Home/Magturo ng Ebanghelyo/Article

Sep 02, 2021 3522 0 Dahla Louis
Magturo ng Ebanghelyo

ANG MAPAGHIMALANG KAPANGYARIHAN NG ROSARYO

Ang ROSARYO ay isang mataimting espiritwal na pakikipag-usap mo sa Pinagpalang Birheng Maria at sa DIYOS upang mailahad ang iyong mga takot, ang iyong mga pangangailangan at hangarin.  Ang Rosaryo ay nagbibigay sa IYO ng Espirituwal na Lakas upang matupad ang anumang nais mo sa buhay at  mapagtagumpayan ang mga di-magagawa.

Ang mapagnilay na espiritwal na pakikipag-usap na ito ay maaaring gawin anumang oras at saan ka man magpunta.  Maaari mo itong gawing mag-isa o kasama ng isang grupo.  Maaaring dasalin ang Rosaryo kasama ng iyong mga anak, ng  iyong asawa o katipan, at ng mga kaibigan.  Maaari itong gawing pagtitipon ng pamilya.  Maaari mo ding dasalin ang Rosaryo habang nagluluto, nagmamaneho, nasa pampublikong sasakyan, nag-aantay sa pila, o naliligo.  Walang hangganan kung saan ka makakapagdasal ng Rosaryo.

Sa tuwing dinadasal mo ang Rosaryo, mas lalong lumalakas ang iyong pagiging espirituwal, nagtatamo ka ng higit na kalunasan, higit na tiwala sa sarili, mas higit na sigla, madaming mahimalang pagbabago sa buhay mo, higit na kamalayan sa pagkabanal at higit pang pinagpalang biyaya sa iyong buhay.  Oo … ang Rosaryo ay may dalang MAPAGHIMALANG KAPANGYARIHAN!

Ang pagbigkas ng Rosaryo ay nagbibigay sa iyo ng kapayapaan para sa iyong sarili at sa buong mundo, at mas mataas na adhika, lakas, tagumpay, panglunas, himala, katahimikan, kalinawan, pagpupunyagi, pananaw, pagkakaisa at pagsasamahan para sa sarili at sa iyong mag-anak.  Higit pang mga pagpapala ang dadating sa iyong buhay kapag binigkas mo ang Rosaryo!

Tuwing mayroon kang alinlangan, o magkaroon ng balakid para maabot ang iyong mga hangarin; anumang oras na damdam mong ikaw ay nag-iisa, nalulumbay o nababalisa, o tuwing dama mong inaapi ka o itinatakwil, o parang ang buong mundo ay laban sa iyo, taimtim mong dasalin ang Rosaryo nang may paniniwala at pagmamahal sa iyong puso upang mapatibay ang iyong katawan, isip, at kaluluwa.  Ang kasangkapang ito na nagbibigay-kapangyarihan sa espirito ay maghihikayat sa iyo na huwag talikdan ang sarili.

Kasangkapanin ang Rosaryo para sa pag-aalay ng mga pansariling kahilingan at mga pangangailangan ng kapwa at ng buong daigdig, lalo na sa pagpapagaling.  Sa pagitang ng iyong pagmumuni-muni at pananalangin, habang inaalay mo ang iyong pasasalamat sa Diyos at sa Pinagpalang Birheng Maria sa mga kaganapan sa Ebanghelyo, makakatanggap ka ng kinakailangan mong espiritwal na patnubay.

Kung hindi ka marunong mag-Rosaryo, ito ang pagkakataon mong matuklasan at masubukan ang kapangyarihan nito!

Ang Rosaryo ay isa sa mga pinakadakilang pamana na maaari mong iwan sa iyong mga anak at isang kamangha-manghang handog upang ibahagi sa iyong mag-anak at mga kaibigan.

Share:

Dahla Louis

Dahla Louis is a writer, speaker, spiritual empowerment leader and educator. She is the founder of a positive empowerment brand dedicated to transforming people’s lives through the power of prayers and optimism. She enjoys giving back and faith is her pillar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles