Home/Masiyahan/Article

Jul 27, 2023 556 0 Fiona McKenna, Australia
Masiyahan

ANG SUSI SA PAGHILOM

Kapag ang iyong kaluluwa ay napapagal at hindi mo alam upang mapanatag ang isip mo…

Maaaring ikaw ay may kaalaman na sa kung paano itinanong nang minsan ni San Francisco de Asis: “Sino Ikaw, Panginoong aking Diyos, at sino ako?” Itinaas niya ang kanyang mga kamay sa pag- aalay at mula sa mga ito’y umalsa ang isang ginintuang bola nang isinaad niya, “Panginoong Diyos ako’y walang saysay, ngunit ang lahat ng ito’y sa Iyo.”

Itong salaysay ay unang narinig ko noong kami ay naatasang pagmuni-munihan ang katulad na tanong: Sino Ikaw, Panginoong aking Diyos, at sino ako? Sa kapilya, sa harap ng Banal na Sakramento, ako’y lumuhod at idinalangin yaong dasal.

Ipinakita sa akin ng Diyos kung sino ako, sa pamamagitan ng nakabalot nang sapin-sapin na lumang bendang pumapaikot sa sugat na pinatuyuan at pinatigas ng dugo. Sa mga nagdaang taon, napaligiran ko ang aking puso ng mga panghadlang upang pangalagaan ito. Sa loob ng kapilya, napagtanto ko na hindi ko mapapagaling ang aking sarili; kinailangan ko ang Diyos na saklolohan ako. Ako’y humiyaw sa Kanya: “Ako ay walang ginintuang bola, may sugatang puso lamang ako!” Nadama ko ang Diyos na tumugon: “Minamahal Kong anak, yaon AY ang ginintuang bola, ito’y Aking tatanggapin.

Habang luhaan, ipinahiwatig kong hinihila ang puso ko palabas ng aking dibdib, at Itinaas ang mga kamay ko sa pag-aalay na nagsasabing, “Panginoong Diyos, ako’y walang kabuluhan, at ang lahat ng ito ay sa Iyo.” Ako’y nagapi ng Kanyang pag-iral, at nalaman kong ako’y nalunasan nang lubos sa pagkaalipin na sumupil sa akin sa tanang buhay ko. Sa dingding na malapit sa akin, napansin ko ang isang tularan ng Pagbabalik ng Isang Mapagwaldas na Anak ni Rembrandt at kaagad kong nadama na ang aking Ama ay natanggap ako sa pag-uwi. Ako ang mapagwaldas na anak na bumalik sa pagdaralita at pangangamba, na walang karapatan at nagsisisi, na masuyong tinanggap Niya bilang Kanyang anak.

Madalas, ang ating makamundong pag-unawa ng pag-ibig ay nagbibigay-takda sa ating pag- unawa ng ano ang magagawa ng Diyos para sa atin. Ang pag-ibig ng tao, bagama’t may mabuting layon, ay napasusubali. Ang pag-ibig ng Diyos ay walang maliw at maparangya! Ang kabutihang-loob ng Diyos ay hindi mahihigitan kailanman. Hindi Niya mapagkakait ang Kanyang pagmamahal.

Ang pagmamataas o takot ay nauudyok tayong ihandog sa Diyos ang pinakamainam ng ating sarili, na hinahadlangan Siya upang maipagbago Niya ang mga bahagi na ating pinawawalan ng halaga. Upang makamit ang Kanyang paghilom, dapat nating isuko ang lahat sa Kanya, at tulutan Siyang magpasya kung paano Niya tayo maisasahugis nang muli. Ang paghilom ng Diyos ay hindi akalain. Kinakailangan nito ang lubusang pagtitiwala. Kaya, tayo ay dapat na makinig sa Diyos na nagnanais na magdulot ng pinakamabuti para sa atin. Ang pakikinig sa Diyos ay nagsisimula kapag ihinahabilin natin ang lahat sa Kanya. Sa paglalagay natin sa Diyos bilang una sa ating mga buhay, tayo’y nagsisimula na makipagtulungan sa Kanya. Nais ng Diyos ang kabuuhan ng ating mga sarili—ang mabuti, ang masama, at ang hindi kanais-nais pagka’t nais Niyang maipagbago itong mga madidilim na dako sa pamamagitan ng Kanyang nakapaghihilom na liwanag. Ang Diyos ay matiyagang naghihintay para sa atin upang makita Niya sa atin ang kamuntian o kabiguan.

Tayo’y magsitakbuhan sa Diyos at yakapin Siya tulad ng nawawalang mga bata na nagsi-uwi sa kanilang Ama, naniniwalang tayo’y tatanggapin Niya nang may bukas na mga bisig. Tayo’y makapagdarasal tulad ni San Francisco: “Panginoong Diyos, ako’y walang saysay, at ang lahat ng ito’y sa Iyo” nananalig na tayo’y lulubusin Niya ng apoy na nakapagbabagong-anyo at tutugon: “Ito’y Aking tatanggaping lahat, at gagawin kitang lubusang bago.”

Share:

Fiona McKenna

Fiona McKenna resides in Canberra, Australia, where she serves as the PPC Head of Liturgy, Sacramental Coordinator, and Cantor at her parish. She completed a Catholic ministry equipping course with Encounter School of Ministry, and is studying a Masters Degree in Theological Studies.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles