Home/Masiyahan/Article

Feb 20, 2025 39 0 Maria V. Gallagher
Masiyahan

Ang Paghahanap ng Katahimikan

Bilang isang tagapagbalita sa radyo, sinaklaw ko ang lahat mula sa mga pagdalaw ng Pangulo mapa- sa mga kaguluhan sa bilangguan, sinisikap na mahanap ang matibay na kahulugan ng mga balita ng nasabing araw.  Maaari itong maging kapana-panabik, ngunit nakakasakit din ng puso—nagsisilbing saksi sa kasaysayan. Ito ay isang gawain na minahal ko sa simula pa man, at magbigat para sa akin na akong bitawan ang aking gawain bawa’t araw at unti-unting bumalik sa normal na gawaing pang-tahanan.  Tila laging may mga kwentong nagmamakaawa na mabigyang pansin, at patuloy akong nagsusumikap na tuklasin ang kuwentong hahantong sa susunod na parangal—isang pagkilala na pupuno sa buslot sa aking puso—ang hugis-Diyos na butas na tanging ang Makapangyarihan sa lahat ay maaaring magtakip at magdala sa akin ng tunay na kagalingan.

Ang isa sa mga huling kuwentong natalakay ko bilang isang sekular na tagalathala ng balita ay isang tila simpleng tampok tungkol sa isang proyekto ng tulong sa isang pansariling pagamutan   Ito ay hindi kailanman magiging pambansang balita, subalit ito ay humantong sa matinding pagbabago ng aking buhay sa isang paraan na hindi ko inaasahan.

Isang grupo ng mga kabataan ang na-kalap upang lumikha ng hardin sa nursing home.  Ang mga kabataan ay nakadanas ng kanilang bahagi ng mga suliranin, at ang tagapag-ayos ng proyekto ay naisip na ang pisikal na paggawa ay maaaring makabuti sa kanilang mga kaluluwa.  Ang nakakagulat na elemento sa kuwentong ito ay kung gaano kasigla ang mga kabataang ito na likhain ang hardin na ito.  Lumampas sila sa mga kinakailangan ng takdang-aralin, na nag-usad ng isang obra maestra ng bulaklak, na kumpleto sa isang talon.  Ang hardin ay napatunayang isang kanlungan ng katahimikan para sa mga nakakatandang mamamayan  sa pasilidad. Isang residente na halos hindi marunong makipag-usap ay naantig sa kabaitan ng mga estrangherong ito, at ang kanyang sulok ng mundo ay naging mas maganda.

Sumaisip sa kin na nagtagumpay ang mga kabataang ito sa kanilang mga personal na pakikibaka at natupad ang pangitain na nilayon ng Diyos.  Ang pangyayari ay nagpaisip sa akin kung isinasabuhay ko ang buhay na nilayon ng Diyos?  Sa bandang huli, nilisan ko ang mundo ng sekular na pagsasahimpapawid at nagsimulang mamasukan para sa isang hindi nag tutubo na nakatuon sa mga pangangailangan ng mga kababaihang nadadalantao at sa kanilang mga anak.  Sa kabalintunaan, sa pamamagitan ng mga padkast ,radyo, at mga panayam sa telebisyon, ginagamit ko pa din ang aking tinig para bigyang-pansin ang mga kuwentong umaawit ng kapangyarihan at pangako ng espiritu ng tao.

Nangungusap mula sa karanasan, masasabi ko na ngayon na ang buhay, sa katunayan, ay mas maganda kapag pinahintulutan ko ang Dalubhasang Hardinero, ang Lumikha ng lahat ng bagay, na planuhin ang aking mga araw.  Ako ay sumuko sa Kanya at nakatagpo ng kapayapaang hindi ko pinangarap. Inaanyayahan ko kayong bumaling sa Kanya at hilingin Siyang ituro ang iyong landas.  Kapag pinahintulutan mo ang Panginoon na pumasok sa lihim na hardin na nasa kaibuturan ng iyong puso, magugulat ka sa mga rosas na makikita mo doon.

Share:

Maria V. Gallagher

Maria V. Gallagher who lives in Pennsylvania is an author, advocate, and life coach. She spends her days advocating for pregnant women, their children, and people with disabilities. She is a member of the Catholic worldwide Cursillo movement.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles