiyan.
Mayroong ilang mga bagay na pangkaraniwan sa karanasan ng tao gaya ng pakiramdam ng kirot ng matanggihan o mapulaan. Mahirap makadinig ng di kanais-nais na salita tungkol sa ating pag-uugali o pagkatao ano mang oras, ngunit lalong mahirap kapag ang pagpaparatang ay isa na tila hindi makatarungan o hindi tumpak. Tulad ng madalas sabihin ng aking ginoo, “Ang pagkakaunawa ay katotohanan;” paulit-ulit kong napatotohanan ang pahayag na iyon. Kaya naman, ang mga paratang na nakakasugat nang pinaka malalim ay ang mga paratang na tila walang pinagmulan kapag ang paghatol sa ating mga kilos ay maaari o hindi maaaring magsalarawan ng mga layunin ng ating puso. Ilang taon na ang lumipas, ako ang nakatanggap ng mga asal ng isang taong hindi nakaunawa ng aking mga layunin.
Naghihintay Ng Himala
Nang panahong iyon, ako ay isang ina sa aking bandang-huling 30s, na nagpapasalamat sa pagkakaroon ng dalawang sanggol. Sa kabila ng sinasadya, mahusay na oras na pagsisikap na magdalantao, sa isang buong taon ang maging magulang ay nanatiling pangarap lamang para sa aming mag-asawa. Habang palabas sa opisina ng doktor hinekolohiya makatapos ng isa pang pagdalaw, atubili kong tinanggap ang tila hindi maiiwasan: ang tanging pagpipilian namin ngayon ay ang paggamit ng mga gamot sa fertility. Patungong sasakyan ay mapanglaw kong sinabi, “Sa palagay ko dapat tayong tumigil sa botika pauwi nang mapunan ang resetang ito.” Noon ko nadinig ang aking asawa na nagsabing, “Bigyan pa natin ng isang buwan ang Diyos.” Ano?? Binigyan na namin Siya ng isang taon at halos dalawang taon na kaming kasal. Mabagal na namumukadkad ang aming ligawan. Ang mga taon ay dumagdag hanggang sa ako ay 33 na ngayon at nadidinig ang matatag na pagtiktak ng aking “biyolohikal na orasan”. Ngayong nagmamaneho pauwi, makakapaghintay pa akong ng isang buwan bago simulan ang gamot na iyon…
Sumilip ako sa gitna ng puting patpat na may asul na linya. Nabalot ako ng pananabik, at tumakbo ako palabas ng banyo at mabangis na humihiyaw ng malakas, “Tayo ay nagdadalantao!!” Pagkalipas ng 10 araw, tumayo ako sa harap ng aking komunidad ng panalangin na “pamilya” sa pananampalataya at ipinahayag ang mabuting balita, nalalamang madami sa mga kaibigang ito ang sumali sa amin sa pagdadasal para sa pagkakaroon ng sanggol na ito.
Umiindayog Na Pendulo
Ngayon, makalipas ang apat na taon, nagkaroon kami ng aming pinakahihintay na sanggol na babae, si Kristen, at ang aming matulungin na isang taong gulang na anak na lalaki, si Timmy, at ako ay hindi makapaniwalang nakikinig sa mapamarusang salita ng aking tagapagbigay ng pantahanang pangangalaga, na si “Miss Phyllis”. Ang mga pariralang tulad ng “ang paghihimagsik sa mga bata na kailangang masugpo,” ang mga Kasulatang nakasulat-kamay na binabalangkas ang mga kahihinatnan ng naaaninag na pagkakamali ng aking mga paraan. Ang kanyang walang pagsang-ayong titig at tono ay nakadagdag sa pagkirot sa aking tiyan. Gusto kong ipagtanggol ang aking sarili, ipaliwanag kung paano ko isa-isang nabasa ang mga aklat tungkol sa pagiging magulang at na sinikap kong gawin ang lahat sa paraang iminungkahi ng mga “dalubhasa”. Nauutal kong sinabi kung gaano ko kamahal ang aking mga anak at buong pusong sinisikap na maging isang mabuting ina. Pinipigilan ang mga luha, lumisan ako, hila ang mga bata.
Pagdating ng bahay, inihiga ko si Timmy para maidlip at isinaayos ko si Kristen sa kanyang silid na may dalang aklat para mabasa, upang magkaroon ako ng panahon para unawain ang nangyari. Gaya ng nakagawian kong pagtugon sa anumang kagipitan o suliranin sa buhay ko, nagsimula akong manalangin at humiling ng pang-unawa sa Panginoon. Napagtanto ko na mayroon akong dalawang pagpipilian: Maaari kong pabulaanan ang mga salita ng babaeng ito na naging matiyaga, mapagmahal na tagapag-alaga ng aking mga anak mula nang ang aking anak na babae ay 13 buwang gulang. Maaari kong subukan na bigyang-katwiran ang aking mga kilos, muling igiit ang aking mga layunin, at simulan ang paraan ng paghahanap ng panibagong tagapagkaloob para sa aking mga anak. O maaari kong suriin kung ano ang naging sanhi ng kanyang tugon na hindi pangkaraniwan at tingnan kung mayroong isang butil ng katotohanan sa kanyang pamumula. Pinili ko ang huli, at habang hinahangad ko ang Panginoon, napagtanto ko na pinahintulutan ko ang pendulo na umindayog nang napakalayo sa dako ng pagmamahal at awa sa aking mga anak. Ginamit ko ang kanilang batang gulang upang palusutin ang kanilang pagsuway, naniniwalang kung mamahalin ko lang sila ng sapat, gagawin din nila ang ipinagawa ko sa kanila.
Bago Ang Pagkahulog
Hindi ko kayang magpanggap na hindi ako nasaktan sa mga sinabi ni Phyllis. Nakasakit ang mga ito, malalim. Hindi mahalaga kung sa katunayan man na totoo ang kanyang pananaw sa aking pagiging magulang. Ang mahalaga ay kung handa akong magpakumbaba at matuto sa nangyaring ito. Gaya ng sinasabi ng “Mabuting Aklat,” “Nauna ang pagmamataas bago ang pagkahulog,” at alam ng langit, na ako ay nahulog nang napakalayo sa pedestal ng huwarang pagiging magulang na itinakda ko para sa aking sarili. Tiyak na hindi ko kakayanin ang isa pang pagkahulog nang dahil sa nakakapit ako sa aking pagmamataas at nakaramdamang kirot. Panahon na upang tanggapin na maaaring ang mga “dalubhasa” na sumulat ng mga aklat ay hindi ang tanging pakikinggan. Minsan ang tinig ng karanasan ay may karapatan sa ating pansin.
Kinaumagahan, inalalayan ko ang mga bata sa kanilang mga upuan sa sasakyan at nagmaneho sa pamilyar na ruta patungo sa tagapag-alaga nina Kristen at Timmy, si Phyllis. Alam kong may mga panahon na maaaring hindi ako sumang-ayon sa mga payo na manggagaling sa kanya sa hinaharap, subali’t alam ko na kinailangan ang isang matalino at matapang na babae na makipagsapalarang hamunin ako para sa ikakabuti ng aming mag-anak. Sa bagay, ang salitang “disiplina” ay nagmula sa salitang, “disipulo,” na nangangahulugang “mag-aral.” Naging alagad ako ni Hesus sa loob ng madaming taon, nagsusumikap na isabuhay ang Kanyang mga mithiin at alituntunin. Natuto akong magtiwala sa Kanya samantalang paulit-ulit kong nakatagpo ang Kanyang walang hanggang pag-ibig sa aking buhay. Tatanggapin ko ang disiplinang ito ngayon, sa pagkakaalam na ito ay aninag ng Kanyang pagmamahal na ninais ang pinakamabuti hindi lamang para sa akin kundi para sa aming mag-anak.
Paluksong lumabas ng sasakyan, lumapit kaming tatlo sa pintuan, nang ako’y huminto para basahing muli ang karatulang kahoy na inukit ng kamay na nakabitin kapantay ng paningin ng mata: “Saganang akin at sa aking bahay, maglilingkod kami sa Panginoon.” Oo, iyon ang ginawa ni Phyllis. Tulad ng ginagawa ng Panginoon para sa atin araw-araw kung mayroon tayong mga tainga na makakadinig, “Sinusupil Niya ang Kanyang mga minamahal.” Si Hesus, ang ating Guro, ay kumikilos sa pamamagitan ng mga handang makipagsapalaran na matanggihan para sa kapakanan ng ibang tao. Tiyak, nagsusumikap si Phyllis na sundan ang Kanyang mga yapak. Umaamin na ang puno ng pananampalatayang babaeng ito ay naghangad na ipasa ang natutunan niya mula sa Guro para sa aking kapakinabangan, ako ay kumatok sa pintuan. Habang bumubukas ito para makapasok kami, ganoon din ang pinto ng aking puso.
'