Home/Makatagpo/Article

Sep 17, 2021 896 0 Maria Angeles Montoya
Makatagpo

ANG HINDI KILALANG LANDAS

Nang ako’y muling nagkaroon ng malay, hindi ko alam kung nasaan ako, kung anong araw ng linggo o ano ang aking gulang. Iyon ang araw na ang bawat bagay ay naging napakaiba para sa akin.

Aking dadalhin ang mga bulag sa mga daan na hindi pa nila alam; sa mga ilang na landas aking papatnubayan sila; gagawin kong liwanag ang kadiliman sa harapan nila at ang magagaspang na pook ay gagawin kong makinis.  (Isaias 42:16)

Sapagkat ako’y isinilang na mayroong hindi normal na pag-uumbok sa aking utak, ako ay nagsimulang makaranas ng mga pagkawala ng malay nang ako’y sanggol.  Nakagawian ko na tiisin ang mga ito bilang palagiang bahagi ng buhay ko, hanggang isang bagong uri ng pagkawala ng malay ay pumutol ng aking mga kinagawian.  Isang umaga, ako’y masaganang nag-aalmusal kasama ng aking ina nang biglaang nawalan ako ng malay.  Ako’y bumagsak sa aking upuan at dumanas ng pagkawala ng malay na nagtagal ng sampu hanggang labing-limang minuto.

Nawala at Nawalan ng Pag-asa

Nang ako’y muling nagkamalay, nakilala ko ang aking ina, ngunit hindi ko nakilala ang bahay o anumang pumapaligid sa akin.  Hindi ko alam kung nasaan ako, kung anong araw ng linggo o ano ang aking gulang.  Sa aking bahay, hindi ko makilala ang aking silid-tulugan. Lahat ng bagay ay tila napakaiba sa akin.  Ang pagkawala ko ng malay ay nagsanhi ng pagkawala ko ng napakaraming gunitain.  Nakadama ako ng labis na pagkawala.  Ito ay nagpatuloy ng may dalawang linggo, at ako’y nagsimulang  magipit.

Isang gabi, sa gitna ng aking pagkawala ng pag-asa, tumingin ako  sa larawan ng Banal na Awa na nakasabit sa pader ng aking silid-tulugan, at tumawag ako sa Panginoon.  Hiniling ko sa Panginoon na pagtibayin Niya ako, na patnubayan Niya ako, ngunit, higit sa lahat, na maging malapit Siya sa akin.  Panginoon, huwag Mong tulutan itong kalagayan upang mawalay ako sa Iyo.  Sa halip ay, ipahintulot Mo na gamitin ito bilang kasangkapan upang mahila Mo ako ng mas malapit sa Iyo.  Jesus, ako ay nananalig sa Iyo.  Nang gabing yaon, nagising ako ng mga ika-2 ng umaga at nagkaroon ng isang pangitain:  Nakita ko ang aking sarili na bumabagsak sa sangkailaliman.  Pagkatapos ay bigla akong nakakita ng kamay na humahawak sa akin at upang maiwasan ko ang paglunod ng tuluyan.  Ito ay ang kamay ng Panginoon.  Sa loob ng mga ilang sandali, ang aking sakit at pagkawala ng pag-asa ay naging katahimikan at ligaya.  Magmula noon, nalaman kong ako ay nasa mga kamay ng Panginoon, at ako’y nakadama ng kaligtasan.

Sakit na Umaalon

Makalipas ang dalawang linggo pagkatapos ng pagkawala ng malay, nagsimulang bumalik muli ang mga alaala mula sa aking pagkabata, ngunit karamihan nito ay masasakit. Hindi ko ninais na magunita iyan.  Sa halip ay, ninais kong gunitain ang mga magaganda at masasayang tagpo ng buhay ko.  Sa una, hindi ko maintindihan kung bakit karamihan ng mga masasakit na alaala ang aking natatanggap.  Ang mga dalubhasa sa agham ng neurolohiya at sikolihiya ay mayroong paliwanag: ang mga gunita na may pinakamalaking kinalaman ay ang mga mainam na nakatala sa utak.  Ngunit ang pananampalataya ay may kakaibang paliwanag:  Ang Panginoon ay ninais na kilalanin ko ang aking mga sugat at mapagaling ako sa mga ito.

Isang gabi, habang binibigkas ko ang aking mga panggabing dasalin, nagunita ko ang mga ngalan at mga mukha ng mga taong nanakit sa akin ng lubha.  Ako ay napaiyak sa matinding sakit, ngunit—sa aking pagkagulat—hindi ako nakadama ng galit o pagtatampo sa kanila.  Sa halip ay nakadama ako ng anyaya na ipagdasal ang kanilang pagsisisi at pagbabalik-loob, at ginawa ko ito.  Kalaunan, napagtanto ko na ang Banal na Espiritu ang naghimok sa akin na ipagdasal sila sapagkat ninais Niya na pagalingin ako.  Ang Panginoon ay pinagagaling ako.

Isang Kakaibang Sagot

Ako ay may sariling talaarawan, at sinimulan kong basahin ito upang tulungan ang sarili kong maibalik ang ilan sa aking mga gunita.  Nang binasa ko ito, naalala ko na ako ay nakadalo na sa Shalom Growth retreat noong Marso, ang huling linggo bago magsimula ang paghihigpit gawa ng Covid 19.  Sa retreat, ipinaubaya ko sa Panginoon at hiniling ko na patnugutan Niya ang aking buhay.  Kalaunan, sa buwan ng Mayo, ako’y dumalo ng Pagpapagaling na Misa sa aking parokya, at hiniling ko sa Panginoon na tulungan Niya akong kilalanin ang aking mga sugat at pagalingin ang mga ito.  Hindi ko mapagpalagay na ang Panginoon ay tutugon sa ganitong paraan.  Para sa akin, ang pagkawala ng malay, ang pagkawala ng gunitain at ang mga tagpong sumunod ay ang ganap na tugon ng Diyos sa mga panalangin ko.  Maaaring tanungin mo kung bakit ang Diyos ay tumugon sa aking mga panalangin sa pagpayag nitong mga pagkawala ng malay at gunitain na mangyari, at ito ang aking sagot:  Bawat sandali ng paghihirap ay pag-aanyaya sa atin upang mapalapit tayo sa Diyos, bawat suliranin ay isang anyaya na manalig sa Kanya, at ang pagkawala ng pagpigil ay anyaya para sa atin upang matandaan na Siya ang makapagpipigil at ang mga plano Niya ay mas mabuti sa mga plano natin.

Ang Lakad na Matatandaan

Ito ang isang bagay na dating hindi ko pa naranasan.  Ang Panginoon ay tunay na dinala ako sa landas na hindi kilala, ngunit nananatili Siya sa tabi ko.  Na kahit maraming bagay akong nalimutan, hindi Niya hinayaang malimutan ko ang Kanyang pagmamahal.  Ang pang-araw-araw na pagbabasa ng Bibliya, ang mga pagninilay-nilay, ang larawan ng Banal na Awa, ang mga panaginip at mga taong nagdarasal para sa akin ay nanatiling pagpapaalala ng Kanyang pag-ibig.  Nadama ko na Siya ay kasama ko sa paglalakad ng habang-daan, na nagawa itong hindi-kilalang lansangan na mas makinis para sa akin.  Para sa dahilang ito, ang mga biyaya ay tiyak na mas malakas kaysa sa  dalamhati.

Ako ay nakapagsilbi sa Panginoon, ng mahigit-kumulang na isang taon, sa pamamagitan ng pagsalin ng mga Katolikong artikulo at dokumento, at patuloy na nagampanan ko iyan sa  lahat ng mga buwan nito. Kahit na maraming bagay akong nakaligtaan, hindi ko nawala ang kasanayan at kakayahang magsalin.  Ako ay nagpapasalamat para diyan, sapagkat pinahintulutan ako nitong maghanap-buhay para sa Kanyang kaharian sa panahon ng kagipitan.  Ngayon, pagkaraan ng maraming buwan, nanumbalik na ang karamihan ng mga gunita ko.  Ako ay madalas pa ring makalimot, at ako’y naging mabagal na sa mga ilang bagay, ngunit ako’y lubos na nagpapasalamat sa Diyos para sa mga alaala na muli kong nabawi at sa lahat ng mga biyayang natanggap ko nitong mga buwan.

Kung ang Panginoon ay naidala ka na sa landas na hindi kilala, ipagpakatiwala mo sa Kanyang loob at hilingin mo sa Kanya na gawing makinis ang mga lansangan sa harapan mo.  Alalahanin mo na ang Kanyang mga plano ay higit na mabuti sa ating mga plano.   Hindi Niya ako pinabayaan, at  kahit ikaw ay hindi Niya pababayaan.

Share:

Maria Angeles Montoya

Maria Angeles Montoya enjoys using her skills and gifts to serve the Lord in various ways, especially through the ministries of intercession and evangelization. Maria has been involved with Shalom Media since 2017, and hugely contributes her time and efforts for Shalom Tidings. She lives with her parents in Texas, USA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles