- Latest articles
Nang araw na iyon nakadama ako ng kawalan ng pag-asa at kalungkutan ngunit sa hindi ko nalalaman may mangyayaring hindi pangkaraniwan…
Nang ipahayag ni Papa Francis ang “Taon ni San Jose” magmula ika-8 ng Disyembre, taong 2020, naalala ko ang araw na binigyan ako ng aking ina ng isang magandang imahen ng dakilang Santong ito na maayos kong inilagay sa aking sulok ng dasalan. Sa paglipas ng mga taon, nagdasal ako ng madaming nobena kay San Jose, ngunit lagi kong nadamang wala siyang totoong kamalayan sa aking mga dalangin. Lumipas ang panahon, bihira ko na lang siyang pinapansin.
Nang nakaraang taon, pinayuhan ako ng isa sa aking mga kaibigan, na isa ding pari, na gumawa ng isang 30 araw na panalangin kay San Jose, na ginawa ko din, kasama ng 33 araw na Paglalaan kay San Jose (ni Padre Donald H. Calloway). Sa huling araw ng paglalaan, wala akong akala na may kakaibang mangyayari sa aking buhay. Iyon ay araw ng Linggo. Nakaramdam ako ng labis na pagkalungkot, bagamat hindi likas sa akin na maging malungkot. Ngunit ang araw na iyon ay ibang-iba. Kaya’t pagkatapos ng Banal na Misa, nagpasya akong magpunta sa Pagsasamba, naghahanap ng saklolo sa harap ng Banal na Sakramento, sapagkat may tiwala ako na ang sinumang manalangin mula sa kaibuturan ng kanilang puso ay palaging makakatagpo doon ng ginhawa.
Pagmamahal Mula Sa Itaas
Patungo doon, habang naghihintay sa U-Bahn (ang lagusan ng tren sa Munich), may napansin akong isang babae na walang tigil sa pag-iyak. Labis akong nabagbag at gusto ko siyang aluin. Ang kanyang malakas na panaghoy ay nakatawag ng pansin at lahat ay nakatingin sa kanya, na syang pumigil sa aking pagnanais na kausapin siya. Kapagdaka, siya ay tumayo papaalis, ngunit naiwan ang kanyang balabal. Kaya wala akong magawa kundi ang sundan siya. Nang iniabot ko ang balabal, sinabi ko sa kanya, “Huwag kang umiyak…hindi ka nag-iisa. Mahal ka ni Jesus at gusto ka Niyang tulungan. Kausapin mo Siya tungkol sa lahat ng iyong mga dinaramdam…Tiyak na tutulungan ka Niya.” Binigyan ko din siya ng pera. Pagkatapos ay tinanong niya kung maaari ko siyang yakapin. Medyo nag-atubili ako, ngunit winalambahala ko ang lahat, niyakap ko siya at malumanay na hinaplos ang kanyang mga pisngi. Nagulat ako sa kilos kong ito sapagkat nang araw na iyon ang pakiramdam ko ay hungkag at walang Espirito. At tapat kong masasabi na ang pagmamahal na iyon ay hindi sa akin nagmula. Si Jesus ang umabot at tumulong sa kanya!
Sa wakas, nang marating ko ang simbahan ng Herzogspitalkirche para sa pagsamba, nagsumamo ako sa Diyos na magbigay sa akin ng isang palatandaan na Siya ang namamahala. Nang matapos ko ang aking panalangin kay San Jose at ang paghahandog sa Diyos, nagsindi ako ng kandila sa harap ng imahen ni San Jose. Pagkatapos ay tinanong ko si San Jose kung mayroon ba talaga siyang pagpapahalaga sa akin, nag-iisip kung bakit kailanman ay hindi niya ako tinugon.
Ang Malaking Ngiti
Habang pabalik ako sa tren, pinigil ako ng isang babae sa daan. Mukhang nasa 50’s na siya at iyon ang una at huling pagkakataon na nakita ko siya, ngunit ang kanyang sinabi ay nadidinig ko pa din sa aking mga tainga. Habang nakatingin ako sa kanya nagtataka kung ano ang nais niya sa akin, bigla siyang napabulalas nang may malaking ngiti sa kanyang mukha “Hay, nako! Mahal na mahal ka ni San Jose, hindi mo lang alam.”
Ako ay nagulumihanan at hiniling kong ulitin niya ang kanyang sinabi. Ibig na ibig ko itong muling madinig at ang damdamin ko ay di-maisalarawan . Sa sandaling iyon nalaman ko na kailanman ako ay hindi nag-iisa. Ang mga luha ng kagalakan ay tumulo sa aking mga pisngi nang sinabi ko sa kanya na ipinanalangin at hinihiling ko na ako ay bigyan ng isang tanda. Tumugon siya nang may isang nakakabighaning ngiti, “Ito ang Banal na Espirito, aking mahal …”
Pagkatapos ay nagtanong siya, “Alam mo ba kung ano ang pinakagusto ni San Jose sa iyo?” Tumitig ko sa kanya, nababaghan. Banayad niyang hinawakan ang aking pisngi (katulad mismo ng ginawa ko sa ginang sa metro kanina), bumulong siya, “Ang Iyong pusong malambot at mapagpakumbaba.” At umalis na siya.
Hindi ko nakita ang nakalulugod na babaeng ito bago o magmula nuon, na nakapagtataka dahil kadalasan sa ating mga simbahan kilala natin ang isa’t isa, ngunit natatandaan ko pa din kung gaano siya kalugud-lugod at puno ng kagalakan.
Nang araw na iyon, di ako mapalagay na talagang kailangan kong maramdaman na talagang minamahal at pinagpapahalagahan ako ng DIYOS. Ang aking mga alalahanin ay napawi ng pasabi mula kay San Jose. Si San Jose ay kasama ko sa lahat ng mga taong iyon kahit na madalas ko siyang hindi pinapansin.
Lubos akong naniniwala na ang pangyayari sa Metro nang araw na iyon ay ganap na nauugnay sa sarili kong pakikipagtagpo sa mabait na babaeng ito. Binigyan niya ako ng salita ng karunungan. Anuman ang ginagawa natin para sa kapwa, ginagawa natin ito para kay Jesus, kahit hindi natin ito nais na gawin. Mas maligaya pa si Jesus kapag lumalabas tayo ng ating kaginhawahan upang makipag-ugnayan sa kapwa. Magmula noon, hinahangad ko ang mabisang pamamagitan ng aking mahal na San Jose araw-araw, nang walang pagkukulang!
'Bilang bahagi ng kurikulum ng ika-3 baitang ng aking anak, dapat niyang matutunan ang tungkol sa ikot ng buhay ng isang paru-paro. Kaya, nag-saliksik ako ng kaunti para mapag-usapan namin ito nang magkasama. Kahit na alam ko na ang apat na yugto ng siklo ng buhay ng isang paru-paro, hindi ko pa ito nasiyasat nang malalim.
Habang naghahanap ako ng mga video at larawan tungkol sa iba’t ibang yugto ng maliit at magandang nilalang na ito, nabighani ako sa ika-3 yugto ng paglaki nito kapag ito ay nasa pupa na sumasailalim sa pag babagong anyo. Ang uod ay kailangang manatili sa pupa ng ilang araw upang maging isang ganap na paru-paro.
Kung bubuksan mo ang pupa sa gitna ng proseso, makakakita ka lamang ng malagkit na likidong sangkap sa halip na isang uod na maginhawang umiidlip sa loob ng pook hanggang sa makuha nito ang mga pakpak nito. Sa katunayan, sa yugtong ito, ang lumang katawan ng uod ay namamatay habang ang isang bagong katawan ay nagsisimulang mabuo. Ang uod ay kinakailangang malasog ng husto. Pagkatapos na ito’y ganap na matunaw, saka pa lamang ito magsisimulang maging isang magandang nilalang na idinisenyo.
Ang isa pang kamangha-manghang bagay na natuklasan ko ay ang salitang Chrysalis na nagmula sa Griyego para sa “ginintuan” dahil sa mga ginintuang sinulid na nakapalibot sa berdeng chrysalis. Marahil ay narinig mo na ang ilang espiritwal na pagkakatulad tungkol sa yugto ng chrysalis at kung paanong ang mga mahihirap na panahon ng ating buhay ay ang talagang mga nakapagpabago sa atin. Gayunpaman, kapag talagang nasusumpungan natin ang ating sarili sa krisis, madalas nating binabalewala ang pagdurusa, sa pag-aakalang hindi ito para sa mga mananampalataya ni Kristo.
Patuloy tayong humihiling sa Diyos na alisin ang hindi komportable at pangit na sangkap ng mga paghihirap at kalungkutan sa ating buhay. Nais nating baguhin Niya ang ating mga kalagayan, ngunit gusto Niya tayong mabago sa pamamagitan ng proseso nito.
Dahil, ang mas malalim na gawain sa loob ng ating mga kaluluwa ay nagaganap sa chrysalis.
Ang ating pananampalataya ay lumalakas sa pamamagitan ng pagiging nasa loob ng chrysalis.
Ang pinakamahahalagang aral sa buhay ay natututunan sa chrysalis.
Lumalalim ang ating relasyon sa ating Panginoong Diyos habang tayo ay nag-babagong- anyo sa loob ng chrysalis habang ang mga bahagi ng ating pagkatao na hindi mahalaga ay ini-aalis.
Katulad ng kung paanong ang uod ay nagiging isang magandang paru-paro sa kadiliman, sa pag-iisa at pagpapahinga sa krisalis, ang panahong ito ang maaaring magbunyag at maghanda sa atin para sa layunin ng ating pagkatao.
Hindi ko alam kung saang yugto ng pagbabagong-anyo ka na sa kasalukuyan. Kung nakuha mo na ang iyong mga pakpak, purihin ang Diyos ngunit kung matagpuan mo ang iyong sarili na nakaipit sa krisalis, ang lugar kung saan ang pakiramdam mo ay walang nangyayari, kung saan ang nakikita mo ay puro kadiliman at ang iyong mga pighati at paghihirap, kung saan ang pakiramdam mo ay nawawasak ka sa bawat araw at kung saan ang pakiramdam mo lahat ay nakahinto, walang buhay at hindi aktibo, nais kong hikayatin kang magtiwala sa proseso, sumuko dito, yakapin ito at maghintay hanggang sa ang proseso ay magawa ang pinakamahusay, binabago ka sa lahat ng bagay na dapat kang maging, na nagbibigay sa iyo ng maluwalhating mga pakpak ng iyong layunin at sumasalamin sa kamahalan ng iyong Ama sa Langit.
Anuman ang pakiramdam ng iyong chrysalis, tandaan na ito ay palaging nakatakip ng ginintuang mga hibla ng lakas, kasiguruhan, pagmamahal at biyaya mula sa iyong Panginoong Manlilikha. Babantayan ka niya sa buong proseso. Magtiwala ka sa Kanya na proprotektahan ka at muling bubuoin habang ikaw ay binabago sa loob ng iyong chrysalis. Pagkatapos ang iyong pagbabagong-anyo ay bibigla sa iyo.
'Ang nakaraang labinlimang buwan ay naging isang panahon ng krisis at malalim na hamon para sa ating bansa, at ang mga ito ay naging isang partikular na pagsubok para sa mga Katoliko. Sa panahon ng kakila-kilabot na panahon ng COVID na ito, marami sa atin ang napilitang mag-ayuno mula sa pagdalo sa Misa at pagtanggap ng Eukaristiya. At sigurado, maraming mga Misa at Eukaristiyang para-liturhiya ang mga ginawang magagamit sa online, at salamat sa Diyos para sa mga ito. Ngunit alam ng mga Katoliko sa kanilang mga buto na ang mga naturang birtuwal na pagtatanghal ay lubos na hindi pwedeng ipalit para sa totoong bagay. Ngayon na ang mga pintuan ng ating mga simbahan ay nagsisimulang buksan nang malawak, nais kong himukin ang bawat Katoliko na basahin ang mga salitang ito: Bumalik sa Misa!
Bakit ang Misa ay may pangunahing halaga? Ang Ikalawang Konseho ng Vatican ay mahusay na itinuturo na ang Eukaristiya ay ang “mapagkukunan at rurok ng buhay Kristiyano” – kung saan masasabi, na nagmula sa tunay na Kristiyanismo at patungo kung saan ito nakalaan. Ito ang alpha at ang omega ng buhay espiritwal, pareho ang landas at ang layunin ng pagiging disipulo ng Kristiyano. Patuloy na itinuturo ng Mga Ama ng Simbahan na ang Eukaristiya ay pagkain para sa buhay na walang hanggan. Ibig nilang sabihin na sa sandaling isaloob natin ang Katawan at Dugo ni Hesus, tayo ay inihanda para sa susunod na buhay kasama niya sa susunod na mundo. Sinabi ni Thomas Aquinas na ang lahat ng iba pang mga sakramento ay naglalaman ng virtus Christi (ang kapangyarihan ni Kristo) ngunit ang Eukaristiya ay naglalaman ng ipse Christus (si Kristo mismo) – at makakatulong ito upang maipaliwanag kung bakit hindi makayanang tapusin ni San Thomas ang Misa nang hindi bumubuhos ang kanyang masaganang luha. Sa pamamagitan lamang ng Misa tayo nagkaka pribilehiyo upang matanggap natin ang walang kapantay na regalong ito. Sa pamamagitan lamang ng Misa natin nakukuha ang napakahalagang pagkain na ito. Kung wala ito, mamamatay tayo sa gutom na pang espiritwal.
Kung maaari kong palawakin nang kaunti ang saklaw, nais kong imungkahi na ang Misa, sa kabuuan nito, ay may pribilehiyong punto ng pakikipagtagpo kay Hesu-Kristo. Sa panahon ng Liturhiya ng Salita, hindi lamang mga salitang pantao ang naririnig natin na gawa ng mga henyong manunula, kundi ang mga salita ng Salita. Sa mga pagbasa, at lalo na sa Ebanghelyo, si Cristo ang nakikipag-usap sa atin. Sa ating mga tugon, sumasagot tayo sa kanya, at tayo ay pumapasok sa pakikipag-usap sa pangalawang persona ng Trinidad. Pagkatapos, sa Liturhiya ng Eukaristiya, ang parehong Jesus na nagsasalita mula sa kanyang puso at nag-aalok ng kanyang Katawan at Dugo upang kainin natin. Ito ay ang simpleng, bahagi ng langit, wala nang mas malapit na pakikipag-isa na posible sa nabuhay na Panginoon.
Napagtanto ko na maraming mga Katoliko na sa panahon ng COVID ay nasanay sa madaling paraan ng pagdalo sa Misa mula sa kaginhawaan ng kanilang sariling mga tahanan at di na kailangang maabala sa gulo ng mga paradahan, umiiyak na mga bata, at masikip na mga bangko. Ngunit ang isang pangunahing tampok ng Misa ay ang pagsasama-sama natin bilang isang pamayanan. Habang nagsasalita tayo, nagdarasal, kumakanta, at tumutugon nang magkakasama, malalaman natin ang ating pagkakakilanlan bilang Mistikong Katawan ni Jesus. Sa panahon ng liturhiya, ang pari ay gumaganap sa katauhan na Christi (sa mismong katauhan ni Kristo), at ang mga binyagan na dumalo ay isinasali ang kanilang mga sarili sa sagisag ni Cristo bilang pinuno at magkakasamang nag-aalok ng pagsamba sa Ama. Mayroong isang palitan sa pagitan ng pari at mga tao sa Misa na napakahalaga bagaman madalas na hindi pinapansin. Bago pa man ang pagdarasal tungkol sa mga alay, sinasabi ng pari, na”Manalangin, mga kapatid, upang ang aking sakripisyo at ang inyong sakripisyo ay maging katanggap-tanggap sa Diyos, ang makapangyarihang Ama,” at ang mga tao ay tumutugon, “Nawa’y tanggapin ng Panginoon ang sakripisyo sa iyong mga kamay. para sa papuri at kaluwalhatian ng kanyang pangalan, para sa ating ikabubuti at ikabubuti ng lahat ng kanyang banal na Simbahan. ” Sa sandaling iyon, ang pinuno at mga kasapi ay sinasadya na magkakasama upang gawin ang perpektong sakripisyo sa Ama. Ang punto ay hindi ito maaaring mangyari kapag kalat-kalat tayo sa ating mga tahanan at nakaupo sa harap ng mga tabing ng computer.
Kung maaari kong ihudyat ang kahalagahan ng Misa sa isang mas negatibong pamamaraan, patuloy na itinuturo ng Simbahan na ang mga binyagang Katoliko ay may obligasyong moral na dumalo sa Misa sa Linggo at ang kaalaman sa pagliban sa Misa, ng walang wastong dahilan, ay malaking kasalanan. . Naiintindihan ko na ang salitang ito ay nakakabalisa sa maraming tao at hindi komportable, ngunit hindi ito dapat, sapagkat perpekto itong kasama sa lahat ng mga sinabi natin tungkol sa Misa hanggang sa puntong ito. Kung ang Eukaristiyang liturhiya, sa katotohanan, ay ang mapagkukunan at rurok ng buhay Kristiyano, ang pribilehiyong pakikipagtagpo kay Hesu-Kristo, ay ang sandali kung kailan ang Mistikong Katawan ay ganap na nagpapahayag ng kanyang sarili, sa pagtitipon para sa pagtanggap ng tinapay ng langit – kung gayon sa katunayan ay inilalagay natin ang ating mga sarili, sa espiritwal na salita, sa mortal na panganib kapag aktibo tayong lumalayo dito. Tulad ng obserbasyon ng isang manggagamot na inilalagay mo ang iyong buhay sa panganib sa pamamagitan ng pagkain ng mga matatabang pagkain, paninigarilyo, at pag-iwas sa pag-eehersisyo, sasabihin sa iyo ng isang doktor ng kaluluwa na ang pag-iwas sa Misa ay nakakasama sa iyong espiritwal na kalusugan. Siyempre, tulad ng iminungkahi ko sa itaas, matagal ng batas ng Simbahan na ang isang indibidwal ay maaaring magpasya na kaligtaan ang Misa para sa lehitimong mga kadahilanan para sa pag-iingat – at tiyak na ito ang ginagawa lalo na sa mga nagdaang araw na ito ng pandemya.
Ngunit bumalik sa Misa! At maaari ko bang imungkahi na dalhin mo ang isang tao, isang taong masyadong matagal ng napalayo o marahil ay nahirati na sa kasiyahan sa panahon ng COVID? Hayaan mong ang iyong sariling pagkagutom sa Eukaristiya ang gumising sa iyo para sa ebanghelikal na udyok sa loob mo. Dalhin ang mga tao mula sa mga daanan at mga lansangan; anyayahan ang iyong mga katrabaho at mga miyembro ng pamilya; gisingin ang mga bata sa Linggo ng umaga; patayin ang iyong computer. Bumalik sa Misa!
'Totoo ba ang mga Anghel? Alamin ang katotohanan dito…
Madalas tayong makatagpo ng mga Anghel bilang mga mensahero ng Diyos sa Banal na Kasulatan. Kinikilala ng Simbahang Katoliko ang mga pangalan ng tatlong Anghel lamang, na lahat ay kabilang sa Koro ng mga Arkanghel. Bawat taon ipinagdiriwang ng Simbahan ang kapistahan ng mga Arkanghel na ito: sina Michael, Gabriel at Raphael tuwing ika-29 ng Setyembre.
Ang ibig sabihin ni Santo Michael Arkanghel ay, “Sino ang katulad ng Diyos.” Siya ang patron ng mga sundalo, pulis at bumbero. Ayon sa kaugalian, si Michael ay tinukoy bilang Ang Anghel na Tagapag-alaga ng mga tao ng Israel at siya ngayon ay iginagalang bilang Ang Anghel na Tagapangalaga ng Simbahan. Sa Aklat ng Pahayag, si Michael ang anghel na namuno sa mga puwersa ng Langit upang talunin si Lucifer/Satanas noong siya ay naghimagsik laban sa Diyos. Nalaman natin mula sa Banal na Kasulatan at Tradisyon na si St. Michael ay may apat na pangunahing responsibilidad: upang labanan si Satanas; upang ihatid ang mga tapat sa Langit sa oras ng kanilang kamatayan; upang maging isang kampeon ng lahat ng mga Kristiyano at ng Simbahan; at tawagin ang mga lalaki at babae mula sa buhay sa Lupa patungo sa kanilang makalangit na paghatol.
Ang ibig sabihin ni Santo Gabriel Arkanghel, “Ang Diyos ang Aking Lakas”. Si Gabriel ang Banal na Mensahero ng Diyos. Nagpakita siya kay Propeta Daniel upang ipaliwanag ang isang pangitain mula sa Diyos. Siya ay nagpakita sa pari na si Zacarias upang ipahayag na siya ay magkakaroon ng isang anak na lalaki, si Juan Bautista, at siya ay nagpakita sa Birheng Maria sa Pagpapahayag. Ang tradisyong Katoliko ay nagpapahiwatig na si Gabriel ay ang anghel na nagpakita kay San Jose sa kanyang mga panaginip. Ipinagkatiwala ng Diyos kay Gabriel ang paghahatid ng pinakamahalagang mensahe ng ating pananampalatayang Katoliko kay Birheng Maria. Siya ang patron ng mga messenger, telecommunications worker at postal worker.
Ang ibig sabihin ni Santo Rafael Arkangel ay, “Nagpapagaling ang Diyos.” Sa aklat ng Lumang Tipan ng Tobit, si Rafael ay pinarangalan sa pagpapalayas ng masamang espiritu kay Sarah at pagpapanumbalik ng pangitain ni Tobit, na nagpapahintulot sa kanya na makita ang liwanag ng Langit at para sa pagtanggap ng lahat ng mabubuting bagay sa pamamagitan ng Kanyang pamamagitan. Si Rafael ang patron ng mga manlalakbay, mga bulag, mga sakit sa katawan, masayang pagpupulong, mga nars, mga manggagamot at mga manggagawang medikal.
Mga anghel sa paligid natin
“Maging pamilyar sa mga anghel, at masdan sila nang madalas sa espiritu; sapagkat nang hindi nakikita, sila ay naroroon sa iyo.” St Francis de Sales.
Narayanan mo na bang protektahan ka ng mga anghel mula sa maliwanag na mga panganib? Minsan alam ng isang tao sa kaibuturan ng puso na may isang taong tumulong sa kanila. Marahil marami sa atin ang nakaalam na pinoprotektahan at tinulungan sila ng mga anghel minsan.
Ang isa sa aking mga karanasan sa pagtulong sa akin ng mga anghel ay nakaukit magpakailanman sa aking alaala. Noong ginagamot ang nanay ko dahil sa cancer, kinailangan naming gumawa ng 240 milyang round trip sa pinakamalapit na cancer treatment center. Sa pag-uwi isang araw, habang binabaybay namin ang isang pangalawang highway, nagsimulang mawalan ng kuryente ang aking sasakyan habang nagsimulang pumutok ang makina at gumawa ng lahat ng uri ng ingay na nagpapahiwatig na ang sasakyan ay malapit nang mamatay sa lugar. Ang nanay ko ay pagod na pagod at masama ang pakiramdam, kaya alam ko na maaaring maging kapahamakan kung kami ay tumigil sa gilid ng kalsada sa init ng tag-araw.
Nagsimula akong magdasal nang desperado, humihiling sa mga banal na anghel na tulungan kami, na ipagpatuloy ang makina hanggang sa makarating kami sa bahay. Matapos ang magkahiwalay na paghampas ng halos isa o dalawang milya, bigla na lang uminit ang makina, nakakuha ng lakas at maayos na tumakbo pauwi. Nagpapasalamat kami sa Diyos sa pagpapadala sa amin ng mga anghel upang tulungan kami. Kinabukasan, dinala ko ang kotse ko sa mechanic shop para tingnan ito. Sa aking kasiya-siyang sorpresa ang mekaniko ay walang mahanap na isang isyu sa makina. Nakaramdam ako ng pasasalamat at namangha na ang mismong anghel na mekaniko namin ang nag-ayos ng sasakyan kaya mas maganda ang takbo nito kaysa dati. “Ang anghel ng Panginoon ay nagkakampo sa palibot ng mga natatakot sa Kanya, at iniligtas sila.” Awit: 35:7
Mula noong nilikha ako ng Diyos, inatasan Niya ako ng isang anghel na tagapag-alaga. “Sa tabi ng bawat mananampalataya ay nakatayo ang isang anghel bilang tagapagtanggol at pastol na umaakay sa kanya sa buhay.” CCC 336. Ang ating buhay bilang tao ay napapaligiran ng kanilang maingat na pangangalaga at pamamagitan. Ang tungkulin ng ating anghel na tagapag-alaga ay dalhin tayo sa Langit. Hindi natin malalaman, sa panig na ito ng Langit, kung ilang beses tayong naprotektahan ng mga anghel mula sa mga panganib o kung gaano kadalas nila tayong tinulungan na maiwasan ang pagkahulog sa malubhang kasalanan. “Ang mga anghel ay nagtutulungan para sa ikabubuti nating lahat.”—Santo Tomas Aquinas. Hindi kataka-taka na itinakda ng Simbahang Katoliko ang ika-2 ng Oktubre bilang. isang araw ng kapistahan para alalahanin ang mga Anghel na tagapag alagas.
Maraming mga santo ang nagkaroon ng pribilehiyong makita ang kanilang anghel. Si Santa Joan of Arc (1412-1431) ay isang kabataang babae na tinawag ni Santo Michael Arkanghel at iba pang mga santo upang pamunuan at magbigay ng inspirasyon sa mga pwersang Pranses sa maraming mga labanang militar laban sa mga Ingles noong Daang Taon na Digmaan. Ginamit ng Diyos ang matapang na babaeng ito para makipaglaban sa Kanyang ngalan.
Si Papa Leo XIII na naghari noong huling kalahati ng ika-19 na Siglo, ay nagkaroon ng pangitain tungkol kay Satanas at binuo ang sumusunod na Panalangin kay Santo Miguel na binibigkas pagkatapos ng Misa sa maraming Simbahan ngayon:
“Santo Miguel Arkanghel, ipagtanggol mo kami sa oras ng labanan. Maging depensa natin laban sa kasamaan at mga silo ng Diyablo. Nawa’y sawayin siya ng Diyos, mapagpakumbaba kaming nagdarasal, at gawin mo, O Prinsipe ng mga hukbo ng langit, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, itapon mo sa impiyerno si Satanas, at ang lahat ng masasamang espiritu, na gumagala sa mundo na naghahanap ng kapahamakan ng mga kaluluwa. Amen.”
Kapag umaawit tayo ng mga papuri sa Diyos tayo ay umaawit kasama ng mga anghel. Sa bawat Misa, tayo ay dinadala hanggang sa Langit. “Ang Misa Bilang Langit sa lupa … ay isang mahiwagang pakikilahok sa makalangit na liturhiya. Pumupunta tayo sa Langit kapag nagmimisa, at ito ay totoo sa bawat Misa na ating dinadaluhan.” Dr. Scott Hahn.
Hari sa Langit, binigyan Mo kami ng mga arkanghel upang tulungan kami
sa panahon ng ating paglalakbay sa lupa.
Si San Miguel ang ating tagapagtanggol;
Hinihiling ko sa kanya na tulungan ako,
ipaglaban ang lahat ng mahal ko,
at protektahan kami mula sa panganib.
Si San Gabriel ay isang mensahero ng Mabuting Balita;
Hinihiling ko sa kanya na tulungan akong marinig nang malinaw ang Iyong boses
at turuan ako ng katotohanan.
Si San Rafael ay ang anghel na nagpapagaling;
Hinihiling ko sa kanya na kunin ang aking pangangailangan para sa pagpapagaling at ng lahat ng kakilala ko,
itaas ito sa Iyong trono ng biyaya at
ibalik mo kami sa kaloob ng paggaling.
Tulungan mo kami, O Panginoon, na lubos na maunawaan ang katotohanan ng mga arkanghel at ang kanilang pagnanais na paglingkuran kami. Mga banal na anghel, ipanalangin mo kami.
Amen.
'Madaming ulit na nababalewala tayo dahil sa mga intindihin at alalahanin, at nagiging masalimuot ang buhay. Ano ang paraan para makaiwas dito?
“Anong mundo ito! Anong mundo ito! ” wika ng buktot na mangkukulam ng Kanluran sa “The Wizard of Oz” habang ito ay natutunaw hanggang sa mawala na sa paningin matapos na masabuyan ng isang timba ng tubig. Gaano kadalas natin madinig na ginagamit ang mga salitang ito dahil ang mundo ay parang nababaliw? Ang mga suliranin at pangyayari sa mundo ay maaaring magpadama sa atin ng kahinaan, na tayo ay naliligaw ng daan at nalulunod sa timba ng kadiliman. Nakaharap tayo sa mga paghihirap at sa isang kultura na pagulo nang pagulo bawat araw. Anong mundo ito! Anong mundo ito!
Likha ng Mumunting Alon
Bagamat madaling sisihin ang “mundo” sa ating mga suliranin, ang bawat isa sa atin ang sama-samang bumubuo ng “mundo”. Ang ating mga kilos o di-pagkilos ay lumilikha ng mumunting alon ng mga pangyayari sa loob ng ating mga tahanan at pamayanan na patuloy na magpaalon-alon, lumalaganap palabas. Nababagbag natin ang kalooban ng mga tao sa ating paligid at napapagbago sila ng ating buhay. At dahil dito, gayun din Ang nagagawa nila sa kapwa. Ang pandaigdigang pagkalat ng mikrobyo ng Covid-19 ay nagpapakita kung gaano di-kapani-paniwalang magkakasanib ang sangkatauhan.
Kaya bakit tayo nasa ganitong kaguluhan?
Marahil, ito ay dahil sa tayo ay naligaw ng daan. Marahil ay katulad tayo ni Apostol Pedro na lumunsad sa daong, datapuwa’t pagkakita niyang malakas ang hangin, nagngangalit ang bagyo, siya ay natakot, at sa pag-alis niya ng paningin kay Jesus siya ay nagsimulang lumubog (Mateo 14:30). Kapag inalis natin ang ating paningin kay Jesus, madaling mawala ang lakas natin ng loob, at malubog sa mga kagipitang bumabalot sa atin. Ang buhay ay maaaring maging magulo nang napakabilis.
Ano ang ibig sabihin ng alisin ang ating paningin kay Jesus? Ipapaliwanag ko sa pagbabahagi ng aking kasaysayan. Noong ang apat kong anak ay maliliit pa at ang buhay namin ay abalang-abala sa dami ng pang araw-araw kong mga gawain, bahagyang panahon lamang ang naiwan na maigugol ko sa pananalangin sa Panginoon. Gayon pa man, tuwing umaga ay inaanyayahan ko Siya na samahan ako sa aking bawat gawain. At dagdag pa sa lahat ng aking mga pang-araw-araw na pananagutan, nagkaroon ako ng matinding kawilihan sa pananahi na tuluyang naging isang kalakal-pantahanan at sa bandang huli ay mabilis na umunlad na hindi ko na nakayanan.
Pagkaraan ng buong araw ng pag-aaruga sa aking mag-anak, mananahi ako kapag tulog sila. Ngunit ang linggo-linggong paggawa nito na kulang ang tulog ay nakapagpaiba sa aking pag-iisip at ugali, at ito ay nagbunga ng di mabuti sa aking mag-anak. Di magandang magkakasunod na pangyayari ang nasimulan. Isang gabi, ako ay pagod na pagod at nakaharap sa isa pang nakapanlulumong gabi ng pananahi, kumawala ang baha ng luha mula sa pilapil. Humihikbi at puno ng pagkabigo, naalala ko na ang Panginoon ay kasama ko sa lahat ng ito, kayat inakala kong Siya ang mainam na sisihin sa aking katayuan. “Bakit Panginoon?” Tanong ko. “Bakit mo ako binigyan ng hilig at talino sa pananahi ngunit hindi mo ako binigyan ng panahon na manahi? BAKIT?”
Hindi Nakatuon
Tila hinhintay ako ng Panginoon na itanong ang gayon, sapagkat pagkalabas nito sa aking bibig, tumugon Siya, “Sapagkat binigay ko ito sa iyo para sa iyong kasiyahan, hindi para Ikaw ay kumita!” Napatulala ako at ang aking luha ay agad na natigil at natuyo. Wala akong maisagot. Bigla kong napagtanto na hindi ko hiningi ng patnubay sa Panginoon o inalam ang Kanyang kalooban bago sinimulan ang aking pangangalakal sa pananahi. Masaya na akong hayaang nakasama Siya. Hiyang-hiya ako. Sumulong akong mag-isa at nalimutan kong magdasal. Inilagay ko Siya sa likuran na hindi ko Siya makita. At sa pag-alis ng paningin ko kay Jesus, ako ay nalubog. Ang aking pananahi ay nagkakaroon ng isang di magandang bunga para sa akin, sa aking pamilya at sa aking mundo.
Nalimutan ko na ang Diyos, na makakatulong at nais na tumulong sa atin, ay ang dapat na mamuno, hindi ang sumunod sa likuran ko. Sa kabutihang palad, may tulong para sa atin kapag inalis natin ang ating mga mata kay Jesus. Sinabi sa atin ni Hesus, “Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo’y aking papagpapahingahin.” (Mateo 11:28) Hindi tayo dapat maghanap ng ginhawa o katugunan sa ibang mga tao, mga bagay o mga huwad na diyos ng mundong ito. Ang ating unang “puntáhan” ay dapat na ang palaging manalangin sa ating maawain na Panginoon na matiyagang naghihintay sa atin na hanapin Siya. Tulad ni San Pablo, nais ng Panginoon na iabot ang Kanyang kamay sa atin, iligtas tayo, sumakay sa ating mga bangka at akayin tayo sa kaligtasan. At nagsisimula ang lahat sa “pagtatanong”. Malinaw itong sinabi ni Hesus sa ebanghelyo ni San Mateo:
“Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y
mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan.
Sapagka’t ang bawa’t humihingi ay tumatanggap; at ang
humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay
binubuksan…. Kung kayo nga, bagaman masasama ay marunong
mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa
kaya ang inyong Ama na nasa langit na magbibigay ng mabubuting
bagay sa nagsisihingi sa kaniya?”(Mateo 7: 7-11).
Tulad ng isang mabuting magulang, nagtakda ang Diyos ng ilang patakaran sa pagtugon sa panalangin. Sinabi sa atin ni Apostol Juan na: “Kung tayo’y humingi ng ano mang bagay na ayon sa kaniyang kalooban, tayo ay dinidinig Niya” (1 Juan 5:14). Hindi maaring lumabag ang ating mga panalangin sa kalooban ng Panginoon. Kaya kailangan nating makilala ang Panginoon at manalangin alinsunod sa Kanyang kalooban. (1 Juan 5:14)
Paano natin makikilala ang kalooban ng Panginoon? Sinasabi sa atin ni Jesus, “Kung kayo ay mananatili sa akin at ang aking mga salita ay manatili sa inyo, hingin ninyo ang anumang inyong ibigin at ito ay mangyayari sa inyo.” (Juan 15: 7) Nangangahulugan na upang maunawaan ang Kanyang kalooban, kailangan nating Siyang makilala. Upang makilala Siya kailangan nating damputin ang ating mga Bibliya. Sa Banal na Kasulatan madidinig natin Siya, matututo tayo sa Kanya at ng tungkol sa Kanya, at maunawaan natin ang Kanyang kalooban. Kasunod nito, kailangang kapiling natin Siya sa panalangin at sa mga sakramento.
Pangako Magpakailanman
Si San Pablo ay nagbigay- timbang din sa paksa ng pagdadasal. Sinabi niya sa atin na “Huwag kayong mabalisa patungkol sa anumang bagay. Sa halip, ipaalam ninyo ang inyong mga kahilingan sa Panginoon na may pasasalamat sa pamamagitan ng panalangin at ng panalanging may paghiling.” (Mga Taga Filipos 4: 6). Maliwanag mula kay Pablo na hindi natin dapat pabayaan na biguin tayo ng mga alalahanin ng mundo. Kailangan nating lumapit sa Panginoon nang may pagtitiwala at pagpapasalamat sa puso. Kung napagtanto nating humihingi tayo ng tulong mula sa Lumikha ng Sanlibutan na nagmamahal sa atin at makakagawa ng ano pa man, mag-aalala pa ba tayo sa kahit ano pa man?
Sa Ebanghelyo ayon kay San Marko, sinabi sa atin ni Jesus, “Kaya nga sinasabi ko sa inyo, lahat ng mga bagay na inyong idinadalangin at hinihingi, magsisampalataya kayo na inyong tinanggap na, at inyong kakamtin. Samakatuwid sasabihin ko sa iyo, anuman ang hiniling mo sa panalangin, maniwala na natanggap mo ito, at ito ay magiging iyo” (11:24). Kung totoong naniniwala tayong sasagutin ng Panginoon ang ating mga panalangin dapat tayong magpasalamat bago pa ito sagutin, sapagkat alam natin na ito ay sasagutin. May kasabihan na kumakalat sa internet na nagpapahayag, “Huwag mong sabihin sa Panginoon kung gaano kalaki ang iyong mga suliranin. Sabihin sa iyong mga suliranin kung gaano kalaki ang Panginoon!” Mahusay na payo ito na makakatulong sa atin na mailagay ang mga suliranin sa mas maliit na pananaw.
Para sa madami sa atin, ang diwa ng pagdadasal ay nakakapangamba. Nais nating bumaling sa Panginoon sa pagdadasal, ngunit hindi natin alam kung saan magsisimula. Madaming taon na ang lumipas, ang buhay ko ay naging mabigat pasanin. Alam ko na kailangan kong manalangin, ngunit hindi ko alam kung papano. Humingi ako ng tulong at ang Panginoon ay tumugon sa pagpapadala ng Banal na Espirito upang gabayan ako. Ang buong pagkatao ko ay napuspos ng sumusunod na panalangin, napakabilis na pakiramdam ko’y basta isinulat ko na lang kung ano ang iniutos ng Banal na Espirito.
Mahal na Hesus,
Turuan Mo akong manalangin, Panginoon.
Turuan Mo akong manalangin upang makilala Kita.
Turuan Mo akong manalangin para sa mga bagay na nakalulugod sa Inyo at akayin Mo ako sa Iyong mahusay na loobin para sa aking buhay.
Turuan Mo akong manalangin sa pagamit ng lahat ng aking pandama… .aking mata, aking tainga, aking ilong, aking bibig, aking pansalat.
Turuan Mo akong manalangin sa paggamit ng aking mga mata, na masdan lamang ang mga bagay na lumuluwalhati sa Iyo.
Turuan Mo akong manalangin sa paggamit ng aking mga tainga, sa pakikinig lamang sa mapagpatibay na mga katotohanan na iginagalang Ka.
Turuan Mo akong manalangin sa paggamit ng aking ilong. Paalalahanan Mo ako ng Iyong Hininga ng Buhay at ng Iyong Banal na Espirito na nananahan sa akin, habang napupuno ang aking baga ng bawat paghinga.
Turuan Mo akong manalangin sa paggamit ng aking mga salita na dakilain Ka at ang Iyong mahal na pangalan.
Turuan Mo akong manalangin sa paggamit ng aking mga kamay sa pakikipagpag-ugnay sa kapwa nang may pagmamahal, sa ngalan Mo.
Turuan Mo akong maalaala ang manalangin.
Turuan Mo akong manalangin sa pagtawag sa Iyo para maging patnubay ko sa lahat ng aking pangangailangan.
Turuan Mo akong manalangin sa gitna ng mga kaguluhan ng aking buhay.
Turuan Mo akong magdasal para sa kapwa at isiping ang kanilang mga hangarin ay animo sa aking sarili din.
Turuan Mo akong makilala ang Iyong katotohanan, ang iyong daan, ang iyong kapayapaan, ang iyong biyaya, at ang Iyong pananggalang.
Turuan Mo akong manalangin bilang pasasalamat sa mga pagpapala at biyaya na sagana mong ipinagkaloob sa akin.
Turuan Mo akong ipanatag ang aking isipan at manalangin nang tahimik upang madinig ko ang mga salita Mo sa akin.
Turuan Mo akong manalangin na mapakinggan ko at makilala ang Iyong Banal na Espirito na nasa akin, nang sa gayon ay mabatid ko kapag ang Panginoon ay nangungusap sa akin, ang Kanyang tagapaglingkod.
Turuan Mo akong manalangin na magawa kong mahalin Ka nang buong puso, ng buong kaluluwa, ng buong lakas at ng buong pag-iisip.
Turuan Mo akong bayaan ang buong buhay ko na maging isang panalangin sa Iyo.
Hesus, hinihiling ko sa iyo na makasama ka.
Hesus, inaanyayahan kita na manahan sa akin.
Hesus, buong kababaang-loob kong hinihiling sa Iyo na tapusin Mo ang paglikha sa akin.
Jesus, turuan mo akong manalangin.
Siya nawa.
Inaanyayahan ko kayo na dasalin ang panalangin na ito at tandaan na bagamat napapagod na tayo sa mga pagsubok sa mundong ito, tiyak na tayo ay hindi kaawa-awa. May kapangyarihan tayong manalangin!
Ngayon para sa natitirang bahagi ng salaysay ni Pedro. Nang maunawaan ni Pedro na inalis niya ang kanyang paningin kay Jesus at nagsimulang malunod, hindi siya sumuko. Sumigaw siya, “Pangunoon! Sagipin Mo ako!” At kaagad na iniabot ni Jesus ang Kanyang kamay at hinawakan siya! At nang sila ay nakasakay na sa bangka, tumigil ang hangin.
Ngayon para sa natitirang bahagi ng aking salaysay … Nang mapagtanto kong inalis ko ang aking paningin kay Jesus at nalulunod sa dami ng mga gawain at kakulangan ng tulog, ako din ay humiling kay Jesus na iligtas Niya. Sumakay siya sa aking bangka at itinurong muli ang daan sa aking buhay. Tinapos ko ang aking mga pananagutan at kasunod nito ay ginawa kong isang kasiya-siya at nakakalibang na gawain ang aking pananahi.
Binabago ng panalangin ang mga bagay para sa atin at sa mundo sa paligid natin. Kung pinagdadasal natin ang ating sarili at ang ating kapwa, makakagawa tayo ng mabuting likha ng mumunting-alon. Dalangin ko ay na sa lalong madaling panahon, sa halip na magpanaghoy ng “Anong mundo ito! Anong mundo ito!”, uulitin natin ang walang-kupas na awitin ni Louis Armstrong: “What a Wonderful World”.
'Tanong: Ako’y may dalawang maliliit na anak, at pinag-aalala ko ang tungkol sa paraan kung paano sila mapananatili sa Pananampalataya. Sa ating daigdig na tila’y lumalaki na mas makamundo bawat taon, mayroon bang paraan na maikikintal ko ang Pananampalatayang Katolika nang taimtiman sa looban nila upang manatiling Katoliko habang tumatanda?
Sagot: Ito’y sadyang masalimuot na katayuan para sa maraming mga magulang, habang ang kultura natin ay lantarang sumasalungat sa ating Pananampalatayang Katolika. Paano sila mapananatiling Katoliko kung nagmimistulang sila’y napaiilaliman ng isang palapag?
Isang bahagi ng hamon ay pagkat ang grasya ng Diyos ay isang hiwaga. Isang-daang tao ay makakadinig ng parehong talumpati o homilya, at para sa ilan ito’y makapagbabago ng kanilang buhay at sa iba naman ay matatagpuan nila itong nakakainip at walang kabuluhan. Sa aking sariling pamilya, ako’y may lalaking kapatid na kinikilala ang kanyang sarili bilang isang ateista—kapwa isang pari at isang ateista sa parehong mag-anak, mula sa parehong mga magulang at pagpapalaki! Kaya dapat nating tanggapin na ang grasya ay isang hiwaga—ngunit tayo rin ay napasasang-ayon na mahal ng Diyos ang iyong mga anak higit pa sa maaaring magawa mo, at ginagawa Niya ang lahat ng maaari upang maakit ang mga puso nila at mapatnubayan sila sa kaligtasan.
Kasama ng mga nabanggit, mayroong mga ilang bagay na magagawa ng mga magulang upang matulungan ang mga bata na matagpuan si Kristo at manatiling tapat sa Kanya. Bagama’t wala akong mga anak, nakapaglingkod na ako kasama ang libu-lubong mga bata at mga binatilyo sa mga nakaraang labing-pitong taon sa ministeryo ng kabataan, at nakakita na ako ng kaunting mga matagumpay na estrateya na ginamit ng mga pamilya upang panatilihin na matapat ang kanilang mga anak.
Ang una, gawin ang Lingguhang Misa na hindi maisakakatuwiran. Magugunita ko ang aking mga magulang na isinasama kami sa Misa tuwing bakasyon, at hindi nila pinahihintulutan ang isa sa mga paligsahang laro na humadlang sa Misa. Ang Pagsisimba bilang halimbawa ng ama sa mga anak ay sadyang mapanuri. Mayroong kasabihan na, “Kapag ang ina ay Sumisimba, ang mga anak ay Sisimba, ngunit kapag ang ama ay Sumisimba, ang mga apo ay Sisimba.” Ang ama ko ay dating nagpapanukala ng mga sadyang lakbay sa boy iskawt na toldahan upang dalhin ako at ang aking kapatid sa Misa, at ibabalik kami sa lugar ng kampingan kapag ang Misa ay tapos na! Ito’y nagdulot ng malaking bakas sa akin at tinuruan ako nito na wala, lubos na walang nakapamamagitan sa amin at sa Lingguhang Misa. Yaon ang tunay na batong panulok sa aming mag-anak. Kung ikaw ay nasa bakasyon, matutuntunan mo ang www.masstimes.org na tinatalá ang lahat ng mga Misa sa buong mundo—kaya maski ikaw ay nasa Paris o Buenos Aires o Disney World, makahahanap ka pa rin ng Lingguhang Misa!
Pangalawa, magdasal nang magkakasama bilang isang pamilya. Ang aking pamilya ay nakasanayang magdasal ng Rosaryo habang patungo sa Misa, at kami ay may mga natatanging debosyon sa palibot ng pang-Abyentong Korona. Kami ay dadalo sa Mga Istasyon ng Krus sa panahon ng Kuwaresma, at ang mga magulang namin ay sinasama kami sa Pagsamba ng Yukaristiya nang madalas. Bagama’t mayroong mga panahon na nagreklamo ako tungkol sa pagkakaladkad sa mga bagay na ito, ipinakilala nila ako sa isang malapít na pagkakaugnay kay Kristo, isang bagay na nananatiling matibay sa araw na ito.
At saka, huwag kaligtaang magdasal at mag-ayuno para sa iyong mga bata—bawat araw!
Ikatlo, alisin ang sala sa iyong tahanan. Kung pinapayagan mo ang iyong mga bata na magkaroon ng smartphone, lagyan mo ito ng piltro. Tiyakin na ang mga palabas at mga pelikula na pinanonood nila, mga musikang pinakikinggan nila, at mga aklat na binabasa nila ay mabubuti. Kahit na magreklamo ang mga bata, ang mga magulang ay dapat alalahanin ang tungkol sa walang-hanggang kasiyahan ng mga bata, kaysa sa dagliang pansamantalang kasiyahan sa panonood ng masamang pelikula.
Isa pang mabuting bagay na magagawa ay gawin ang iyong tahanan na isang banal na lugar. Punuin ito ng mga krusipiho, mga sagradong larawan, mga estatwa ng mga santo, at mga babasahin tungkol sa Pananalig. Ang lumang kasabihan ay totoo, “Wala sa paningin, wala sa isip.” Kapag lalo nating inaalala ang mga walang-hanggang katotohanan, lalo tayong nananatiling tapat sa mga ito.
Ikalima, paligiran mo ang iyong mga bata ng mabuting komunidad na Katolika, kapwa mga kasinggulang at mga nakatatanda. Kailangan nila ang mabubuting kaibigan na may mga tularing modo, kaya maaari mong himukin silang sumama sa isang pangkabataang lipon o pumunta sa Katolikang pantag-araw na kampo. Kailangan din nila ang mga nakatatandang tagapayo na pinahahalagahan ang Pananalig, kaya makipagkaibigan ka sa ibang mga pamilyang Katolika. Aniyah mo ang pari ng inyong parokya para sa hapunan. Makipagsalo para sa isang piging na kasama ang ibang mga parokyano. Noong ako’y mas bata pa, kung minsan ang aking ama ay idinadala ako sa kanyang lipon ng mga kalalakihan sa mga Sabado ng umaga, at hindi ko malilimutan ang bakas ng nakikita ang mga kalalakihang ito—mga lalaki na aking nakilala at ginalang at naibigan, mga tubero, mga abogado at mga tagasanay sa laro—nagdarasal at umaawit at marubdob tungkol kay Jesus. Ginawa nito na mapagtanto ko na makamoda at matino na magkaroon ng tiwala sa Panginoon!
Isang kaugnay na tanong ay kung saang paaralan pasasapiin ang iyong anak. Ang sagot ay napakapayak: sino Ang magbabago ng sino? Kung ang anak mo ay pumupunta sa eskuwela at nakapagdadala doon ng Liwanag ni Kristo, nangangahulugang ito’y mabuting kapaligiran. Kung ang anak mo ay nagsisimulang makiugali sa mga makamundong prinsipyo, maaaring panahon na upang magpalit ng paaralan. Ang malungkot ay, maraming mga paaralan ang hindi naglalaan ng tunay na paligirang nakasentro kay Kristo, kaya, mag-ingat kahit na ang pipiliin ay mga paaralang Katolika.
Ang ikahuli, ang pinakamabuti at ang pinakamabisang paraan upang maihabilin ang pananampalataya sa mga anak ay ang pagiging isang magulang na hinahangad ang Panginoon sa kanilang sariling buhay. Ang aking ama ay laging dinarasal ang Rosaryo mula noong bago ako isinilang, at kapwa silang mga magulang ko ay maginhawang tinalakay ang buhay-pananalig sa loob ng tahanan. Makikita ko silang pinag-aaralan ang Pananalig ng mag-isa, binabasa ang mga aklat ng mga santo o ng kabanalan. Tulad ng lumang kasabihan, “Pananampalataya ay mas nasasalo, kaysa sa natuturo”—at ating mga kilos ay mas malakas kaysa sa mga salita. Yaon ay hindi ibig sabihing tayo ay ganap, ngunit kailangan nating maging matapat na hangarin ang mukha ng Panginoon sa ating mga puso.
Wala sa mga ito ang may katiyakan, mangyari pa, habang ang ating mga bata ay may malayang kalooban at maaaring pumili kung nais o di-nais nilang paglingkuran ang Panginoon. Ngunit sa pagsasagawa nitong mga bagay, binibigyan natin sila ng mga batayan, at hinahayaan ang Diyos na magkaroon ng pagkakataong makamit ang kanilang mga puso. Ang Kanyang grasya lamang ang nakapagpapanatiling Katoliko ang mga bata—tayo ay mga pamamaraan lamang ng yaong grasya! Kailanma’y huwag kalilimutan na kahit gaano mo kamahal ang iyong mga anak, sila’y mas mahal ng Diyos nang walang-hanggan—at ninanais Niya ang kanilang kaligtasan!
'Ang pinangangambahang sandaling iyon na sabihin ng doktor na ikaw ay may maikling panahon na lamang para mabuhay …
Isa akong tagapangasiwa ng mga ari-arian ng mga tao, binabayadan nila upang maging madali ang anumang dapat na mangyari sa kanilang mga ari-arian kapag sila ay pumanaw na. Ang mahusay na tagapangasiwa ay naghahanda para sa hinaharap. Ang gumawa ng mga paghahanda ukol sa iyong mga pag-aari kapag pumanaw ka na ay makatwiran, ngunit di-hamak na mas mahalaga na maisaayos ang iyong pang-espirituwal na tirahan — na makapaghanda sa kung saan mo gugugulin ang kawalang-hanggan.
Madami ang nakakadinig ng mga salitang, “Isaayos mo ang iyong pang-espiritwal na tirahan. Makipagkasundo ka sa Panginoon.” Ngunit sila ay nag-aatubili di-tiyak kung paano ito gagawin. Ang ilan ay tahasang naniniwala na sila ay namuhay na tila ba ang lahat ay umiikot sa makamundong pag-iral. Dahil nabigo silang mahalin ang Diyos nang buong puso, buong kaluluwa, at buong pag-iisip, at ang kanilang kapwa tulad ng kanilang sarili, takot silang humarap sa paghuhukom ng Diyos. Ang iba naman ay basta lang takot sa di-nababatid. At ang iba pa din ay minamarapat na hwag nang isipin ang tungkol dito.
Hindi winawalang kabuluhan ng Diyos ang pusong mapagkumbaba at puno ng pagsisisi; ngunit mahirap lumapit sa Diyos nang may pagpapakumbaba, inaamin ang pagkakasala at nagpapahayag ng kabutihan ng Diyos kapag nakatuon sa sarili sa halip na sa mapagmahal na kabutihan at awa ng Diyos. Sa aklat, marahil ang pinakamahusay na pang-espiritwal na aklat sa ika-20 siglo, Itinala ng He & I, Gabrielle Bossis ang sumusunod na pahatid mula kay Jesus noong Hunyo 1, 1939:
“Isulat mo! Ayoko nang matakot ang mga tao sa Akin, kundi nais ko na makita nila ang puso Ko na puno ng pagmamahal, at na sila ay makipag-usap sa Akin bilang isang minamahal na kapatid. Para sa ilan, Ako ay hindi kilala. Para sa iba, isang dayuhan, isang matinding amo o isang manunuligsa. Iilang tao ang lumapit sa Akin na tulad ng isa sa minamahal na pamilya. Gayon pa man, ang Aking pagmamahal ay nandiyan, naghihintay sa kanila. Kaya’t sabihin mo sa kanila na lumapit, pumasok, isuko ang sarili sa pagmamahal kahit na sino pa sila. Ipapanumbalik Ko. Babaguhin Ko sila. At malalaman nila ang isang kagalakan na hindi nila kailanman nalaman. Ako lamang ang makakapagbigay ng ganoong kagalakan. Kung lalapit lang sana sila! Sabihin mo sa kanila na magsilapit.”
Ang parabulang “Ang mga Manggagawa sa Ubasan” (Mateo 20) ay nagpapakita ng mabait, mapagbigay, mapagmahal na kalikasan ng Diyos – ang Isang nagpapala sa atin hindi ayon sa kung ano ang “kinita” natin kundi ayon sa kailangan natin. Ang mga manggagawa na dumating sa ikalabing-isang oras ay nagsi-gawa ng isang oras lamang, at gayun pa man ay tumanggap ng isang buong araw na sahod.
May ilang bagay na hinihiling ang Diyos nang para sa isang araw lamang, at iyon ay inilalapat ng Kanyang mahabaging puso sa isang buong buhay. Binigyan ka ng Diyos ng buhay. Iyon ay isang handog na walang bayad. Bagamat sa una pa man, nakita na Niya ang iyong kawalan ng pasasalamat tulad nang nakita Niyang pagtatwa ni Pedro sa Kanya matapos itong manumpa na hindi nito kailanman itatanggi si Hesus. Hindi tulad ni Hudas, si Pedro ay humingi ng kapatawaran, pinatunayan ang kanyang pagmamahal kay Jesus, at naging isang dakilang santo. Sina Moises, David at Pablo ay mga mamamatay-tao, ngunit sila din ay naging mga dakilang santo sapagkat, may pagsisisi sa puso, nagtiwala sila kay Jesus at mapagkumbabang humingi ng kapatawaran.
Ang Diyos ay laging nasa iyo. May pananabik Siyang nag-aantay sa iyo. Tulad ng ama ng alibughang anak, nais Niyang ipasout sa iyo ang pinakamagarang kasuotan, ang pinakamamhaling singsing sa iyong daliri at sandalyas sa iyong mga paa. Nais Niyang magdiwang nang may isang kapistahan sapagkat ang Kanyang anak ay patay na at nabuhay na muli; siya ay nawala, at ngayon ay nagbalik na. Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa iyo na dinidinig Niya kahit ang pinakamahina mong tawag. Huwag mong matakot na ipahayag ang iyong sarili. Ilapit mo ang iyong bibig sa Kanyang tainga. Siya ay nakikinig. Noong maliit ka pa gusto mong may humawak ng iyong kamay kapag tumawid ka sa kalye. Hilingin mo si Jesus na kunin ang iyong kamay, sapagkat nananatili kang maliit. Ibigay mo kay Jesus ang lahat nang lubusan. Lahat-lahat. Tinatanggap ng Diyos ang iyong mga pagkukulang pati na ang iyong pagsisikap na maging mabuti. Ibigay mo ang iyong sarili bilang ikaw. Alam Niya ang lahat tungkol sa kalikasan ng tao. Siya ay dumating upang tumulong at magpanumbalik. Si Hesus ang Ostya. Ikaw ang sagraryo.
Kapag kailangan mo ng paggagamot, ipinapaubaya mo ang iyong sarili sa mga kamay ng manggagamot. Ilagay mo ang iyong kaluluwa, walang imik at walang kibo, sa mga kamay ni Hesus. Gagamutin ka Niya. Ang pagmamahal, at ang hangarin mong magmahal, ay magbibigay halaga sa iyong mga gawa. Ibalik mo ang iyong buhay sa Diyos. Ibigay mo sa Kanya ang iyong mga pagdurusa at kalungkutan. Hilingin mong makatulog sa Banal na Espiritu sapagkat ang iyong huling paghinga ay dapat na nagmamahal.
Sa kanyang talaarawan, sinulat ni Santa Faustina ang pahatid na ito tungkol sa chaplet ng Banal na Awa mula kay Jesus: “Anak ko, hikayatin mo ang mga kaluluwa na dasalin ang chaplet na binigay ko sa iyo. Ikinalulugod Ko na ipagkaloob ang lahat ng kanilang hiling sa Akin sa pagdadasal ng chaplet. Kapag dinasal ito ng mga manhid na makasalanan, pupunuin ko ng kapayapaan ang kanilang kaluluwa, at ang oras ng kanilang kamatayan ay magiging isang maligaya… Isulat mo na kapag ang chaplet na ito ay dinasal sa kinaroroonan ng namamatay, mamamagitan Ako sa Aking Ama at sa naghihingalo, hindi bilang matuwid na Hukom kundi bilang maawain na Tagapagligtas.” (Diary,1541)
Kung malapit ka na sa katapusan ng buhay, ito ang iyong oras ng paglilitis. Huwag mo itong aksayahin. Nananalig ka, kaya’t tatanggap ka. Makipagpayapaan ka sa Panginoon. Magtiwala ka sa Kanya. I-alay mo sa Kanya ang isang mapagpakumbaba at nagsisising puso. Mangumpisal ka. Humiling ka na makatanggap ng Huling Basbas. Humiling kay San Jose, ang Patron ng Maligayang Kamatayan, na ihanda ka para makaharap ang Panginoon. Dasalin ang chaplet ng Banal na Awa. Basahin ang Awit 51. Kung may ka na malapit na sa kamatayan, dasalin mo ang chaplet ng Banal na Awa sa kanya. Hikayatin siya na magkumpisal ng isang mahusay na Kumpisal at na makatanggap ng Huling Basbas.
Huwag matakot.
Manalig kay Jesus.
'Wala na siyang maraming natitirang oras, ngunit pinili ni Fr. John Hilton ang magtagumpay sa mga pangako, na nagbibigay inspirasyon sa milyon-milyon at nagbabago ng mga buhay.
Ang aking paglalakbay sa buhay ay hindi naging napakadali, ngunit mula nang magdesisyon akong sumunod kay Kristo, ang aking buhay ay hindi naging kagaya ng dati. Ang Krus ni Kristo na nasa harap ko at ang mundo na nasa likuran ko ay masasabi kong matatag na, “Wala ng balikan …”
Sa mga araw ng aking pag-aaral sa Bede’s College sa Mentone, naramdaman ko ang isang malakas na pagtawag mula sa loob ko. Mayroon akong magagaling na tagapagturo doon kasama si Kapatid na Owen na nagbigay inspirasyon at kinupkop ang aking pag-ibig kay Hesus. Sa murang edad na 17, sumali ako sa Missionaries ng Sacred Heart. Pagkalipas ng 10 taon ng pag-aaral, kasama ang isang limitasyon sa Unibersidad ng Canberra at isang titulo sa Teolohiya sa Melbourne, sa wakas ako ay naordinahan.
Itinakdang Tadhana
Ang aking unang pagkahirang ay sa Papua New Guinea, kung saan nakatanggap ako ng praktikal na saligan sa pamumuhay sa gitna ng mga simpleng tao na may mahusay na kaalaman ng pamumuhay sa kasalukuyang sandali. Nang maglaon, ipinadala ako sa Paris upang mag-aral ng liturhiya. Ang mga pag-aaral ko ng pagdodoktor sa Roma ay nagambala ng tensyon dahil sa sakit ng ulo na pumigil sa akin na makumpleto ito. At di nagtagal ay naging malinaw na sa akin na ang aking tungkulin ay hindi upang magturo sa seminaryo. Sa aking pagbabalik sa Australia, napasali ako sa ministeryo ng parokya at nakaranas ng 16 na parokya sa maraming iba’t ibang mga estado sa buong bansa. Ako ay nabigyang lakas muli sa pamamagitan ng aking paglahok sa dalawang kamangha-manghang kilusan na alagaan at buhayin ang buhay may asawa at buhay may pamilya-Mga Koponan ng Our Lady and Marriage Encounter.
Nakaramdam ako ng kasiyahan. Napakaganda ng takbo ng buhay. Ngunit biglang, noong ika-22 ng Hulyo 2015, nagbago ang lahat. Hindi ito galing kung saan lang. Sa nagdaang anim na buwan, nakakita ako ng dugo sa ihi sa ilang mga pagkakataon. Ngunit ngayon ni hindi ako makaihi. Sa kalagitnaan ng gabi, nagmaneho ako at nagpunta sa ospital. Matapos ang isang serye ng mga pagsusuri, nakatanggap ako ng nakakaalarmang mga balita. Nasuri ako na may cancer sa bato na umabot na sa ika-apat na yugto. Natagpuan ko ang aking sarili sa estado ng pagkabigla. Naramdaman kong napahiwalay ako sa mga normal na tao. Ipinaalam sa akin ng doktor na kahit na may mga gamot, asahan ko na mabubuhay ako ng tatlo at kalahating taon na lamang. Hindi ko mapigilan ang pag-iisip tungkol sa maliliit na anak ng aking kapatid na babae. Hindi ko na kailanman makikita ang mga kaakit-akit na mga batang ito na lumaki.
Bago naganap ang krisis na ito, gustung-gusto kong manalangin ng mga pagbubulay-bulay sa umaga ngunit mula noong mangyari ito ako ay nahihirapan na. Makalipas ang ilang sandali, nakaisip ako ng isang madaling paraan para makapagnilay. Pananatili sa harap ng presensya ng Panginoon, inulit ko ang isang mantra na binigyang inspirasyon ni Dante, “Ang Iyong kalooban ang aking kapayapaan.” Ang simpleng paraan ng pagninilay na ito ay nagbigay daan sa akin upang mapanumbalik ang aking kapayapaan at tiwala sa Diyos. Ngunit sa pagbabalik ko sa aking normal na araw, naramdaman kong mas nahirapan ako. Madalas akong magambala ng mga isipin tulad ng ‘Hindi na ako magtatagal dito…’
Ang Pinakamahusay na Payo
Matapos ang tatlong buwan na gamutan, ginawa uli ang mga pagsusuri upang makita kung gumagana nang maayos ang gamot. Ang mga resulta ay positibo. Mayroong makabuluhang pagbawas sa karamihan ng mga apektadong parte, at pinayuhan akong kumunsulta sa isang siruhano upang alisin ang nakakasakit na bato. Nakaramdam ako ng biglang ginhawa dahil sa likod ng aking pag-iisip nag-aalinlangan ako kung talagang gumagana ang gamot. Kaya ito ay talagang mahusay na balita. Matapos ang operasyon, gumaling ako at bumalik sa pagiging kura paroko.
Sa oras na ito, naramdaman kong mas nabigyan ako ng lakas sa pag-eebanghelisasyon. Hindi alam kung hanggang kailan ko magagawa ang gawaing ito, ibinuhos ko ang aking buong puso sa lahat ng aking ginagawa at kinaaaniban. Tuwing anim na buwan, ginagawa ang mga pagsusuri. Sa una, ang mga resulta ay mabuti, ngunit sa paglipas ng sandaling panahon lamang ay hindi na gaanong naging epektibo ang gamot na iniinom ko. Ang kanser ay nagsimulang lumaki sa aking baga at sa aking likuran, na naging dahilan ng pagkakaroon ko ng sciatica at naging sanhi ng aking paglakad na paika-ika. Kailangan kong sumailalim sa chemotherapy at magsimula ng isang bagong gamutan sa immunotherapy. Ito ay nakakadismaya, ngunit hindi isang sorpresa. Ang sinumang dumadaan na may cancer sa ganitong paglalakbay ay alam na nagbabago ang mga bagay. Maaari kang maging maayos ng isang sandali at sa susunod na sandali ay biglaang may sakuna.
Ang aking magandang kaibigan, na naging isang nars sa departamento ng oncology sa loob ng maraming taon, ay nagbigay sa akin ng pinakamahusay na payo: Ipagpatuloy mo ang iyong buhay at pamumuhay na katulad ng dati hangga’t maaari. Uminom ka ng kape kung nasisiyahan ka sa kape, o kumain ka kasama ang iyong mga kaibigan. Patuloy na gawin ang mga normal na bagay.
Mahal ko ang pagiging pari at nasasabik ako sa magagandang bagay na nangyayari sa aming parokya. Kahit hindi na maayos ang aking paglalakbay, mahal ko pa rin ang nagawa ko. Mahal ko ang pagdiriwang ng Misa at paggagawad ng mga sakramento. Ito ay isang bagay na pinahahalagahan ko at palagi akong nagpapasalamat sa Diyos para sa dakilang pribilehiyong ito.
Higit pa sa Abot Tanaw
Ako ay may matibay na paniniwala na kailangan talaga nating gumawa ng higit na pagsisikap na mabaligtad ang lumiliit na bilang ng mga taong pumupunta sa Simbahan sa pamamagitan ng pagiging aktibo. Sa aming parokya pinagsisikapan naming gawing mas nakakaengganyo ang Linggo. Dahil palaging mahal ko ang pinagmumunihang bahagi ng aming Simbahan, nais kong lumikha ng isang kanlungan ng pagdarasal at kapayapaan sa pamamagitan ng pagdadala ng kaunting espiritu ng kumbento sa aming parokya. Kaya’t tuwing Lunes ng gabi, nagsasagawa kami ng isang pagmumuni-muni, na may nakasinding kandila sa Misa na may kasamang nakagiginhawang mapagmuning musika. Sa halip na magbigay ako ng isang sermon, nagbabasa ako ng isang repleksyon.
Isa sa mga awiting nakaantig sa akin ng lubos ay ang nanalong solong awitin sa GRAMMY na “10,000 dahilan (Bless the Lord) ni Matt Redman. Tuwing kinakanta ko ang pangatlong berso ng kanta, halos mabulunan ako.
At sa araw na iyon
kapag ang aking lakas ay nauubos.
Malapit na ang wakas
At dumating na ang aking oras
Patuloy pa rin ang aking kaluluwa na
Kantahin ang iyong mga papuri ng walang katapusan
Sampung libong taon
At hanggang magpakailanman
Magpakailanman
Natagpuan ko ito na nakakaantig dahil ang pinagsisikapan nating gawin ay magbigay ng papuri sa Diyos at paunlarin ang ating kaugnayan kay Jesus. Sa kabila ng aking karamdaman, ito ay isa sa mga nakagaganyak na oras sa aking buhay bilang isang pari. Ipinaaalala nito sa akin ang mga salitang sinabi ni Jesus, “Naparito ako upang magkaroon sila ng buhay at mabuhay nang buong kabuuan.” Juan 10:10
——————————————————————–
“Ang aking asawa na hindi isang Katoliko at nagsisimula pa lamang malaman ang tungkol sa pananampalataya at nakilala nang hindi sinasadya si Father John. Kalaunan ay sinabi niya na ‘Ang alam ko tungkol sa taong ito, na si Jesus … Si Father John ay parang katulad niya. Kahit alam mo na mamamatay ka na ay patuloy mo pa ring ibibigay ang iyong sarili nang higit pa at mas higit pa kahit na ang mga tao sa paligid mo ay hindi alam na ito na ang iyong huling mga araw … – “Kaitlyn McDonnell
Isa sa mga bagay na malinaw na tinukoy ni John ay ang kanyang hangarin sa buhay. Siya ay isang ganap na drayber at talagang ginawang totoo si Hesus sa mundong ito. Madalas akong napapa-isip kung ano ang maaaring nangyari sa kanya kung hindi siya naging malakas sa mga tuntunin ng kanyang pananampalataya at pagpapahalaga. Maaaring napakahirap para sa kanya ngunit tuwing Linggo mula nang makilala namin siya, ay mayroon siyang dating lakas. Hindi niya alintana ang nangyayari sa paligid niya o sa kanya o para sa kanya, mayroon siyang pakiramdam ng katahimikan sa paligid niya. Ito ay isang hindi kapani-paniwalang regalo. – Dennis Hoiberg
Dapat naming ipaalala sa kanya na mayroon siyang mga limitasyon, ngunit hindi iyon nagpabagal sa kanya. Naging inspirasyon siya dahil narito siya isang lalaki na sinabihan na mayroon siyang limitadong oras. Gayunpaman patuloy pa rin siyang nagbibigay sa halip na matalo ng kanyang sakit at isipin ito. – Shaun Sunnasy
'Sa isang napakainit na hapon, siya at naglakad sa kalye. Walang natira para sa mga bata sa bahay ampunan, kaya’t siya ay namalimos. Pagdating sa isang kalapit na tindahan ng tsaa, inilahad niya ang kanyang kamay, nagsusumamo sa tindero na bigyan siya ng anuman para sa kanyang mga sawim-palad na mga bata.
Dumura ang lalaki sa palad ng babae. Walang pag-aalinlangan, marahan niyang pinunasan ng gilid ng kanyang sari ang kanyang kamay at inilahad ang kabila. Nagsalita siya sa isang ding mahinang tinig, “Nagpapasalamat ako sa iyo para sa ano mang ibinigay mo sa akin. Hinihiling ko sa iyo na huwag dumura sa kamay na ito, sa halip ay bigyan ako ng anumang bagay para sa aking mga anak.”
Ang tindero ay namangha sa kanyang kababaang-loob. Humingi ito ng kapatawaran at ang pangyayari ay nagtatak ng napakalaking pagbabago sa kanya. Mula noon, siya ay naging isang mapagbigay na taga-ambag sa kapakanan ng mga bata sa kanyang ampunan. Ang babaeng nakasuot ng puting sari na may asul na guhit ay si Mother Teresa ng Calcutta.
Ang kababaang-loob, ayon kay Santa Teresa ng Calcutta, ay ang ina ng lahat ng mga katangian. Itinuro niya na “Kung ikaw ay mapagkumbaba walang makakabagbag sa iyo, ni papuri o kahihiyan, sapagkat alam mo kung ano ka. Kung ikaw ang sisisihin hindi ka panghihinaan ng loob. Kung tatawagin ka nilang santo hindi mo ilalagay ang iyong sarili sa isang pedestal.”
Ngayon ang kababaang-loob ay madalas na hindi maunawaan. Tinatanggap ito ng ilan bilang pagkakapoot sa sarili. Ngunit madaming mga Santo ang nakaunawa na ang kababaang-loob ay paraan upang maitarak sa ulo ang mabuting pagpapahalaga sa sarili sa pamamagitan ng pananalig sa Diyos kaysa pananalig sa sarili.
Dumanas ba si Mother Teresa ng mababang pagtingin sa sarili? Syempre hindi. Kung ganun ang nangyari, paano siya naglakas-loob na magsalita laban sa pagpapalaglag ng sanggol sa Agahan ng Pambansang Pananalangin noong 1993 sa harap mismo ni Pangulong Bill Clinton, Pangalawang Pangulo pr Al Gore, at kanilang mga asawa.
Kadalasan umaasa tayo sa ating sarili, at iyon ang nagiging pinakamalaking hadlang sa pagiging malapít natin sa Diyos. Sa pagsusuot ng birtud na kababaang-loob, si Mother Teresa ay naging mas malapit sa Diyos at naging isang buhay na pinakadiwa ng pagbigkas ni Paul, “Kaya kong gawin ang lahat ng bagay kay Cristo na nagpapatatag sa akin” (Mga Taga Filipos 4:13).
'Bilang isang mahinahon at mabait na babae, si Mary Zhu Wu ay pinahalagahan para sa kanyang huwarang pananampalataya. Siya ay ina ng apat na anak at nanirahan kasama ang kanyang asawang si Zhu Dianxuan, isang pinuno ng nayon sa nayon ng Zhujiahe sa Lalawigan ng Hebei ng Tsina sa dako ng kalagitnaan ng mga taong 1800s.
Nang sumiklab ang Rebelyon sa Boxer at ng mga Kristiyano at mga dayuhang misyonero sila ay pinagpapaslang, ang maliit na nayon ay tumangkilik ng humigit-kumulang na 3000 na mga Katolikong lumikas mula sa mga kalapit na nayon. Ang kura paroko na si Padre Léon Ignace Mangin, at kapwa Heswita na si Padre Paul Denn, ay nag-alay ng pang-araw-araw na Misa at nakinig ng mga pangungumpisal sa buong araw sa oras ng kaguluhan na iyon. Noong Hulyo 17, humigit-kumulang sa 4,500 na mga miyembro ng Boxers at ang imperyo ng militar ang sumalakay sa nayon. Nagtipon si Zhu Dianxuan ng halos 1000 kalalakihan upang ipagtanggol ang nayon at pinangunahan niya ang labanan. Matapang silang nakipaglaban sa loob ng dalawang araw ngunit namatay si Zhu nang mag-backfire ang kanyon na kanilang nakuha. Lahat ng mga kayang lumikas, ay tumakas sa baryo na puno ng takot.
Sa ikatlong araw, ang mga sundalo ay nakakuha ng lagusan na papasok sa nayon at pinagpapatay ang daan-daang mga kababaihan at bata. Humigit kumulang na 1000 na mga Katoliko ang nagkanlong sa simbahan kung saan binigyan sila ng mga pari ng pangkalahatang pagpapawalang-sala at naghanda para sa isang huling Misa. Bagama’t nagdadalamhati para sa kanyang asawa, nanatiling kalmado si Mary Zhu Wu at pinayuhan ang mga nagtitipon na magtiwala sa Diyos at manalangin sa Mahal na Birheng Maria. Sa bandang huli ay winasak ng mga sundalo ang pintuan ng simbahan at nagsimulang magpaputok nang sapalaran, tumindig si Mary Zhu-Wu na may kamangha-manghang lakas ng loob: Ipinuwesto niya ang kanyang sarili ng nakaunat ang mga braso sa harap ni Padre Mangin upang gawing kalasag ang kanyang katawan. Hindi nagtagal, siya ay tinamaan ng bala at nahulog sa dambana. Pinalibutan ng Boxers ang simbahan at sinunog ito upang patayin ang mga nakaligtas, kasama sina Father Mangin at Denn sa nasusunog hanggang sa mamatay habang ang bubong ng simbahan ay tuluyan ng gumuho.
Hanggang sa kanyang huling hininga, si Mary Zhu Wu ay nagpatuloy na palakasin ang pananampalataya ng mga kapwa mananampalataya at pinaigting ang kanilang tapang. Pinasigla sila ng kanyang mga salita upang madaig ang takot at yakapin ang pagkamartir. Dahil sa kanyang makapangyarihang pamumuno, dalawa lamang sa mga Kristiyano ng Zhujiahe ang tumalikod. Noong 1955, idineklara ni Papa Pius XII na siya ay, Pinagpala kasama ang dalawang Heswita at maraming iba pang mga martir; lahat sila ay na-kanonisahan ni Papa Juan Paul II noong 2000.
'Noong bata pa ako, naaalala kong tinanong ko ang aking ama kung talagang kinakailangan ko na mahalin ang kapatid na babae (kahit na ang pagmamahal sa kaaway ay tila mas makatuwiran noong panahong iyon). Siyempre, iginiit ng aking ama na dapat. At naalala ko ang mahabang pagpapaliwanag ko sa kanya na ito ay magiging napakahirap — at halos imposible — dahil sa kasalukuyang mga kalagayan, at marahil ay dapat na naming pag-isipan ang pagbibigay sa kanya sa ampunan para ipaampon. Sabi sa akin ng aking ama, “Jason, maaaring mahirap para sa iyo na paniwalaan ito, ngunit darating ang araw, na matutuklasan mo na mahal mo pala ang iyong kapatid. At pagdating ng araw na iyon, talagang gugustuhin mong maging mabait sa kanya. Pansamantala, gayunpaman … magkunwari ka.”
Sa oras na iyon, ito ay parang isang nakakakilabot na payo, ngunit kung nais nating isagawa ang iniuutos sa atin ni Kristo sa mga Ebanghelyo — na talagang dapat nating ibigin ang ating kapwa tulad ng pag-ibig natin sa ating sarili —kaya nagkakaroon ng mga oras na hindi natin masyadong nararamdaman ang damdaming iyon. Dahil, tanggapin natin ito, ang ilang mga tao ay napakahirap mahalin. Kahit na ang Diyos kung minsan ay mukhang napakalayo kung minsan, pero kung iisipin mo ito, ang mga oras na kailangan nating pilitin ang ating sarili na “magkunwari” sa pagmamahal na ito sa kapwa ay madalas na ito ang pagkakataon na pinaka-taos-puso ang pag-ibig, sapagkat iyon ang mga oras na maaari nating ibigay ang pagmamahal na walang inaasahang gantimpala. At kung ang mga matatalino ay tama, ang kakaibang resulta ng lahat ng mga pagkukunwari sa pagmamahal na ito ay dito nagsisimulang lumago ang pagmamahal na dating walang pagmamahal.
Kaya’t hanggang sa makarating tayo sa puntong iyon kung saan ang pagmamahal sa lahat ay kusang darating, marahil pinakamahusay para sa ngayon ang magkunwari – iyon ay, upang kumilos na parang mahal natin ang iba, totoo man o hindi, at umaasa, pansamantala, na balang araw makikita natin sila sa paningin na may pananampalataya.
Ama sa Langit isinusuko ko ang lahat ng aking mga pakikibaka at pagtitiis ko sa ilang mga tao sa aking buhay. Bigyan mo ako ng lakas at kakayahan na makayanan ko sila ng mahinahon at may pagmamahal kapag gusto ko ng sumuko. Tulungan mo akong maging mapagpasensya, mabait, hindi madaling magalit, at maging maawain. Kapag gusto ko ng maglakad palayo, ipaalala mo sa akin ang biyayang ipinagkaloob mo sa akin noong nasa pinakamababang punto ako ng aking buhay. Hayaan mo akong mahalin sila tulad ng pagmamahal mo sa akin. Sa Pangalan ni Jesus ipinagdarasal ko. Amen.
'