Home/Makatawag ng Pansin/Article

Sep 09, 2021 6142 0 Antony Kalapurackal
Makatawag ng Pansin

BAKIT AKO AY DAPAT MAGPATAWAD?

Minsan ba ay naisipan mo kung bakit kailangan nating patawarin ang mga nanakit sa atin?

Ang magpatawad ay mahirap; ipagpatuloy ang pagbasa upang malaman kung papaano gawin ito ng madali.

Lagpas ng Hangganan

Kung hindi ka nagpapatawad ng iba, hindi ka rin patatawarin ng Ama sa iyong mga sala. (Mateo 6:15)

Bilang mga Kristiyano, ang ating pag-asa ay nakasalalay lamang sa isang bagay—patawad mula sa Diyos. Hangga’t hindi Niya tayo pinatatawad sa ating mga sala, malinaw na hindi tayo makararating ng langit. Pasalamatan ang Diyos bilang mapagmahal na Diyos na humahanap ng mga dahilan upang mapatawad ang Kanyang mga anak. Nais Niyang magpatawad ng ating mga sala, anumang bigat o dami ng mga ito. Kinakailangan lamang nating umamin ng mga kamaliang nagawa natin, humingi ng Kanyang tawad at buong loob na ipamahagi yaong pagpapatawad sa iba! Gayunpaman, karamihan sa atin ay nahihirapang tuparin itong pinakamaunting saligan!

Batay sa ating makasalanang kalikasan, Ang pagpapatawad na walang pasubali ay labas sa ating kakayahan. Kailangan natin ang Banal na Biyaya upang matupad Ito. Gayunman, ang mapakay na kapasyahan at pagpayag na gumawa ng hakbang ay mahalaga. Kapag ginawa natin itong mga hakbang, masisimulan nating maranasan ang Biyayang dumadaloy sa Kanya.

At papaano natin gagawin ang ating bahagi? Isang bagay na maari nating gawin ay maghanap ng dahilan upang magpatawad.

Bakit ako’y dapat magpatawad?

Sagot 1: Dahil nararapat akong mabuhay ng malusog

Ang magpatawad ay ang magpalaya ng bihag at matuklasan na ang bihag ay ikaw!—Lewis B. Smedes

Natanggap na ng makabagong pananaliksik ang matagal nang itinuro ng Banal na Kasulatan—ang halaga ng pagpapatawad! Ang pagpapatawad ay nakababawas ng galit, pinsala, lungkot at pagod at nakadadagdag ng pagdama ng optimismo, pag-asa at awa. Ang pagpapatawad ay nakababawas ng mataas na dugo. Ang mga taong mapagpatawad ay bukod sa mas maunting dinadanas na pagod ay may mas mabuting pakikitungo sa iba, mas kaunting pangkahalatang suliranin sa kalusugan at mas mababang mga saklaw ng malulubhang sakit—kasama na ang pananamlay, sakit sa puso, atake sa ulo [stroke], at kanser.

Dito, ang aking tampulan ay ang sarili kong kapakanan. Ang buhay ay handog mula sa May-likha, at ang tungkulin ko ay mamuhay ng mabuting kabuhayan. Ang di-pagpapatawad ay hahadlang sa akin upang masamsam ang kalidad ng buhay. Kaya kinakailangan kong magpatawad.

Sagot 2: Dahil kagustuhan ng Diyos na ako ay magpatawad

Ang maging Kristiyano ay nangahulugang maging mapagpatawad ng di-kanais-nais sapagka’t napatawad na ng Diyos ang di-kanais-nais sa iyo—C. S. Lewis

Ito ay napakatapat. Pinili ko ang magpatawad pagka’t ito ang inaasam ng Diyos mula sa akin. Ang aking layunin ay upang maging masunurin sa Diyos. Ako ay umaasa sa Kanyang Biyaya upang mapagsikapan kong magpatawad.

Sagot 3: Dahil ako ay hindi mainam

Walang taong makatarungan, ni kahit isa. (Romano 3:10)

Sa paglapit na Ito, ang tampulan ay ang aking makasalanang kalikasan. Sinisikap kong ilagay ang aking sarili sa katayuan ng iba. Ano ang aking magiging sagot kung ako ang nasa kalagayan niya? Maraming ulit na, tuwing kakalagan natin ang ating makasariling palagay ng paghuhusga at sisimulan nating bulay-bulayin ang mga pangyayari na nasaktan natin ang mga iba, masisimulan nating matanto na tayo ay hindi naiiba sa kanila. Itong pagtanto ay makatutulong na gawing mas madali ang ating tungkulin.

Sagot 4: Dahil ginagamit ng Diyos yaong mga masasakit na tagpo para sa aking kapakanan.

Alam natin na sa lahat ng mga bagay, ang Diyos ay gumagawa para sa kabutihan ng mga nagmamahal sa Kanya, na tinawag ayon sa layunin Niya. (Romano 8:28)

Sa aklat ng ‘Gawâ’, mababasa natin ang tungkol sa pagpaslang kay San Esteban. Nang malapit na siyang patayin, nakita ni Esteban ang kaluwalhatian ng Diyos at si Hesus na nakatayo sa gawing kanan ng Diyos! Habang ang mga mandurumog ay binabato siya, si Esteban ay nagdasal para sa kanyang mga taga-usig, nakikiusap sa Diyos na huwag isumbat ang kanilang sala laban sa kanila. Dito, nakikita natin ang isa pang mahalagang bahagi na nakatutulong sa atin upang magpaumanhin ng iba—ang malaman ang gantimpala! Nakita ni Esteban ang kaluwalhatian ng Diyos. Matapos na maranasan niya ito, naniniwala akong ninais ni Esteban na makapiling ang Diyos sa lalong madaling panahon. Kaya maaaring naging mas madali na patawarin ang kanyang mga mang-uusig habang nakikita niyang sila ang mga taong tumutulong upang marating ang kanyang pinakahuling patutunguhan nang mas madali.

Isang karaniwang inklinasyon ng tao ang isipin lamang ang di-kaaya-ayang kinahinatnan ng nakaraang masakit na pangyayari. Maaari tayong mabigla kung kusa nating iwawaglit ang ganitong paraan ng pag-iisip at magsisimulang bilangin ang mga natanggap nating mga kabutihan dahil sa mga pangyayaring yaon. Halimbawa, maaring nawalan ako ng hanap-buhay dahil sa maruming pamumulitiko ng isa sa aking mga nakaraang naging katoto, nguni’t ito ang nagbigay-daan upang matagumpay akong makapasa at makakuha ng mas maiging hanap-buhay! Makapagbibilang din ako ng mga di-pansamantalang kabutihan. Yaong mga tagpo ay maaring nakatulong sa pagyabong ng aking ispirituwalidad o maaring nakapagpatibay sa aking pagkatao at kung ano pa.

Kapag masimulan natin itong tantuin, mas madali para sa atin ang magpatawad ng mga sumakit sa atin.

Sagot 5: Patawarin siya? Para saan? Ano ang kanyang ginawa?

Hindi Ko gugunitaing muli ang kanilang mga sala (Hebreyo 8:12b)

Ang dahilan upang magpatawad ay kinakailangan lamang kung ang pakiramdam ko ay kusang sinaktan ako ng tao. Kung hindi ako nasaktan sa kanyang kilos, ang katanungan ay walang kinalaman.

Ang pangyayaring Ito ay mula sa buhay ng kaibigan ko. Isang beses na siya ay nakayakag para sa isang mahalagang pagkikita, nakasuot ng maingat na pinili at pinalantsang pananamit. Bago siya makalabas ng bahay, napansin niya ang kanyang sanggol na patungong gumagapang sa kanya na may magandang ngiti. Kaagad niyang binuhat siya sa mga bisig niya at kinandong ng saglit. Pagkalipas ng ilang saglit, naramdaman niyang basâ ang kanyang suot at napagtanto, ng may-kabiglaan, na ang sanggol ay walang suot na lampin. Siya ay sukdulang nabalisa at ibinaling ang kanyang galit sa kanyang asawa.

Pinalitan ang kanyang damit at mabilis na umalis. Habang pumaparoon, ang Panginoon ay nagsimulang kausapin siya.

“Pinatawad mo ba siya?”

“Siya ang nagkamali…. dapat siyang naging mas maalalahanin” ang magtol niya.

Inulit ng Panginoon ang tanong, “Ibig Kong sabihin, pinatawad mo ba ang anak mo”

“Patawarin ang anak ko? Para saan? Anong alam niya?”

Sa lakbay na yaon, binuksan ng Panginoon ang puso niya upang maintindihan ang kahulugan ng ‘kapatawaran’ sa banal na diksiyonaryo.

Gunitain natin ang dasal na dinasal ni Hesus sa krus: “Ama, patawarin Mo sila; pagka’t hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa. (Lukas 23:34)”

Kailangan natin ang magpatawad, nguni’t ito ay magagawa lamang sa pamamagitan ng masaganang biyaya mula sa Panginoon. Ang maari nating gawin ay magpasyang magpatawad at i-angat ang ating tapat na pagnanais sa langit. Tayo ay hindi kulang ng mga dahilan upang magpatawad. Gamitin natin itong mga malilinggit na hakbang at hingin sa Panginoon na tulungan tayo.

Mahal kong Diyos, napagtanto ko kung gaano kalalim akong minahal ng mapagmahal Mong Anak na bumaba sa lupa at nagdanas ng mga di-malarawang paghihirap upang ako ay mapatawad. Ang Iyong awa ay dumadanak sa Kanyang mga sugat sa kabila ng lahat ng aking mga pagkakamali at pagkukulang. Tulungan Mo akong tularan si Hesus sa pamamagitan ng pagmahal na walang pasubali kahit sa mga nananakit sa akin. At maranasan ang awa na dumarating mula sa tunay na pagpagpapatawad. Amen.

Share:

Antony Kalapurackal

Antony Kalapurackal serves in the Editorial Council of Shalom Tidings. Antony lives in Brisbane with his wife Vinita and children Abiel, Ashish, and Lucina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles