Home/Magturo ng Ebanghelyo/Article

Oct 17, 2023 488 0 Bishop Robert Barron, USA
Magturo ng Ebanghelyo

BAKIT MAHALAGA ANG MGA PAARALANG KATOLIKO

Sa simula ng Pebrero, ipinagdiriwang ng Simbahan sa Estados Unidos ang Linggo ng mga Paaralan ng Katoliko. Nais kong samantalahin ang pagkakataong ito na awitin ang mga papuri ng mga paaralang Katoliko at anyayahan ang lahat—Katoliko at hindi Katoliko—na suportahan sila. Nag-aral ako sa mga institusyong pang-edukasyon na nauugnay sa Simbahan mula unang baitang hanggang sa makatapos ng eskuwela, mula sa Holy Name Elementary School sa Birmingham, Michigan, hanggang sa Institut Catholique sa Paris. Ang mahabang panahon ng pagsusumikap na iyon ay lubos na humubog sa aking pagkatao, sa aking mga kahulugan sa pagpapahalaga, sa aking buong paraan ng pagtingin sa mundo. Ako ay kumbinsido na, lalo na ngayon, kapag ang isang sekularista, materyalistang pilosopiya ay higit na namumuno sa ating kultura, ang Katolikong etos ay kailangang nakatanim sa isip.

Tiyak, ang mga natatanging marka ng mga paaralang Katoliko na aking pinasukan ay ang pagkakataon para sa Misa at iba pang mga sakramento, mga klase sa relihiyon, ang pagkakaroon ng mga pari at madre (medyo mas karaniwan sa mga unang taon ng aking pormasyon), at ang paglaganap ng mga simbolo at larawang Katoliko, at mga imahe ng mga santo. Ngunit marahil ang pinakamahalaga ay ang paraan kung saan ipinakita ng mga paaralang iyon ang pagsasanib ng pananampalataya at katwiran.

Para makasigurado, walang “Katoliko” na matematika, ngunit mayroon talagang Katolikong paraan upang magturo ng matematika. Sa kanyang tanyag na talinghaga ng kuweba, ipinakita ni Plato na ang unang hakbang palayo sa isang purong materyalistang pananaw sa mundo ay ang matematika. Kapag naunawaan ng isang tao ang katotohanan ng kahit na ang pinakasimpleng ekwasyon, o ang likas na katangian ng isang numero, o isang kumplikadong pormula ng aritmetika, siya ay, sa isang tunay na kahulugan, ay umalis sa larangan ng mga lumilipas na bagay at pumasok sa isang uniberso ng espirituwal na katotohanan. Ang teologo na si David Tracy ay nagsabi na ang pinakakaraniwang karanasan ng hindi nakikita ngayon ay sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga purong pagbubukod ng matematika at heometrya. Sa wastong pagtuturo, ang matematika, samakatuwid, ay nagbubukas ng pinto para sa mas mataas na espirituwal na mga karanasang iniaalok ng relihiyon, sa di-nakikitang kaharian ng Diyos.

Katulad nito, walang kakaibang “Katoliko” na pisika o biyolohiya, ngunit mayroon talagang isang Katolikong pamamaraan para sa mga agham na iyon. Walang siyentipiko ang makakapag-paangat sa lupa sa kanyang tinatrabaho maliban lang kung naniniwala siya sa radikal na katalinuhan ng mundo-ibig sabihin, ang katotohanan na ang bawat aspeto ng pisikal na katotohanan ay minarkahan ng isang naiintindihan na tularan. Totoo ito sa sinumang astronomo, kimiko, astrophysicist, sikologo, o heologo. Ngunit ito ay natural na humahantong sa katanungang: Saan nagmula ang mga maliwanag na tularan na ito? Bakit ang mundo ay dapat na mamarkahan ng kaayusan, pagkakaisa, at makatwirang pagtutularan? May isang kahanga-hangang artikulo na binuo ng ikadalawampung siglong pisiko na si Eugene Wigner na pinamagatang “The Unreasonable Effectiveness of Mathematics in the Natural Sciences.” Ang argumento ni Wigner ay hindi maaaring isang pagkakataon lamang na matagumpay na inilalarawan ng pinakamasalimuot na matematika ang pisikal na mundo. Ang sagot ng dakilang tradisyong Katoliko ay ang pagiging madaling maunawaan na ito ay nagmumula, sa katunayan, mula sa isang mahusay na malikhaing katalinuhan na nakatayo sa likod ng mundo. Ang mga taong nagsasagawa ng mga agham, kung gayon, ay hindi dapat magkaroon ng problema sa paniniwala na “sa pasimula ay ang Salita.”

Wala ring kasaysayang “Katoliko”, bagama’t tiyak na may Katolikong pamamaraan ng pagtingin sa kasaysayan. Karaniwan, ang mga mananalaysay ay hindi lamang nagkukuwento ng mga pangyayari sa nakaraan. Sa halip, naghahanap sila ng ilang mga pangkalahatang tema at direksiyon na patutunguhan sa loob ng kasaysayan. Karamihan sa atin ay malamang na hindi man lang ito napagtanto dahil tayo ay nasa panahon na nasa loob ng isang liberal na demokratikong kultura, ngunit sa halip ay natural nating nakikita ang Kaliwanagan bilang ang pagbabago ng kasaysayan, ang panahon ng mga dakilang rebolusyon sa agham at pulitika na tumutukoy sa modernong mundo . Walang sinuman ang maaaring mag-alinlangan na ang Kaliwanagan ay isang mahalagang sandali, ngunit tiyak na hindi ito nakikita ng mga Katoliko bilang ang kasukdulan ng kasaysayan. Sa halip, pinaniniwalaan natin na ang ikutang punto ay nasa isang maduming burol sa labas ng Herusalem noong mga taong 30 AD, nang ang isang batang gurong hudyo ay pinahirapan hanggang sa mamatay ng mga Romano. Binibigyang-kahulugan natin ang lahat—politika, sining, kultura, atbp—mula sa pananaw ng sakripisyo ng Anak ng Diyos.

Sa kanyang kontrobersyal na talumpati sa Regensburg mula 2006, ang yumaong Papa Benedict ay nakipagtalo na ang Kristiyanismo ay maaaring sumali sa isang masiglang pag-uusap sa kultura dahil mismo sa doktrina ng Pagkakatawang-tao. Tayong mga Kristiyano ay hindi nagsasabi na si Hesus ay isang kawili-wiling guro sa marami, bagkus ang mga Salita, ang isip o katwiran ng Diyos, ay naging laman. Alinsunod dito, anuman ang minarkahan ng mga salita o rasyonalidad ay likas na pinsan ng Kristiyanismo. Ang mga agham, pilosopiya, panitikan, kasaysayan, sikolohiya—lahat ng ito—ay matatagpuan sa pananampalatayang Kristiyano, samakatuwid, isang natural na diyalogo (naritong muli ang mga salitang iyon!) na kapareha. Ito ang pangunahing ideya na, mahal na mahal ni Papa Ratzinger, na nagpapaalam sa mga paaralang Katoliko sa kanilang kahusayan. At ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang pag-usbong ng mga paaralang iyon, hindi lamang para sa Simbahan, kundi para sa ating buong lipunan.

Share:

Bishop Robert Barron

Bishop Robert Barron is the founder of Word on Fire Catholic Ministries and is the bishop of the Diocese of Winona–Rochester. Bishop Barron is a #1 Amazon bestselling author and has published numerous books, essays, and articles on theology and the spiritual life. ARTICLE originally published at wordonfire.org. Reprinted with permission.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles