Home/Makatawag ng Pansin/Article

Feb 22, 2023 787 0 Sean Booth, UK
Makatawag ng Pansin

BUHAY…KAGANDAHAN…LIWANAG!

Kahiman alam mo o hindi, kapag hanap mo ang katotohanan, hanap mo ang Diyos

Isang maalinsangan na araw ng tag-init nang ako’y siyam na taong gulang, ako ay namasyal kasama ang ilang kaibigan.  Isa sa mga kaibigan ko, na mas matanda, ay may dalang riple.  Habang naglalakad kami sa loob ng sementeryo, itinuro niya ang isang ibon sa ibabaw ng bubong ng simbahan at tinanong kung sa tingin ko ay tatamaan ko ito.  Hindi ako nagdalawang isip, kinuha ko ang baril, kinargahan, at tinutukan.  Nang sandaling pinisil ko ang gatilyo, isang malamig na pakiramdam ng kamatayan ang dumagan sa akin.  Bago pa man lumisan ang bulita sa baril, alam kong tatamaan ko ang buhay na nilalang na ito at ito’y mamamatay.  Habang pinagmamasdan ko ang pagbagsak ng ibon sa lupa, narkadanas ako ang kalungkutan at pagsisisi, at nalipos ako ng pagkalito.  Naitanong ko kung bakit nagawa ko iyon, ngunit wala akong maisagot.  Wala akong sapantaha kung bakit ako sumang-ayon, ngunit nakadama ako ng kawalang-halaga at pagkamanhid. Katulad ng madaming bagay sa buhay, ibinaon ko ang pangyayari sa loob ko at sa madaling panahon ay nalimutan ko ito.

Muling Nangyari

Noong bandang huli ng aking twenties, nagdalantao ang babaeng karelasyon ko.  Nang nalaman namin, hindi kami nagtapat kahit kanino. Hindi ako umasa ng anumang tulong o payo kung sabagay, at hindi ito naging malaking bagay.  Pinapaniwala ko ang aking sarili na ginagawa ko ang ‘kapitagang bagay’– pangakuhan siya na aalalayan ko ang anumang pasya na gagawin niya, kung panatilihin ang sanggol o ipalaglag.  Sa madaming kadahilanan, nagpasya kaming wakasan ang pagdadalantao.  Ang nakatulong sa akin na madating ang desisyon na yon ay ang legalidad ng pagpapalaglag sa bansang ito at ang malaking bilang ng mga taong nagpapalaglag.  Paano ito naging masama? Sa kabalintunaan, ang magpalaki ng sarili kong mga anak ay ang pinakamalaking pangarap ko sa buhay.

Nakipagtipán kami sa ‘clinic ng aborsyon.’  Ang pagtungo doon ay parang isang simpleng paglalakbay sa parmaseutiko para kumuha ng reseta, kung kaya’t, sa katunayan, naghintay ako sa sasakysn sa may labas, di -alintana ang kalakhan at pagkakaroon ng epekto ng pasyang ito.  Paglabas ng girlfriend ko sa gusali, agad kong nakita ang pagbabago niya. Ang kanyang maputlang mukha ay nagtudla ng ‘Kamatayan.’  Ang mga damdamin na naramdaman ko bilang siyam na taong gulang na batang lalaki na bumabaril ng ibon ang dumagsa sa akin.  Tahimik kaming naglakbay pauwi, at halos hindi na nag-usap muli tungkol dito.  Subalit pareho naming alam na may nabago sa amin noong araw na iyon, isang bagay na kalunos-lunos, isang bagay na madilim.

Kalayaan

Dalawang taon ang lumipas, and inakusahan ako ng isang krimen na hindi ko ginawa at inilagay sa pagtatanod sa HMP Manchester (Strange ways Prison) upang maghintay ng paglilitis.  Sinimulan kong makipag-usap sa Diyos sa aking puso, at sa unang pagkakataon sa aking buhay nagsimula akong magdasal ng Rosaryo ng maayos.  Pagkaraan ng ilang araw, sinimulan kong suriin ang aking buhay, eksena bawat eksena, at nakita ko ang madaming biyayang natanggap ko, pati na din ang aking madaming kasalanan.

Nang madating ko ang kasalanan ng pagpapalaglag, sa unang pagkakataon sa aking buhay ay malinaw kong napagtanto na ito ay isang tunay na buhay na sanggol na lumaki sa sinapupunan, at na iyon ay aking anak.  Ang pagkaunawa na pinili kong wakasan ang buhay ng sarili kong anak ay dumurog sa aking puso, at habang umiiyak na nakaluhod sa selda ng bilangguan na iyon ay sinabi ko sa aking sarili, ‘Hindi ako mapapatawad.’

Subalit nang mismong sandaling iyon na si Jesus ay lumapit sa akin at nagwika ng mga salita ng kapatawaran, nuon at doon ko nalaman na Siya ay namatay para sa aking mga kasalanan.  Agad akong dinagsa ng Kanyang pagmamahal, awa, at biyaya.  Sa unang pagkakataon ang buhay ko ay naging makabuluhan.  Dapat akong bigyan ng kamatayan ngunit tumanggap ng buhay mula sa Isang nagsabi, ‘Ako ang Buhay’ (Juan 14:6).  Gaano man kalaki ang ating mga kasalanan, napagtanto ko, ang pag-ibig ng Diyos ay higit na dakila (Juan 3:16-17)!

Isang Pagtatagpo

Kamakailan, nakaupo ako sa isang himpilan ng tren sa London naghihintay ng aking tren, tahimik kong hiniling kay Jesus na pasakayin ang isang tao sa tren na mapapasaksihan ko tungkol sa Kanya.  Nang maupo ako, natagpuan ko ang aking sarili na kaharap ang dalawang babae.  Ilang sandali ang lumipas, nagsimula kaming mag-usap at isa sa kanila ang nagtanong tungkol sa aking sampalataya at kung ako ay dati nang isang mananampalataya.  Ibinahagi ko ang ilan sa aking nakaraan, kabilang ang pagpapalaglag, at ipinaliwanag na sa sandaling napagtanto kong kinitil ko ang buhay ng sarili kong anak ay nakaharap ko ang ipinakong Kristo, at pinatawad at pinalaya.

Kaagad na nagbago ang kaaya-ayang kalagayan.  Nakasagi ako ng damdamin at ang isa sa mga babae ay nagsimulang maghihiyaw sa akin.  Pinaalala ko sa kanyang hiningi niya ang aking kuwento, kaya sinasagot ko lamang ang kanyang tanong.  Sa kasamaang palad, walang maayos na pangangatwiran sa kanya.  Humiyaw siya “Hindi ito isang sanggol sa sinapupunan!” sabay tango ng isang babae bilang pagsang-ayon.  Matiyaga akong nakaupo at pagkatapos ay tinanong sila kung ano ang magiging dahilan kung bakit ang nasa sinapupunan ay “isang sanggol”.  Ang isa ay sumagot ng “DNA,” at ang isa ay sumang-ayon. Sinabi ko sa kanila na ang DNA ay naroroon sa sandaling ang isang sanggol ay ipinaglihi, at ang kasarian at kulay ng mata ay napagpasyahan na.  Muli, sinigawan nila ako hanggang sa ang isa sa kanila ay nanginig.  Matapos ang isang nakakailáng na katahimikan, nagpaumanhin ako na labis kong napasama ang kanyang damdamin.  Kinalabasan, ang babaeng ito ay nagpalaglag ng sanggol dati pa madaming taon na at malinaw na dinadala pa din niya ang mga sugat mula doon sa karanasan.  Nang tumayo siya para bumaba, nagkamayan kami, at pinangako ko sa kanya ang aking mga panalangin.

Pinalaya Sa Pagkakatali

Ang kalunusan ng pagwawakas ng isang inosenteng buhay sa sinapupunan ay bihira nang pinag-uusapan ngayon, at kapag nangyari ito, madami tayong nadidinig na maling pabatid at mga kasinungalingan pa sa halip na katotohanan.  Ang piliing ipalaglag ang isang anak ay hindi isang minsanang, tapos-na-ang-lahat na pagpasya, na walang pangmatagalang kalalabsan na masama.  Iginigiit ng kilusang pro-choice na “katawan ito ng ina, kaya’t sa kanya ang pagpili.”  Ngunit may higit pa sa katawan ng ina at pagpili na dapat isaalang-alang.  Mayroong isang maliit, mahimalang buhay na tumutubo sa sinapupunan.  Bilang ama ng isang ipinalaglag na sanggol, ang pamamaraan ng aking paghilom ay patuloy…ito ay patuloy at maaaring hindi na matatapos.

Madaming salamat sa Diyos na ang mga naghahanap ng katotohanan ay matatagpuan ito, kung lamang ay bubuksan nila ang kanilang mga puso.  At kapag napag-alaman nila ang ‘Katotohanan’, ang ‘katotohanan ang magpapalaya sa kanila’ (Juan 8:31-32).

 

 

 

Share:

Sean Booth

Sean Booth is a member of the Lay Missionaries of Charity and Men of St. Joseph. He is from Manchester, England, currently pursuing a degree in Divinity at the Maryvale Institute in Birmingham.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles