Home/Makatawag ng Pansin/Article

Jun 23, 2021 1240 0 Bishop Robert Barron, USA
Makatawag ng Pansin

BAKIT HINDI TAYO GUMAGAWA NG KASAMAAN KAHIT NA MAHUSAY ANG MAAARING KALABASAN NITO

May isang kataka-taka at nakakaintrigang pagbasa sa ikatlong kabanata ng liham ni San Pablo sa mga taga Roma, na sa konteksto ng sulat ay tila halos ibalibag, ngunit napatunayang naging isang pundasyon ng moral na teolohiya ng Katoliko sa loob ng nakaraang dalawang libong taon.  Pagtugon sa ilan sa kanyang mga kritiko, sabi ni San Pablo, “At bakit hindi sabihin (gaya ng paninirang-puri sa amin sa pagsasabi), ‘Gawin natin ang kasamaan na maaring magdulot ng mabuti?’  Ang paghatol sa kanila ay karapatdapat”! (Roma 3: 8).  Maaaring balangkasin ang medyo mahirap-sundang  pahayag ni San Pablo ng sumusunod:  “Hindi natin dapat gawin ang masama na maaaring panggalingan ng mabuti.”

Sa katunayan, mayroong tunay na masasamang tao na tila masaya sa paggawa ng masama para sa kasamaan mismo na tinawag ni Aristotle na mga may masamang hangad, o sa matinding kaso, “maka-hayop.”  Ngunit karamihan sa atin na gumagawa ng masasama ay karaniwang nakakahanap ng dahilang nagbibigay-katarungan sa ganung pag-uugali sa pamamagitan ng pagsusumamo sa pag-asang may magandang kalalabasan ang masamang nagawa. “Hindi ko maipagmamalaki ang ginawa ko, pero kahit papano ay may maganda itong kinahinatnan,” maari kong masabi sa sarili ko.”  Pero sa pagsunod sa udyok ni San Pablo, ang simbahan ay di nagbago sa pagsimangot sa ganitong paraan ng pag-iisip,  sapagkat tiyak na ito ay magbibigay daan sa moral na kaguluhan.  Kasabay nito ay kinikilalang ang pang-aalipin, adulteryo, pedopilya, pagpatay ng inosente, at iba pa, ay likas na masama, na ibig sabihin ay hindi maaring bigyan ng katarungan sa pamamagitan ng apela na nagpapagaan sa pangyayari, na nagpapagaan sa bigat ng isang pagkakamali, o sa kahihinatnan. Sa ngayon, napaka halata.

Ngunit ang prinsipyong ito ay naisip ko kamakailan lamang, hindi patungkol sa aktong moral ng mga indibidwal, kundi sa moral na pagpapalagay na mukhang ito ang gumagabay sa nakahihigit na parte ng ating lipunan.  Maimumungkahi kong isang malaking-pagbabago ang naganap noong 1995 sa paglitis kay O.J. Simpson.  Sa aking opinyon, karamihan ng mga makatwirang tao ay naniniwalang ginawa ni Simpson ang kahila-hilakbot na krimen na akusado sya.  Gayon pa man, siya ay pinawangsala ng hurado at sinuportahan ito ng malaking bahagi sa ating lipunan.  Paano ipaliliwanag ang anomalyang ito?  Sa isip ng nakararami, ang pagpalaya kay O.J. Simpson ay makatarungan dahil ito ay ipinalagay na nakakatulong sa solusyon sa panlipunang problemang pagtingin sa lahi at ang pag-uusig sa mga African American ng Kagawaran ng Pulisya ng Los Angeles, sa partikular, at iba pang mga pulis, sa pangkalahatan.  Ang payagang lumaya ang isang nagkasala, at ang di-pagpansin sa kawalan ng katarungan, ay pinayagang mangyari dahil lumitaw na ang mga ito ay nakakatulong sa kabutihan.

Ang O.J. Simpsonization, o ang paggaya sa kaso ni O.J.Simpson,  ay mas naipakita kamakailan sa malungkot na kaso ni Cardinal George Pell. Muli, sa kawalan ng prueba sa akusasyon at ang kawalan ng anumang katibayan, naghusga ang mga taong makatwiran na  hindi dapat dinala sa paglilitis si Cardinal Pell, o nahatulan.  Gayon pa man, si Pell ay pinatunayang may kasalanan at binilanggo;  at kahit sa huling apela ay kinumpirma ang orihinal na paniniwala.  Paano maaaring ipaliwanag ang diskonekta? Marami sa mga Australiano, na lehitimong galit sa pang-aabuso ng mga pari sa mga bata at sa mga kasunod na pantatakip ng ilang pangsimbahang kapangyarihan, ang nakadama na ang pagkabilanggo ni Cardinal Pell, ay nakatugun sa lumalaking isyu. Kaya minsan pa, labag sa prinsipyo ni San Pablo, ginawa ang masama na maaaring panggalingan ng mabuti.

Ang paglaganap ng kahalagahan ng karapatang pang moral  sa ating lipunan ay lubhang mapanganib, pagkat sa sandaling sabihin natin na ang kasamaan ay maaaring gawin para sa kapakanan ng mabuti, ito ay nangangahulugang talagang tinatanggihan natin na merong totoong masasamang gawa, at sa sandaling gawin natin iyon, ang intelektwal na suporta para sa ating moral na pamamaraan ay kusang bibigay.  At pagkatapos, darating ang galit. Isang napaka-maiging halimbawa ng prinsipyong ito ay ang malaking takot na sumunod sa French Revolution.  Dahil (walang dudang) may nagawang napakalaking kawalang-katarungan ang grupo ng mga mahal na tao ( aristocrat)  sa mga mahihirap noong siglo ikalabing-walo sa France, ang sinumang pinaghihinalaang kaaway ng rebolusyon ay  walang pagtatangi o diskriminasyon na pinupugutan.  Kung ang mga inosente ay mamatay kasama ng may-sala, ay siya nawang nangyari  –pagkat ito ang nagsilbing nakapagtayo ng bagong lipunan. Naniniwala akong hindi kalabisang sabihin na ang lipunan sa Kanluran ay hindi pa ganap na nakaangat mula sa moral na kaguluhang sinapit mula sa nakamamatay na karapatang pang moral ng panahong iyon.

Samakatuwid, kahit lehitimong nilalabanan natin ang panlipunang kasamaan ng ating panahon, kailangan nating tandaan ang simple ngunit matalas na prinsipyo ni San Pablo: ‘hindi kailanman gagawa ng masama kahit maaaring may mabuting manggaling sa mga ito.’

Share:

Bishop Robert Barron

Bishop Robert Barron is the founder of Word on Fire Catholic Ministries and is the bishop of the Diocese of Winona–Rochester. Bishop Barron is a #1 Amazon bestselling author and has published numerous books, essays, and articles on theology and the spiritual life. ARTICLE originally published at wordonfire.org. Reprinted with permission.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles