Home/Makatawag ng Pansin/Article

Sep 09, 2021 802 0 Shalom Tidings
Makatawag ng Pansin

ANG HIMALA NA NASAKSIHAN NI SANTO PAPA FRANCISCO

Noong ika-18 ng Agosto, taong 1996, nang matapos ang misa sa simbahan ng Santa Maria y Caballito Almagro [sa Buenos Aires, Argentina], isang babae ang naghayag na may benditadong ostiya na naiwan sa maalikabok na lagayan ng kandila sa likod ng simbahan.  Sapagka’t ito ay nasa hindi tamang kalagayan upang makain, sinunod ng pari [na ang ngalan ay Fr. Alejandro Pezet] ang karaniwang pamamaraan ng paglagay ng ostiya sa malinis na tubig at ang pagsilid nito sa tabernakulo.

Sumunod ang araw ng Lunes, nang nabuksan ang tabernakulo ang ostiya ay lumitaw na napigta ng madugong sangkap.  Ito ay inihayag kay Obispo Jorge Bergoglio (ang magiging Santo Papa Francisco na noon ay Katulong na Obispo at di-nagtagal ay naging Obispo ng Buenos Aires) at inilipat sa mainam na kinalalagyan habang ang ostiya ay patuloy na mag-ibang anyo hanggang sa ito ay naging payak na kalamnan.  Si Arsobispo Bergoglio ay namuno ng pagsusuri sa himala matapos na ang ostiya-na-naging-madugo ay kataka-takang nanatili na ganito nang maraming taon.

Noong ika-lima ng Oktubre ng taong 1999, sa harap ng mga kinatawan ng Arsobispo, isang siyentipiko [na nagngangalang Dr. Ricardo Castanon Gomez] ay kumuha ng kapiraso ng bahagi ng laman at ipinadala ito sa Nueva York upang suriin.  Ang pinagmulan ng nasabing bahagi o piraso ay hindi ibinunyag sa mga siyentipiko.  Si Mediko Federico Zugibe, isang kilalang dalubhasa sa larangan ng kardiyolohiya at patolohiya ay tiniyak na ang nasuring sangkap ay tunay na laman at dugo na may pangkatauhang “DNA” na nagmula sa puso ng buhay na tao na nagdanas ng labis na paghihirap.

Pinatunayan niya na ang “nasuring bagay ay bahagi ng kalamnan na tumutulong sa pag-urong o pagliit ng puso.  Ang nasabing kalamnan ay nasa magàng kalagayan at puno ng puting dugong selula.  Ito ay nangangahulugan na ang puso ay buhay nang panahon na ito ay kinunan ng bahagi.  Maliban dito, ang mga puting selula ay nagtagusan na sa manipis na bahagi (o tisyu) nito, na tuloy na nagpapaphiwatig na ang puso ay nagdanas na ng matinding pagod, na tila ang nagmamay-ari ay pinagpapalo ng marahas sa dakong dibdib.”

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles