Home/Makatawag ng Pansin/Article

Jul 27, 2023 436 0 Erin Rybicki, USA
Makatawag ng Pansin

ANG ESPIRITO SANTO, LAGING KUMIKILOS

Noong mga unang araw ng pagsasara dahil sa pandemya kung saan ang tanging paraan para makadalo ako sa Misa ay sa pamamagitan ng buhay na daloy ng pangyayari, nakaramdam ako ng kakulangan…

Ang Banal na Espirito ay palaging kumikilos sa ating mga puso, kaya hindi ako dapat magtaka na, sa gitna ng pandaigdigang kaguluhan ng mga unang araw ng pandemya ng Covid 19, binuksan Niya ang aking puso sa isang mas tigib na karanasan sa mistikal na katawan ni Kristo.

Nang madinig ko ang balita na ang mga simbahan ay isasara kasama ng mga kainan, tindahan, paaralan, at opisina, nabigla ako at lubusang di makapaniwala. “Paanong nangyari to?”  Ang panonood ng Misa nang buhay na daloyng pangyayari Kng parokya ay parehas na pamilyar at nakakalito.  Nandoon ang aming pastor, nagpapahayag ng Ebanghelyo, nangangaral ng kanyang sermon, nagkokonsagra nang tinapay at alak; ngunit ang mga bangko ay walang laman.  Ang aming mga walang lakas na tinig at tugon ay hindi umangkop sa aming sala.  At hindi nakakagulat.  Sinasabi sa atin ng Katekismo ng Katoliko Simbahan na ang liturhiya ay “nakikisali sa mga mananampalataya sa bagong buhay ng komunidad at kinapapalooban ng “may malay, kumikilos, at mabungang pakikilahok” ng lahat” (CCC 1071). Nakikilahok kami sa abot ng aming makakaya, ngunit ang komunidad, ang lahat, ay liban.

Nakaluhod sa tabi ng mesita sa oras ng komunyon, binasa ko ang panalangin para sa espirituwal na komunyon na nasa tilon, ngunit ako ay nagambala at hindi mapakali.  Alam ko na ang kinonsagrang hostiya ay tunay na katawan ni Hesus at na ang pagkonsumo ng Eukaristiya ay makkipag-isa sa akin sa Kanya at makapagpapabago sa akin.  At natitiyak kong hindi ito mangyayari sa pamamagitan ng buhay na daloy na pangyayari sa aking sala.  Ang Yukaristiya, ang tunay na presensya ni Hesus, ay napakalaking pagkaliban.

Wala akong nalalaman tungkol sa pagsasagawa ng pang espirituwal na komunyon.  Ang Katekismo ng Baltimore ay nagsasabi sa akin na ang komunyon pang espirituwal ay para sa mga may “tunay na pagnanais na tumanggap ng Komunyon kapag malayong mangyaring tumanggap ng sakramento.  Ang pagnanais na ito ay nagbibigay sa atin ng mga biyaya ng Komunyon ayon sa lakas ng pagnanais.” (Katesismo Baltimore, 377) Bagama’t napakasakit na katotohanan ang hindi makatanggap ng Komunyon na sakramental, ikinalulungkot kong sabihin na ang pagnanais ko sa umagang iyon ay para lamang sa nakagawian na.  Ako ay naguluhan, hindi mapakali, at hindi nasisiyahan.

Ang unang Linggo ay sinundan ng ikalawa, at ng ikatlo, at sumunod ang Huwebes Santo at Biyernes Santo.  Ito ay isang natatanging dramatikong Kuwaresma, na may napakadaming pagpapakasakit na ipinataw, mga pagpapakasakit na hindi ko akalain.  Mga sakripisyong tinanggap ko nang may sama ng loob.  Ang Diyos ay mabait, gayunpaman, at maging ang aking mga sakripisyo na hindi lubos ay nagbunga.  Sa halip na pagtuunan ng pansin ang lahat ng kulang sa mga liturhiyang ito, sinimulan kong isipin ang mga taong hindi makadalo sa mga ito kahit na sa “karaniwanl” na panahon.  Ang mga naninirahan sa tahanan ng matatanda  Ang mga bilanggo.  Ang mga matatanda, maysakit, at may kapansanan ay walang kasama.  Ang mga taong naninirahan sa malalayong pook na walang pari.  Para sa mga Katolikong iyon, ang panonood ng Misa ay malamang isang pagpapala, isang kawing kay Hesus at sa Kanyang Simbahan.  Umasa ako na muling makadalo sa Misa sa lalong madaling panahon; subalit sila, hindi nila makaya.

Ano kaya ang kahalintulad para sa iba pang mga Katoliko, na nakakatanggap ng mga sakramento nang paminsan-minsan lamang, kung sakali man? Sila ay mga kawani ng Simbahan, ng mistikal nq katawan ni Kristo, katulad ko, ngunit higit na nakahiwalay sa isang komunidad ng parokya.  Habang sinimulan kong isipin ang tungkol sa kanila at hindi ang sarili kong mga kabiguan, sinimulan ko ding ipagdasal sila.  At sa misa, nagsimula akong manalangin kasama nila.  Sa isang banda, sila ang aking naging komunidad ng Pan Linggong Misa, ang mga taong nakapaligid sa akin, kahit paano man lang, sa aking pag-iisip.  Sa bandang huli, maaari akong manahimik nang may kamalayan at aktibong pakikipaglahok sa buhay na pagdaloy ng pangyayari na Misa.  Sama-sama sa pakikipag-isa kay Kristo, tunay kong ninanais ang pagkakaisa kay Hesus at ang espirituwal na Komunyon ay naging isang mapayapa, mabungang sandali ng biyaya.

Ang mga linggo ay lumipas at ang bago, ngunit hindi pangkaraniwang kalagayang ito ay pinalawig hanggang sa panahon ng Pasko ng Pagkabuhay. Isang Linggo, matapos ang buhay na pagdaloy ng pangyayari na Misa, inihayag ng aming pastor na ang isang lokal na aparador ng pagkain ay nagipit. Ang mga donasyon ng pagkain ay naputol nang magsara ng kanilang mga pinto mga simbahan, ngunit ang bilang ng mga pamilyang nangangailangan ng pagkain bawat linggo ay dumadami. Upang makatulong, ang aming parokya ay magsasagawa ng mabilisang pangongolekta ng pagkain sa Biyernes.  “Anim na linggo nang sarado ang parokya,” naisip ko.  “Dadating kaya sila?”

Dumating nga sila.  Nagboluntaryo akong tumulong noong Biyernes na iyon, at habang inalalayan ko ang mga tagapagmaneho sa pook ng bagsakan sa likod ng paradahan, ang makita ang datihan at mga nakangising mukha ay maganda sa pakiramdam.  Ang mainam pa, ang makita ang mga donasyon na nakasalansan, higit pa sa inaasahan ng sinuman.  Ang pagiging bahagi ng pagtipontipon ng pagkain na iyon ay nakakapagpasigla; naniniwala ako na ang kinalabasan ay gawa ng Banal na Espirito.  Tinipon Niya ang naglipanang komunidad ng parokya upang kumilos, upang maging buhay na Katawan ni Kristo na nangangalaga sa mga nangangailangan.  Kung paanong pinukaw Niya ang aking personal na buhay pananalangin upang magkaroon ng higit na pagkakaisa sa mistikal na katawan ni Kristo, gayun din Niya ipinahayag ang Kanyang sarili sa akto sa komunidad ng aming parokya, na handang maglingkod sa kapwa na nangangailangan, kahit na tayo ay hindi makapagtipontipon.

Share:

Erin Rybicki

Erin Rybicki is a wife, mother and epidemiologist. As a home educator with more than twenty-five years of experience, she has been a guest speaker at Michigan Catholic Home educators’ conference. She lives with her husband in Michigan, USA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles