Home/Makatawag ng Pansin/Article

Feb 22, 2023 673 0 Bishop Robert Barron, USA
Makatawag ng Pansin

ANG TATLONG PAGDATING NI KRISTO AY MAGHAHANDA SA ATIN PARA SA ADBIYENTO

Madaming taon na ang nakakalipas, sa konteksto ng aralan ng sampalataya sa mataas na paaralan, isang napakatalinong madre na Benedictine ang nagbigay sa akin ng gabay para sa pag-unawa sa Adbiyento na kailanman ay hindi ko nalimutan. Ang Adbento ay nagpapaalala ng tatlong “pagdating” ni Kristo: ang una ay sa kasaysayan, ang pangalawa ay ngayon, at ang pangatlo sa katapusan ng panahon. Ang pagninilay sa bawat isa nito ay isang kapaki-pakinabang na paghahanda para sa banal na panahon na siyang sinisimulan natin.

Magbalik-tanaw muna tayo. Sinabi ni Fulton Sheen na si Jesus ang tanging tagapagtatag ng relihiyon na ang pagdating ay malinaw na hinulaan. At sa katunayan, makikita natin sa buong Lumang Tipan ang mga palatandaan at pag-asam ng pagdating ng Mesiyas. Gaano kadalas ginagamit ng mga may-akda ng Bagong Tipan ang wika ng katuparan at iginiit na ang mga pangyayari sa paligid ni Jesus ay naganap “kata tas graphas” (ayon sa Banal na Kasulatan). Pinahahalagahan nila si Jesus, ang natatanging taong ito na nagmula sa lumipas na dalawang libong taon, na ang siyang lubos na nagpahayag sa lahat ng mga saligan ng Israel. Ang Kanyang pagbangon mula sa kamatayan ay nagpakita na Siya ang Bagong Templo, ang Bagong Tipan, ang tiyak na propeta, ang Batas o Torah sa katauhan. Higit pa dito, naunawaan nila na dinala ni Jesus ang kalahatan ng kasaysayan, sa isang tunay na diwa, sa kasukdulan nito. Ang mapagpasyang pagbabago ng kasaysayan ng tao, samakatuwid, ay hindi ang paglitaw ng pagiging makabago, hindi ang mga pag-aalsa ng ikalabing walong siglo, kundi ang pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesus, ang Mesiyas ng Israel. Kung pagbabalingin natin si Hesus bilang isang gawa-gawa o maalamat na kaanyuan o ipakahulugan natin Siya bilang isang relihiyosong guro na nagbibigay-sigla, makakaligtaan natin ang napakahalagang katotohanang ito. Bawat isa sa mga may-akda ng Bagong Tipan ay sumasaksi sa katotohanang may nangyaring may kaugnayan kay Jesus, sa katunayan ay isang bagay na napakamadula na dapat maunawaan na ang lahat ng panahon ay nagpapatirapa sa harap Niya o sa likod Niya. Kaya naman, sa panahon ng Adbiyento, lumingon tayo nang may masiglang pagnanais at espirituwal na atensyon sa unang pagdating.

Si Kristo ay dumating sa oras matagal na ang nakalipas ngunit kailangan nating bantayan ang pangalawang dimensyon ng Adbiyento—ibig sabihin ang kanyang pagdating sa atin sa ngayon at ngayon. Maaaring isipin natin ang sikat na pagpipinta ni Jesus na kumakatok sa pinto. Ito ang Kristo na nagpapakita ng kanyang sarili araw-araw naghahanap ng pagpasok sa ating puso at isipan. Sa kanyang unang pagdating nagpakita siya sa konteksto ng Israel. Sa kasalukuyang Adbiyento ito siya ay nagpapakita sa pamamagitan ng mga sakramento ng Simbahan sa pamamagitan ng mabuting pangangaral sa pamamagitan ng pagsaksi ng mga santo sa pamamagitan ng Eukaristiya lalo na at sa pamamagitan ng mga dukha na sumisigaw upang alagaan. Naaalala natin ang kanyang mga salita “Anuman ang gawin ninyo sa pinakamaliit sa aking mga tao gagawin ninyo sa akin.” Ngayon kung paanong marami ang nagtakwil sa kanya noong siya ay dumating sa kasaysayan noong unang panahon gayon din nakakalungkot marami ang tumatanggi sa kanya ngayon. Nakikita ba natin na ang pinakamahalagang desisyon na gagawin natin—mas mahalaga kaysa sa mga desisyon tungkol sa trabaho pamilya kabuhayan atbp—ay kung hahayaan ba natin si Kristo na maging Panginoon ng ating buhay? Sa panahon ng Adbiyento dapat tayong huminto at bigyang pansin. Paano lalapit si Jesus sa atin at paano tiyak tayo ay humaharap sa kanyang pagdating?

At pangwakas, ang Adbento ay nagpapaalala sa tiyak na pagdating ni Kristo sa katapusan ng panahon.  Isa sa mga kakaibang tanda ng Kristiyanismo ay ang paniniwalang may patutunguhan ang oras.  Ito ay hindi lamang “isang mapahamak na bagay pagkatapos ng isa pa,” tulad ng nilalaman sa popular na mapang-uyam na kasabihan, o kaya ng isang walang katapusang pag-ikot-ikot, o ang “walang hanggang pagbabalik sa isang katulad na anyo.”  Sa halip, ang oras ay may patunguhan, sa katuparan nito, kung kailan ang Diyos ang magiging lahat sa lahat.  Kinikilala ng Simbahan ang huling paghantong na ito bilang ang “ikalawang pagdating” ni Jesus, at madalas itong banggitin ng mga Ebanghelyo.  Heto ang isang halimbawa mula sa Ebanghelyo ni Lucas: “Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: ‘Magkakaroon ng mga tanda sa araw, sa buwan, at sa mga bituin, at sa lupa ay masisindak ang mga bansa. . . . Ang mga tao ay mamamatay sa takot sa pag-asam sa kung ano ang dadating sa mundo. . . . At kung magkagayo’y makikita nila ang Anak ng Tao na dumadating sa alapaap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.’”  Ang ipinapahiwatig ng kahanga-hangang wikaing ito ay ang pananalig na, sa pagtatapos ng kapanahunan, ang lumang kaayusan ay magbibigay daan at babaguhin ng Diyos ang dakilang pagbubuo ng mga tularán ng katotohanan. Sa ikalawang pagparito ni Kristo, ang lahat ng mga binhing itinanim sa buong kalikasan at kasaysayan ay magbubunga, lahat ng mga nakatagong mga potensyalidad ng kosmos ay maisasakatuparan, at ang katarungan ng Diyos ay babalot sa lupa gaya ng tubig na tumatakip sa dagat

Ang paniniwala ng Simbahan—at pinamamahalaan nito ang tanang buhay nito—ay nabubuhay tayo sa pagitan ng mga panahon; ibig sabihin, sa pagitan ng kinahantungan ng kasaysayan sa krus at Muling Pagkabuhay at ang tiyak na katuparan ng kasaysayan sa ikalawang pagdating ni Hesus.  Sa isang diwa, ang pakikipagtunggali laban sa kasalanan at kamatayan ay naipanalo, bagamat patuloy pa din ang mga operasyon -pagtatapos ng mga Gawain.  Ang Simbahan ay naninirahan sa gitnang sonang iyon kung saan ang huling yugto ng tunggali ay ipinaglalaban pa din.  Bigyang-pansin, lalo na sa panahon ng Adbento, ang ating pang-araw-araw na Ebanghelyo sa Misa.  Sa palagay ko ay magugulat ka kung gaano kadalas nila tinukoy ang ikalawang Pagdating ni Hesus sa katapusan ng panahon.  Maaari lamang akong mag-alay ng dalawang kilalang halimbawa: “Ipinapahayag namin ang iyong Kamatayan, O Panginoon, at ipinahahayag ang iyong Pagkabuhay na Mag-uli, hanggang sa ikaw ay muling magbalik,” at “Habang hinihintay namin ang pinagpalang pag-asa at ang pagdating ng aming Tagapagligtas, si Jesucristo.”  Ito ang paraan kung paano nagsasalita ang Simbahan sa pagitan ng mga panahon. Bagaman tayo ay nababalot sa lahat ng panig ng kabiguan, sakit, kasalanan, karamdaman, at takot sa kamatayan, nabubuhay tayo sa masayang pag-asa, dahil alam natin na may patutunguhan ang kasaysayan, na ang Diyos ay nanalo sa mapagpasyang labanan at mananalo sa digmaan.

Samakatuwid, nitong Adbiyento, lumingon ka; masdan mo ang paligid; at umasa.  Sa bawat sulyap, makikita mo ang Kristo na dumadating.

 

 

 

Share:

Bishop Robert Barron

Bishop Robert Barron is the founder of Word on Fire Catholic Ministries and is the bishop of the Diocese of Winona–Rochester. Bishop Barron is a #1 Amazon bestselling author and has published numerous books, essays, and articles on theology and the spiritual life. ARTICLE originally published at wordonfire.org. Reprinted with permission.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles