Home/Makatawag ng Pansin/Article

Sep 02, 2021 1322 0 Brother Josin Thomas O.P, India
Makatawag ng Pansin

ANG LIHIM NG KRUS

Tinanong ko ang Panginoon, “Bakit, bakit ang Krus na ito sa ating buhay?” At binigyan Niya ako ng isang hindi kapani-paniwalang sagot!

 Tulad ni Simon ng Cyrene, ang bokasyon ng bawat Kristiyano ay ang magdala ng Krus ni Kristo. Ito ang dahilan kung bakit Sinabi ni Saint John Marie Vianney, “Ang lahat ay isang paalala ng Krus. Tayo mismo ay ginawa sa hugis ng Krus. ” Mayroong mahalagang kaugnayan na masisiwalat sa tila simple ngunit malalim na pagtuturo.

Ang mga pagdurusa na ating nararanasan ay nagbibigay daan sa atin na makibahagi sa pagdurusa ni Cristo. Di man natin gustuhin kailangan yakapin natin ang pagdurusa alang-alang kay Cristo, dahil hindi natin matutupad ang ating Kristiyanong Misyon sa mundo. Ang Kristiyanismo ay ang tanging relihiyon na kinikilala ang kaligtasan sa mga aspeto ng pagdurusa at itinuturo nito na ang pagdurusa ay maaaring makatulong sa atin na makamit ang walang hanggang kaligtasan – kung isasama natin ito sa sariling pagdurusa ni Cristo.

Sinabi ni kagalang galang na Fulton Sheen na hanggat walang krus sa ating buhay, hindi magkakaroon ng muling pagkabuhay. Si Hesus mismo ang nagsabi sa atin kung ano ang hinihiling niya upang maging alagad Niya, “Ang sinumang tao ang gustong sumunod sa akin,  ay kailangang ikaila ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa Akin ”(Mateo 16:24). Muli, sabi ni Jesus sa Mateo 10:38, “Ang hindi pinapasan ang kanyang krus at sumusunod sa Akin, ay hindi karapat-dapat sa Akin.”

 Sa Kaibuturan ng Aking Puso

Noong 2016, habang nag-aaral ako para sa aking Masters, nagsimulang magpakita ang aking ina ng mga palatandaan ng kahinaan. Ang iminungkahi ng mga doktor ay ang isang biopsy. Noong Semana Santa, natanggap namin ang balita na ang aking ina ay may cancer. Nawasak ang aking pamilya sa balita. Nang gabing iyon, umupo ako sa aking silid at tinitigan ang isang estatwa na Dala-dala ni Hesus ang Kanyang Krus. Dahan-dahan, tumulo ang luha sa aking mga mata habang nagrereklamo ako kay Jesus:  sa loob ng huling dalawang taon hindi ko napalampas ang Banal na Misa, nagrorosaryo ako araw-araw at nagbigay ako ng maraming oras sa pagtatrabaho para sa kaharian ng Diyos (Ako ay medyo aktibo sa Jesus Youth noong panahong iyon). Ang aking maka-Diyos na ina ay napaka deboto kay Inang Maria. Kaya tinanong ko si Jesus mula sa kaibuturan ng aking puso, “Bakit, bakit ang krus na ito sa aming buhay? ”

Ngayong Semana Santa, dumaan ako sa matinding paghihirap. Habang nakaupo ako sa aking silid na nakatingin sa estatwa, may naisip ako at pumasok sa isip ko. Si Hesus ay nag-iisa na nagbubuhat ng Kanyang krus. Maya-maya, may narinig akong boses sa aking puso na nagsasabing, “Josin maaari mo ba akong tulungan sa pagbubuhat ng Aking Krus?” Napagtanto ko kung ano ang itinatawag sa akin ni Jesus na gawin at ang aking bokasyon ay naging malinaw. Tumulong ako sa pagbuhat ng Krus ni Jesus, tulad ni Simon ng Cyrene.

Sa oras na iyon, bumisita ako sa isa sa aking mga tagapagturo sa Jesus Youth at ibinahagi sa kanya ang sakit na aking pinagdadaanan mula nang masuri ang cancer ng aking ina. Matapos marinig ang aking mga alalahanin, binigyan niya ako ng isang

payo: “Josin, sa pagdarasal para sa iyong kasalukuyang sitwasyon, mahahanap mo ang isa sa dalawang mga sagot: alinman sa Pagagalingin ng Diyos ng buong buo ang iyong ina, o kung wala Siyang plano na pagalingin ang karamdaman na ito ngunit ibinibigay niya itong sakit bilang isang krus na pasanin. Ngunit kung ito ang kaso, bibigyan ka din Niya at ang iyong pamilya ng biyaya at lakas upang makayanan ito.

Di-nagtagal ay naintindihan ko na sinasagot ng Diyos ang aking mga panalangin sa pangalawang paraan. Pero ibinigay niya sa akin ang biyaya at lakas na dalhin ang Kanyang krus; at hindi lamang para sa akin, ngunit para sa aking buong pamilya. Sa paglipas ng panahon, nagsimula kong mapagtanto na ang krus na ito ng cancer ay paglilinis ng aming pamilya. Nadagdagan ang aming pananampalataya. Binago nito ang aking ama at naging isang taong madasalin. Ito ang tumulong at gumabay sa akin upang piliin ang buhay relihiyoso. Tinulungan nito ang aking kapatid na lumapit kay Jesus. Ang krus na ito sa kalaunan ay nakatulong sa aking ina upang makapunta siya nang payapa

sa makalangit na Jerusalem.

Ang Liham ni Santiago (1:12) ay nagsasabing “Mapalad ang taong nagtitiis sa pagsubok, sapagkat kapag siya ay nanindigan sa pagsubok, tatanggapin niya ang korona ng buhay na ipinangako ng Diyos sa mga nagmamahal sa Kanya. ” Pagsapit ng Hunyo ng 2018, lumala ang sakit ng aking ina. Dumaranas siya ng napakatinding sakit, ngunit nakakagulat, nanatili siyang masaya. Sinabi niya sa aking ama isang araw, “Tama na ang lahat ng panggagamot na ito. Pagkatapos ng lahat, pupunta ako sa langit. ” Makalipas ang ilang araw, nagising siya mula sa isang panaginip at sinabi sa aking

ama “nakakita ako ng panaginip”. Ngunit bago pa siya makapaglarawan, si Celine Thomas ay umalis na sa mundo, kinumpleto ang kanyang paglalakbay sa lupa.

Sa loob ng dalawang taon, sa pamamagitan ng 30 chemotherapies at dalawang pangunahing operasyon, dinala niya ang kanyang krus ng matapat at nang walang kaginhawahan sa kanyang sakit. Sigurado ako na tinitingnan niya ang luwalhati ni

Kristo, nang harapan.

Ang Lihim

Naiisip ba natin na sinasabi sa atin ng ating Panginoon, “Marami akong mga kaibigan sa Aking mesa, ngunit kakaunti sa Aking Krus?” Sa panahon ng pagpapako sa krus ni Jesus si Maria Magdalene ay buong tapang na nakatayo sa harap ng Krus. Minabuti niya na makasama si Kristo sa Kanyang pagdurusa. At dahil dito, makalipas ang tatlong araw, siya  ang unang nakakita ng kaluwalhatian ng Muling Nabuhay na Panginoon. Ang engkwentro na ito ay nagpabago ng kanyang kalungkutan sa kagalakan at Siya ay ginawang Apostol ng Mga apostol. Ang dakilang misteryosong Carmelite na si Saint John of the Cross ay nagsabi, “Sinumang hindi humingi ng Krus ni Kristo ay hindi hinahangad ang kaluwalhatian ni Kristo. ” Ang kaluwalhatian ni Kristo ay nakatago sa Kanyang Pasyon. Ito ay ang kahanga-hangang lihim ng Krus! Paalala sa atin ni Saint Peter, “Magalak ka hanggang sa maibahagi mo kay Kristo ang mga pagdurusa, upang kayo ay magalak din at matuwa kapag ang Kanyang kaluwalhatian ay nahayag ”(1 Pedro 4:13).

Tulad ni Saint Mary Magdalene, kung tumayo tayo sa paanan ng Krus na may kagustuhan na makibahagi sa pagdurusa Niya, makakaharap din natin ang nabuhay na Panginoon, at babaguhin Niya ang ating mga kamalian upang maging mga mensahe, at ang ating mga pagsubok ay maging mga testemonia, at ang ating mga paghihirap na nauwi sa tagumpay.

Panginoong Hesus, buong-buo kong ibinibigay sa iyo ang aking sarili sa pamamagitan ng mga kamay ni Inang Maria. Bigyan mo ako ng lakas na dalhin ang aking krus kasunod mo, sa lahat ng mga araw ng aking buhay. Amen.

Share:

Brother Josin Thomas O.P

Brother Josin Thomas O.P has been an active member of the Jesus Youth movement and passionately involved in various activities of Shalom Media. Currently he is a Novice with the Dominicans in Goa, India.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles