Home/Masiyahan/Article

Sep 01, 2021 886 0 Shalom Tidings
Masiyahan

BANAL NA PAGMUMUNI MUNI

Isang Libro na Maaaring Magpabago ng Iyong Buhay

Si St. Augustine ng Hippo ay kilala bilang isa sa pinakadakilang santo sa lahat ng panahon. Gayunpaman, siya ay namuhay nang napaka makasalanan sa kanyang kabataan at sumang-ayon sa mga pilosopiya ng pagano tulad ng Neoplatonism at Manichaeism. Sa kabila ng taimtim na pagsusumamo ng kanyang ina para sa pagsisisi, nagpatuloy siyang mamuhay kasama ang isang babae ng walang kasal, kalaunan ay nagkaanak sila.

Kaya, paanong ang isa sa pinakadakilang santo sa lahat ng panahon, isang Ama ng Simbahan, na napagbago patungo sa Isang Tunay na Pananampalataya mula sa isang buhay na puno ng kasalanan?

Ang sagot: Ang Salita ng Diyos.

Sa mga Pangungumpisal, ipinaliwanag ni San Augustine na ang kanyang pagsampalataya sa Katolisismo ay hindi naging madali. Bagaman may matinding pagnanasa siyang maging isang Katoliko, pinagsumikapan niyang sundin ang ilan sa mga turo ng Simbahan – lalo na ang kalinisang-puri. Isinulat niya na hiniling niya sa Diyos upang siya ay maging malinis, ngunit hindi pa.

Isang araw, umabot sa sukdulan ang pagkabigo ni Augustine. Nakiusap siya sa Diyos na tulungan siyang ganap na magbalik-loob ang puso niya. Nais niyang maging isang Katoliko at ganap na yakapin ang mga aral ng Simbahan, ngunit naramdaman niyang imposibleng maialis ang sarili sa mga kasalanan ng laman. Napunta si Augustine sa isang hardin para sa malalim na pagmumuni-muni ng kanyang kaluluwa. Isinulat niya sa mga Kumpisal na nakarinig siya ng boses ng bata na nakikiusap sa kanya na “kunin at basahin” ang kopya ng Sagradong Banal na Kasulatan na mayroon siya na dinala niya papunta sa hardin. Kaagad, binuksan ni Augustine ang libro sa Ang Sulat ni St.Paul sa Mga Taga Roma, 13: 13-14, na sinasabi:

“Mamuhay tayo nang marangal at huwag gugulin ang panahon sa paglalasing at magulong pagsasaya, sa pagpapakasawa sa pita ng laman at kahalayan, sa alitan at inggitan. Ang Panginoong Jesus Kristo ang paghariin ninyo sa inyong buhay at huwag paglaanan ang laman upang bigyang-kasiyahan ang mga nasa nito. ”

Matapos basahin ang mga salitang iyon, alam ni Augustine na oras na upang baguhin ang kanyang buhay.

Tayong lahat ay tinawag sa pagbabagong loob, ngunit para sa karamihan sa atin hindi ito madali. Gayunpaman, maaari tayong matuto mula sa kwento ni San Augustine na ang Salita ng Diyos ay direktang nagsasalita sa ating hindi mapakaling mga puso at nag-aalok sa atin ng isang daan upang bumalik sa Kanya.

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles