Home/Makatawag ng Pansin/Article

Sep 13, 2022 738 0 Bishop Robert Barron, USA
Makatawag ng Pansin

“ANG SAMPUNG MGA UTOS” AT ANG ATING KAHABAG-HABAG NA MAIKLING PANAHON NG PANSIN

Nakagigiliwan kong manood ng mga lumang palabas.  Sa maraming nakaraang buwan, ako’y nakapanood na (o naulit ko nang dalawin) ang dami ng mga nakakikilabot na katha ni Alfred Hitchcock, mga balighong komedya mula sa mga nakaraang taon ng 1930 at 1940, at dalawang klasikong pelikula na may lagay ng kabiguan.  Noong isang linggo, sa loob ng tatlong gabi, nagawa kong alpasan ang tatlong oras at apat-na-pung minuto (oo, tumpak ang iyong nabasa) ng salin ni Charlton Heston ng Sampung Mga Utos mula noong 1956.  Nang may lugod, binigyan ko ng pansin ang gayong nakagigilalas na makulay na sining, ang mga damit na nakapangingibabaw, ang kahanga-hangang karaniwan na salitaang waring napagbantog ni Shakespeare, at ang may-kalabisang pagganap ng dula na, maaring sabihing, napakasama na napakaganda.  Ngunit ang talagang nakapagbigay-pansin sa akin ay ang lubos na haba ng eksena.  Pagkat kinakailangan sa manonood na may kamalayang higit sa pangkaraniwang pansin, nakamamanghang gunitain na ito ay mailap na bumantog, madaliang   pinakamatagumpay na pelikula ng panahon.  Itinantiya na, matapos maisaayos ang namimintog na bayad, ito’y kumita ng takilyang humigit-kumulang na dalawang-bilyong dolyares.  Maaari pa rin ba na ang mga manonood ngayong araw, ipinagtataka ko, ay mapagtipunan ng tiyaga na kinakailangan upang makagawa ng pelikula tulad ng Sampung Mga Utos na kasing-bantog ngayong panahon?  Ang tanong ay kusang-sagot para sa akin.

Ang pagsasalubong ng katakut-takot na haba at kabantugan ay nailagay ako sa paggunita ng mga ibang halimbawa ng ganitong pagkakasama mula sa kasaysayan ng kultura.  Noong ikalabing-siyam na siglo, ang mga nobela ni Charles Dickens ay pinaghahanap-hanap na kahit na karaniwang katutubo ng London ay naghintay sa mahahabang pila para sa mga kabanata na inilathala nang baha-bahagi.  At harapin natin: hindi karamihan ang nangyari sa mga nobela ni Dickens, na ibig kong sabihin ay napakaunting mga bagay ang lumaganap; walang mga pagsalakay ng taga-ibang planeta; walang masiglang mga pangungusap na binitiwan ng mga bayani bago nila nilipol ang mga masasamang tao.  Sa karamihan ng bahagi, ang mga ito ay naglalaman ng mga mahabang salitaan ng mga kaakit-akit at kakaibang kathang-tao.  Halos magkatulad ang masasabi sa mga nobela at kuwento ni Dostoevsky.  Bagama’t talagang mayroong pagpatay ng tao at pagsisiyasat ng pulisya sa gitna ng masamang balak ng Mga Magkakapatid na Karamazov, para sa malawak na kahigtan ng yaong tanyag na nobela, nagsaayos si Dostoevsky ng iba’t-ibang kathang-tao sa mga silid-guhitan para sa sangkatutak na mga páhina ng salitaan na naglalaman ng mga pampulitika, pangkultura, at relihiyosong bagay.  Kasabay ng kapanahunan na ito, si Abraham Lincoln at si Stephen Douglas ay nagsagupa sa serye ng mga pagtatalo hinggil sa nakayayamot na suliranin ng pang-aalipin sa Amerika.  Nagsalita sila ng maraming oras sa isang tagpo—at sa malayog na matalinong kaugalian.  Kung may duda kayo, mahahanap ninyo ang mga paksa sa makabagong pananaliksik.  Ang kanilang mga manonood ay hindi mga matataas sa kultura o mga nag-aaral ng taliksikang pampulitika, bagkus ay karaniwang mga magsasaka ng estado ng Illinois, na nakatindig sa putik, na nagbigay ng punong pamimitagan, at pilit na pinakinggan ang hindi mapalakas na mga tinig ng mga mananalumpati.  Masisimulan ba ninyong harayain kahit ang umpukan ng ating bayan ngayong araw na handang tumayo para sa maitutulad na haba ng panahon at makinig sa mga masalimuot na paggawad sa patakarang pampubliko—at sa bagay na ito, mailalarawan ba ninyo sa isip kahit sinong politiko na handa o kayang magsalita nang may kahabaan at kalaliman tulad ni Lincoln?  Isang ulit pa, ang mga tanong ay kusang mga sagot.

Bakit itong mga paraan at ayos ng pagbibigay-alam ay ginugunita mula sa ibang kapanahunan?  Dahil sa pagkakaiba ang atin ay tila may kahinaan!  Tiyak kong naiintindihan ang halaga ng panlipunang medya at talagang ginagamit ko ang mga ito sa aking gawaing ebangheliko, ngunit  kasabay nito, ako’y may hustong kamalayan kung paano na nila nabawasan ang haba ng ating pansin at kakayahan para sa may-kataasang uri ng pagbibigay-alam at tunay na pag-unlad patungo sa katotohanan.  Ang Facebook, Instagram, YouTube, at lalo na ang Twitter ay mapagbihasa sa maparangyang mga balita, mga balighong pamagat, mga mabababaw na paglalarawan ng tayô ng mga katunggali, kagat ng tunog na kapalit ng pakikipagtatalo, at masamang-hangarin na pamamakata.  Magsiyasat lamang sa mga lalagyan ng pampunang mensahe sa anumang mga web na ito, at daglian ninyong makikita ang ibig kong sabihin.

Ang itinatanging paraan  sa panlipunang medya ay ang pagkuha ng isang kataga o kahit isang salita sa pakikipagtatalo ng isang tao, pagpihit nito na may kakaibang kabuluhan, at pagbigay ng pinakamasamang pahulugan na maaaring magkatotoo, at pagsaboy ng poot ng tao saan man sa internet.  Bawa’t bagay ay kinakailangang mabilis, madaling mapaniwalaan, payak na maiintindihan, matibay na nalimbag–pagka’t kailangan nating makapindot nang madali sa ating web, at ito’y mundo ng aso-kakain-ng- kapwa-aso.  Ang aking pinag-aalala ay ang buong salinlahi ay nakarating na nitong panahon na umaasa sa ganitong uri ng pahatiran at kaya sa kalawakan ay hindi kayang magpatawag ng tiyaga at pansin na kinakailangan para sa pagsagupaan ng masasalimuot na mga paksa.  Napansin ko ito, maiba ako, sa aking halos dalawampung taon ng pagtuturo sa seminaryo.  Sa dalawang mga yaong dekado, lalong naging mahirap para sa akin na hikayatin ang aking mga mag-aaral na magbasá, tulad ng sandaang páhina ng Mga Pagtatapat ni San Agustin o ng Ang Republika ni Plato.  Lalo na itong mga kadaraang taon, sasabihin nila, “Padre, hindi ako makapagtipon ng ganoong kahabang pag-iisip.”  Buweno, ang mga tagasuri ng mga pagtatalo nila Lincoln at Douglas, at pati ng mga mambabasa ni Dickens, at kahit pati ng mga tumapos ng palabas na Ang Sampung Mga Utos noong nakaraang mga labing-anim-na-pung-taon, ay nakapagbuntong ng ganoong pag-iisip.

Kaya upang hindi magwakas sa maputlaing paksa, pahintulutan ninyo akong ituon ang inyong pansin sa itunuturing kong isang hudyat ng pag-asa.  Sa loob lamang ng dalawang taon, nagkaroon na ng panibagong takbo  sa dako ng mga mahabang ayos ng kung tawagin ay podcast na nakatatawag-pansin sa napakaraming mga manonood na kabataan.  Si Joe Rogan, na nangungunang taga-anyaya ng isa sa pinakabantog na mga palabas sa bansa, ay nagsasalita sa kanyang mga panauhin nang mahigit na tatlong oras, at siya ay nakakukuha ng milyong-milyon na pananaw.  Sa nakaraang taon, ako’y lumabas na sa dalawang podcast kasama si Jordan Peterson, ang bawa’t-isa ay mahigit na dalawang oras at nagtatampok ng may-kataasang uri ng talumpati at kapwa nakaabot ng halos sangmilyon na mga pananaw .

Marahil na tayo ay nakapagbubuti na.  Marahil na ang mga kabataan ay napunuan na ng naka-aalipustang mga kagat ng tunog at mababaw na walang katunayang talino.  Upang mapasigla itong takbo, inaanyayahan ko kayong lahat na bawasan ang paggamit ng panlipunang medya—at maaaring damputin ang babasahing Mga Magkakapatid na Karamazov.

Share:

Bishop Robert Barron

Bishop Robert Barron is the founder of Word on Fire Catholic Ministries and is the bishop of the Diocese of Winona–Rochester. Bishop Barron is a #1 Amazon bestselling author and has published numerous books, essays, and articles on theology and the spiritual life. ARTICLE originally published at wordonfire.org. Reprinted with permission.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles