Home/Makatawag ng Pansin/Article

Feb 22, 2023 1002 0 Joan Harniman
Makatawag ng Pansin

ANONG KULAY ANG KALULUWA?

Naisip mo na ba kung ano ang kulay ng kaluluwa? Hayaang ibahagi ko kung ano ang ipinasok ng Diyos sa aking isipan habang nagtatalaarawan…

Ako ay mapaniwalain sa Pagsusulat sa Talaarawan.  Naniniwala ako na ang bawat isa ay kayang magsulat.  Kung marunong kang mag-isip at magsalita, kaya mong magsulat dahil ang pagsusulat ay pag-uusap lamang na isinulat.  Ngunit naturuan ako ng bagong aralin kamakailan.  Hawak ang pluma o lapis o teklado habang inilalabas mo ang mga iniisip, alalahanin, at kung ano-anong bagay sa iyong isipan, may isang Tinig na madidinig.  Kung mnsan, nakakausap ka ng Diyos sa pamamagitan mo!

Mayroon akong pang-umagang kalakaran na pagbabasa mula sa tatlong pang-araw-araw na dasalin matapos magsimba.  Gustung-gusto ko ang Salita ng Diyos at alam kong ito ay buháy at masigla, kaya kapag ang isang sipi ng Kasulatan ay “nangungusap” sa akin, isinulat ko ito sa aking talaarawan.  Matapos nito ay maaaring itala ko ang sarili kong mga kaisipan.

Noong Hunyo 24, 2021, gayon nga ang ginagawa ko.  Nakaramdam ako ng labis na pagkabalisa sa lahat ng mga pagkakahati-hati sa ating mundo.  Ang grupong-ito laban sa grupong-iyon na uri ng pag-iisip, at ang pagtatalo ay tila nasa lahat ng dako.  Dama ko na ang sangkatauhan ay may higit na dahilan upang tayo ay pag-isahin kaysa paghiwalayin.  Dinampot ko ang aking pluma at nagsimulang magsulat. Nagsulat ako ng halos 15 minuto nang walang tigil.  Sumulat din ako sa matulaing pamamaraan na napakabihira para sa akin.  Ang pagsusulat ay dumaloy na lamang, at hinayaan ko ito.  At sumunod ay tapos na ito, at ito ay buo.  Tila pinapatunayan ng Diyos na ang naisip ko tungkol sa mga ugnayan ng sangkatauhan.  Ibinigay Niya sa akin ang dahilan ng ugnayan na iyon.  Binigyan pa Niya ako ng pamagat — “Anong Kulay Ang Kaluluwa?”

Ayon sa Katekismo ng Simbahang Katoliko, “Ang kaluluwa ng tao ay tahasang nilikha ng Diyos at hindi “ginawa” ng mga magulang. (CCC 366-368, 382) Sinabi ni Saint Hildegard ng Bingen, “Ang kaluluwa ay nagsasalita: Ako ay tinawag upang maging kasama ng mga anghel, sapagkat ako ang buháy na hininga na ipinadala ng Diyos sa tuyong putik.”  Muli, nalalaman natin sa Katekismo, “Ang kaluluwa ay nagbibigay sanhi sa materyal na katawan upang maging isang buhay na katawan.” (CCC 362-365,382)

Ngayon, ang mga sanggunian sa Katekismo ng Simbahang Katoliko ay hindi kasali sa aking pagtatala, ngunit isinali ko ang mga ito dahil pinapatunayan nito ang naitala.  Subalit ipagpatuloy natin ang nakatala: Ang Diyos ay patuloy na namumulot at naghahalo ng timpla ng tuyong lupa.  Kapag nagawa na Niya ang tamang timpla, inilalagay Niya ang mahusay na bahagi—ang bahaging Diyos.  Dinaklot ba Niya ito mula sa sarili Niyang Pusong Sagrado?  Gawang nailagay na ang bahaging Diyos, binibigyan ito ng Diyos ng Hininga at marahil isang halik.  At isang bagong nilikha ang ipinapadala sa lupa.  Ang bawat tao ay nilikha na may kaluluwa.  Walang sinuman ang nabubuhay nang wala nito.  Walang nabubukod!  Hindi ba ito nagbubuklod sa bawat nilalang sa planeta?  Alam din natin na ang kaluluwang ito ay hindi namamatay.  Ang laman ay nabubulok, ang bahaging Diyos ay nananatiling buhay.  Ito ang buhay na walang hanggan na ibinigay ng Ama.

Ngayon ibig ng ating Diyos ang pagkakaiba-iba.  Hindi lang “bulaklak” ang nilikha Niya.  Nilikha Niya ang bawat anyo, kulay, sukat, sari-saring uri, gamit, halimuyak ng mga bulaklak.  Pumili ng anumang anyo ng nilikha hayop, mineral, makalangit na nilalang, atbp at makakatagpo ka ng napakadaming pagpapahayag ng bawat isa nito.  Ang likhang-isip ng Diyos ay maayos, maka-Diyos. at lahat ng Kanyang nilikha ay mabuti.  Kaya alam natin na ang taong may kaluluwa ay nilikha sa bawat kulay, sukat, hugis, handog at biyaya.  Sa bawat bahagi ng mundo, ang mga tao ay may kaugnayan dahil sa kamangha-manghang handog at biyaya ng Diyos sa ating mga kaluluwa…  Anong kulay ang isang kaluluwa?  Hindi ito itim, puti, pula, kayumanggi, dilaw, at iba pa.  Tinitipon ng ating Pintor sa langit ang lahat ng kulay ng sansinukob.  Sa Kanyang Kaanyuan, kinukulayan Niya tayo nang maringal at dakila.  Bawat isa sa atin ay nakatadhanang kumislap at sumikat.  Sa iyong palagay, hindi ba’t ito ay isang banal na tanda na tayo ay Banal sa kaloob-looban..  Anong kulay ang isang kaluluwa?  Ito ay Banal!

Ang talang iyon sa talaarawan ay nagpapahinahon at umaalwan sa akin.  Sinasabi nito sa akin na ang Diyos ang may kapangyarihan, at nais Niyang magtiwala ako sa Kanya. Alam ng aking Tagapagligtas ang aking iniisip!  Ang karunungan sa mga salita ay hindi ang aking karunungan.  Ako ay naghahanap ng isang sagot, at ito ay ibinigay.  Damdam ko ay sumulat ang Diyos sa akin, sa pamamagitan ko, pagkatapos ng aking panalangin.  Ang Presensya ng Diyos ay laging kasama natin at nasa ating loobin.  Ang Diyos ay nangungusap sa atin sa pamamagitan ng ibang tao at sa kagandahan ng kalikasan sa ating paligid.  Kinakausap Niya tayo sa ating halakhak, sa ating musika at maging sa ating mga luha.  Madalas lang nating hindi pinapansin, subalit paano naman sa mga pagkakataong pinapansin natin?  Ibinabaliwala ba natin ang ating isip sa banal na sandaling iyon?  Kapag napagtibay na ang ating mga iniisip, o kapag sinagot ng ating pagbabasa ang isang tanong na nasa isip natin o kapag “tinuruan” tayo tulad ko, sinasabi ba natin ito sa ating kapwa?  Ang mga pakikipagtagpo nating ito sa ating buháy na Diyos ay kailangan nating ibahagi nang mas madalas.  Pinapairal nito sa lupa ang Kaharian ng Diyos kapag ginagawa natin ito.  Mahal na mahal tayo ng Diyos!  Bawat isa sa atin ay minamahal na anak ng ating mabuting Diyos.  Hindi natin pinaghirapan ang Kanyang pagmamahal.  Ni hindi din ito mawawala sa atin.  Diyan naipapahayag ang kadakilaan ng ating maawaing Diyos.

Magbasa ng Kasulatan.  Magdasal.  Magnilay.  Magsulat. Ang Diyos ay makakasulat sa iyo, sa pamamagitan mo!  Oh, at tandaan mo na ang pagsusulat sa talaarawan ay hindi iwinastong pagsusulat.  Huwag tumigil para wastuhin ang pagbabaybay.  Huwag maghintay sa wastong pangungusap na magsimula.  Magsulat ka lang!  Hindi mo alam kung ano ang sasabihin sa iyo ng Diyos.

 

 

 

Share:

Joan Harniman

Joan Harniman is a retired teacher. She has co-authored two books of Biblical plays, skits, and songs, and has published articles in Catechist and teacher magazines, as well as Celebrate Life magazine. She lives in New York with her husband, children, and five grandchildren.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles