Home/Masiyahan/Article

Jun 23, 2021 1364 0 Joseph Melookaran
Masiyahan

Ang Lihim ng walang Kupas na Kagandahan

Naghahanap ka ba ng kagandahang hindi kumukupas? Kung ganon ito ay para sa iyo!

Mark Twain, ang bantog na manunulat at mapagpatawa ay minsang sinabi” Na ang edad ay nasa isip lamang at tungkol sa mga bagay, kung hindi mo ito iisipin hindi ito mahalaga” Sa kabilang banda, alam nating lahat na hindi madaling harapin ang pagtanda maging sino man tayo. Para sa mayayaman at sikat, isang malaking hamon na makita at maramdaman ang paglipas ng kagandahan at kabataan.

Ang Paglipad ng Mataas

Sa taon ng 1960’s kabataan ni Mary Ann, siya ay maganda, kaakit-akit at puno ng sigla. Nang mapanood niya ang pelikula ni Dolores Hart na  pinamagatang “ Samahan mo ako sa Paglipad” noong 1963, siya ay nabighani sa katayuan at tanging karapatan ng mga serbidora sa eroplano na naglalakbay sa buong mundo na mga pangunahing tauhan sa pelikula. Pinarangalan ang pelikula ng Nakaka-akit at Katanyagan ng pakikipagsapalaran ng pagiging serbidora sa eroplano. Pinangarap niyang matulad kay Dolores Hart sa pelikula bilang isang serbidora sa eroplano na naglalakbay sa buong mundo, at naghahanap ng pag-ibig at kasayahan.

Ang maging serbidora sa eroplano ng mga panahong iyon ay mahirap. Ngunit dahil sa matalino at maganda si Mary Ann, sa maikling panahon ay nakamit nya ang pinangarap na trabaho bilang serbidora sa eroplano. TWA sa mga panahong iyon ay isa sa pinakatanyag na kumpanya ng eroplanong pandaigdig. Si Mary Ann ay agad na naitampok sa pahayagan na pang himpapawid ng kumpanya at nakatawag ng maraming pansin. Kalaunan sya ay nagpapalit palit ng mga tungkulin, mula sa Paglilimbag sya ay lumipat sa pamamahayag at muli siya ay naging matagumpay. Nasiyahan sya sa natatanggap na pansin at pinanatili ang masiglang pamumuhay. Sa edad na limampu, napansin nya ang mga kulubot nya sa mukha at kinilabutan siya. Paano sya mananatili katulad ng dati kung wala na ang kanyang kagandahan at mga ngiti nuong kabataan?

Pakikipagkita sa Pinuno ng mga Madre

Isang matalik na kaibigan ang nakapansin sa pagbabago ng kalooban ni Mary Ann. Nang mag-usap sila, inamin ni Mary Ann ang kanyang pagkabahala sa kanyang pagtanda. Ipinayo ng kanyang kaibigan na makipagkita sa isang natatanging tao, na malapit sa Benedictine Abbey ng Regina Laudis, isang namumukod na kumbento na matatagpuan sa Bethlehem, Connecticut. Sa araw ng pagkikita, ipinakilala ng kanyang kaibigan si Mary Ann sa pinuno ng mga Madre, na si Mother Dolores Hart. Mabilis na napansin ni Mary Ann ang pagkakahawig ni Mother Dolores sa aktres na kanyang sinamba sa pelikula nito noong 1960’s. Tiniyak sa kanya ni Mother Dolores na siya rin ang Dolores na napanood niya. Hindi makapaniwala si Mary Ann na ang paborito nyang aktres nung siya ay tinedyer pa ay pinuno na ngayon ng mga madre sa isang namumukod na kumbento. Sa kanilang pag-uusap na dalawa ng sarilinan, sinabi ni Mary Ann kay Mother Dolores ang sakit na dulot ng pagtanda at ng pag-iisip niya sa pagkawala ng kanyang alindog at kagandahan.

Narito si Mary Ann na nakikipag-usap sa isang babae na bago pumasok sa kumbento ay isang sikat at kilalang artista sa buong dekada ng 1950 at 1960. Bukod sa natanggap nyang parangal sa mundo ng teatro, nahirang din sya sa parangal ng Tony, at siya rin ang unang aktres na humalik ka Elvis Presley sa puting tabing. Lumaki siya malapit sa Sunset Boulevard sa Hollywood at nangarap na maging isang bituin sa pelikula at ito’y natupad, ngunit ang diyos ay may ibang mga plano.

Bago ang Pagsikat

Sa Umpisa ng taong 1960 si Dolores ay nagtanghal sa mga sinehan sa Broadway sa New York City. Samantalang siya ay nasa mahabang pahinga, wala siyang sariling bahay na matutuluyan hindi katulad ng ibang mga artista na doon mismo sa lugar iyon nakatira. Isang kaibigan ang nagsabi sa kanya tungkol sa isang kumbento sa Connecticut na tumatanggap ng panauhin sa ilalim ng kanilang panuntunan. Nagpasya si Dolores na tumuloy sa kumbentong ito na namumukod tangi. Humanga siya sa kasipagan at kabaitan ng mga madre. Ang kanyang pananatili sa kumbento ang bumihag sa kanya at alam niyang siya ay muling babalik sa lalong madaling panahon. Nang maglaon napagtanto ni Dolores na siya ay tinatawag sa banal na pamumuhay. Iniwan niya ang matagumpay na buhay pati ang ugnayan sa kanyang kasintahan upang yakapin ang pamumuhay sa kumbento.

 Isang Aral sa Buhay

Habang nakikinig si Mary Ann sa kuwentong ito, siya ay lubos na naging interesado. Sinabi ni Mother Dolores na sa rurok ng kanyang tagumpay, siya ay tumingin sa salamin isang araw at napagtanto na ang kanyang katanyagan ay nangyari dahil sa kanyang kagandahan at kabataan, ngunit ang kagandahang ito ay hindi nagtatagal at naunawaan niya na ang tanging kagandahan na nagtatagal ay ang kagandahang panloob.

Iniwan ni Mary Ann ang pag-uusap na iyon na may bagong pananaw sa buhay. Ang panloob na kagandahan ni Mother Dolores ay nanaig kaysa panlabas na kagandahan ni Mother Dolores. Ang katawan ay isang templo para sa kaluluwa at kapag inalagaan natin ang panloob na kagandahan nito, ay siya ring sumasalamin sa mukha at sa lahat ng ginagawa natin. Natutunan ni Dolores ang aral na iyon, at ngayon ni Mary Ann.

Share:

Joseph Melookaran

Joseph Melookaran is a retired entrepreneur actively involved in philanthropic activities around the world focusing on youth and orphans. He is a former White House Presidential Commissioner (2004-2007) and National Board Treasurer of World Affairs Councils of America.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles