• Latest articles
Sep 02, 2021
Makatawag ng Pansin Sep 02, 2021

Nang ako’y umupo sa Misa na nakikinig sa paring lumathala ng Ebanghelyo ayon kay Lucas (6:12-19), narinig ko ang mga salita ng may mga sariwang tenga at naintindihan ang mga ito sa mas mainam na paraan.

Ang mensahe ng Ebanghelyo:  pumili si Jesus ng Labindalawa.  Labindalawa!  Mula sa lahat ng Kanyang mga alagad, pumili lamang Siya ng Labindalawa.  Ano ang kinakailangan upang maging isa sa Labindalawa?  Ako’y nag-isip kung ano ang ipinagdasal ni Jesus sa bundok nang kinagabihang yaon.  Ang pagpapasya ba ay mahirap na gawin o ang paghihimagsit ba ay maiksi dahil ang magiging  Labindalawang Apostol ay ang malinaw na mga napili?  Anong pamantayan ang ginamit ni Jesus sa Kanyang pagpapasya?

Pagkatapos ay biglaang nagsimulang kumabog ang puso ko at nakita ko ang PULA. May kaunting takot na dumating sa akin nang inilagay ko ang aking sarili sa loob ng kuwentong Ebanghelyo.  Ipinagpapalagay ang sarili ko kabilang ng mga ibang disipulo na nakatayo doon, tahimik na naghihintay sa mga pangalan ng piniling Labindalawa na mamutawi sa mga labi ng Anak ng Diyos, paikot akong lumingon sa aking mga katabi.

Pagkaraka, ako’y tinamaan ng kabigatan  ng bawat pagpapasya na aking nagawa, bawat kilos na aking isinagawa, at bawat salita na aking nabitiwan.  Pumipili si Jesus ng grupo ng mga alagad—ang mga maaatasang magsasagawa ng Kanyang mga gawain.  Ang isip ko ay mahigpit na inusisa ang sarili kong buhay at hindi ako makapagpigil na tanungin aking sarili,  “Ako ba’y namumuhay sa paraan na mapipili ako ni Jesus?  Mapalad ba akong maging karapat-dapat?

Tiyak na may maraming mga disipulo, hindi nabibilang sa Labindalawang Apostol, na naisangkatuparan ang mga di-kapani-paniwalang gawain sa ngalan ng Panginoon.  Ang mga mabuting gawain hindi para lamang sa Labindalawa, ngunit alam natin na ang mga Apostol ay gumanap ng bahaging matalik at mahalaga bilang pinakamalapit na mga kaibigan at alagad.  Upang maging isa sa mga napili ay isang karangalang di-mapapantayan. Bilang karagdagan, si Jesus ay nagbigay ng halimbawa ng Kanyang di-kapani-paniwalang pagmamahal at awa nang isinama Niya si Judas Iskaryote sa bilang isa sa Labindalawa.  Kahit na ipinagkanulo ni Judas si Jesus sa bandang huli hindi ko maisip na maipagtatalo natin na ang Labindalawa ay isang napaka bukod na napiling grupo ng mga alagad.

Ano ang katulad ng maging bilang isa sa mga Labindalawa?

Maaari na ang mga Apostol ay nagpapasalamat at sabik, ngunit maaari din na kinakabahan tungkol sa landas na inihanda na ng Panginoon para sa kanila.  Ang mga ibang disipulo ba ay nagsaad ng kabiguan dahil sila ay hindi nabilang sa Labindalawa, o mayroon bang pagdama ng kapanatagan sapagkat ang landas na inihanda sa mga Apostol ni Kristo.ay tiyak na magiging mahirap?

Bilang napili lamang ay isang sakripisyo.  Ang pagiging isang Apostol ay magpapatunay na isang mabigat na krus na papasanin.  Bilang isang napili ay ang simula lamang.

Ang buhay-Kristiyano ay hindi madali, ngunit ang gantimpala ay banal.

Ikaw ba ay namumuhay upang “mapili” o ikaw ba ay namumuhay upang makaraos lamang?

'

By: Jackie Perry

More
Sep 02, 2021
Makatawag ng Pansin Sep 02, 2021

Ang salu-salo ay isinaalang-alang na isang mabuting makalumang pagdiwang ng kaarawan.  Ang hindi kami handa ay ang Diyos na binigla kami ng Kanyang handog.

 Ang mga kaarawan ng pagsilang ay malaking bagay sa aking pamilya, hindi lamang dahil sa masarap na keyk o ang kasaganaan ng mga handog.  Ito ay dahil kami ay nakapagdiriwang ng  araw na ang Diyos ay  biniyayaan ang mundo ng isang bagong buhay.  Ito ang araw na pinili ng Diyos na isilang itong taong walang ibang kapareho sa ating buhay.  Napag-isipan ko nang madalas na ito’y nararapat na ipagdiriwang at nais kong ihabilin yaong kahalagahan sa aming mga anak.  Kinailangang malaman ng aming mga anak na sila ay mahal hindi lamang ng aking asawa at ako, ngunit higit na mahalaga, sila’y itinalaga at minahal ng Diyos!

Paminsan-minsan, bibigyan namin ang mga anak namin ng isang makalumang pagdiriwang ng kaarawan.  Gaganapin namin ang pagtitipon sa aming tahanan, puspos ng mga matitingkad na palamuti, mga sumbrero, mga pampaingay, mga laro, mga premyo at mga regalo.  Pagkatapos ay kinakailangan naming tapusin Ito ng mayroong sorbetes, isang gawang-bahay at pinalamutiang keyk at mga nakabalot na kakanin sa mga nagsidalo.  Ang kanilang mga salu-salo ay hindi kinailangang napakalabis, ngunit ang mga ito ay mahusay na pinag-isipan at inabot ng maraming linggo upang isaayos.  Bagama’t ang lahat ng mga pagtitipon na aming ibinalak ay masaya at natatangi, may isang namumukod na pagtitipon na kailan man ay hindi malilimutan ng bawat- isa sa aking pamilya.  Ang pagtitipon na ang Diyos ay ginulat kami ng Kanyang Sariling handog!

Mga Isinaalang-alang na Kaarawan

Ang aming ikatlong lalaki ay naging labindalawang gulang noong bandang katapusan ng Mayo 2002.  Ang mga anak namin ay ipinalaki sa hilagang estado ng Massachusetts, kaya kapag ang panahon ng Mayo ay dumating, ang bawat-isa ay nagnanais na nasa labas na tinatangkilik ang panahong tagsibol.  Ang aming anak na lalaki ay isang atletikong bata at kabílang ng kanyang mungkahi, kami ay nagpasyang magkaroon ng kinathang pagtitipong panlabas na basketbol. Lahat ng bagay tungkol sa pagtitipong yaon ay pumapaikot sa paligid ng temang ito, kabílang na ang tutoong paligsahan ng larong basketbol, na panghahatulan ng dalawang nakatatanda na nakapaglalaro at umi-ihip ng pito.  Ang mga paanyaya ay napadala, ang mga uniporme ay napagawa, ang paksaing basketbol na keyk ay nahurno, ang kakanin ay naihanda at ang mga lobo ay nahipan na.  Bagama’t ang mga palamuti ay nakahanda, binalak namin na isaayos ang mga ito sa sumunod na umaga bago  dumating ang kahanga-hangang bungkos ng mga masisiglang batang lalaki.

Sa dami na ng ulit na nakapag-ayos kami ng mga isinaalang-alang na kaarawan noong nakalipas, ako’y lubos na nagtitiwala noong kinagabihan na ang lahat ay naisa-ayos at handa na para sa isang kahanga-hangang, maligaya at masiglaing araw hanggang… may isang muntiing paglinga sa pinakamalayong likod ng aking isip na nagsimulang pumasok ng paloob hanggang ang lagim nito ay naghasik ng nakagagambalang tanong sa aking asawa.  “Mahal, ano ba ang magiging panahon bukas?”  Ang tanong ay nanatiling lumutang sa hangin, tila isang tumatagal na di-kaaya-ayang amoy.  Alam naming dalawa na kung maliban sa napakaligayang sikat ng araw at malamig na simoy ang inaasahang panahon, ang kalalabasan ng piging ay nasa mapanganib na kalagayan.  Ito ang mga araw ng mabagal na internet at kami ay umaasa pa rin sa The Weather Channel para sa aming inaasahang lagay ng panahon.  Ang aking matinding pagkakadilat at maligalig na paghinga ay bigla siyang nagpaikot- ikot para mahanap ang pangmalayuang pambukas ng TV.  Ang kanyang mukha ay namutla.  Pagkatapos ay malumanay siyang lumingon sa akin.  Maingat na binibigkas ang bawat salita, kanyang inilatha na matatag na ulan ang inaasahan para sa buong araw.  Ako’y natulala!  Isina-ayos ko na ang bawat detalya ng yaong pagtitipon at itinakda ang bawat kaganapan hanggang sa pinakahuling minuto, ngunit nakaligtaan kong pahalagahan ang hindi mahulaang tagsibol na panahon ng Nueva Inglaterra.  Ano ang aking gagawin?

Mga Palad na Pawisin

Ika-walo ng gabi at wala akong panghaliling plano para sa kinabukasan ng umaga.  Ang loob ng tahanan namin ay ni hindi nakahanda upang pangasiwaang lahat yaong mga masisiglang batang lalaki.  Pagkaraka’y isang saloobin ang tumawid sa aking isip.  Ako’y makagagamit ng telepono at tawagan ang bawat posibleng pasilidad na may-kalapitan na maaaring may gym sa loob ng gusali, at maipaliwanag ang aking kinatatayuan at makiusap na gamitin ang kanilang basketbolan ng dalawang oras.  Gayunman, ang huling  oras ay maaaring mangahulugang walang taong sumagot sa tawag o kaya’y ang mga gym ay nakalaan na sa mga kaganapan sa katapusan ng linggo.  Natawagan ko na ang bawat pook na aking naisip, bukod dito sa isang gym.  Itong isang gym ay kasapi sa pampook na elementaryang pinagdaanan ng aking mga anak.

Noong maraming nakaraang mga okasyon, ang Punong-guro at ako ay tiyak na ni-kailanma’y nagkatinginan ng mata sa mata at hindi ko itinangi ang maisip na magpakumbaba o magtanaw ng utang na loob sa kanya.  Gayunman, sadyang malinaw na walang ibang mga pagpipilian.  Ito ay isang maliit na sambayanan, karamihan sa mga tao ay kilala ang bawa’t-isa at pinalad na ako’y may pansarili niyang numero.  Nang tumunog ang kanyang telepono, bumilis ang pulso ko, sumikip ang lalamunan ko, at napatunayan ko noon na ang mga babae ay talagang nagkakaroon ng mga pawising palad.  Sinagot niya.  Nang ipinaliwanag ko ang aking kailangan at bakit, nagkaroon ng kapansin-pansing humpay sa kabílang dulo ng linya.

Sa wakas, sinabi niya na titignan niya kung ang  katiwalang kawani ay papapasukin ako ngunit hindi niya malalaman hanggang dumaan ang ika-siyam ng umaga kinabukasan.  Nabalisa ang isip ko.  Pakiramdam ko’y hindi ako mapapanatag kapag hindi ko malalaman mismo sa tagpong yaon na ang matagumpaying pangalawang plano ay nakaayos na.  Ang piging ay nakatakda mula sa ika-labing-isa ng umaga hanggang ikalawa ng hapon, kaya wala nang napakahabang panahon upang mapagpahayagan ang mga magsisidalo tungkol sa pagbabago ng plano kung siya ay hindi bumalik ng pagtawag hanggang makalipas ang ika-9 ng umaga.  Gayunpaman, ang kanyang tono ay binabalaan ako na mag-ingat na magpumilit kung naisin kong maging matagumpay sa pagsumamo sa kanya.  Paulit-ulit at mapagpakumbabang pinasalamatan ko siya bago ko binaba ang telepono.

Maraming ulit naming siniyasat ang magiging lagay ng kinabukasang panahon yaong kinagabihan at inaasam-asam na ang di- mahulaang panahon ng Nueva Inglaterra ay magpatuloy sa aming direksyon, ngunit walang pahiwatig ng pag-asa… hanggang… isa pang mas tahasang paglingap ang pumasok sa aking ulo.  “Marahil ito ang lubhang mabuting sandali na magdasal.  Matapos ang lahat, hindi ba ang Diyos ang namamahala ng kinabukasang kalagayan?”  Ah, ako ay nagdasal at nagdasal at nagdasal.  Ang piging ay dapat lamang tumagal mula ng ika-labing-isa ng umaga hanggang ikalawa ng hapon, kaya ako’y gipit na nakiusap sa Diyos na pahintuin ang ulan para sa tatlong oras na yaon.

Ang sumunod na umaga ay nagsimula ng ambon at maulap na langit.  Ako ay may tatlo pang di-mapakaling oras bago ako makadinig muli sa Punong-guro ng paaralan.  Ang mga iba kong mapagpipilian ay naubos na, kaya ako ay mapanglawing nagpatuloy na magdasal, hindi sa pananalig, ngunit sa kagipitan.  “Ipahintulot Ninyo Panginoon”, ako’y nagmakaawa, “Ipahintulot Ninyo na huwag umulan sa loob ng ika-labing-isa ng umaga at ikalawa ng hapon.”.  Ang adrenalin lamang ang isang bagay na nakapagpigil sa bahâ ng luha sa likod ng aking mga mata.  Ang telepono ay nanatiling tahimik habang ang orasan ay walang tigatig na dumaan ng ika-siyam ng umaga.  Tinanong ko ang asawa ko, “Tatawagan ko ba siya o maghintay ako ng mahaba-haba?”  Bago siya makatugon, ang maanyayang tunog ng telepono ay umalingawngaw sa katahimikan sabay sa pagpigil namin ng paghinga sa pag-aasa.  Ang tinig ko’y gumaralgal  nang sinubukan kong sagutin ng mapanatag ang tawag.  Tiyak akong nagkandatisod-tisod sa pagbigkas ng bawat pantig sa pagbati ko sa kanya.  Walang paligoy-ligoy na sinabi niya sa akin na magagamit namin ang gym para sa piging, ngunit kami ay maglilinis na tila walang bakas na kami ay nanggaling doon.  Nais ko siyang pasalamatan ng marami, ngunit iniklian niya ang usapan at biglaan niyang sinabi na pumaroon sa gym ng paaralan nang mga ika-11:15 ng umaga, na maaabutan namin ang mga pinto na hindi nakapinid.

Ang Hindi-inaasahang Handog

Ang mga gulong ng isip ko ay nagsimulang umikot dahil mayroon na ngayong  matibay na pangalawang planong maisasaayos.  Bagama’t inaasaha’t pinagdarasal kong hihinto ang matatag na ulan sa loob ng tatlong oras na yaon, kinakailangan namin na gumalaw ng pasulong na may panghaliling plano para sa araw na hinihintay namin.  Tila ilang mga sandali lamang ang dumaan bago dumating ang oras para sa mga batang lalaki na magpakita.  Kami ay sukdulang handa sa mga pumapaligid na kalagayan.  Sampung minuto bago pumarada ang unang sasakyan, sumilip ako sa labas ng bintana at hindi ako makapaniwala sa mga mata!  Tinawag ko ang aking asawa at itinuro ko na dumungaw sa labas at tiyakin kung ano ang aking nakita.

Magkasama kaming nakatayo at tahimik na pinagmasdan ang pangitaing nasa harapan namin.  Sinagot na ng Diyos ang aking mga dasal.  Huminto na ang pag-ulan, tulad ng pagsamo ko at sa mabilis na panahon.  Gayon pa man, ang pambihirang kakaibang bagay ay naganap na hindi namin mahulahulaan.  Bagama’t tumigil ang pag-ulan na hindi inaasahan, nagsimula nang MAGNIYEBE!!!! Tiyak kong nadinig ang Diyos na tumatawa’t tumatawa.  Tumayo kami doon ng panandaliang kamanghaan at pagtataka.  Kailanma’y hindi namin nakita na magniyebe nang bandang katapusan ng Mayo sa tanang mga taong itinigil namin sa Massachusetts.  Kami ay nagtawanan sa pangitain, ngunit kami’y  hindi makapag-ukol ng panahon sa kahulugan nito habang ang mga kalalakihan ay nagsimulang dumating para sa piging.   Sa hindi-inaasahang tagpo, ang Punong-guro mismo ang sumalubong sa amin sa gym at sinabihan niya ako na magtratrabago siya sa kanyang opisina ng dalawang oras, hanggang matapos ang laro.

Ang bawat-isa ay nagkaroon ng kasiyahan at tumulong sa amin na maglinis ng gym na nagmukhang mas mabuti kaysa sa anyo nito nang unang maratnan namin.  Pinasalamatan namin ang Punong-guro at idinala ang bawat-isa pauwi para sa keyk at mga handog.  Bago namin malaman, ang ikalawa ng hapon ay dumaan at ang mga magulang ng mga batang lalaki ay nagsimulang lumakad nang padulas-dulas sa maniyebeng daanan sa harap ng garahe upang sunduin ang kanilang mga anak.  Gayunpaman, ang Diyos ay hindi pa tapos sa Kanyang biro at nakahanda nang ipakita ang  maringal na katapusan.  Ginawa Niyang malinaw na dininig ang aking mga dasal sapagkat nang ika-2:10 ng hapon, ang di-inaasahang niyebe ay bumalik sa matatag na ulan.  Ang mga luha na aking pinigil kamakailan lamang ay dumating na bumabaha palabas ng mga mata ko.

Buong panahon bang dumadalo ang Diyos sa aming piging?  Naipakita Niya ba na sinagot Niya ang mga dalangin ko sa pahintulot Niyang hindi uulan mula ika-11 ng umaga hanggang ikalawa ng hapon?  Ang Diyos ba ang naging taga-ayos ng panghalinhinang plano at hindi ako?  Ang Diyos ba ang naglaan ng lugar para sa amin upang magkaroon ng dakilang piging habang binibigyan ako ng aral sa pagpapakumbaba?  Ang Diyos ba ay may pagkamapagpatawa?  Ang sagot sa lahat ng mga tanong na yaon at mas marami pa ay OO, OO, OO, OO, at maliwanag na OO!!!!

Minsan, ang Diyos ay nangangaral nang papatong-patong.  Nang ako’y tumanaw ng pabalik,  napakaraming pagkakamali akong nagawa nang ipinaplano ko ang piging na yaon.  Gayunman, ginamit ng Diyos ang aking mga kahinaan upang malumanay at may-kabiruan na muling maituwid ang aking isipan at kalooban.  Lahat ng aking gawin ay natutupad sa pamamagitan ng Diyos na nagdudulot ng aking lakas. (Mga Filipo 4:13)  Sa simula, halos lahat ng bagay tungkol sa araw na yaon ay tila natupad sa pamamagitan ng aking sariling lakas at kapalaluan.  Ni hindi ko  na anyayahan ang Diyos sa yaong piging o sa pamamalakad ng pagplano.

Laking kahihiyan ang aking nadama nang pinag-nilaynilayan ko ang katungkulan ng aking Manlilikha sa pagdulot Niya ng aming anak sa buhay namin.  Siya dapat ang unang inanyayahang panauhin at ang naging kinalabasan, Siya ang pinakamalugod na tinaggap na panauhin.  Sinagot ng Diyos ang aking mga dasal, hindi sa ganap na paraan na naisip ko, kundi sa malinaw na paraan, na walang iniiwang pangamba na nilayon Niya upang turuan ako ng isang bagay.  Tinuruan ako ng Diyos na lagi ko Siyang kasama—nakikinig, nag-aalay  at nagugustuhang maging bahagi ng mga buhay na Kanyang nilikha.  Ipinagkaloob Niya sa akin ang mga biyaya ng pagpapakumbaba, pagpapaumanhin at pasasalamat bilang kasagutan sa aking dasal.  Ang piging na yaon ay lumabas na sukdulang masaya at di-malilimutan.  Matapos na nasabi’t nagawa ang lahat, hindi umulan sa pagitan ng ika-11 ng umaga’t ikalawa ng hapon, tulad ng aking hiningi sa dasal…..

Sa halip, ang Diyos ay nagdala ng Kanyang sariling handog:  NIYEBE!!!  Aking sasabihin na muli…..

Ang Diyos ay may mapagpatawang pandama!

'

By: Teresa Ann Weider

More
Sep 02, 2021
Makatawag ng Pansin Sep 02, 2021

Hindi ko alam na ang isang simpleng paglalakad sa pamilya ay makakatulong sa akin na maunawaan ang isang diskarte na nagbabago ng buhay …

Noong nakaraang taon, nais ng aking anak na bisitahin namin ang kanyang campus sa kolehiyo. Kahit na nakita ko ang malawak na bakuran ng unibersidad at ang mga bundok na duyan, ang kanyang ama at mga kapatid ay hindi. Bilang may-ari / operator ng restawran, ang pag-iiskedyul ng limang oras na paglalakbay sa kalsada at paglayo ay nagpakita ng mga hamon, ngunit tinutukoy kong mangyari ito. Dahil hindi namin mapamahalaan ang higit sa isang isang gabing pag-urong, sinabi ko sa aking anak na gawin ang pinakamahusay na paggamit ng aming limitadong oras. Pumili siya ng paglalakad sa pamilya.

Ay Higit sa Kakayahan

Inaamin ko na sa 49 na mas malambot ako kaysa sa matatag. Kasama sa aking regular na ehersisyo ang paglipat ng mga basurahan, pag-baluktot upang kunin ang mga stray medyas at mga nakalimutang libro, at pag-akyat sa tatlong hanay ng mga hagdan sa aming bahay. Nang itanim ko ang aking unang hakbang sa daanan, alam ko ang aking kalooban, hindi ang aking kakayahan, ay kailangang itaguyod ako.

Mabilis na nahulog ako sa likuran dahil ang iba ay may higit na tibay at kapasidad sa baga. Ilang yarda sa pag-akyat, ang aking paghinga ay naging mababaw at nagpapagal, at ang aking mga guya ay naalis mula sa pag-urong ng aking mga kalamnan na wala sa hugis. Napagtanto kong kailangan ko ng isang diskarte upang makumpleto ang paglalakad.

Napagpasyahan kong bitawan ang malaking larawan at ituon ang mga detalye. Sa halip na ituon ang pansin sa tatlong-milyang paglalakad, iisipin ko ang susunod na hakbang. Kadalasan ang pag-iisip ng malakihang larawan ay nag-aalala sa akin, ngunit ang pansin sa mga detalyeng nagtatala sa aking isip hanggang sa kasalukuyan. Napagpasyahan kong tikman ang bawat pagmamasid at hindi nilaga sa what if’s (paano kung huminto ang aking mga binti? Paano kung maubusan ako ng-singaw? Paano kung hindi ako makapanatili?…).

Ang Hindi Makikita na Daigdig

Di nagtagal, ang aking isipan ay nabalot sa kagandahan ng paglikha, nakalimutan ko lahat ang malaking larawan. Narinig ko ang banayad na sipol ng hangin at ang pagbulwak ng mga dahon sa ilalim ng masayang pag-uusap ng aking mga anak. Habang nagtatrabaho ako upang makasabay at ang aking baga ay umangkop sa ehersisyo, isang pamumula ng init ang lumiwanag sa aking balat. Ang malambot na berde na kulay ng mga halaman na namumulaklak pa rin sa sahig ng bundok ay nakuha ang aking mata, pati na rin ang mga palaisipan ng hubad, baluktot na mga ubas sa pagbagsak langit langitan Ang aking isipan ay bumukas sa hindi nakikitang mundo sa itaas, sa ibaba, at sa tabi ko. Pagpadyak sa matitigas na lupa, nag-arte ako ng mga larawan ng mga hukbo ng insekto na nagmamartsa malapit. Pangarap ko sa araw ang tungkol sa buhay ng maraming mga nilalang na naninirahan sa ating mundo: mga ibong namumugad sa mga walang dala na puno, mga daga na bumubulusok sa ilalim ng lupa, at hindi mabilang na mga pag-akyat sa bug, paglipad, at pagmamartsa. Nagpasalamat ako sa dakilang Diyos para sa bawat solong nilalang at bawat pulgada ng napakagandang tanawin na inilagay niya ako sa hapon na iyon.

Natagpuan ang Diskarte

Sa isang punto, tumigil ako upang kunan ng larawan ang isang tuod ng puno upang maalala na ang nabubulok na puno ay bahagi ng plano ng Diyos para sa bundok na ito. Sa oras, ang hindi makasagot ay mawawala, at ang mga donasyon ay buyo sa bundok mismo. Habang nakatuon ang aking camera sa namamatay na puno, isang bahaghari ang dumaloy sa imahe. Naalala ko ang tipan sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan. Naalala ko na nagpatuloy ito ngayon, at nagpasalamat ako sa Diyos sa kanyang katapatan.

Ang aking mga hakbang ay naging mas madali nang hindi ko binibilang. Naging magaan ang paglalakbay nang mailatag ko ang pamatok ng mga paano-kung  at inimbitahan si Kristo  na lumakad sa tabi ko. Nang tumulak ang tukso, napalapit ako kay Hesus. Sa halip na tanggihan ang hamon o maging labis na mag-isip, nag-alay ako ng isang panalangin na sumuko at ipinagkatiwala sa aking paglalakad.

Sa pagsisimula ng 2021, ang natutunan ko sa paglalakad sa bundok ay patuloy pa rin. Tulad ng pag-ikot ng mundo sa kaguluhan, naiintindihan ko ang halaga ng kasalukuyang sandali. Habang malaking larawan pag-iisip ay mahalaga para sa pagma-map ng mga direksyon at pagtataguyod ng mga layunin, maaari itong nakawan sa amin ng kagandahan, kapayapaan, at pakikisama ng sa kasalukuyan sandali.

Naghihintay ng Kalayaan

Kung nakatuon ako sa haba ng paglalakad at sa aking hindi sapat na mga kakayahan, maaari kong maipalabas ito. Sa halip, natuklasan ko ang isang kabang-yaman ng kagandahan at biyaya. Sa halip na mahumaling sa malaking larawan ay nakatuon ako ngayon sa kasalukuyang sandali. Sumisikat sa sopa kasama ang isang mahal sa buhay, binabasa nang malakas ang isang libro, ibinuhos ang aking sarili ng isang baso ng kape at nilalanghap ang aroma, o tinawag ang isang kaibigan at sabay na tumatawa. Nagiging mas maasikaso ako at naghahanap ng maraming mga paraan upang maisagawa ang aking pag-ibig.

Ang aking simpleng paglalakad sa isang burol ay nagresulta sa isang bagong diskarte para sa aking buhay: ang pagiging maasikaso sa kasalukuyang sandali at nagpapahayag ng pasasalamat para sa mga pagpapala dito.

Ang diskarteng ito ay ginagawang mas madali ang aking mga paglalakbay (maging ang pag-akyat sa isang bundok, pagkumpleto ng isang pang-araw-araw na gawain, pagdadala ng isang mabibigat na krus, o pamumuhay sa walang uliran oras sa kasaysayan). Buhay sa kasalukuyan ay naging ang susi sa pag-unlock ng kalayaan, isang kalayaan walang sinuman ang maaaring sugpuin. Si Kristo ay nasa kasalukuyang sandali. Hahanapin natin Siya roon kung saan tiyak na matatagpuan natin Siya

'

By: Tara K. E. Brelinsky

More
Sep 01, 2021
Makatawag ng Pansin Sep 01, 2021

Ang aking ina ay dapat na nagpapahinga nang payapa, walang sakit, sa isang kama sa ospital; ngunit ang kanyang huling mga araw ay nagsalarawan kung paano nya isinagawa ang tanang buhay nya.

Iyon ang huling araw ng paborito kong buwan, Oktubre. Dali-dali kong binibihisan ang aking maliliit na anak sa kanilang kasuotan para sa isang pagtitipon sa tahanan ng aking mga magulang.  Nang nakaraang taon, ang aking ina ay nasuri na may kanser at ang oras ng kanyang paglisan sa mundo ay papalapit na. Sinigurado ng nars ng hospisyo na bilang na ang mga araw bago masakop ng mabalasik na kanser ang maselan at maliit na pangangatawan ng aking ina.

Hindi kapanipaniwala ang balitang ito. Kamakatlong araw lang, nasaksihan ko siyang maliksi at nakikipagtulungan gaya ng lagi — nag-aayos ng mga sirang rosaryo at naghahanda ng hapunan para sa aking ama. Yan ang aking ina. Siya ay isang kahanga-hangang halimbawa ng walang pag-iimbot at pagmamahal. Ang bawat nakakakilala sa kanya ay tinawag siyang isang buhay na santo. Sa pamamagitan ng kanyang magandang halimbawa, tinuruan niya kaming lahat kung paano pasanin ang aming mga krus na may tiwala at pag-asa. Dahil sa isang matuwid na pamumuhay, ang aking ina ay hindi natakot na mamatay. Ang pananalig nya sa kanyang pananampalataya at pagtatalaga sa Banal na Misa at Rosaryo ay nakapanghihikayat. Si Santa Teresa ng Calcutta ay minsang nagsabi, “Ang buhay na hindi inialay para sa iba ay hindi isang buhay.” At tunay na isinabuhay ng aking mahal na ina ang mga salitang ito.

Pagkasugod ko sa bahay ng aking mga magulang nang gabing iyon, tinungo ko ang maliit at madilim na silid ng aking ina. Dinatnan ko syang nakahiga sa kama na napapaligiran ng aking mga kapatid. Ayon sa kapatid ko, ilang oras bago nito, nakaramdam nang hindi mabute ang aking ina kaya sya ay nahiga, at ngayon ay mistulang walang malay at hindi makapagsalita. Maghapon siyang naghahanda ng pagkain para sa pampamilyang pagtitipon para sa gabing iyon, sa halip na nakahiga, namamahinga nang payapa na walang nararamdamang sakit. Ang kanyang mga huling araw, ang kanyang huling mga kilos, ay larawan mismo ng kung paano niya ginugol ang kanyang buong buhay – saidin ang sarili sa pag-aalaga ng kapwa. Siya ay isang buhay na halimbawa ng pagpapakasakit.

Kailanman, ang aking ina ay hindi magreklamo sa walang tigil na sakit, o dumaing sa nakakasaid na paggagamot sa kanser, o kahit na sa katotohanang binigyan siya ng napakalaking krus na ito. Puno ng pananampalataya at kagaanang-loob na tinanggap ng aking ina ang lahat nang walang pag-aalinlangan – masayang inaalay ang krus na ito sa Diyos.

Labindalawang oras na walang patid, nanatili ako sa tabi ng aking ina – hindi ko sya maiwan sa oras ng kanyang pagdurusa. Hindi nais ng aking ina na sya ay pumanaw sa isang ospital, at napagtanto ko kung gaano kamaawain ang Amang Walang Hanggan na pinayagan siyang pumanaw nang payapa, sa kanyang sariling tahanan, na napapaligiran ng kanyang asawa at lahat ng sampung anak. Habang dahan-dahang lumipas ang mga oras, nagdasal kami ng Rosaryo sa huling pagkakataon bilang isang pamilya, tulad ng gawi namin habang lumalaki. Luhaan kaming nagmasid habang binibigyan ng aming kura paroko ang aming ina ng Pagpapahid sa mga May Sakit sa huling pagkakataon. Palit-palit kami sa pag-upo sa tabi ng kanyang kama, nagpapasalamat sa kanya sa pagiging lubos na halimbawa para sa amin sa tunay na pagsasabuhay ng kanyang pananampalataya na may ganap na pagtitiwala sa panukala ng Diyos. Alam naming lahat na kahit tinanggap ng aking ina ang krus na ito at handa nang pumasok sa Pintuan ng Langit, nasasaktan ang kanyang puso sa pag-aalala sa titiisin naming sakit sa kanyang pagpanaw. Gayunpaman, matapos masuri, tiwala nyang sinabi sa amin na mas makapagsisilbi siya sa amin kapag sya ay nasa Langit kaysa siya ay nasa lupa – at hindi ko ito pinagdudahan.

Ganap na hindi makapagsalita, napansin namin ng aking mga kapatid na bahagyang iginagalaw ng aming ina ang kanyang mga daliri sa harap ng kanyang bibig – na parang banayad na pinapalo ang aking mga kapatid kapag sinusubukan nilang bigyan sya ng pampawi ng sakit. Ito ay hindi maipagkakamali. Nagtinginan kaming lahat na lumuluha, sa wakas ay binigkas namin nang malakas kung ano ang iniisip namin. Nais niyang magdusa at iniaalay niya ito para sa amin.

Ang gabi ay dahan-dahang naging araw, at habang nilalabanan namin ang antok, napansin namin ang mahinang paghinga ng aking ina, ang kanyang mahal na ama at mga apo na maagang kinuha, naghihintay sa kanya. May bigat sa pusong minasdan ko sya habang hinugot niya ang kanyang huling hininga. Lahat kami sa maliit at masikip na silid ay natahimik. Mahina akong bumulong, “Nakita na ng ating Ina ang mukha ng Diyos.” Sa sandaling iyon, tumigil ako sa pagdadasal para sa aking ina at nagsimulang manalangin sa kanya. Ito ay Araw ng mga Santo. Isang napakaalugod na pagtanggap sa kanya!

'

By: Mary Therese Emmons

More
Sep 01, 2021
Makatawag ng Pansin Sep 01, 2021

Mula pa sa kanyang kabataan ay nagtrabaho siya sa ubasan ng Diyos. Nais mo bang malaman kung paano siya ginantimpalaan ng Diyos?

Humiling Ka

Natuklasan ko ang programa ng U.S. Presidential Scholars noong ako ay nasa mababang paaralan. Taon-taon, 161 na magtatapos sa mataas na paaralan sa Amerika ang pinararangalan ng isa sa mga pinakatanyag na gantimpala ng bansa para sa kanilang namumukod na mga nagawa. Sa tingin ko sa mga iskolar, sila ay kumakatawan sa walang-hanggang kakayanan. Ganon pa man, tuwing gabi sa loob ng sumunod na apat na taon, sinali ko ang programang ito sa aking panalangin. Hindi naman sa karapat-dapat ako sa karangalan, ngunit nakagawian ko nang humiling sa Panginoon mula pa noong bata ako. Natatawa ang aking mga magulang tuwing babanggitin ko ang mga Presidential Scholar sa pampamilyang dasalan; laking gulat ng lahat nang pagbigyan ng Panginoon ang partikular na kahilingang ito.

Huwadan ng aking pamilya ang aking ina sa pakikipag-ugnay kay Jesus na puno ng pagmamahal, katapatan, at kalayaan. Nararapat kong sabihin sa Kanya ang lahat ng aking mga plano at hangarin, at igigiit ko ang Kaniyang opinyon para sa lahat, sa aking mga klase, kolehiyo, pagpili ng karera, maging ang mga ekstrakurikular na gawain na aking sinalihan. Bilang karagdagan, tiniyak ng aking mga magulang na dalhin ang aming pamilya sa ‘retreat’ minsan o dalawang beses sa isang taon.  Sa buong pagdadalaga ko, natanggap ko ang madaming biyaya at suporta mula sa Shalom, Sehion, Steubenville, at iba pang mga ministro. Ano man ang damdamin ko sa pagsisimula ng bawat programa, sa bandang huli ay pinagpapala akong maisapuso ang mga magagandang bagay na natutunan ko.

Pagmamagitan

Sa paaralan, higit ang pagkabahala ko para sa kapakanan ng aking mga kaibigan. Malinaw na ang pagpapalaki sa akin ay hinubog ng mga katotohanan at ito’y mayabong sa mga pagpapalang hindi kailan man nakamit ng aking mga kauri. Hindi ko man masabi sa kanila ang tungkol sa Diyos, madalas kong mabanggit sa Kanya ang tungkol sa kanila sa harap ng dalanginan. Hangga’t maaari, araw-araw kaming nagsisimba. Sa ganitong paraan, inialay ko kay Jesus ang mga miyembro ng aking koponan, mga guro, at lalo na ang mga nagpasama ng kalooban ko. Ang kanilang mga pakikibaka ay makatotohanan na sumasaklaw sa pangkasalukuyang sandali. Sa mga ganitong pakikipag-usap nabuo sa akin ang isang mas higit na pagnanais na magturo ng Ebanghelyo, hindi sa pang- hinaharap, kundi ngayon.

Naglingkod ako sa aking parokya mula nang ako ay pitong taong gulang bawat linggo. maaaring sa pamamagitan ng koro, paglilingkod sa altar o tagabasa, o pagtuturo. Ang aking tirahan ay dalawang minuto lamang mula sa simbahan; ako ay isang boluntaryo, pumapasok kapag kinakailangan. Sa pamamagitan ng mga ‘pag iisa” , lalo na ang Shalom Media Summit, naging mas aktibo ako. Abala na ako sa aking mga gawain sa mataas na paaralan nang magsimula akong magkusa para sa Shalom. Tambak man ako sa gawaing pampaaralan, inuuna ko ang anumang gawain para sa Diyos. Sa oras ng pananghalian maaari kong ituwid ang isang paskil para sa pakikipagtalastasan; matapos ang takdang aralin, maaari kong baguhin ang iskrip sa pagtatanghal; at hindi ako pumapasok nang ilang araw upang makatulong sa mga programa ng ‘Jesus Heals’ at samahan ang aking ina sa mga pagpupulong ng Victory.

Ginugol ko ang mga oras sa pagtulong sa mga gawaing kinagigiliwan ko sa halip na masayang ang mga ito. Napakaselan ko din tungkol sa husaya ng aking gawain. Maingat ako sa paghahanda para sa mga mag-aaral na tinuturuan ko – ano pa ang dapat kong gawin para sa aking Jesus na nagmamahal sa akin? Pananagutan kong maibahagi ang mga biyayang natanggap ko, at ginantimpalaan ako para dito. Anumang mga takdang-aralin o pagsubok na hindi ko mapaghandaan ay palagiang naantala o ginawang madali ang mga ito. Minsan, naitakda nang Unang Biernes ng buwan ang pagsumite ng aking aplikasyon para sa iskolarsip. Isang araw bago sumapit ang nasabing takda, labis akong nabagabag dahil madami pa akong dapat isulat at segurado akong di ko magagampanan ang buwanang pagsamba. Kinaumagahan, nalaman kong dinagdagan nang 3 araw na palugit ang huling araw ng pagpasa ng aplikasyon. Sinasabi sa Bibliya na hindi nawawalan ng gantimpala ang pagbigay ng kahit isang basong tubig pag ito ay ginawa sa pangalan ng Panginoon. Mas gaano pa kaya kahalaga ang ating oras? Akala ako ang may ginagawa para sa Diyos, yun pala tinatandaan Niya ang bawat sandali at ginagamit Niya ang mga iyon upang gumawa ng mga dakilang bagay para sa akin.

Ang Kahinahunan ay Nagsisilbe

Gayon man, higit ang akmang paglilingkod kaysa sa mga nagawa nang mga bagay/paglilingkod.  Sa tagpong panlipunan, dapat tayong magkaron ng kamalayan sa mga pagkakataong maaaring makaakit sa atin na mailagay sa alanganin ang ating mga paniniwala. Ang isang partikular na sagabal para sa mga mag-aaral ay ang mga paglalakbay na kinakailangan gawin para sa paglahok sa koponan — isang mahalagang bahagi ng paghuhusgang pang kolehiyo at pang iskolar. Ang mga iba’t ibang pagpupulong ay nagbigay sa akin ng maraming nakakabalisang katayuan. Ang  pag-iwas sa ilang musika, laro, at pananamit ay nagbigay-pagitan sa ugnayan ko sa aking kapwa mag-aaral. Nagbigay sa akin ng madaming kasiyahan at tagumpay ang mga pampaaralang paglalakbay; subalit, habang kasama sa mga ito, maaaring ako ay naging mapaghusga sa mga mag-aaral sa kanilang mga pasyang sinang-ayunan naman ng aming mga chaperon. Ang pakikinig sa aking budhi ay di ko kadalasan maihayag. Habang nasa isang ‘retreat’, nadidinig ko sa aking puso nang paulit-ulit, “AKO ANG KAIBIGAN MO.” Ang mga mapilit na salitang ito ay lubos na makabuluhan sa akin sa mga sumunod na taon ng pag-aaral. Si Jesus ay isang personal na kaibigan sa bawat Kristiyano; ang mahirap na bahagi ay ang pagiging isang tunay na kaibigan sa Kanya.

Ang paborirto kong diskarte ay bigyan ng responsibilidad Ang Panginoon para sa lahat. Ipinaaalam ko kay San Jose ng Cupertino bawat pagsusulit ko, habang nanalangin naman ang aking ina sa oras mga ng pagsusulit. Sa paghahanda para sa mga kumpetisyon,  sinasangguni ko ang Panginoon sa dapat kong isulat; at pagharap sa mga hukom, nagpapagabay ako sa Kanya sa aking sasabihin. Pag nag-uumpisa ng mga proyekto o sanaysay, dinadala ko ang aking mga tala sa harap ng Bahal na Sakramento at duon, isinusulat ko ang mga nakukuha kong ideya. Maging ang pagsulat ng artikulong ito ay naging magaan  – may Ibang nagsulat ng balangkas!

 Kumakatok Ang Pagkakataon 

Gagawing posible mismo ng Diyos ang lahat, tulad ng ginawa Niya para sa akin. Upang makasali sa pilian ng mga iskolar ng pangulo, ang mag-aaral ay kinakailangang  imungkahi ng  opisyal ng edukasyon ng kanyang probinsya. Kinailangan kong mapabilang sa sampung iyon, ngunit nagmula ako sa isang rehiyon na hindi kasali sa nasabing proseso. Wala akong pagkakataong makipag-ugnay sa aking kinatawan. Gayunpaman, noong nakaraang taon, nahalal ang isang bagong tagapamahala na nakatuon sa pagpapalawak ng daan para sa mga mag-aaral na magkaroon ng  mga pagkakataon . Sa pamamavitan ng internef, sinimulan niyang tumanggap ng mga aplikasyon para sa mga ibig maimungkahi sa programa, isang di-pangkaraniwang pagbabago na dumating sa tamang pagkakataon ng sa aking pagtatapos. Sa kanyang mungkahi, ako ay nahirang na maaring makatanggap ng parangal na sa bandang huli ay ipinagkaloob din sa akin ng Maykapal. Bilang mga tagapaglingkod, tinawag tayong maging masigasig sa mga pagkakataong ibinibigay sa atin ng Guro, na huwag mag-alala tungkol sa kung paano ito mangyayari.

Kung pagbubutihin natin ang pagkahilig na maglingkod, bibigyan tayo ng Diyos ng higit pang mga pagkakataong gawin ito – ginagantimpalaan pa Niya tayo sa mga ito! Sa ilalim ng Kanyang tagubilin, binibigyan tayo ng kapangyarihang magawa ang mga bagay na hindi natin maisip na ating magagawa. Hindi bibiguin ng ating Ama ang Kanyang mga anak, lalo kapag ipinaubaya natin sa Kanya ang mga ibubunga ng ating pagsisikap. Ang ating tungkulin ay ang sumang-ayon at masdan ang Panginoon na tumugon sa mahimalang paraan ukol sa ating sitwasyon sa buhay. Maliit man ang ating mga alay kung ginagawa natin ito para sa isang Dios na sa pamamagitan ng limang tinapay ay pinakain ang higit sa limang libong tao. Bigyan natin Siya ng pagkakataong maipakita ang Kanyang kaluwalhatian.

'

By: Freya Abraham

More
Sep 01, 2021
Makatawag ng Pansin Sep 01, 2021

Paano kaya mangyayari — na matapos mabinyaga na Katoliko ay maisisilang na muli? 

Alin sa dalawa: ikaw ay Katoliko, na ipinanganak na muli nang ikaw ay bininyagan at, sa ngalan mo, ay inaanyayahan ng iyong mga magulang/ninong ang Panginoon sa buhay mo. O ikaw ay ipinanganak na muli sa araw na tinanggap mo si Jesus bilang iyong kapalagayang-loob na Panginoon at Tagapagligtas, kum baga sabi ng mga kapatid nating Protestante. O, pareho! Iyon ang kaso sa aking buhay at sa libu-libong pang mga kapatid na kilala ko sa simbahang Katoliko.  Maaring itanong mo, paano ito mangyayari!

Pag-uusap sa Kantina

Pinanganak ako sa pamilyang Katoliko at pinalaki bilang isang ‘mabuting’ Katoliko , naglingkod sa altar, nag-aral sa paaralang Katoliko, natututo ng mga dasal pang- Katoliko, at pagkalaon ay nag-aral sa pamantasang Katoliko. Ang aking pananampalataya ngayon ay kabuuan ng lahat ng iyon. Gayunpaman wala akong tunay na kapalagayang-loob na ugnayan sa Panginoon hanggang sa isang araw sa kantina, noong nag-aaral ako sa pamantasan. Sa isang karaniwang pakikipag-usap, tinanong ako ng isang taga simbahan ng ‘Brethren’ (mga dumadalaw sa India mula sa Amerika) kung mayroon akong isang personal na relasyon sa Panginoon, at kung nais kong tanggapin si Cristo bilang aking personal na tagapagligtas?

At ako nama’y, “Ano ang ibig mong sabihin? Paano ko gagawin yan?” Sumagot siya, “Kailangan mo lang siyang tanggapin sa iyong puso/buhay bilang iyong sariling tagapagligtas sa pagpapahayag ng iyong pananampalataya.” Tinanong ko kung paano ko magagawa iyon at kailan. Sinabi niyang, “Kung handa ka na, dito mismo, ngayon.” Bagaman nasa kantina kami, sumang-ayon ako at ang ilan sa amin sa mesa ay tumayo at nagdasal at inanyayahan ko si Kristo sa aking buhay bilang aking sariling Panginoon at Tagapagligtas. Wala ang inaasahan kong kulog o kidlat o bagyo mula sa langit. Binati ako ng aking mga bagong kapatid at sinabing opisyal na akong isinilang na muli.’

Wala akong anumang naramdaman, ngunit kinalaunan nang nag-iisa sa na ako sa aking silid sa hostel nagsimula akong magdasal at ang mga salita ng pasasalamat ay dumaloy mula sa akin na parang isang ilog. Kahit minsan, hindi ako nagdasal ng gaya nuon. Hindi ako makapaniwala sa mga salita ko. Nagulat ako ngunit napagtanto ko na ang payak at tunay na pagdadasal na ginawa ko sa kantina ilang oras lamang ang nakalipas ay dibdiban na tinanggap sa langit. At ang Panginoon ng langit at ng lupa ay tumahan sa akin.

Tikim sa Panginoon

Sa bagong natagpuang pagmamahal sa Panginoon at sa pangkat ng mga kaibigan na nagdala sa akin sa yugtong ito, nagsimula akong magpunta sa kanilang mga pagpupulong at gumawa ng maliliit na mga hakbang sa Espiritu. Sa umpisa, halos ganap na itinigil ko ang makinig ng Misang Katoliko dahil natagpuan ko dito ang hindi ko matagpuan doon.

Isang araw, ang Banal na Espirito ay nagsabing makibahagi ako sa pang-araw-araw na Misa sa kapilya ng hostel, isang Misang Syro-Malankara na kahit isang salita ay hindi ko maintindihan. Sumunod ako sa Espirito at sa aking pagkamangha, naintindihan ko ang bawat panalangin, at nakibahagi sa Misa nang walang singtulad kailanman. Alam kong ang Panginoon ang nagdala sa akin pabalik sa simbahan.

Habang patuloy akong nakibahagi sa mga Protestanteng pagpupulong at pagdarasal, dumalo din ako sa Misang Katoliko, at sa pagtatapos ng aking pag-aaral sa loob ng 2 taon, naintindihan ko at nabigkas ang bawat dasal ng 3 ritwal na ipinagdiriwang sa isang wikang hindi ko mabasa o maisulat. Isa na ako ngayong matapat na Katoliko hindi lamang dahil sa kinalakhan ko kundi dahil na din sa personal kong nadanasan at nakita ang kabaitan ng Panginoon.

Alam ko na madami ang mga hindi pa kapalagayang-loob na nakakatikim ng kabutihan ng Panginoon at hindi nadanasan ang kagalakan ng gayong kaugnayan o dili kaya’y nalaman ang kagalakan sa pakikilahok sa Simbahang Katoliko kasama na ng kasaganahan nito–ang katawan at dugo ni Kristo, ang mga hiwaga ng sakramento, at ang pakikipag-isa ng mga Santo. At hindi pa nababanggit ang Mahal na Ina!     ✔

Kung ikaw ay isang Katoliko, inaanyayahan kita ngayong Pasko na anyayahan ang Panginoon na Siya ang mamahala sa iyong buhay. Kung ikaw ay isang protestante, inaanyayahan kitang tanggapin ang Simbahang Katoliko kadama ng kanyang mga aral nang sa gayon ay maranasan ang kabuuan ng katotohanan at liwanag ni Kristo. Kung ikaw ay hindi alin man sa dalawa, mahal kong kaibigan, inaanyayahan kitang “Tikman at tingnan na ang Panginoon ay mabuti” (Awit 34: 8). Hindi lamang mabuti, kundi ang pinakadakilang kabutihan na maaari mong mahangad o matamo. Maligayang Pasko!

'

By: Cyril Abraham

More
Sep 01, 2021
Makatawag ng Pansin Sep 01, 2021

Ano Ang paborito mong palabas?  Talaga bang hinihikayat ka nito?

 Labis na panonood ng TV: isang libangan na kasalukuyan na maginhawang nakatuntong na pinaka-una sa lista ng ating mga panganlungan na aktibidades.  Na ang pinakamabigat na bahagi ay ang pagpili ng perpektong palabas sa gitna ng kalabisan ng mapagpipilian sa mga umaanod na plataporma. Ang pagtawid sa ‘hurdle’ at susundan ng pagpindot ng ‘play’ ay paiikutin tayo sa mga daigdig na sa labas ng ating kinaroroonan na malayo sa pang-araw-araw na alalahanin natin.

Noong unang ‘pandemic lockdown’ o paghihigpit gawa ng sakuna, ako at ang asawa ko ay nakatagpo ng palabas na nakapagbigay-katuparan sa halos lahat ng inaasahan naming mangyari. Sa bilisan ng takbo at malaking balangkas, ang serye ay nakapagdulot ng pagkawili at pananabik na tamang-tama sa mga katapusan ng linggo.  Hindi malayong makita na kung paano ang palabas ay nagkamal ng napakaraming tagahanga kasama ng mga matataas na marka mula sa mga kritiko.

Gayunman, habang tayo ay nagpapatuloy sa mga panahon, tayo ay may napansin na nakagagambalang kalakaran sa balangkasan ng kuwento. Ang kaugalian ng pananampalatayang Katoliko ay sinuri at binaluktot at naging pangunahing gawain ng mga kontrabida, hindi ng mga mabubuti. Ang nakakubling pakay ay tila ang pagpapahiwatig ng malisyosong pagsisinungaling nang paunti-unti, habang ang mga manonood ay kalalimang naa-aliw.

Anumang mga tangka upang ang mga manonood ay masiyasat ang kanilang paniwala sa mataas na kapangyarihan ay maaaring hindi laging malinaw.  Ang mga ibang nilalaman ay maaaring subukan na pahinain nang dahan-dahan ang ating pandama sa mga panimulaing bisyo.  Isang komedya ang aking sinimulang panoorin na tila ay tinuring ang mga krimen ng labis na katatawanan.  Isa pang bumabantog na palabas na nakasentro sa makataong pagnanais na mabuhay nang walang hanggan sa pamamagitan ng kathang-isip na patnubay, isang alternatibo sa pinaghahandaang wakas sa kamatayan.

Bilang pasasalamat, tayo rin ay may mga kathang patuloy  na nagdudulot ng inspirasyon at pag-ganyak sa atin—mga ‘superheroes’, mga kuwento ng pag-ibig, mga matagumpay na  kapalaran laban sa lahat ng mga dalamhati, mga magigiting na pagdurusa sa pagkamit ng kapayapaan at iba pa.  Hindi ba kapani-paniwalang malaman ang laki ng epekto nitong tabing ng telebisyon?  Nagagalak akong nakahanap kamakailan lang ng isang palabas upang malaman lamang na ito ay hindi nakapaghikayat ng sapat na dami ng manonood upang ito ay mapalaganap ng maigi.  Ito’y dating nangyari na sa mga ibang programa na may ganitong senaryo.

Marahil ang mga palabas na lumilihis sa pamantayan ay mas nakararaos sa pagpapanatili  ng pagkawili.

Ang panonood ng isang bagay na makapagpupukaw ng isipan ay maaaring may mga kaukulang kapakinabangan, ngunit ang mga pagdududa na kanilang ipinahihiwatig sa paligid ng kaibuturan ng ating paniniwala ay maaaring humantong alinman sa dalawang paraan.  Maaaring tayo ay makakuha mula sa ating mga karanasan sa buhay at mga aral-Kristiyano upang tumayo ng mas matatag sa ating pananalig o makita ang ating sarili sa bagay na may-kalabuan at nakapagbibigay-tindi sa ating mga bagong pandududa.  Ang ikalawa ay medyo mapanganib kung saan ang mga kabataan ay sanhi ng ating pag-aalala.  Kinakailangan lang ng isang kahanga-hanga at nagmimistulang intelihenteng pagkatao na sa ngalan ng panlipunang kamalayan ay nagsasalita ng hindi pirmihang talakayan na tumutuya sa paanampalataya.  a ito’y maaaring makagulo sa mga murang isipan na pinahahalagahan ang panlipunang pananagutan at maaaring mag-isip kung ang simbahan ay sumasapi sa yaong mga prinsipyo.

Kaya papaano tayo magiging maingat sa lahat ng mga nakapaligid sa atin na hindi natin hahayaang mabagabag ng anuman ang ating kaibuturan o kalooban?  Papaano natin kukunin lamang ang mabuti sa pinanonood natin at itapon ang masama?  Tayo ay manalangin sa ating Panginoon upang makamit ang biyaya ng pagtitiyak.  Maging maalalahanin na hindi natin kinakailangang mapasailalim sa ating sariling paraan ng pakikiramdam pagkatapos ng panonood.  Ang pag-aanyaya ng mga kapamilya upang ipamahagi ang mga palagay o kurukuro sa hapag-kainan ay maaaring magbigay-daan sa mas malusog na pagkaintindi ng sumusuporta, o ng hindi, sa mga kahalagahang Kristiyano.  Kung mayroon mang hindi, tayo ay dapat na may kamalayan at mangailangan ng angkop na panlutas.

At habang patuloy nating kinagigiliwan ang pagkamalikhain na  maidudulot ng industriya ng aliwan, tampulan din natin at tamasahin ang dakilang karunungan na matatagpuan sa mga páhina ng ating Bibliya, ang pag-ibig ng ating Ama na kasama ang lahat, ang tunay na bayaning si Jesus, ang sukdulang kapangyarihan ng mga santo at ang kapita-pitagang Kaharian na walang-hanggan.  Magtulungan tayo upang mapagtanto ng bawa’t-isa kung gaano kahanga-hangang malaman ang Diyos na nagmamahal  sa atin, namatay para sa atin, at nais na makapiling tayo magpakailanman. At huwag hayaan ang anuman na sumagabal sa daan sa pagpapanatili ng ating pananalig hanggang sa huli.

“Kaya’t ihiwalay natin sa ating sarili ang anumang sagabal, lalung-lalo na ang sala, upang magtiyaga sa pagtagbo ng takbùhing inilatag sa harapan natin.  Masdan natin si Hesus, ang tagapagtatag ng ating pananalig, na magiging dahilan nitong tagumpay” (Hebreo 12: 1-2).

'

By: Michelle Harold

More
Jun 23, 2021
Makatawag ng Pansin Jun 23, 2021

May isang kataka-taka at nakakaintrigang pagbasa sa ikatlong kabanata ng liham ni San Pablo sa mga taga Roma, na sa konteksto ng sulat ay tila halos ibalibag, ngunit napatunayang naging isang pundasyon ng moral na teolohiya ng Katoliko sa loob ng nakaraang dalawang libong taon.  Pagtugon sa ilan sa kanyang mga kritiko, sabi ni San Pablo, “At bakit hindi sabihin (gaya ng paninirang-puri sa amin sa pagsasabi), ‘Gawin natin ang kasamaan na maaring magdulot ng mabuti?’  Ang paghatol sa kanila ay karapatdapat”! (Roma 3: 8).  Maaaring balangkasin ang medyo mahirap-sundang  pahayag ni San Pablo ng sumusunod:  “Hindi natin dapat gawin ang masama na maaaring panggalingan ng mabuti.”

Sa katunayan, mayroong tunay na masasamang tao na tila masaya sa paggawa ng masama para sa kasamaan mismo na tinawag ni Aristotle na mga may masamang hangad, o sa matinding kaso, “maka-hayop.”  Ngunit karamihan sa atin na gumagawa ng masasama ay karaniwang nakakahanap ng dahilang nagbibigay-katarungan sa ganung pag-uugali sa pamamagitan ng pagsusumamo sa pag-asang may magandang kalalabasan ang masamang nagawa. “Hindi ko maipagmamalaki ang ginawa ko, pero kahit papano ay may maganda itong kinahinatnan,” maari kong masabi sa sarili ko.”  Pero sa pagsunod sa udyok ni San Pablo, ang simbahan ay di nagbago sa pagsimangot sa ganitong paraan ng pag-iisip,  sapagkat tiyak na ito ay magbibigay daan sa moral na kaguluhan.  Kasabay nito ay kinikilalang ang pang-aalipin, adulteryo, pedopilya, pagpatay ng inosente, at iba pa, ay likas na masama, na ibig sabihin ay hindi maaring bigyan ng katarungan sa pamamagitan ng apela na nagpapagaan sa pangyayari, na nagpapagaan sa bigat ng isang pagkakamali, o sa kahihinatnan. Sa ngayon, napaka halata.

Ngunit ang prinsipyong ito ay naisip ko kamakailan lamang, hindi patungkol sa aktong moral ng mga indibidwal, kundi sa moral na pagpapalagay na mukhang ito ang gumagabay sa nakahihigit na parte ng ating lipunan.  Maimumungkahi kong isang malaking-pagbabago ang naganap noong 1995 sa paglitis kay O.J. Simpson.  Sa aking opinyon, karamihan ng mga makatwirang tao ay naniniwalang ginawa ni Simpson ang kahila-hilakbot na krimen na akusado sya.  Gayon pa man, siya ay pinawangsala ng hurado at sinuportahan ito ng malaking bahagi sa ating lipunan.  Paano ipaliliwanag ang anomalyang ito?  Sa isip ng nakararami, ang pagpalaya kay O.J. Simpson ay makatarungan dahil ito ay ipinalagay na nakakatulong sa solusyon sa panlipunang problemang pagtingin sa lahi at ang pag-uusig sa mga African American ng Kagawaran ng Pulisya ng Los Angeles, sa partikular, at iba pang mga pulis, sa pangkalahatan.  Ang payagang lumaya ang isang nagkasala, at ang di-pagpansin sa kawalan ng katarungan, ay pinayagang mangyari dahil lumitaw na ang mga ito ay nakakatulong sa kabutihan.

Ang O.J. Simpsonization, o ang paggaya sa kaso ni O.J.Simpson,  ay mas naipakita kamakailan sa malungkot na kaso ni Cardinal George Pell. Muli, sa kawalan ng prueba sa akusasyon at ang kawalan ng anumang katibayan, naghusga ang mga taong makatwiran na  hindi dapat dinala sa paglilitis si Cardinal Pell, o nahatulan.  Gayon pa man, si Pell ay pinatunayang may kasalanan at binilanggo;  at kahit sa huling apela ay kinumpirma ang orihinal na paniniwala.  Paano maaaring ipaliwanag ang diskonekta? Marami sa mga Australiano, na lehitimong galit sa pang-aabuso ng mga pari sa mga bata at sa mga kasunod na pantatakip ng ilang pangsimbahang kapangyarihan, ang nakadama na ang pagkabilanggo ni Cardinal Pell, ay nakatugun sa lumalaking isyu. Kaya minsan pa, labag sa prinsipyo ni San Pablo, ginawa ang masama na maaaring panggalingan ng mabuti.

Ang paglaganap ng kahalagahan ng karapatang pang moral  sa ating lipunan ay lubhang mapanganib, pagkat sa sandaling sabihin natin na ang kasamaan ay maaaring gawin para sa kapakanan ng mabuti, ito ay nangangahulugang talagang tinatanggihan natin na merong totoong masasamang gawa, at sa sandaling gawin natin iyon, ang intelektwal na suporta para sa ating moral na pamamaraan ay kusang bibigay.  At pagkatapos, darating ang galit. Isang napaka-maiging halimbawa ng prinsipyong ito ay ang malaking takot na sumunod sa French Revolution.  Dahil (walang dudang) may nagawang napakalaking kawalang-katarungan ang grupo ng mga mahal na tao ( aristocrat)  sa mga mahihirap noong siglo ikalabing-walo sa France, ang sinumang pinaghihinalaang kaaway ng rebolusyon ay  walang pagtatangi o diskriminasyon na pinupugutan.  Kung ang mga inosente ay mamatay kasama ng may-sala, ay siya nawang nangyari  –pagkat ito ang nagsilbing nakapagtayo ng bagong lipunan. Naniniwala akong hindi kalabisang sabihin na ang lipunan sa Kanluran ay hindi pa ganap na nakaangat mula sa moral na kaguluhang sinapit mula sa nakamamatay na karapatang pang moral ng panahong iyon.

Samakatuwid, kahit lehitimong nilalabanan natin ang panlipunang kasamaan ng ating panahon, kailangan nating tandaan ang simple ngunit matalas na prinsipyo ni San Pablo: ‘hindi kailanman gagawa ng masama kahit maaaring may mabuting manggaling sa mga ito.’

'

By: Bishop Robert Barron

More
Jun 23, 2021
Makatawag ng Pansin Jun 23, 2021

Alam mo ba na nakakatulong ang pag-aalala? 90% ng mga bagay na pinag-aalala mo ay hindi nangyayari!

Bago Ka Mabilaukan

Ang huling pagkakataong makita ko ang aking ama nang sya ay nabubuhay pa ay noong kami ay mag-usap sa kanyang silid sa ospital.  Madaming bwan syang nakipagbaka sa cancer at ngayon ay papalapit na sa dulo ng labanan.  Sa dami ng bible studies na pinangunahan nya sa kanyang buhay, sinabi niya sa akin, “Kung bibigyan ako ng Diyos ng isa pang pagkakataon na magturo tungkol sa Kanyang Salita, magbibigay ako ng usap tungkol sa kung anong tinatawag kong –Ika Labing Isang Utos: ‘Hwag Mag-alala.”  Ito ay isang paborito nyang tema, isang taong may malaking pananampalataya at tiwala sa Panginoon.  Mahilig siyang magturo tungkol sa kung paano magtagumpay laban sa pagkabahala sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Diyos.

Makalipas ang 6 na linggo, tinawag na ng Panginoon ang aking ama kaya hindi nya naibigay ang huling pahayag.  Ngunit nais kong ibahagi ang diwa nuon dito. Sa maikling sipi mula sa Mateo 6: 25-34, sinasabi sa atin ni Jesus ng tatlong beses, “Huwag mag-alala.”  Huwag mag-alala tungkol sa buhay, o kung ano ang kakainin o iinumin, o tungkol sa katawan, kung ano ang isusuot. “Sa katunayan, alam ng iyong makalangit na Ama na kailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito,” tinitiyak sa atin ni Hesus.

Ang pag-aalala ay pagpapakita ng kakulangan ng pagtitiwala sa Diyos. Gayunpaman, ang pag-aalala ay isang bahagi na ng ating kultura at lipunan kaya itinuturing nating ito ay normal. Iniisip natin na ang pag-aalala sa mga anak ay pagiging isang mabuting ina.  O ang isang taong mapag-alala tungkol sa kanyang kumpanya ay pagiging isang mahusay na negosyante.  Hindi natin tinuturing na ang pag-aalala ay isang pagsuway.  Ngunit ito ang totoo.

Ang salitang “pag-aalala” ay mula sa isang lumang katagang Ingles “wyrgan” na ang ibig sabihin ay “mabulunan” o “masakal.”  Iyon ang ginagawa ng pag-aalala sa ating pananampalataya: binubulunan o sinasakal ito.

Magsimula tayong magdasal para sa isang anak, o isang kamag-anak na may sakit, o isang  maligalig na pagsasama; at bago natin malaman ito, tayo ay nagambala na ng pag-aalala, at pagkatapos ay dinaklot na tayo ng takot at ang ating pananampalataya ay nasakal na.

Mahirap manalangin o kahit na mag-isip nang malinaw kapag tayo ay nag-aalala. Kung nakita mo ang isang hardin na nababalutan ng damo, at na kung paano sinasasakal ng damo ang anumang mga bulaklak o gulay na tumutubo sa tabi ng mga ito.

Tigilan Ang Pag-aalala

Kaya nga, paano nating ihihinnto ang ating pag-aalala?  May dalawang mahusay na paraan para simulan ang pag-atake sa masamang ugaling ito.

Una, itanim ang Salita ng Diyos sa iyong puso. Tutunin ang mga pangako ng Diyos at isulat ang mga ito.  Paulit-ulit na basahin ang mga ito hanggang sa ang Salita ng Diyos ay magka ugat sa iyong kaluluwa. Magandang mag umpisa sa Filipos 4: 6-7: “Huwag kang pagkabalisa sa kung ano pa man, ngunit sa lahat ng bagay, sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat, ipaalam ang iyong mga kahilingan sa Diyos. Susunod ay ang kapayapaan ng Diyos, na nilalampasan ang lahat ng pang-unawa, ang magbabantay sa inyong puso at pag-iisip, sa Ngalan ni Kristo Jesus.”

Pangalawa, magpunta sa harap ng Banal na Sakramento at idulog ang iyong mga hinaing sa harap ng Panginoon at ilatag ang mga ito sa paanan Nya.  Aminin mo ang iyong kawalan ng kakayahang ayusin ang mga bagay at hilingin kay Jesus na Sya ay pumalit sa lugar mo.  Isang matalino at banal na tao ang minsang nagsabi sa akin, “Kadalasang natutunaw ang mga problema ng tao kapag sya ay nasa Adorasyon sa harap ng Banal na Sakramento.  Hindi nila malaman kung paano at kung bakit, basta, ang kanilang paghihirap ay nagsisimulang maibsan kapag sumasamba sila sa Panginoon sa harap ng Eukaristia.

Lahat ng Ito ay Magiging Maayos

Ilang buwan ang nakalipas pagkamatay ng aking ama, isang bagay ang naganap na nag iwan ng malalim na impression sa akin at nagpaalala sa akin ng kanyang aral tungkol sa pag aalala.  Ang aking ama ay isang tapat na tagahanga ng Boston Red Sox sa loob ng madaming taon.  Noong 2003 larong beysbol, isa sa huling mga napanood niya, ang Red Sox ay natalo ng mahigpit nilang karibal, ang New York Yankees, kahit na nang taong yon ay tila may pag asa silang makasali sa Serye sa Mundo.  Naging isang mapait na pagkatalo ito para sa lahat ng mga tagahanga ng Red Sox, kasama na ang aking ama.

Ilang buwan, bago mismo pumanaw ang aking ama, ang aking nakababatang kapatid na babae, isa ding malaking tagahanga ng Red Sox, ay nagsabi sa kanya, “Tay, kapag nasa langit ka na, siguraduhin mong matalo Red Sox ang Yankees sa taong ito!” Napangiti ang aking ama.

Pumanaw siya noong Abril 2004, at sa Oktubre ng taong iyon ang Yankees at Red Sox ay nagharapang muli sa palaro para sa kampeonato. Hindi ako isang tagahanga ng palaro, ngunit sinusundan ko ang panahon ito ng baseball sa alaala ng aking ama. Malaki ang pagtitiwalang sinabi ko sa aking mga kaibigan na tapat ding mga tagahanga ng Red Sox, “Ang Red Sox ay manalo sa taong ito.”  Matapos nun, sunod sunod ang pagtalo nila sa unang 3 paligsahan.  Di kanaisnais masdan!

Matapos ang ikatlong pagkatalo,  naglakad ako sa kabukiran, malungkot sa pangunguliala sa aking ama, at bigo na ang kanyang koponan ay natatalo. Isa sa mga kaibigan ko ay masama ang loob sa akin dahil sa ibinigay ko maling pag asa.  Habang ako ay nagmumuni sa lahat ng ito, bigla akong nagkaroon ng isang mental na larawan ng aking ama, malawak na nakangiti at tiyakang nagsabi sa akin, “Ell, bakit ka nag-aalala? Ang lahat ay magiging maayos.”  Nadinig ko nang sabihin yon ng aking ama sa aking ina nang daan daan, kundi man libo libong beses, habang ako ay lumalaki. Ang ina ko ang palaging nag-aalala, ngunit gaano man kalungkot tingnan ang mga bagay, pinapayuhan sya ng aking ama na hwag mag-alala, na aayusin ng Diyos ang lahat. At pabalikbalik nga, ang Diyos ay dumadating sa kagulatgulat na pamamaraan.

Kagulat-gulat na ang Red Sox ay nagpatuloy sa pagnalo sa mga apat pang magkakasunod na playoff games —  isang bagay na kailanman ay hindi nangyari sa kasaysayan ng baseball.  At hindi lang sa natalo nila ang Yankees, kundi nagpatuloy pa silang manalo sa Serye sa Mundo na syang nagtapós sa 86 na taon na tagtuyot mula sa kanilang huling panalo sa Serye sa Mundo noong 1918.

Sa pamamagitan nitong mga di-gaanong mahalagang tagumpay ng palaro, alam kong itinutuon ako ng aking ama sa isang bagay na mas malaki. Ipinapaalala nya sa akin ang mga paboritong nyang tema:  Hwag mag-alala!  Magtiwala sa Diyos. Ang mga bagay ay magiging maayos … kahit na ito ay mukhang imposible.

Ang buhay ay nagdudulot ng mga problema, malaki at maliit. Ngunit kahit ano pang problema ang hinaharap mo sa ngayon– pinansiyal,  kalusugan,  nakababahalang mga relasyon– tandaan na ang iyong Ama sa Langit ang nakakaalam kung ano ang kailangan mo at nagagalak Syang pangalagaan ka. “Ipaubaya mo ang pag-aalala sa Kanya dahil Sya ay nagmamahal sa ‘yo.”– (1 Pedro 5: 7).

'

By: Ellen Hogarty

More
Jun 23, 2021
Makatawag ng Pansin Jun 23, 2021

Tanong-  Pakiramdam ko ay nag-iisa ako sa buhay. Ako ay napawalay sa aking pamilya, at may ilang kaibigan. Paano ko mahahanap ang kaligayahan kung ako ay lubhang nalulungkot?

Sagot-  Ang kalungkutan ay isang masakit ngunit karaniwang bahagi ng buhay. Kamakailan lamang sa isang pag-aaral na inilathala at natuklasan ng isang malaking Parmasyotikong Cigna 46 na porsiyento ng mga Amerikano ay nakakaramdam ng minsan o palaging kalungkutan, at ang karamihan ay mga kabataan na nasa edad (18-22). Kaya, kung ikaw ay malungkot, hindi ka nag-iisa. ( Biro lang )

Kung minsan lahat tayo ay nakakaramdam ng kalungkutan. Bilang isang Pari talagang may mga oras na nararamdaman ko ang sakit. Para sa akin, nakakaramdam ako ng matinding kalungkutan tuwing Linggo ng hapon. Ang mga misa tuwing Linggo ng umaga ay nadadagdagan ng saya tuwing makikita ko ang mga masasayang mananampalataya na kabilang sa parokya, ngunit sa kanilang pag-uwi sa kanilang pamilya, ako naman ay babalik sa pag-iisa sa kumbento.

Sa oras ng aking kalungkutan dahil sa pag-iisa at walang kausap sinuman, ay inilalaan ko ang aking panahon sa taimtim na pananalangin sa Panginoon. Gaano man kasakit ang kalungkutan, ito ay maaaring paanyaya sa mas malalim na pakikipag-ugnayan sa Diyos. Kapag nararamdaman natin ang sakit ng pag-iisa, nananabik tayo na may taong makausap. Nakahanda na tayo na anyayahan ang Panginoon na punan ang kakulangang iyon. Siya ang matalik nating  kaibigan, Siya ang mangingibig ng ating kaluluwa.

Alam niya ang pakiramdam ng malungkot! Sa panahon ng kanyang pagsasalba sa sangkatauhan, halos lahat ng kanyang mga kaibigan ay tinalikuran Siya, na nagdulot ng matinding kirot sa kanyang Banal na Puso. Maaari nating ibahagi ang ating kalungkutan sa kanya. Ngunit sa kasabay nito ” hindi mainam na mag-isa ang tao ” ( Genesis 2: 18 )

Sa kabutihang palad, kami ay bahagi ng isang malaking  pamayanan; Ang Katawan ni Kristo, ang Simbahan. Napapaligiran kami ng hindi lamang mga kapamilya sa simbahan sa lahat ng oras – gayundin ang mga anghel at mga Santo (” Ang Tagumpay ng Simbahan “). Ang kanilang buhay ay maaaring magbigay ng inspirasyon at ginhawa sa amin. Maraming mga Banal na sa pakiramdam ko ay may personal akong ugnayan: San Juan Basco, San Pancras, at Mother Teresa. Sila ay mga kaibigan ko kahit na sa ngayon ay sa panulat lamang. Sa paghingi ko ng tulong sa kanila, tumutugon sila at umuunawa sa kanilang pananalangin para sa akin. Balang araw umaasa akong makita at masayang makasama sila magpakailanman. Kapag ipinagdarasal natin ang mga Banal na kaluluwa sa Purgatoryo (” Ang Iglesya sa Pagdurusa”), tayo ay nakikipag-ugnay sa mga mahal natin sa buhay na nauna na sa atin, pati na ang mga walang makaalalang magdasal para sa kanila dahil malungkot na nagdusa sila sa mundo. Sa pamamagitan ng pag-aalay ng sakit ng ating kalungkutan para sa kanila, tayo ay humihingi ng kanilang mga panalangin upang ang ating pagdurusa ay mabago sa gantimpala.

Bukod sa ating mga makalangit na kaibigan,” Ang Manlalaban ng Simbahan” ( mga miyembro ng simbahan dito sa mundo) ay dapat ding magbigay ng isang pamayanan para sa atin. Sumali sa mga aktibidad sa inyong simbahan at ikaw ay makakakita ng mga taong nakakasigla at palakaibigan. Marahil sa grupo ng pag-aaral ng Bibliya, o anumang pangkat na dadaan sa yugto ng iyong buhay ( o kaya ay magsimula ng isang pangkat kung wala ni isa). Maaaring makahanap ka ng mga kaibigan sa pamamagitan ng pagtulong sa iba kasama ng Knights of Columbus, St. Vincent de Paul, pangangalaga at pagmamalasakit na nakatuon sa serbisyo. Kung minsan kailangan nating tumingin sa ibang simbahang Katoliko sa inyong bayan na may masiglang aktibidad at isang komunidad na mas naaangkop sa iyo? Nakapunta ako sa ibang mga parokya na ang kapaligiran ay puno ng init at pagmamahal habang sa ibang lugar ay kulang naman sa init at pagmamahal. Ako ay naitalaga sa isang partikular na parokya sa isang lugar na may maliit na komunidad. Ang mga mananampalataya ay dumarating sa misa ngunit umaalis kaagad. Sa paghahanap ko ng isang komunidad, ako ay nagboluntaryo sa isang lokal na paaralan ng Katoliko, kung saan nakilala ko ang ilang mabubuting pamilya na hanggang sa ngayon ay aking mga kaibigan. Sinisiguro ko may komunidad kahit saan kung tayo ay maglalakas-loob na hanapin ito.

Sa mga nasa tahanan lamang, maaari kayong magkaroon ng koneksiyon sa iba’t- ibang paraan. Marahil katulad ng pagsulat sa mga bilanggong katoliko na nangangailangan ng tulong at paghihikayat. Maaari ring simulan ang pakikipag-ugnay sa mga kapamilya o mga matagal ng kaibigan sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono. Kung minsan ang pagpapadala ng hindi inaasahang tarheta ay muling naitatatag o pinalalalim ang pagkakaibigan.

Bagaman ang kalungkutan ang maaaring dahilan ng pagsigla ng malalim na kaugnayan sa Diyos, ninanais din Niyang mamuhay tayo na may pakikiisa sa kapwa, at may pagtutulungan. Nilikha tayo upang mahalin ang Diyos sa pamamagitan ng pagbuo ng komunidad ng mga pamilya at mga kaibigan, na may pagmamahalan at pagkalinga. Hanapin mo at sila ay iyong matatagpuan.

'

By: PADRE JOSEPH GILL

More
Jun 23, 2021
Makatawag ng Pansin Jun 23, 2021

Pagsasagunita

“Hinawakan mo ang kape ko!” hiyaw ng patron sa batang barista, na napaiyak habang walang palad nyang inalok ng isang bagong tasa ang magagaliting babae, na nawari naming hindi sya isang lokal. Magkaisang ipinagtanggol ng mga tapat na patron ang batang babae. “Kung nag-aalala kang mahawa, ni hindi ka dapat lumabas!”, sigaw ng isang patron. “Manatili sa bahay!” dagdag pa ng isa.

Bilang isang pastoral worker, nag-alay ako ng salita ng kaginhawahan sa barista.  Habang ginagawan niya ko ng tasa sa pagitan ng mga hikbi, ipinaalala kong ang lahat ng tao ay balisa dahil sa pangkasalukuyang kapaligiran kaya di nya dapat ito gawing personal at huwag payagang sirain ang kanyang araw.  Ilang minuto mayamaya, ako mismo ang nangailangan ng sarili kong payo.  Nang di sinasadyang lumampas ako sa marka sa tindahan na 1.5 metro, may alibadbad na sinabihan ako ng isang nakatatandang ginoo: “Tumigil ka sa iyong lugar!” at may sundot pa sa braso para sa dagdag na diin. Matapos pa, nang inilabas ko ang aking apo para sa isang kinakailangang ehersisyo, siya ay sinigawan ng isang nagdadaan, “1.5 metro!”. Whew !!!

Ilan lamang ito sa mga insidenteng tila naging mga nakatagong biktima ng Covid-19 pandemic.  Pinalis ng gumapang na takot at pagkabalisa ang pag-ibig, kagalakan at kagandahang-loob ng buhay.  Halos wala nang ngumiti. Nakatungo, mga matang mapagmasid na nakatuon sa kawalan, katawang malinaw na nagwiwika, “Lumayo ka sa akin.” Ito ay madaling intindihin habang hinaharap ang isang mapanganib, di-kitang kaaway at hindi namin alam kung sino ang babagsak bago matapos ang pandemic.  Libo-libong buhay at kabuhayan ang apektado; social distancing at paghihiwalay ng sarili ang naging pinakamahalagang sandata laban dito sa bago at di-kilalang salot.

Nakatago at Lantarang mga Biktima

Ang lahat ay naapektuhan nito. Kahit sa ano pa mang kadahilanan, lalo na sa pagkawala ng mga minamahal, pati na ng mga bayani sa front-line ng kalusugan, ang pighati ay napakalaki at di mapaniwalaan, lalo na kapag ang mga nahahapis ay di nakatanggap ng pakikidamay ng mga kaibigan at pamilya. Nagdudugo ang puso ko para sa mga ito at ang manalangin lamang ang aking magagawa para sa kanilang mga kaluluwa at para sa kaginhawaan ng kanilang mga pamilya. Ginawa nang lahat ng gubyerno at otoridad ng kalusugan ang para ipatupad kung ano ang alam nilang pinakamahusay na hakbang upang kontrolin at pigilan ang pandemic na ito. Itinuturing ng madami sa kanila na ito ay gaya ng paglaban sa digmaan.  At doon, totoo ngang may nga biktima.  Ang bawat bansa ay nagsipanikluhod.

Pero ano ba ang personal na epekto nito sa akin?  Nang ipataw ang lockdown at ang pag-shutdown tiningnan ko ang mga proyekto na dapat kong asikasuhin. Sa sandaling iyon, ang mga ito ay naging walang katuturan para sa kin kaya nagpasya akong ilagay ang mga ito sa garahe dahil alam kong di ko ito ngayon magagawa.  Ang pananaw ko’y mabilis na nagbago: ang hinaharap ay naging di kasinghalaga ng bawat pangkasalukuyang sandali at walang naging mas mahalaga pa sa kalusugan at kaligtasan.  Nang kelangan kong magpunta sa doktor, nagsumamo ako sa Panginoon na iadya Nya akong maratay sa ospital sa dahilang kinatatakutan ko ang kapaligiran doon.

Ako ay naging mas mapanimdim at masuri kung aling parte ng aking buhay na kelangan kong baguhin.  Araw-araw, paluhod akong nagsusumamo sa Panginoon para sa tulong.  Sinimulan kong magdasal bawat oras ng paborito kong Salmo 91 para sa proteksyon ng lahat, at ang manalangin ng: “Panginoong Jesu-Cristo na Anak ng Diyos, maawa ka sa akin na isang makasalanan.”

Nakabalatkayong Pagpapala

Karaniwang kong pinananabikan ang pagdating ng mga proyekto, ngunit sa Covid-19, ang hinaharap ay naging malabo.  Ang di-batid ay naging pang araw-araw kong katotohanan.  Dahil ako’y sanay sa bising pamumuhay, kinailangan kong humanap ng mga aktividades upang magapi ang sitwasyon.  Mas madalas ang pagluluto ko para sa pamilya. Dahil ang anak kong babae at ang asawa nya ay sa bahay nagtatrabaho, inako ko ang mga tungkulin sa kusina.  Ang buhay-pamilya ang naging pundasyon namin.  Ang mga unang linggo ng paglalagi sa bahay 24/7 ay  mapanubuk, ngunit ito ay umige habang ang pagkakaisa ng pamilya ay nabigyan ng mas higit na importancia pati na ang pagpapahalaga sa bawa’t isa, na nag-ambag pa ng mas higit sa mga tungkuling pantahanan.

Ang pang-araw-araw na paglalaba ay naging pampalubag-loob –ang banayad na ugong ay tunog ng kanormalan.  Ang pagkakaroon ng sapat na oras para malinis ang platera at uri-uriin ang bahay ay nagbigay sa akin ng isang layunin.  Sa simula ang pagtulog ay naging isang pagtakas ngunit nang lumaon ay natanto ko kung gaano kapagód ang katawan ko sa nagsilipas na mga taon, at tinanggap ko ang pamamahinga at pagbabagál. Sa pagdudumali ko sa palengke sa umaga, habang may stock pa ng aming mahalagang pangangailangan, ang paliligo ko sa umaga ay naging pang-hapong ritwal.  Ang pagiging simple ay naging isang pamantayan: walang make-up, ni pabango.  May maliliit na himalang nangyari.  Kapag ako ay desperado sa pagbili ng mga gamit panlinis sa bahay kasama na ang pamatay ng mikrobyo dahil wala nang tinda sa tindahan, may natatagpuan akong ilang bagay na kailangan ko sa mga iniwang karo ng paninda.

Nasaan ang Dios?

Ibinunyag ng mga ulat mula sa ibang bahagi ng mundo na samantalang ang polusyon ay nabawasan, ang kalikasan naman ay nakadanas ng pamamahingang nakapagpapagaling, habang ang  kalangitan, karagatan, at kagubatan naman ay sumigla.  Sadyang mahirap ang pagsara ng aming mga simbahan sa panahon ng Quaresma at Pasko ng Pagkabuhay at nagtataka ako kung anong mensahe ang ipinadadating ng Panginoon.  Nasaan ang Diyos sa lahat ng ito?,  tanong ng marami.  Ang mga espirituwal na mensahe ay sagana na kadamihan ay mapanghikayat at nagpapatunay na hindi ang Diyos ang pinagmulan ng mga kaguluhang ito, dahil Siya’y walang kasamaan; na  Siya ay kasama namin sa mahapding paglalakbay na ito gaya noong Siya ay nagdusa dito sa lupa, at ang Kanyang Muling Pagkabuhay ang nagbibigay Pag-asan na makayanan ang pagsubok na ito.

Ang aming pangkat ng nananalangin, na lingguhang nagpupulong sa nakalipas na 22 taon, ay hindi pinanghinaan ng loob sa lockdown.  Pinamunuan ng Banal na Espirito, isinagawa namin ang aming mga pagpupulong sa pamamagitan ng telepono tuwing Biyernes, at nangangalap ng mensaheng prophetic /mapanghula at mga paghimok upang makatawid sa magulong panahong gaya nito.

Sa pamamagitan ng teknolohiya: tv, radio, internet, kami ay nanatiling konektado sa aming mga saserdote na nagpatuloy na magdiwang ng Misa.  Ang pagpapala mula dito ay ang mga tao na dating hindi maka atend sa Misa ay nakakasali na sa pagtitipon at mga turo ng simbahan na nagbigay daan sa isang mas malalim na pang-unawa ng pananampalataya.  Hindi kailanman ko muling ipagsasawalang-bahala ang Kaloob na Eukaristiya.  Ito ang pinaka-matinding pag-aayunong naranasan ko kailanman.

Kamakailan, nakatanggap ako ng isang tawag mula sa isang kaibigang araw-araw ay nakikipaglaban sa malubhang sakit –sa anumang sandali ay maaaring siya ay mamatay sa sakit sa puso at sa bato.  Matapos maospital gawa ng komplikasyon, nasabi niyang ang kanyang pananaw ay isang araw,  isang pagkakataon.  Napagnilay kong kami ay nasa parehong bangka.

Ang Covid-19 ay nakapagturo sa amin ng isang mahalagang aral — pagpahalagahan ang bawat sandali at maging puno ng pasasalamat sa Diyos buong araw mula paggising.  Ang mga gawa at salita ng pag-ibig ay kailangang gawin at sabihin ngayon at dito mismo –hindi bukas.

Tayo ba ay nakapagpasalamat nang taos sa isang tao na nagsilbi sa atin ngayon?

“Tuwing umaga ay ang Iyong Bagong Pag-ibig, Dakilang Diyos ng Liwanag, at buong maghapon Kang nagtatrabaho para sa ikabubuti ng mundo.  Pukawin Mo sa amin ang pagnanais na maglingkod sa Iyo, ang mamuhay nang tahimik kasama ng aming mga kapitbahay at lahat ng iyong nilikha, at ialay ang bawat araw sa iyong Anak, ang ating Tagapagligtas na si JesuKristo. ” Amen.

— Pagsipi mula sa “Pagsasamba sa Upper Room”  Liturhiya para sa Pang-umagang Pananalangin.

'

By: Dina Mananquil Delfino

More