Home/Makatawag ng Pansin/Article

Dec 24, 2022 1421 0 Ellen Hogarty, USA
Makatawag ng Pansin

ANG PARABULA NG PATAY NA DAGA

Kung minsan ang maliliit na bagay sa buhay ay nakapagtuturo sa atin ng mahahalagang aral…

Isang kaibigan kamakailan ang nagbahagi ng isang interesadong kuwento. Siya at ang kanyang asawa ay nagmamaneho sa hindi komportableng mainit na hapon at nagpasya na buksan ang air conditioning na hindi nagamit sa buong taglamig. Agad na napuno ng mabahong amoy ang sasakyan. Napakasama nito, at ang aking kaibigan ay nagsimulang parang masusuka. Siya ay biglang napabulalas, “Bilisan mo, patayin mo! Parang may namatay dito!” Pinatay niya ang nag  elektrikal na bibigay ng hangin at binuksan ang mga bintana para maalis ang nakakakilabot na amoy.

Pag-uwi nila, nag-imbestiga ang asawa niya. Nagsimula siya sa panala ng hangin, at totoo nga, may nakita siyang patay na daga na nakapaloob sa loob. Dahil namatay ang daga sa panahon ng malamig na taglamig, walang mabahong amoy hanggang sa pagtunaw ng Tagsibol. Inalis ng asawa ng kaibigan ko ang daga at ang pugad nito at pinaandar ang elektrikal na nagbibigay ng hangin hanggang sa mawala ang mabahong amoy.

Mga Paraang Pagsasalita ng Diyos

Ang ganitong kwento ay nagpapaisip sa akin ng mga talinghaga. Sa mga ebanghelyo, si Hesus ay madalas na gumamit ng mga halimbawa mula sa pang-araw-araw na buhay upang ituro sa mga tao kung paano mamuhay at upang ihayag ang mga katotohanan tungkol sa kanyang sarili at sa Ama. Sinasabi ng Job 33:14, “Ang Diyos ay nagsasalita, minsan sa isang paraan, minsan sa iba, ngunit hindi ito pinapansin ng mga tao.” Sinisikap kong maging isang taong nagbibigay-pansin sa Panginoon, kaya nakaugalian kong magtanong, “Panginoon, sinusubukan mo bang ituro sa akin ang isang bagay sa pamamagitan nito? Ano ang mensahe dito?”

Habang iniisip ko ang nakatagong daga sa sasakyan ng aking mga kaibigan at ang baho na dulot nito, naisip ko kung paano nananatiling nakatago ang ilang bagay sa ating buhay at pagkatapos ay biglang papaibabaw at magdudulot ng hindi inaasahang gulo. Ang hindi pagpapatawad o sama ng loob ay magandang halimbawa. Ang mga damdaming iyon, tulad ng nabubulok na daga, ito ay tahimik at madalas na hindi natin napapansin. Pagkatapos isang araw ang isang emosyonal na pindutan ay nabaligtad, at ang baho ay bumubuhos. Ang pagtatanim ng sama ng loob o hindi pagpapatawad o iba pang negatibong emosyon ay maaaring magkaroon ng malubhang kahihinatnan. Lumulubha sila at nagdudulot ng kalituhan sa ating isipan, puso, at sa ating mga relasyon. Maliban kung haharapin natin ang pinagmulan, sila ay magdudulot ng malaking pinsala.

Anong nasa loob?

Kaya, paano natin malalaman kung may mga nakatago tayong, mabahong “mga daga” sa ating mga puso? Ang isang mahusay na paraan ay ang kay St. Ignatius ng Loyola na nagpapayo na bigyang-pansin natin ang panloob na mga galaw sa ating mga kaluluwa, isang pamamaraan na tinatawag niyang “pag-unawa sa mga espiritu.” Tanungin mo ang iyong sarili, “Ano ang nakakagulo o nakakagambala sa akin? Ano ang pumupuno sa akin ng kagalakan, kapayapaan, at kasiyahan?” Upang makilala ang “mga espiritu” sa ating buhay, dapat muna nating kilalanin na may mga espiritu sa ating buhay – mabuti at masama. Pareho tayong may Tagapagtanggol at kaaway. Ang ating Tagapagtanggol, ang Banal na Espiritu, ay nagbibigay-inspirasyon at gumagabay sa atin tungo sa kabuuan at kapayapaan. Ang kaaway ng ating kaluluwa, si Satanas, ang nag-aakusa, ay isang sinungaling at magnanakaw na gustong “magnakaw, pumatay at pumuksa” (Juan 10:10).

Inirerekomenda ni St. Ignatius na gumugol tayo ng oras bawat araw sa tahimik na pagmumuni-muni upang makilala kung ano ang pumupukaw sa loob natin. Anyayahan ang Panginoon na tulungan kang magmuni-muni at magrepaso. “Ako ba ay nababalisa, kalmado, masaya, hindi komportable? Ano ang sanhi ng mga pagkilos na ito? Kailangan ko bang kumilos… Patawarin ang isang tao… Magsisi sa isang bagay at pumunta sa kumpisalan? Kailangan ko bang tumigil sa pagrereklamo at mas magpasalamat pa?” Ang pagbibigay-pansin, sa tulong ng Diyos, sa mga panloob na paggalaw na ito ng puso, ay magbibigay-daan sa atin na matukoy ang mga lugar ng problema na nangangailangan ng pansin, upang hindi nila tayo mabulagan sa hinaharap na panahon.

Kumilos lang ang mga kaibigan ko pagkatapos nilang napagtanto na may nagdudulot ng baho. At sa pamamagitan ng mabilis na pagharap sa problema, na-enjoy nila ang malinis at malamig na hangin sa kanilang sasakyan sa buong tag-araw. Kung maglalaan tayo ng oras araw-araw para manahimik kasama ng Panginoon at hihilingin sa kanya na ihayag kung ano ang maaaring “nasira” sa ating espiritu, ipapakita niya sa atin at tuturuan tayo kung paano ito haharapin. Sa gayon ang sariwang hangin ng Banal na Espiritu ay maaaring dumaloy sa atin at magdulot ng kagalakan at kalayaan sa ating buhay at mga relasyon

 

 

 

Share:

Ellen Hogarty

Ellen Hogarty ay isang spiritual director, manunulat at full-time na misyonero sa Komunidad ng Lord's Ranch. Alamin ang mas higit pang gawain nila tungkol sa ginagawa nila sa mga mahihirap sa: thelordsranchcommunity.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles