Home/Makatawag ng Pansin/Article

Jun 23, 2021 2637 0 Jackie Perry
Makatawag ng Pansin

Ang Kagipitan ang nagiging Daan upang Makilala Natin ang Ating Tunay na Pagkatao

Sa gitna ng Pandemya ng Coronavirus sa buong daigdig and buhay ng tao ay patuloy na nagbabago. Maraming bagay na bahagi ng aming pamumuhay sa araw- araw ang nawala. Sa gitna ng lahat patuloy nating inaalam kung sino tayo sa bagong pamumuhay na ito. Karanawiwan ginugugol natin ang ating panahon upang hubugin ang ating sariling pagkakakilanlan. Nais nating ipakita ang uri ng ating pagkatao. Ibinubuhos natin ang ating panahon sa mga gawaing interesado tayo tulad ng Palakasan, Libangan, at anumang gawaing makakatulong sa paghubog ng pangunawa kung sino tayo sa mundo. Ipinakikita natin ang ating mga natatanging nakamit at tagumpay upang makita at makilala. Naniniwala tayo na ang mga bagay na meron tayo at nagawa ay ang nagpapakilala sa ating pagkatao.

Pagkatapos, Biglang Tumigil ang Mundo

Wala ng palaro

Wala ng konsiyerto

Wala ng malaking pagtitipon

Wala ng pakikipag-ugnay sa mga matalik na kaibigan

Wala ng paglalakbay

Wala ng katiyakan

At para sa ilan,

pagkawala ng pera

pagkawala ng trabaho

pagkawala ng negosyo

pagkawala ng kalusugan

pagkawala ng mga mahal sa buhay

pagkawala ng buhay

Nawalan tayo. Nawalan tayo ng maraming bagay na inakala nating kailangan, pati na ating pagkatao. Mahirap, masakit at kung minsan nakakatakot ang mawalay sa mga ito.

Kung minsan, kahit na walang krisis sa kalusugan sa buong mundo, pinapayagan tayo ng Diyos na dumaan sa isang paraan ng pag – iwas mula sa mga bagay at daan na ginagamit natin upang makilala ang ating sarili at tuklasin ang ating tunay na pagkatao.

Karaniwan, kung hindi natin alam kung sino tayo at ang halaga natin, iniuugnay natin ang ating pagkakakilanlan sa mga makamundong bagay na madaling lumipas at madaling makuha sa atin anumang oras. Ang tiyak at matibay na makakapitan natin ay ang ating Panginoon at tanging siya lamang. Kailangan natin siyang kilalanin ng lubos upang malaman natin kung gaano ang pagpapahalaga niya sa atin.

Ikaw at Ako, Kaibigan, ang una at pinakamamahal na mga Anak ng isang mapagmahal na Ama. Iyon ang katotohanan sa ating pagkatao at iyon ang mahalaga. Susubukang sabihin sa iyo ng Mundo, ng mga Kaibigan mo at Manunukso na iba ang katotohanan tungkol sa yo, ngunit walang makapagbabago ng katotohanan kung sino ka. Ito ang katotohanan para sa iyo, sa akin, at ng bawat tao. Hindi mahalaga kung tatanggapin at paniniwalaan natin ito dahil walang makakapagbago ng katotohanan anuman ang sabihin o gawin natin. Ang ating pagkatao ay nakaugat sa Ama na pinanggagalingan ng buhay. Kapag tayo ay nakaramdam ng kawalan, saka natin maiisip na wala na tayong kailangan pa.

Ngayon, sa gitna ng Krisis na ito, ang bawat isa sa atin ay nabawasan ng ilang aspeto sa dati nating pamumuhay, at ngayon din ang panahon upang magnilay at angkinin ang ating tunay na pagkatao.

Kaya magsisimula Ako, Ako si Jackie Perry, pinakamamahal na anak ng maawaing Ama.

Sino Ka?

Share:

Jackie Perry

Jackie Perry is a wife, mother, and inspiring writer. Her Catholic faith ignites her desire to share her journey of life on her blog jackieperrywrites.com *The article, ‘Do You Trust?’ appeared in the September/October 2020 issue of Shalom Tidings magazine. Scan now to read. (shalomtidings.org/do-you-trust)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles