- Latest articles
Ang Hindi ko inaasahan noong sinimulan ko ang mabisang panalanging ito…
O Munting Therese ng Batang Hesus, mangyaring pumili para sa akin ng isang rosas mula sa hardin ng Langit at ipadala ito sa akin bilang isang mensahe ng pag-ibig.” Ang kahilingang ito, ang una sa tatlo na bumubuo ng ‘Padalhan moa ko ng Rosas ‘ Novena kay Saint Therese, ay kumuha ng aking atensyon.
Nag-iisa ako. Malungkot sa isang bagong lungsod, nananabik para sa mga bagong kaibigan. Nag-iisa sa isang bagong buhay ng pananampalataya, pananabik para sa isang kaibigan at huwaran. Nagbabasa ako tungkol kay Santa Therese, ang pangalan ko sa binyag, nang walang pagsubaybay sa kanya. Namuhay siya sa marubdob na debosyon kay Hesus mula noong siya ay 12 taong gulang at nagpetisyon sa Papa na pumasok sa monasteryo ng Carmelite sa edad na 15. Ang aking sariling buhay ay ibang-iba.
Nasaan ang Aking Rosas?
Si Therese ay puno ng sigasig para sa mga kaluluwa; nanalangin siya para sa pagbabagong loob ng isang kilalang kriminal. Mula sa nakatagong mundo ng kumbento ng Carmel, inilaan niya ang kanyang panalangin para sa pamamagitan ukol sa mga misyonerong nagpalaganap ng pag-ibig ng Diyos sa malalayong lugar. Habang nakahiga sa kanyang higaan ng kamatayan, ang banal na madre na ito mula sa Normandy ay nagsabi sa kanyang mga kapatid na babae: “Pagkatapos ng aking kamatayan, magpapaulan ako ng mga rosas. Gugugulin ko ang aking Langit sa paggawa ng mabuti sa lupa.” Ang aklat na binabasa ko ay nagsabi na mula noong siya ay namatay noong 1897, pinaulanan niya ang mundo ng maraming grasya, himala, at maging ng mga rosas. “Baka padadalhan niya rin ako ng rosas,” naisip ko.
Ito ang pinakaunang Nobena na dinasal ko. Hindi ko masyadong inisip ang dalawa pang kahilingan ng panalangin—ang pabor na mamagitan sa Diyos para sa aking intensyon at marubdob na maniwala sa dakilang pag-ibig ng Diyos para sa akin upang magaya ko ang Munting Daan ni Therese. Hindi ko matandaan kung ano ang aking intensyon dahil sa wala kong pagkaunawa sa Munting Paraan ni Therese. Nakatuon lang ako sa rosas.
Sa umaga ng ika siyam na araw, nagdasal ako ng Nobena sa huling pagkakataon. At naghintay. Baka mag dadala ng rosas ang isang magbubulaklak ngayon. O baka uuwi ang asawa ko galing sa trabaho na may dalang mga rosas para sa akin. Sa pagtatapos ng araw, ang tanging rosas na tumawid sa aking pintuan ay naka-print sa isang kard na kasama ng isang pakete ng mga pagbating kard mula sa isang orden ng misyonaryo. Ito ay isang matingkad na pula, namagandang rosas. Ito ba ang aking rosas mula kay Therese?
Aking Hindi Nakikitang Kaibigan
Minsan, nagdasal ulit ako ng Padalhan mo ako ng Rosas Nobna. Laging pareho ang mga resulta. Ang mga rosas ay makikita ko sa maliit, na nakatagong mga lugar; Makaka-kilala ako ng isang taong nagngangalang Rose, makakakita ng rosas sa pabalat ng libro, sa likuran ng isang larawan, o sa mesa ng isang kaibigan. Sa kalaunan, naiisip ko si St. Therese sa tuwing may masisilip akong isang rosas. Siya ay naging isang kasama sa aking pang-araw-araw na buhay. Tinigilan ang Nobena, natagpuan ko ang aking sarili na humihiling sa kanyang pamamagitan sa mga pakikibaka sa buhay. Si Therese ay ang hindi ko nakikitang kaibigan.
Nabasa ko ang tungkol sa mas marami pang mga Santo, at namamangha ako sa kanilang mga iba’t ibang mga paraan na ang mga kalalakihan, kababaihan, at mga bata ay namuhay ng may marubdob na pagmamahal sa Diyos. Ang pagkaalam sa konstelasyon na ito ng mga tao, na ipinahayag ng Simbahan nang may katiyakan na sila ay nasa Langit, ay nagbigay sa akin ng pag-asa. Sa bawat lugar at sa bawat buhay, kailangang mamuhay nang may kabayanihang kabutihan. Ang kabanalan ay posible kahit para sa akin. At may mga huwaran. Marami sila! Sinubukan kong gayahin ang pasensya ni Saint Francis de Sales, ang atensyon at banayad na paggabay ni Saint John Bosco para sa bawat bata sa kanyang pangangalaga, at ang kawanggawa ni Saint Elizabeth ng Hungary. Nagpapasalamat ako sa kanilang mga halimbawa na nakatulong sa akin. Mahalaga silang mga kakilala, ngunit mas higit si Thérèse. Dahil naging kaibigan ko siya.
Isang Panimula
Sa kalaunan, binasa ko ang The Story of a Soul, ang sariling talambuhay ni Saint Therese. Sa personal na patotoo na ito ako unang nagsimulang maunawaan ang kanyang Little Way. Iniisip ni
Therese ang kanyang sarili espiritwal bilang isang napakaliit na bata na may kakayahan lamang sa maliliit na mga gawain. Ngunit sinasamba niya ang kanyang Ama at ginawa ang bawat maliliit na bagay nang may malaking pagmamahal, at bilang isang regalo para sa Ama na nagmamahal sa kanya. Ang bigkis ng pag-ibig ay mas malaki kaysa sa laki o tagumpay ng kanyang mga gawain.
Ito ay isang bagong diskarte sa buhay para sa akin. Ang aking espirituwal na buhay ay nakahinto sa oras na iyon. Baka masimulan ito ng The Little Way ni Therese.
Bilang ina ng isang malaki at aktibong pamilya, ang aking kalagayan ay ibang-iba kay Therese. Siguro maaari kong subukang umpisahan ang aking mga pang-araw-araw na gawain na may parehong mapagmahal na saloobin. Sa kaliitan at tagong aking tahanan, gaya ng dating kumbento para kay Therese, maaari kong subukang gawin ang bawat gawain ng may pagmamahal. Bawat isa ay maaaring maging kaloob ng pagmamahal sa Diyos; at sa kalaunan ay pagmamahal para sa aking asawa, sa aking anak, sa kapitbahay. Sa ilang pagsasanay, bawat pagpapalit ng lampin, bawat pagkain na nilagay ko sa mesa, at bawat kargada ng labahan ay naging munting handog ng pagmamahal. Ang aking mga araw ay naging mas madali, at ang aking pagmamahal sa Diyos ay lalong lumakas. Hindi na ako nag-iisa.
Sa bandang huli, ito ay tumagal ng higit sa siyam na araw, ngunit ang pabigla-bigla kong paghiling ng isang rosas ay naglagay sa akin sa landas tungo sa isang bagong espirituwal na buhay. Sa pamamagitan nito, nakipag-ugnayan sa akin si Saint Therese. Hinila niya ako sa pag-ibig, sa pag-ibig na siyang pakikipag-isa ng mga Banal sa Langit, sa pagsasagawa ng kanyang “Munting Paraan” at, higit sa lahat, sa higit na pagmamahal sa Diyos. Sa bandang huli ay nakatanggap ako ng higit pa sa isang rosas!
Alam mo ba na ang kapistahan ni Saint Therese ay sa Oktubre 1? Maligayang kapistahan sa mga kapangalan ni Therese.
'Naglalakad kami ng kaibigan ko sa kalye nang may narinig kaming sumisigaw sa likod namin. Isang galit na toro ang mabilis na umaakay sa kalsada sa di kalayuan, habang ang mga natakot na tao ay nagsisigawan at nagsitakbuhan palayo. “Tumakbo tayo!” Sumigaw ako, ngunit mahinahong sumagot ang aking kaibigan: “Kung magsisimula tayong tumakbo, tiyak na hahabulin tayo nito.” Pagkaraan ng ilang sandali, walang natitira sa pagitan namin at ng toro. “Ayan na. Kailangan na tayong tumakbo “Sigaw ko sa kaibigan ko, at sabay kaming umalis. Tumakbo kami nang buong lakas, ngunit hindi kami gaanong nagtagumpay. Sinubukan ng ilang mabubuting tao na hulihin ang toro. Hingal na hingal akong naghintay saglit, umaasang ligtas na kami sa wakas. Sa kasamaang palad, nagpatuloy ang paghabol.
Sa isang punto, naalala kong magdasal
Tapos, tumigil na lang ako sa pagtakbo. Tumayo ako roon, nakatingin sa toro na patungo sa akin. Nang ilang pulgada na lang ang layo ay huminto ito. Nagkatinginan kami sa mata ng isa’t isa. Nakatayo kami doon, magkaharap, ng ilang segundo. Halos hindi ako naglakas-loob na huminga. Pagkatapos, bigla itong nagtungo sa ibang direksyon, iniwan kaming nanginginig.
Palagi kong iniisip kung ano ang nangyari sa sandaling iyon. Sino ang maaaring tumayo sa pagitan ko at ng toro? Talagang naramdaman ko ang isang malakas na presensya na nagpoprotekta sa akin mula sa pinsala.
Marami sa atin ang patuloy na tumatakas sa takot sa isang bagay. Bihira nating harapin ang ating takot at harapin ito sa makapangyarihang presensya ng Diyos. Madali tayong maging alipin ng mga taga kalmante tulad ng alak, droga, pamimili, pornograpiya, o kahit na labis na pangako sa mga layunin sa karera.
Ang paglublob sa madaliang pagnanais na kasiyahan o labis na trabaho upang sugpuin ang ating mga pagkabalisa ay maaaring pansamantalang makagambala sa atin mula sa sakit ng malungkot na pagkabata, hindi nababayarang mga pautang, hindi kanais-nais na mga amo o kasamahan sa trabaho, mga lasing na asawa, hindi kasiya-siyang tahanan, o mga personal na pagkabigo. Ngunit sinisira nito ang ating kakayahang bumuo ng malusog na relasyon. Takot na lumiko sa kanan o sa kaliwa, hinayaan namin ang aming sarili na mag-dulot sa gulat. Paano natin mapapagaling ang ating mga sugat nang hindi nagdudulot ng karagdagang pinsala at makakahanap ng lunas?
“Itiningin ko ang aking mga mata sa mga burol – saan manggagaling ang aking tulong? Ang tulong ko ay mula sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa.” (Awit 121:1-2). Kapag ikaw ay nababagabag sa anumang uri ng pagdurusa, huminto sa pagtakbo nang walang patutunguhan at humingi ng tulong ng Diyos. Huwag tumingin sa kanan o kaliwa, ngunit tumingin sa Panginoon sa itaas upang mahanap ang pinakamahusay na mga sagot sa iyong mga problema.
'Rome, Saint Peter’s Basilica, meeting the Pope…maaari pa bang maging mas makasaysayan ang buhay? Natuklasan kong ito ay maaari.
Ang aking pagbabalik-loob sa pananampalatayang Katoliko ay nangyari sa aking paglalakbay sa Roma, kung saan ako ay mapalad na nakapag-aral bilang bahagi ng aking degree. Ang Katolikong unibersidad na aking pinasukan ay nagbuo ng dalawang pagpupulong kasama si Pope Francis bilang bahagi ng paglalakbay. Isang gabi, nakaupo ako sa Basilica ni San Pedro, nakikinig sa pagdadasal ng Rosaryo sa Latin sa loudspeaker habang naghihintay akong magsimula ang serbisyo. Kahit na hindi ko naiintindihan ang Latin noong panahong iyon, o alam kung ano ang Rosaryo, kahit papaano ay nakikala ko ang dasal. Ito ay isang sandali ng mystical immersion na kalaunan ay nag-akay sa akin na ipagkatiwala ang aking buong buhay kay Hesus sa tulong ng pagpamagitan ni Maria. Sinimulan nito ng isang paglalakbay ng pagbabagong-buhay na humantong sa aking Binyag sa Simbahang Katoliko pagkaraan ng isang taon, at isang kuwento ng pag-ibig na naganap di-nagtagal.
Mga Sandali ng Pagtuklas
Natagpuan ko ang aking sarili na dahan-dahang itinatayo ang mga pundasyon ng aking kaugnayan kay Hesus, nang hindi nalalaman na ginagaya si Maria sa proseso. Lumuhod ako sa Kanyang paanan sa panalangin tulad ng ginawa ni Maria sa Kalbaryo, na nagsisikap na palalimin ang aking ugnayanb kay Kristo. Ipinagpapatuloy ko ang gawaing ito ngayon, pinag-aaralan ang Kanyang mukha, ang Kanyang mga sugat, ang Kanyang kahinaan, at ang Kanyang pagdurusa. Higit sa lahat, araw-araw ko Siyang nakikita para aliwin Siya dahil hindi ko kayang isipin na Siya ay nag-iisa sa Krus. Sa pagninilay-nilay sa Kanyang Pasyon, nalaman kong mas lubos kong pinahahalagahan ang katuturan ng Buhay na Kristo, na nabubuhay sa atin ngayon.
Habang iniukol ko ang aking sarili sa gawaing ito, naramdaman kong naghihintay sa akin si Hesus sa mga pang-araw-araw kong panalangin, nananabik sa aking katapatan, at naghahangad ng aking companionship. Mentras itinaas ko Siya sa tahimik na panalangin, lalo akong nakadama ng matinding kalungkutan at dalamhati sa halagang ibinayad ni Hesus para sa aking buhay at sa buhay ng iba. Tumulo ang aking luha para sa Kanya. Ikinulong ko Siya sa aking puso at inaliw Siya sa panalangin, na tinutuladan ang magiliw na pangangalaga ni Maria sa kanyang Anak. Ang pagsasakatuparan ng sakripisyong pag-ibig na nagdala kay Hesus sa Krus ay pumukaw ng matinding malainang damdamin sa kalooban ko, na nag-udyok sa akin na isuko ang lahat sa Kanya. Sa pamamagitan ng biyaya ng Mahal na Birhen, buong-buo kong inialay ang aking sarili kay Hesus, pinahihintulutan Siya na baguhin ako habang ang aming ugnayan ay namumulaklak.
Pag-aalay
Nang makadanas ako ng malaking pagkawala dalawang taon na ang nakararaan, ipinagpatuloy ko ang pang-araw-araw na pagsasanay na ito, bagamat ang pokus ng aking kalungkutan ay nagbago. Ang mga luhang ibinuhos ko ay hindi na para sa Kanya kundi para sa sarili ko. Wala akong nagawa kundi ang malaglag sa paanan ng Ating Panginoon sa aking lubos na pagkabalisa at kawalan ng pag-asa, tulad ng nadama Kong pagkamakasarili. Noon ipinakita ng Diyos sa akin kung paano maaring ang mapantubos na pagdurusa at maiibahagi hindi lamang sa pagsaksi sa Kanyang sakripisyo sa panalangin, kundi sa pagkatanggap sa Kanyang Pasyon.
Bigla, ang Kanyang pagdurusa ay hindi na panlabas para sa akin, bagkos isang katapatang-loob kayat aki ako ay naging kaisa ni Kristo sa Krus. Hindi na ako nag-iisa sa aking paghihirap. Sa katugunan, Siya itong umakay sa akin sa tahimik na pananalangin, Siya ang nagdalamhati para sa akin at nakibahagi sa aking kalungkutan. Lumuha Siya para sa akin at binuksan ang Kanyang puso kung saan ako ay nanatilu at naging Kanyang bilanggo. Ako ay nabihag sa Kanyang pag-ibig.
Tinahak Ang Maligalig Na Landas
Ang pagtulad kay Maria ay umaakay sa atin tungo sa Puso ni Hesus, nagtuturo sa atin ng diwa ng tunay na pagsisisi at ng walang hanggan na awa na dumadaloy mula sa Kanyang pagmamahal. Ang paglalakbay na ito ay maaaring mapaghamon, nag-uutus na tayo ay makibahagi sa mga pasanin ng Krus ni Kristo. Gayunpaman, sa ating mga pagsubok at kalungkutan, makakatagpo tayo ng kaaliwan sa Kanyang nakaaaliw na presensya, batid na hindi Niya tayo pinababayaan. Sa pamamagitan ng pagsunod sa halimbawa ni Maria, inaanyayahan natin siyang gabayan tayo sa pagpapalalim ng ating kaugnayan kay Hesus, ang ating Panginoon at Tagapagligtas, at pakikibahagi sa Kanyang mapagtubos na pagdurusa. Sa paggawa nito, tayo ay nagiging buhay na martir para sa sakit at pagdurusa ng mga hindi pa nakakakilala kay Kristo, at sa gayong paraan, tayo mismo ay napagaling.
Habang tinutuladan natin ang malainang pagmamahal ni Maria para sa kanyang Anak, lalo tayong napapalapit sa diwa ng Kanyang Pasyon at nagiging mga sisidlan ng Kanyang pagpapagaling na biyaya. Sa pag-aalay ng sarili nating mga pagdurusa sa pagkakaisa kay Kristo, tayo ay nagiging buhay na mga saksi ng Kanyang pag-ibig at habag, na nagdadala ng kaaliwan sa mga hindi pa nakakaharap sa Kanya. Sa sagradong pamamaraang ito, ating natatagpuan ang kagalingan para ating sarili at maging mga instrumento ng awa ng Diyos, nagpapalaganap ng Kanyang liwanag sa mga nangangailangan. Gayundin, natututo tayong yakapin ang mga krus sa ating buhay nang buong tapang, alam na ang mga ito ay mga landas tungo sa mas taimtim na pagkakaisa kay Kristo.
Sa pamamagitan ng tulong ni Maria, ginagabayan tayo tungo sa malalim na pag-unawa sa mapag- sakripisyong pag-ibig na nagbunsod kay Hesus upang ibigay ang Kanyang buhay para sa atin. Habang tinatahak natin ang landas ng pagiging disipulo, sumusunod sa mga yapak ni Maria, tinawag tayong mag-alay ng sarili nating mga pagdurusa at pakikibaka kay Hesus, nagtitiwala sa Kanyang kapangyarihan na nakapagpapabago upang magdala ng kagalingan at pagtubos sa ating buhay.
'Noong July 2013 para maging eksakto, umikot ang buhay ko. Hindi ito madaling lunawin, ngunit natutuwa akong nangyari ito.
Ako ay isang madaling pasunurin na Katoliko. Lumaki ako sa isang maliit na bayan sa gitnang Italya, malapit sa Abbey ng Monte Cassino, na itinatag noong ika-anim na siglo ni Saint Benedict ang naghanda at nag-ayos ng kanyang libingan at ng kanyang kambal na kapatid na si Saint Scholastica. Tunay na nakatulong ang lola ko sa pag-aalaga sa aking pananampalataya, ngunit sa kabila ng pagdalo ko ng regular sa mga Misa na kasama siya, pagtanggap ng lahat ng mga Sakramento, at pagiging aktibo sa aking parokya, ito ay palaging parang isang kaugalian o tungkulin na hindi ko kailanman kinuwestiyon, sa halip na isang tunay na pagmamahal sa Diyos.
Ang Nakakagulat na ito!
Noong Hulyo 2013, nagpunta ako sa isang pamamakay sa Medjugorje sa panahon ng taunang Pagdiriwang ng Kabataan. Matapos ang tatlong araw na pagsali sa programa ng pagdiriwang, na maykasamang Kumpisal, mga panalangin, mga patotoo, Rosaryo, Misa, at Adorasyon, bigla kong naramdaman na halos sumabog ang puso ko. Ako ay lubos na nakaramdam ng pag-ibig, anguri ng pag-ibig na parang may “paro-paro sa aking tiyan”…at nagsimula akong manalangin salahat ng oras.
Ito ay bagong pakiramdam—bigla akong nagkaroon ng ganitong pisikal na pang-unawa sa laki ng puso ko (na alam kong kasing laki ng kamao ko) dahil parang sasabog na ito dahil sa pagmamahal na umaapaw sa akin. Hindi ko mailarawan ang pakiramdam na ito sa oras na iyon, at hindi ko pa rin magawa ngayon…
Isang Hindi Makatwirang Kabaliwan
Kaya naiisip mo ba ang isang tao na namumuhay ng regular, na nakipag kompromiso sa pagitan ng pagiging Katoliko sa isang banda at pagkakaroon ng makamundong sekular na buhay sa kabilang banda, ay biglang nakatagpo si Hesukristo, umiibig sa Kanya, at sumusunod sa Kanya nang buong puso? Para itong kabaliwan sa oras na iyon–at kung minsan, ganoon pa rin!
Ako ay isang siyentipiko at isang akademiko. Mayroon akong napaka-lohikal at bagay na katotohanan na pag-iisip sa lahat ng aking ginagawa. Ang aking kasintahan noong panahong iyon ay hindi rin maintindihan kung ano ang nangyayari sa akin (sabi niya sa akin ako raw ay nahikayat!); sa pagiging ateista, hindi ko inaasahan na maiisip niya ito.
Kahit na ang dahilan kung bakit ako sumama sa pilgrimage na iyon ay hindi malinaw sa akin—ang aking ina at ang aking kapatid na babae ay nanggaling na noon at hinikayat akong pumunta. Wala pang huling pahayag ang Simbahan tungkol sa mga aparisyon at paghahayag tungkol sa Medjugorje, kaya nagpunta ako roon nang walang anumang pamimilit na maniwala o hindi maniwala dito, tanging bukas na puso lamang. At doon nangyari ang himala.
Hindi ko masasabing mas mabuting tao na ako ngayon kaysa dati, ngunit ang sigurado ibang-iba na akong tao. Ang aking buhay panalangin ay lumalim habang si Hesus ay naging sentro ng aking buhay. Maraming nagbago simula ng aking pakikipagtagpo kay Hesus sa pamamagitan ng Our Lady, at sana lahat ay magkaroon ng pareho at mas magandang karanasan sa dakilang pag-ibig at awa ng Diyos. Ang masasabi ko lang sa lahat: buksan mo ang iyong puso at sumuko sa Diyos, ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay.
'Kapanglawan, ay ang bagong pangkaraniwan sa buong mundo, ngunit hindi para sa mag-anak na ito! Ipagpatuloy ang pagbabasa para dito sa di-kapanipaniwalang payo na makapagpapanatili ng pagiging sama-sama.
Kailan lamang, ako’y naging isang pugad na nawalan ng laman. Lahat ng aking limang mga anak ay nagsipagbukod na manirahan nang mga ilang oras ang layo sa bawa’t isa, na nagawang madalang ang mga pagkakataong makapagtipon ang mag-anak. Ito ang isa sa mga pait-tamis na bunga ng matagumpay na paglulunsad ng iyong mga anak, minsan sila’y lumilipad nang napakalayo.
Noong lumipas na Pasko, ang buong mag-anak namin ay nagkaroon ng masayang pagkakataon na dalawin ang bawa’t isa. Sa katapusan ng yaong tatlong maliligayang mga araw, nang sumapit na ang panahon ng pagpapaalam, narinig ko ang isang kapatid na nagsalita sa isa pa: “Magkita tayo sa Yukaristiya!”
Ito ang paraan. Ito ang kung papaano kami nanatiling malapit sa isa’t-isa. Kumakapit kami sa Yukaristiya. At sama-sama kaming isinasaklaw ni Hesus.
Pihong kami’y nananabik na makita ang isa’t-isa at nagmimithi na kami’y may higit na panahong magsama-sama. Ngunit ang Diyos ay natawag kami na magbungkal sa iba’t-ibang mga pastolan at dapat maging masaya sa panahong naibigay sa amin. Kaya, sa pagi-pagitan ng mga pagdadalaw at mga tawag sa telepono, kami ay dumadalo sa Misa upang manatiling magkakarugtong.
Nakadarama ng Pag-iisa?
Ang pagdalo ng Pinakabanal na Pag-aalay ng Misa ay tinutulutan tayong pumasok sa katotohanan na hindi mapagtatakdaan ng lawak at panahon. Ito ay ang paghahakbang nang palayo mula sa mundo at patungo sa isang sagradong patlang na kung saan ang Langit ay dumadampi sa Lupa nang totohanan, at tayo ay sama-sama bilang buong mag-anak ng Diyos, yaong mga sumasamba dito sa Lupa at pati sa Langit.
Sa pakikipagsalo ng Banal na Komunyon, ating matatagpuan na tayo’y hindi nag-iisa. Isa sa huling mga salita ni Hesus sa Kanyang mga alagad ay: “Ako ay laging sumasainyo hanggang sa wakas ng panahon.” (Mateo 28:20) Ang Yukaristiya ay ang malawak na handog ng Kanyang patuloy na pag-iral sa atin.
Bilang likas na katunayan, pinangungulilahan natin ang piling ng ating mga yumaong minamahal; minsan, ang hapdi ay maaaring napakabagsik. Yaon ang mga tagpong dapat na tayo’y kumakapit sa Yukaristiya. Lalung-lalo na sa mga araw ng kalumbayan, isinasaalang-alang kong makarating sa Misa nang may kaagahan at mananatili ng may kahabaan pagkaraan nito. Ako’y magdarasal ng pamamagitan para sa aking mga minamahal at makatatanggap ng ginhawa sa pagkaalam na hindi ako nag-iisa at nalalapit ako sa Puso ni Hesus. Idinadalangin ko na ang bawa’t puso ng aking mga minamahal ay malapít sa Puso ni Hesus, upang lahat kami ay maaari ring magkasama-sama. Pinangako ni Hesus: “At ako, kapag naitaas na mula sa lupa, ang magpapadagsa ng lahat ng mga tao sa Aking sarili.” (Huan 12:32)
Di-kapanipaniwalang Malapít
Isa sa mga kinagigiliwan kong taludtod na bahagi ng Yukaristikong Pananalangin ay ito: Mapagkumbaba naming isinasamo na sa pakikipagsalo ng katawan at dugo ni Kristo, kami ay maititipon bilang isa sa Banal na Ispirito.”
Ang Diyos ay itinitipon kung ano ang dating nagkalat at inilalapit tayo patungo sa isang katawan ni Kristo. Ang Banal na Ispirito ay napag-atasan sa natatanging paraan sa pagkakaisa natin.
Naranasan mo na bang nasa loob ng iisang silid na may kasamang ibang tao, ngunit gayunpama’y dama mong ika’y nakahiwalay nang sang-angaw na mga milya? Ang kasalungat ng yaon ay maaaring maging totoo. Kahit tayo ay magkakahiwalay nang sandaming milya, maaari nating madama na tayo’y di-kapanipaniwalang malapít sa iba.
Pangwakas na Katotohanan
Itong nakalipas na taon, nadama ko nang lubusang malapít sa aking lola sa kanyang misa ng paglibing. Ito’y lubos na nakapagaan ng loob, pagka’t tilang dama kong naroon siyang kasama namin, lalo na sa bahagi ng Yukaristikong Pananalangin at Banal na Komunyon. Ang lola ko ay may matatag na pamimintuho sa Yukaristiya, at sinikap niya na makadalo sa Misa bawa’t araw habang ito ay nagagampanan niya nang may kaluwagan. Ako ay nagpapasalamat sa matalik naming ugnayan at yao’y lagi kong pahahalagahan. Ito ay pinapaalalahanan ako ng isa pang bahagi ng Yukaristikong Pananalangin:
“Alalahanin Mo ang aming mga kapatid na nagsihimlay sa pag-asa ng muling pagkabuhay at lahat ng mga yumao sa Iyong awa: tanggapin Mo sila sa liwanag ng Iyong mukha. Maawa Ka sa aming lahat, idinadalangin namin, na kasama ang Mahal na Birheng Maria, Ina ng Diyos, si San Jose, ang kanyang kabiyak, ang mga Mapalad na Apostol, at ang lahat ng mga Santo na nagpalugod sa Iyo sa lahat ng panahon, kami ay maging karapat-dapat na mga tagapagmana ng buhay na walang hanggan, at purihihin at luwalhatiin Ka sa pamamagitan ng Iyong Anak, na aming Panginoong Hesukristo.”
Habang nasa Misa o Pagsamba ng Yukaristiya, tayo ay nasa Tunay na Pag-iral ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Hesukristo. Tayo rin ay sinasamahan ng mga Santo at mga Anghel sa Langit. Isang araw, makikita natin ang katotohanang ito para sa ating sarili. Para sa ngayon, tayo ay naniniwala na may mga mata ng pananampalataya.
Magkaroon tayo ng kagitingan sa tuwing tayo’y nalulumbay o nangungulila sa isang minamahal. Ang Mapagmahal at Maawaing Puso ni Hesus ay patuloy na pumipintig para sa atin, naghahangad para sa atin na makapaggugol ng panahon na kapiling Siya sa Yukaristiya. Dito natin matatagpuan ang ating kapayapaan. Dito ang kung saan tayo mapapakain. Tulad ni San Juan, mamahinga tayo nang mapayapa sa dibdib ng pag-ibig ni Hesus at manalangin upang marami pang iba ang makatatagpo ng kanilang daan sa Kanyang Kabanal-banalang Puso. Upang sa gayon, tayo’y magiging tunay na magkakasama.
'Ang mga paghihirap ay nag-iiwan ng bakas sa buhay natin sa lupa, ngunit bakit ito pinahihintulutan ng Diyos?
Mga dalawang taon na ang nakalipas, ako ay sumailalim sa taunang kong pagsusuri sa dugo at nang bumalik ang mga kinalabasan, sinabi sa akin na mayroon akong ‘Myasthenia Gravis.’ Magarbong pangalan! Ngunit ako o ang sinoman sa aking mga kaibigan o kamag-anak ay hindi pa nakadinig tungkol dito.
Nahiraya ko ang lahat ng kilabot na maaaring harapin ko. Nabuhay nang may kabuuang 86 na taon, sa panahon ng pagsusuri, nadanasan ko ang madaming sindak. Ang pagpapalaki ng anim na lalaki ay puno ng mga hamon, at nagpatuloy ang mga ito habang minamasdan ko silang bumuo ng kanilang mga pamilya. Hindi ako nawalan ng pag-asa; ang biyaya at kapangyarihan ng Espirito Santo ay palaging nagbigay sa akin ng lakas at pagtitiwala na kinailangan ko.
Sa kalaunan ako ay umasa kay G. Google upang matuto nang higit pa tungkol sa ‘Myasthenia Gravis’ at matapos basahin ang mga pahina ng kung ano ang maaaring mangyari, natanto ko na kailangan ko lang na magtiwala sa aking manggagamot na tulungan akong makayanan ito. At inilagay naman nya ako sa mga kamay ng isang dalubhasa. Dumaan ako sa isang mahirap na pagsubok kasama ang mga mas bagong dalubhasa, pagbabago ng mga gamot, madami pang paglalakbay sa pagamutan, at sa kalaunan ay kinakailangang pagsuko ng aking lisensya. Paano ako makakatagal? Ako ang syang nagmamaneho ng mga kaibigan patungo sa iba’t ibang mga kaganapan.
Matapos ang madaming talakayan sa aking doktor at pamilya, sa wakas ay napagtanto ko na panahon na upang itala ang aking pangalan para sa matanggap sa isang pansariling pagamutan. Pinili ko ang Loreto Pansariing Pagamutan sa Townsville dahil magkakaroon ako ng mga pagkakataon na mapaunlad ang aking pananampalataya.b Napaharap ako sa madaming kuro-kuro at payo—lahat ay matuwid, ngunit nanalangin ako para sa patnubay mula sa Banal na Espiritu. Tinanggap ako sa Loreto Home at nagpasya akon na tanggapin kung ano ang inaalok. Doon ko nakilala si Felicity.
Isang Malapit sa Kamatayan Na Karanasan
Ilang taon na ang nakalipas, nagkaroon ng 100-taong-baha sa Townsville at isang maayang bagong labas ng bayan ang nalubog sa tubig na karamihan sa mga bahay ay binaha. Ang bahay ni Felicity, tulad ng lahat ng iba sa labas ng bayan, ay mababa, kaya mayroon syang mga 4 na talampakan ng tubig sa buong kabahayan. Habang ginagawa ng mga sundalo mula sa Army Base sa Townsville ang malawakang paglilinis, ang lahat ng mga residente ay kailangang maghanap ng alternatibong tirahan na mauupahan. Nanahan siya sa tatlong magkakaibang paupahan sa loob ng sumunod na anim na buwan, alinsabay sa pagtulong sa mga sundalo at nagsisikap na gawing muling matirhan ang kanyang tahanan.
Isang araw, nagsimula siyang makaramdam nang hindi mabuti at ang kanyang anak, si Brad, ay tumawag sa doktor, na nagpayo na dalhin siya sa pagamutan kung hindi umigi ang kanyang pakiramdam. Kinaumagahan, nakita siya ni Brad sa sahig na namamaga ang mukha at agad na tumawag ng ambulansya. Pagkatapos ng madaming pagsusuri, napag-alamang siya ay may ‘Encephalitis,’ ‘Melioidosis’ at ‘Ischemic attack,’ at nanatiling walang malay sa loob ng ilang linggo.
Ang kontaminadong tubig-baha na tinawid niya anim na buwan na ang nakalipas, ay lumalabas na nag-ambag sa impeksyon sa kanyang utak ng galugo at utak. Habang palubog-palutang ng ulirat, si Felicity ay nagkaroon ng malapit-kamatayang karanasan:
“Habang ako ay nakaratay na walang malay, naramdaman ko ang aking kaluluwa na nililisan ang aking katawan. Ito ay lumutang at lumipad nang napakataas patungo sa isang magandang espirituwal na lugar. May nakita akong dalawang tao na nakatingin sa akin. Lumapit ako sa kanila. Iyon ay ang nanay at tatay ko —napakabata nilang pagmasdan at tuwang-tuwa silang ako ay makita. Habang sila ay nakatayo sa isang tabi, nakakita ako ng isang bagay na kamangha-mangha, isang nakamamanghang mukha ng Liwanag. Ito ay ang Diyos Ama. Nakakita ako ng mga tao mula sa bawat lahi, bawat bansa, naglalakad nang magkapares, ang ilan ay magkahawak-kamay…Nakita ko kung gaano sila kasaya na makasama ang Diyos, damang nasa tahanan sa Langit.
Nang magising ako, labis akong nadismaya na iniwan ko ang magandang lugar ng kapayapaan at pag-ibig na pinaniniwalaan kong Langit. Ang pari na umaasikaso sa akin sa buong mgdamag ko sa pagamutan ay nagsabi na hindi pa siya kàilanman nakakita ng sinumang tumauli tulad ng ginawa ko noong ako ay nagising.”
Kasawiangpalad Na Naging Pagpapala
Sinabi ni Felicity na palagi siyang may pananalig, ngunit ang karanasang ito ng kawalan ng timbang at kawalan ng katiyakan ay sapat na upang tanungin ang Diyos: “Nasaan Ka?” Ang trauma ng 100-taong pagbaha, ang malawakang paglilinis pagkatapos, ang mga buwan ng pagsasaayos ng kanyang tahanan habang naninirahan sa mga paupahan, kahit na ang siyam na buwan sa pagamutan kung saan wala siyang gaanong alaala ay maaaring naging kamatayan ng kanyang pananampalataya. Ngunit sinabi niya sa akin nang may pananalig: “Ang aking pananalig ay mas matibay kaysa dati.” Naaalala niya na ang kanyang pananampalataya ang tumulong sa kanya na harapin ang kanyang pinagdaanan: “Naniniwala ako na nakaligtas ako at nakabalik, upang makita ang aking magandang apo na mag-aral sa isang Mataas na Paaralang Katoliko at tapusin ang Panlabindalawang Taon. Siya ay tutuloy sa Pamantasan!”
Ang pananalig ay naniniwala sa lahat ng bagay, nagpapagaling sa lahat ng bagay, at ang pananalig ay hindi nagwawakas.
Kay Felicity ko natagpuan ang sagot sa karaniwang tanong na maaaring makaharap nating lahat sa isang dako ng buhay: “Bakit pinahihintulutan ng Diyos na mangyari ang masasamang bagay?” Sasabihin ko na binibigyan tayo ng Diyos ng kalayaan. Ang mga tao ay maaaring magpasimula ng masasamang pangyayari, gumawa ng masasamang bagay, ngunit maaari din tayong tumawag sa Diyos na baguhin ang pangyayari, baguhin ang puso ng mga tao.
Sa katotohanan, sa kapuspusan ng biyaya, Siya ay makapagbibigay ng kabutihan kahit na sa kahirapan. Kung paanong dinala Niya ako sa nursing home upang makilala si Felicity at madinig ang kanyang magandang salaysay, at kung paanong si Felicity ay nagkaroon ng lakas ng pananalig habang siya ay gumugol ng walang katapusang mga buwan sa ospital, magagawa ng Diyos na ang iyong mga paghihirap ay maging kabutihan.
'Mula sa pagiging malusog na mag aaral sa pamantasan hanggang sa paraplegic, tumanggi akong makulong sa upuang de gulong …
Sa mga unang taon ng Pamantasan, napadausdusan ako ng isang disc. Tiniyak sa akin ng mga doktor na ang pagiging bata at aktibo, physiotherapy, at mga ehersisyo ay makakapagpabuti sa akin, ngunit sa kabila ng lahat ng pagsisikap, araw-araw akong nasasaktan. Nagkaroon ako ng mga talamak na yugto bawat ilang buwan, na nagpapanatili sa akin sa kama nang ilang linggo at humantong sa paulit-ulit na pagbisita sa ospital. Gayunpaman, pinanghawakan ko ang pag-asa, hanggang sa nadulas ako ng pangalawang disc. Doon ko napagtanto na nagbago na ang buhay ko.
Galit sa Diyos!
Ipinanganak ako sa Poland. Ang aking ina ay nagtuturo ng teolohiya, kaya ako ay pinalaki sa pananampalatayang Katoliko. Kahit na noong lumipat ako sa Scotland para sa Pamantasan at pagkatapos ay sa England, pinanghawakan ko ito nang husto, marahil hindi sa paraang gawin o mamatgay, ngunit palagi itong nandiyan.
Ang unang yugto ng paglipat sa isang bagong bansa ay hindi madali. Ang aking tahanan ay naging isang pugon, na ang aking mga magulang ay nag-aaway sa isa’t isa sa halos lahat ng oras, kaya ako ay halos tumakas sa dayuhan na lupaing ito. Iniwan ang aking mahirap na pagkabata, nais kong tamasahin ang aking kabataan. Ngayon, ang sakit na ito ay nagpapahirap sa akin na huminto sa mga trabaho at panatilihing balanse ang aking sarili sa pananalapi. Nagalit ako sa Diyos. Gayunpaman, hindi siya pumayag sa aking pagalis.
Nakulong sa bahay sa matinding sakit, ginamit ko ang tanging magagamit na libangan—ang koleksyon ng mga relihiyosong aklat ng aking ina. Dahan-dahan, ang mga retreat na dinaluhan ko at ang mga librong nabasa ko ay umakay sa akin na matanto na sa kabila ng aking kawalan ng tiwala, talagang gusto ng Diyos na patatagin ang aking relasyon sa Kanya. Ngunit hindi pa rin ako lubos na nagagalit na hindi pa Niya ako pinapagaling. Sa kalaunan, naniwala akong galit ang Diyos sa akin at ayaw akong pagalingin kaya naisip kong baka madaya ko siya. Nagsimula akong maghanap ng banal na pari na may magandang ‘statistics’ para sa pagpapagaling upang ako ay gumaling kapag ang Diyos ay abala sa paggawa ng ibang mga bagay. Hindi na kailangang sabihin, hindi iyon nangyari.
Pagbabago Sa Aking Paglalakbay
Katulad nang isang araw sa isang grupo ng panalangin, napakasakit ng pakiramdam ko. Natatakot sa isang nagbabadyang matinding kaganapan, nagbabalak akong makaalis nang tanungin ng isa sa mga kasapi doon kung mayroong karamdaman sa katawan na nais kong padasalan. May dinadanas akong ilang kaguluhan sa trabaho, kaya ang sabi ko ay oo. Habang nagdadasal sila, nagtanong ang isa sa mga lalaki kung may karamdaman ako na kailangang kong ipadasal. Nasa pinakababa sila sa aking listahan ng ‘ranggo ng pagpapagaling’, kaya hindi ako nagtiwala na makakatanggap ako ng anumang ginhawa, ngunit sinabi ko pa din ang ‘Oo’. Nagdasal sila at nawala ang sakit ko. Umuwi ako, wala pa rin. Nagsimula akong tumalon at umikot at gumalaw, at okay pa rin ako. Ngunit walang
Kaya, tumigil ako sa pagsasabi sa mga tao; sa halip, nagpunta ako sa Medjugorje upang pasalamatan ang ating Ina. Doon, nakatagpo ko ang isang ginoo na nagre-reiki at ninais na pagdasalan ako. Tumanggi ako, ngunit bago lumisan ay binigyan niya ako ng isang paalam na yakap na nagdulot sa akin ng pag-aalala dahil naalala ko ang kanyang mga salita na ang kanyang dampi ay may kapangyarihan. Hinayaan kong manaig ang takot at maling pinaniwalaan ko na ang damping ito ng kasamaan ay mas malakas pa sa Diyos. Nagising ako kinaumagahan nang may matinding sakit, hindi ako makalakad. Makalipas ang apat na buwang kaginhawahan, nagbalik ang sakit ko nang napakatindi na inisip kong hindi ko na kaya pang makabalik sa UK
Nang ako’y magbalik, napag-alaman ko na ang aking mga disc ay sumasanggi sa mga ugat, na nagdudulot ng mas matinding sakit nang ilang buwan. Pagdaan ng anim o pitong buwan, nagpasya ang mga doktor na kailangan nilang gawin ang mapanganib na pamamaraan sa aking gulugod na matagal na nilang pinagpapaliban. Napinsala ng operasyon ang isang ugat sa aking binti, at ang aking kaliwang binti ay paralisado mula sa tuhod. Isang panibagong paglalakbay ang nagsimula doon mismo, isang naiiba.
Alam Kong Kaya Mong Gawin Yan
Sa pinaka-unang pagkakataon na dumating ako sa bahay na naka-upuang may gulong, takot na takot ang aking mga magulang, ngunit ako ay puno ng kagalakan. Nasiyahan ako sa lahat ng teknolohikal na bagay…sa tuwing may pumindot ng button sa aking upuang may gulong, sabik akong parang bata.
Iyon ay makalipas ang Pasko, nang magsimulang umurong ang aking paralisis na napagtanto ko ang lawak ng pinsala sa aking mga ugat. Saglit akong napasok sa isang ospital sa Poland. Hindi ko malaman kung papaano ako mabubuhay. Basta nanalangin ako sa Diyos na kailangan ko ng isa pang pagpapalunas: “Kailangan Kitang makitang muli dahil alam kong kaya Mong gawin ito.”
Kaya, nakahanap ako ng serbisyo sa pagpapalunas at naniwala ako na ako’y gagaling.
Isang Saglit na Ayaw Mong Palampasin
Sabado noon at noong una ay ayaw magpunta ng aking ama. Sinabi ko na lang sa kanya: “Hindi mo nais na makaligtaan kapag ang iyong anak na babae ay gumaling.” Ang naunang talakdaan ay may misa, na sinundan ng serbisyo ng pagpapagaling kasama ang Pagsamba. Subalit nang kami ay dumating, sinabi ng pari na kinailangan nilang baguhin ang plano dahil ang pangkat na dapat mamuno sa serbisyo ng pagpapagaling ay wala doon. Naaalala kong nag-iisip ako na hindi ko kailangan ng anumang pangkat: “Kailangan ko lang si Hesus.”
Nang magsimula ang misa, wala akong nadinig ni isang salita. Nakaupo kami sa gilid kung saan may larawan ng Banal na Awa. Tumitig ako kay Hesus na parang hindi ko pa Siya dating nakita. Ito ay isang nakamamanghang larawan. Napakaganda Niya! Hindi ko na nakita pa ang larawang iyon saan man matapos noon. Sa buong Misa, binalot ng Banal na Espirito ang aking kaluluwa. Sinasabi ko lamang sa isip ko ‘Salamat sa Iyo’ kahit hindi ko alam kung ano ang ipinagpapasalamat ko. Hindi ako nakahiling ng paglunas, at iyon ay nakakasiphayo dahil kinailangan ko ng lunas.
Nang magsimula ang pagsamba, hiniling ko sa aking ina na dalhin ako sa harapan, nang mas malapit kay Hesus hangga’t maaari. Doon, nakaupo sa harap, naramdaman kong may humihipo, at minamasahe ang likod ko. Nagiging mainit-init at maginhawa na kaya’t pakiramdam ko ay matutulog na ako. Kaya, nagpasiya akong maglakad pabalik sa bangko, nakalimutan kong hindi ako ‘makalakad.’ Basta’t naglakad ako pabalik at sinundan ako ng aking ina daladala ang aking mga saklay, pinupuri ang Diyos, nagwiwikang: “Naglalakad ka, Naglalakad ka.” Ako ay napagaling, ni Hesus sa Banal na Sakramento. Saglit lang pagkaupo ko, nadinig ko ang isang tinig na nagsasabi: “Ang iyong pananampalataya ang nagpagaling sa iyo”
Sa aking isipan, nakita ko ang larawan ng babaeng humipo sa balabal ni Hesus nang Siya ay padaan. Ang kanyang kwento ay nagpapaalala sa akin ng sarili kong kwento. Walang nakatulong hanggang sa umabot ako sa puntong ito kung saan nagsimula akong magtiwala kay Hesus. Dumating ang paglunas nang tanggapin ko Siya at sabihin sa Kanya: “Ikaw ang tangi kong kailangan.” Nawalan nang lahat ng mga kalamnan ang kaliwa kong binti at maging iyon ay nanumbalik sa isang magdamagan. Makahulugan ito sapagkat sinusukat ito ng mga doktor noon, at nakita nila ang isang kamangha-mangha, di maipaliwanag na pagbabago.
Isinisigaw Ito
Sa pagkakataong ito nang natanggap ko ang paglunas, nais kong ibahagi ito sa lahat. Hindi ako nahiya. Nais kong malaman ng lahat kung gaano kahanga-hanga ang Diyos at kung gaano Niya tayo kamahal. Hindi ako natatangi at wala akong ginawang natatangi upang makatanggap ng kagalingang ito.
Gayon din, ang malunasan ay hindi nangangahulugan na ang aking buhay ay naging lubhang maginhawa sa isang magdamagan. May mga paghihirap pa din, ngunit higit na mas magaan. Dinadala ko sila sa Eucharistic Adoration at binibigyan Niya ako ng mga kalutasan, o mga ideya kung paano ko sila haharapin, pati na ang katiyakan at pagtitiwala na haharapin Niya ang mga ito.
'Ang Rebolusyong Mexican na nagsimula noong unang bahagi ng 1920s, ay humantong sa pag-uusig sa pamayanang Katoliko sa bansang iyon. Si Pedro de Jesus Maldonado-Lucero ay isang seminarista noong panahong iyon. Sa sandaling siya ay naging isang pari, sa kabila ng panganib, tumayo siya kasama ng kanyang mga tao. Inalagaan niya ang kanyang kawan sa panahon ng isang kakila-kilabot na epidemya, nagtatag ng mga bagong apostolikong grupo, muling nagtatag ng mga asosasyon, at nagpasiklab ng Eukaristikong kabanalan sa kanyang mga parokyano.
Nang matuklasan ang kanyang mga gawaing pastoral, ipinatapon siya ng gobyerno, ngunit nakabalik siya at ipagpatuloy ang paglilingkod sa kanyang kawan, sa pagtatago. Isang araw, matapos marinig ang pag-amin ng mga mananampalataya, isang gang ng mga armadong lalaki ang humarang sa kanyang pinagtataguan.
Nakuha ni Padre Maldonado ang isang relikaryo kasama ng mga Bentitado Ostiya habang pilit siyang pinaalis. Pinilit siya ng mga lalaki na maglakad nang walang sapin sa buong bayan, habang sinusundan siya ng isang pulutong ng mga tapat. Hinawakan ng alkalde ng lungsod ang buhok ni Father Maldonado at kinaladkad siya patungo sa city hall. Siya ay natumba sa lupa, na nagresulta sa isang bali ng bungo na lumabas sa kanyang kaliwang mata. Nagawa niyang hawakan ang pyx hanggang sa oras na ito, ngunit ngayon ay nahulog ito sa kanyang mga kamay. Kinuha ng isa sa mga tulisan ang ilang mga Banal na Hukbo, at habang pilit niyang pinapasok ang mga host sa loob ng bibig ng pari, sumigaw siya: “Kumain na ito at tingnan kung maililigtas ka Niya ngayon.”
Hindi alam ng sundalo na noong gabi lamang bago, noong Banal na Oras, nanalangin si Padre Maldonado na masayang ibigay niya ang kanyang buhay para wakasan ang pag-uusig ‘kung papayagan lamang siyang kumuha ng Komunyon bago siya mamatay.’
Iniwan siya ng mga tulisan para mamatay sa isang lawa ng kanyang sariling dugo. Nakita siya ng ilang lokal na kababaihan na humihinga pa at isinugod siya sa malapit na ospital. Si Padre Pedro Maldonado ay ipinanganak sa buhay na walang hanggan kinabukasan, sa ika-19 na anibersaryo ng kanyang ordinasyon bilang pari. Si Pope John Paul II ay nag-kanonisa sa Mexicanong pari na ito noong 2000.
'Kapag ang iyong landas ay nangungumpol ng mga kahirapan, at ika’y nakadarama ng walang-kalutasan, ano ang gagawin mo?
Ang tag-init ng 2015 ay isang alaalang walang kupas. Ako’y nasa pinakamababang tagpo mg aking buhay—nag-iisa, nalulumbay, at nagsusumikap nang lahat ng aking sigla upang makatakas sa isang kahila-hilakbot na katayuan. Ako’y napipiga sa pag-iisip at damdamin, at nadama ko na ang aking mundo ay humahantong sa katapusan. Ngunit sa kakaibang gawi, mga himala ay lumaladlad nang hindi mo inaasahan. Sa pamamaraan ng isang hanay ng mga di-karaniwang pangyayari, ito’y halos ang Diyos ang kusang bumubulong sa aking tenga na Siya’y nakaalalay sa likod ko.
Sa kakaibang araw na yaon, ako’y nanatili sa higaan na nawalan ng pag-asa at bigo. Sa kawalan ng tulog, muli kong pinag-iisipan ang malungkot na katayuan ng buhay ko habang mahigpit na tangan ang rosaryo, sinusubukang makapagdasal. Sa kakaibang uri ng pananaw o panaginip, isang makináng na liwanag ang nagmumula sa rosaryo na nakalapag sa aking dibdib, pinupuno ang silid ng isang maluwalhating busilak ng kagintuan. Habang ito’y kumakalat nang marahan, napuna ko ang madilim, walang mukha, maaninong mga hugis sa palibot ng busilak. Sila’y nagsisipaglapit na sa akin na may di-mawaring bilis. Ngunit ang ginintuang liwanag ay higit na lumaking maliwanag at tinaboy silang higit na palayo tuwing nag-aakma silang lumapit sa akin. Ako’y nangatal sa lamig, hindi makakilos sa kakaibhan ng pananaw. Pagkaraan ng ilang mga saglit, ito’y biglaang natapos, isinisisid muli ang silid sa sukdulang kadiliman. Dala ng ganap na pagkabalisa at pagkatakot na matulog, binuksan ko ang TV. Isang pari ay hinahawakan nang pataas ang isang medalya* ni San Benedicto at ipinaliliwanag kung paano ito nakapag-alay ng isang banal na panananggalang.
Sa pagtatalakay niya ng mga sagisag at mga salitang nakasulat sa medalya, tumingin ako nang payuko sa aking rosaryo—isang alaala mula sa aking lolo—at napuna ko na ang Krus ay may kagayang medalya na nakakabit dito. Ito ay nagbigay-daan sa isang pagpapakilala. Ang mga luha’y simulang nagsidaloy sa aking mga pisngi nang maunawaan ko na ang Diyos ay kasama ko kahit na noong inakala kong ang aking buhay ay gumuguho sa pagkagiba. Isang kulimlim ng alinlangan ang nawaglit sa aking isip, at nakatagpo ako ng ginhawa sa kaalamang hindi na ako nag-iisa.
Kailanma’y hindi ko naunawaan ang medalyang Benediktino sa simula, kaya itong bagong tagpong paniniwala ay nagdulot sa akin ng dakilang kaginhawaan, pinasisigla ang pananalig at pag-asa ko sa Diyos. Kasama ng walang sukat na pag-ibig at pakikiramay, ang Diyos ay umiiral nang walang hanggan, nakahanda upang sagipin ako kapag ako’y nadudulas. Ito’y isang nakabibigay-galak na kabatiran na sinaklaw ang katauhan ko, pinupuno ako ng pag-asa at sigla.
Pinatatatag ang Aking Kaluluwa
Itong pagbago ng pagtanaw ay itinulak ako sa paglalakbay sa panunuklas at pagpapalaki ng sarili. Tinigilan kong ituring ang kabanalan na isang bagay na nalalayo at nakahiwalay sa aking pang-araw-araw na buhay. Bagkus, hinanap kong mapangalagaan ang mataimtim na kaugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin, pagdidili-dili, at mga asal ng kabutihan, nauunawaan na ang Kanyang pag-iral ay hindi napasusubali sa mga malakihang pagpapakita ngunit madarama sa pinakalikas na mga tagpo sa pang-araw-araw na kabuhayan.
Ang ganap na pagbabago ay hindi nangyari nang magdamagan, ngunit ako’y nakapansin ng matatalas na pagbabago sa aking kalooban-looban. Ako’y napagtubuan upang lalong maging matiyaga, natutunan ang pagbitiw ng pagkabahala at pag-aalala, at natanggap ang natagpuang pananalig na ang mga bagay ay mamumukadkad ayon sa kalooban ng Diyos kapag ihahabilin ko ang aking tiwala sa Kanya.
Higit pa rito, ang pagkaunawa ko ng panalangin ay nagbago, umuunlad tungo sa lalong makahulugang pakikipag-usap na sumisibol mula sa kaalaman na, bagama’t ang Kanyang sakdal-bait na pag-iral ay hindi makikita, ang Diyos ay nakikinig at nagmamasid sa atin. Tulad ng isang gumagawa ng palayok na nag-uukit ng luwad sa hugis ng isang kaaya-ayang sining, magagawa ng Diyos na gamitin ang pinakamakamundong mga bahagi ng ating mga buhay at isahugis ang mga ito sa pinakamagandang mga uri na mahaharaya. Ang pagtiwala at pag-asa sa Kanya ay magdadala ng mabubuting mga bagay sa mga buhay natin na higit pa sa ating magagawa nang sarilinan, at makatutulong sa atin upang lalong maging malakas sa kabila ng mga pagsubok na dumaraan sa ating landas.
*Ang mga Medalya ni San Benedicto ay napaniniwalaang nagdudulot ng pagkalinga at mga biyaya sa mga nagsusuot ng mga ito. Ang ilang mga tao ay ibinabaon ang mga ito sa mga saligan ng bagong mga gusali, habang ang iba naman ay ikinakabit sila sa mga rosaryo o isinasabit sa mga dingding ng tahanan. Gayon pa man, ang pinaka-karaniwang kaugalian ay ang pagsuot ng medalya ni San Benedicto na nakapatong sa eskapularyo o napasasaloob sa isang Krus.
'Naranasan mo na ba kung papaano ang pakiramdam sa oras ng pagsamba? Ang magandang salaysay ni Colette ay maaaring makapagpabago ng iyong buhay.
Naalala ko na noong bata pa ako, iniisip ko noon na ang pakikipag-usap kay Hesus sa Banal na Sakramento ay ang pinaka-hindi kapani-paniwala o nakakabaliw na ideya. Ngunit matagal na iyon bago ko pa Siya nakilala. Maraming taon magmula sa paunang pagpapakilalang iyon, mayroon na akong isang tagong kayamanan ng maliliit at malalaking karanasan na naglalapit sa akin sa Eukaristiyang Puso ni Hesus, na nagdadala sa akin upang mas maging malapit, isang hakbang sa bawat isang pagkakataon…Ang paglalakbay na iyon ay patuloy pa rin.
Minsan sa isang buwan, ang parokyang dinaluhan ko noon ay nagdaos ng magdamag na pagbabantay na magsisimula sa pagdiriwang ng Eukaristiya, na sinusundan ng pagsamba sa buong gabi, na hati-hati ang mga oras. Bawat oras ay nagsisimula sa ilang panalangin, pagbabasa ng Kasulatan, at papuri; Naalala ko, sa mga unang buwan, ang mga unang pagpukaw ng pakiramdam ng pagiging napakalapit ko kay Hesus. Ang mga gabing iyon ay nakatuon sa katauhan ni Hesus at doon, natuto akong magsalita sa Banal na Sakramento, na para bang si Hesus mismo ang nakatayo doon.
Nang maglaon, sa isang retreat para sa mga tinedyer, nakatagpo ako ng tahimik na Eukaristikong Pagsamba, na kakaiba sa aking pakiramdam noong una. Walang nangunguna, at walang kumakanta. Nasisiyahan akong umaawit sa Pagsamba at palagi akong nasisiyahan sa mga taong nangunguna sa amin sa pananalangin. Ngunit ang ideyang ito na maaari akong basta nakaupo lang at manahimik, bago iyon…Sa retreat, mayroong isang napakaespirituwal na Jesuit na pari na magsisimula ng pagsamba sa: “Manahimik at kilalanin na ako ay Diyos.” At iyon ang imbitasyon.
Ako at Ikaw, Hesus
Naalala ko ang isang partikular na pangyayari na nagdulot ng malalim na pagkaunawa sa katahimikang ito sa akin. Nasa Pagsamba ako noong araw na iyon, natapos na ang itinakdang oras para sa akin at hindi pa dumarating ang taong dapat na hahalili sa akin. Habang naghihintay ako, nagkaroon ako ng kakaibang impresyon mula sa Panginoon: “Wala ang taong iyon ngunit ikaw ay naririto,” kaya nagpasiya akong huminga na lang.
Darating na sila anumang minuto sa palagay ko, kaya tumutok ako sa presensya ni Hesus at napapahinga na lang. Napagtanto ko, gayunpaman, na ang aking isip ay umaalis sa gusali, nagiging abala sa iba pang mga alalahanin, samantalang ang aking katawan ay naroon pa rin kasama ni Hesus. Lahat ng tumatakbo sa isip ko ay biglang nagkampo. Sa isang iglap lang, bago halos matapos natanto ko kung ano ang nangyayari. Isang biglaang sandali ng katahimikan at kapayapaan. Parang naging musika ang lahat ng ingay sa labas ng kapilya, at naisip ko: “Oh, Panginoon, salamat…Ito ba ang dapat gawin sa pagsamba? Akayin mo ako sa isang espasyo kung saang ako at ikaw lang?”
Nagdulot ito ng malalim at pangmatagalang impresyon sa akin, na ang Eukaristiya ay hindi isang bagay, ito ay Isang Tao. Sa katunayan, ito ay hindi lamang isang tao, ito ay si Hesus Mismo.
Walang Katumbas na Regalo
Sa tingin ko ang ating pang-unawa sa Kanyang presensya at titig ay gumaganap ng isang malaking papel. Ang pag-iisip na ang mata ng Diyos na nakatutok sa atin ay maaaring maging lubhang nakakatakot. Ngunit sa katotohanan, ito ay isang titig ng pagkahabag. Naranasan ko ito ng buong-buo sa pagsamba. Walang paghatol, tanging pagkahabag. Ako ay isang taong napakabilis na husgahan ang aking sarili, ngunit sa titig na iyon ng habag mula sa Eukaristiya, ako ay inaanyayahan na maging hindi gaanong mapanghusga sa aking sarili dahil ang Diyos ay hindi gaanong mapanghusga. Sa palagay ko ay lumalago ako sa ganito sa isang buhay na patuloy sa pagkakalantad sa nakalantad na Eukaristiya.
Ang Eukaristikong Pagsamba ay naging isang paaralan ng presensya para sa akin. Si Hesus ay 100% naroroon saanman tayo magpunta, ngunit ito ay kapag ako ay nakaupo sa Kanyang Eukaristikong presensya saka ako naaalerto sa aking sariling presensya at sa Kanya. Doon, ang Kanyang presensya ay nakakatugon sa akin sa isang napaka-intensyonal na paraan. Ang paaralang ito ng presensya ay naging isang edukasyon ng mga tuntunin ng kung paano lalapitan din ang iba.
Kapag naka-duty ako sa ospital o sa hospisyo at may nakakaharap akong isang taong may malubhang sakit, ang pagiging hindi sabik na presensya sa kanila ang tanging bagay na maibibigay ko sa kanila. Natutunan ko ito mula sa Kanyang presensya sa Pagsamba. Tinutulungan ako ni Jesus na nasa akin na maging naroroon sa kanila nang walang adyenda–kundi para lamang ‘makasama’ ang tao, sa kanilang espasyo. Ito ay naging isang napakabuting regalo sa akin dahil ito ay nagpapaubaya sa akin na maging presensya ng Panginoon para sa iba at upang hayaan ang Panginoon na maglingkod sa kanila sa pamamagitan ko.
Walang hangganan ang kaloob na kapayapaang ibinibigay Niya. Nangyayari ang biyaya kapag tumitigil ako at hinahayaan ang Kanyang kapayapaan na mapuspos ako. Nararamdaman ko iyon sa Eukaristikong Pagsamba, kapag tumitigil ako sa pagiging abala. Sa palagay ko, sa buong buhay ko sa natututunan ko sa ngayon, iyon ang paanyaya: ‘Tumigil sa masyadong pagiging abala at manatili, at hayaan mo akong gawin ang iba pa.”
'T – Natatakot ako sa kamatayan. Bagama’t naniniwala ako kay Hesus at umaasa sa Langit, napupuno pa din ako ng pagkabalisa sa hindi batid. Paano ko mapaglalabanan ang takot sa kamatayan?
S – Isipin na ikaw ay isinilang sa isang piitan at hindi nakikita ang mundo sa labas. Isang pinto ang nagbubukod sa iyo sa mundo sa labas—ang sikat ng araw, ang sariwang hangin, ang kasayahan…ngunit wala kang kuru-kuro sa mga mas maliwanag, magagandang bagay na ito, dahil ang mundo mo ay ang madilim, maamag na agwat na puno ng pagkabulok. Maya’t maya, ang isang tao ay dumadaan palabas sa pintuan, upang hindi na babalik kailanman. Naaala mo ang pagkukulang nila, dahil kaibigan mo sila at nakilala mo sila sa buong buhay mo!
Ngayon, isipin sandali na may napasok mula sa labas. Sinasabi Niya sa iyo ang lahat ng magagandang bagay na madadanasan mo sa labas ng piitan na ito. Alam Niya ang mga bagay na ito, dahil Siya Mismo ay galing na doon. At dahil mahal ka Niya, mapagkakatiwalaan mo Siya. Ipinapangako Niya sa iyo na sasamahan ka Niya palabas sa pintuan. Hahawakan mo ba ang Kanyang kamay? Tatayo ka ba at lalakad kasama Siya palabas ng pintuan? Ito ay nakakatakot, dahil hindi mo alam kung ano ang nasa labas, ngunit maaari kang magkaroon ng lakas ng loob na gaya ng meron Siya. Kung kilala mo Siya at mahal mo Siya, hahawakan mo ang Kanyang kamay at lalakad palabas ng pintuan patungo sa sikat ng araw, tungo sa magandang mundo sa labas. Nakakatakot, ngunit may pagtitiwala at pag-asa.
Ang bawat kultura ng tao ay kinailangang makipagbuno sa takot sa hindi nababatid kapag tayo ay mnagllakad sa madilim na pintuan ng kamatayan. Pag mag-iisa natin, hindi natin batid kung ano ang nasa kabila ng tabing, ngunit kilala natin ang Isang tao na nagmula sa kabilang panig upang sabihin sa atin kung ano ang katulad ng kawalang-hanggan.
At ano ang Kanyang inihayag? Sinabi niya na ang mga nailigtas ay “nasa harap ng trono ng Diyos, at naglilingkod sa Kanya araw at gabi sa Kanyang templo, at Siya na nakaupo sa trono ay kakanlungan sila ng Kanyang presensya. Hindi na sila magugutom, ni mauuhaw pa man; hindi sila tatamaan ng araw, ni anumang nakakapasong init. Sapagkat ang Kordero na nasa gitna ng trono ay magiging kanilang pastol, at papatnubayan Niya sila sa mga bukal ng buhay na tubig, at papahidin ng Diyos ang bawat luha sa kanilang mga mata.” (Apokalipsis 7:15-17 ) Nagtitiwala tayo na ang buhay na walang hanggan ay sakdal na pag-ibig, masaganang buhay, sakdal na kagalakan. Sa katunayan, napakabuti nito na “Hindi pa nakikita ng mata, o nadidinig ng tainga, ni hindi pa sumasagi sa isip ng tao.ang mga inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kanya.” (1 Korinto 2:9)
Ngunit mayroon ba tayong anumang katiyakan na tayo ay maliligtas? Wala bang pagkakataon na hindi tayo makakarating sa makalangit na paraisong iyon? Oo, totoo na hindi ito garantisado. Gayunman, tayo ay napupuno ng pag-asa dahil “nais ng Diyos na ang lahat ng tao ay maligtas at madating ang kaalaman ng katotohanan.” (1 Timoteo 2:3-4) Mas nais niya ang iyong kaligtasan kaysa sa naisin mo ito! Kaya, gagawin Niya ang lahat sa Kanyang kapangyarihan para dalhin tayo sa Langit. Ipinaabot na Niya sa iyo ang paanyaya, na isinulat at nilagdaan sa Dugo ng Kanyang Anak. Ang ating pananampalataya, na isinabuhay sa ating buhay, ang tumatanggap ng gayong paanyaya.
Totoong wala tayong katiyakan, ngunit mayroon tayong pag-asa, at “hindi tayo binibigo ng pag-asang ito” (Mga Taga Roma 5:5). Tayo ay tinawag na lumakad nang may pagpapakumbaba at pagtitiwala, batid ang kapangyarihan ng Tagapagligtas, na “naparito upang iligtas ang mga makasalanan” (1 Timoteo 1:15).
Sa praktikal na pagsasalita, mapaglalabanan natin ang takot sa kamatayan sa ilang paraan.
– Una, tumuon sa mga pangako ng Diyos ng Langit. Madami pa siyang sinabi sa Banal na Kasulatan na pumupuno sa atin ng sabik na pag-asa na matanggap ang magandang kawalang-hanggan na inihanda Niya. Dapat tayong mag-alab nang may pagnanais para sa Langit, na magpapababa sa takot na iwan itong lugmok, wasak na mundo.
– Pangalawa, tumuon sa kabutihan ng Diyos at sa Kanyang pagmamahal sa iyo. Hindi ka niya pababayaan, kahit na kapag dumaan sa hindi batid.
– Panghuli, isaalang-alang ang mga paraan na Siya ay naroroon sa iyo noong kailangan mong pumasok sa bago at hindi kilalang mga lupain–pagpunta sa kolehiyo, pag-aasawa, pagbili ng bahay. Maaaring nakakatakot na gumawa ng isang bagay sa unang pagkakataon dahil may takot sa hindi batid. Ngunit kung ang Diyos ay naroroon sa mga bagong karanasang ito, lalo pang hahawakan Niya ang iyong kamay habang naglalakad ka sa pintuan ng kamatayan patungo sa buhay na matagal mo nang ninanais!
'