Home/Makatawag ng Pansin/Article

Sep 02, 2021 876 0 Teresa Ann Weider, USA
Makatawag ng Pansin

ANG DIYOS AY MAY MAPAGPATAWANG PANDAMA

Ang salu-salo ay isinaalang-alang na isang mabuting makalumang pagdiwang ng kaarawan.  Ang hindi kami handa ay ang Diyos na binigla kami ng Kanyang handog.

 Ang mga kaarawan ng pagsilang ay malaking bagay sa aking pamilya, hindi lamang dahil sa masarap na keyk o ang kasaganaan ng mga handog.  Ito ay dahil kami ay nakapagdiriwang ng  araw na ang Diyos ay  biniyayaan ang mundo ng isang bagong buhay.  Ito ang araw na pinili ng Diyos na isilang itong taong walang ibang kapareho sa ating buhay.  Napag-isipan ko nang madalas na ito’y nararapat na ipagdiriwang at nais kong ihabilin yaong kahalagahan sa aming mga anak.  Kinailangang malaman ng aming mga anak na sila ay mahal hindi lamang ng aking asawa at ako, ngunit higit na mahalaga, sila’y itinalaga at minahal ng Diyos!

Paminsan-minsan, bibigyan namin ang mga anak namin ng isang makalumang pagdiriwang ng kaarawan.  Gaganapin namin ang pagtitipon sa aming tahanan, puspos ng mga matitingkad na palamuti, mga sumbrero, mga pampaingay, mga laro, mga premyo at mga regalo.  Pagkatapos ay kinakailangan naming tapusin Ito ng mayroong sorbetes, isang gawang-bahay at pinalamutiang keyk at mga nakabalot na kakanin sa mga nagsidalo.  Ang kanilang mga salu-salo ay hindi kinailangang napakalabis, ngunit ang mga ito ay mahusay na pinag-isipan at inabot ng maraming linggo upang isaayos.  Bagama’t ang lahat ng mga pagtitipon na aming ibinalak ay masaya at natatangi, may isang namumukod na pagtitipon na kailan man ay hindi malilimutan ng bawat- isa sa aking pamilya.  Ang pagtitipon na ang Diyos ay ginulat kami ng Kanyang Sariling handog!

Mga Isinaalang-alang na Kaarawan

Ang aming ikatlong lalaki ay naging labindalawang gulang noong bandang katapusan ng Mayo 2002.  Ang mga anak namin ay ipinalaki sa hilagang estado ng Massachusetts, kaya kapag ang panahon ng Mayo ay dumating, ang bawat-isa ay nagnanais na nasa labas na tinatangkilik ang panahong tagsibol.  Ang aming anak na lalaki ay isang atletikong bata at kabílang ng kanyang mungkahi, kami ay nagpasyang magkaroon ng kinathang pagtitipong panlabas na basketbol. Lahat ng bagay tungkol sa pagtitipong yaon ay pumapaikot sa paligid ng temang ito, kabílang na ang tutoong paligsahan ng larong basketbol, na panghahatulan ng dalawang nakatatanda na nakapaglalaro at umi-ihip ng pito.  Ang mga paanyaya ay napadala, ang mga uniporme ay napagawa, ang paksaing basketbol na keyk ay nahurno, ang kakanin ay naihanda at ang mga lobo ay nahipan na.  Bagama’t ang mga palamuti ay nakahanda, binalak namin na isaayos ang mga ito sa sumunod na umaga bago  dumating ang kahanga-hangang bungkos ng mga masisiglang batang lalaki.

Sa dami na ng ulit na nakapag-ayos kami ng mga isinaalang-alang na kaarawan noong nakalipas, ako’y lubos na nagtitiwala noong kinagabihan na ang lahat ay naisa-ayos at handa na para sa isang kahanga-hangang, maligaya at masiglaing araw hanggang… may isang muntiing paglinga sa pinakamalayong likod ng aking isip na nagsimulang pumasok ng paloob hanggang ang lagim nito ay naghasik ng nakagagambalang tanong sa aking asawa.  “Mahal, ano ba ang magiging panahon bukas?”  Ang tanong ay nanatiling lumutang sa hangin, tila isang tumatagal na di-kaaya-ayang amoy.  Alam naming dalawa na kung maliban sa napakaligayang sikat ng araw at malamig na simoy ang inaasahang panahon, ang kalalabasan ng piging ay nasa mapanganib na kalagayan.  Ito ang mga araw ng mabagal na internet at kami ay umaasa pa rin sa The Weather Channel para sa aming inaasahang lagay ng panahon.  Ang aking matinding pagkakadilat at maligalig na paghinga ay bigla siyang nagpaikot- ikot para mahanap ang pangmalayuang pambukas ng TV.  Ang kanyang mukha ay namutla.  Pagkatapos ay malumanay siyang lumingon sa akin.  Maingat na binibigkas ang bawat salita, kanyang inilatha na matatag na ulan ang inaasahan para sa buong araw.  Ako’y natulala!  Isina-ayos ko na ang bawat detalya ng yaong pagtitipon at itinakda ang bawat kaganapan hanggang sa pinakahuling minuto, ngunit nakaligtaan kong pahalagahan ang hindi mahulaang tagsibol na panahon ng Nueva Inglaterra.  Ano ang aking gagawin?

Mga Palad na Pawisin

Ika-walo ng gabi at wala akong panghaliling plano para sa kinabukasan ng umaga.  Ang loob ng tahanan namin ay ni hindi nakahanda upang pangasiwaang lahat yaong mga masisiglang batang lalaki.  Pagkaraka’y isang saloobin ang tumawid sa aking isip.  Ako’y makagagamit ng telepono at tawagan ang bawat posibleng pasilidad na may-kalapitan na maaaring may gym sa loob ng gusali, at maipaliwanag ang aking kinatatayuan at makiusap na gamitin ang kanilang basketbolan ng dalawang oras.  Gayunman, ang huling  oras ay maaaring mangahulugang walang taong sumagot sa tawag o kaya’y ang mga gym ay nakalaan na sa mga kaganapan sa katapusan ng linggo.  Natawagan ko na ang bawat pook na aking naisip, bukod dito sa isang gym.  Itong isang gym ay kasapi sa pampook na elementaryang pinagdaanan ng aking mga anak.

Noong maraming nakaraang mga okasyon, ang Punong-guro at ako ay tiyak na ni-kailanma’y nagkatinginan ng mata sa mata at hindi ko itinangi ang maisip na magpakumbaba o magtanaw ng utang na loob sa kanya.  Gayunman, sadyang malinaw na walang ibang mga pagpipilian.  Ito ay isang maliit na sambayanan, karamihan sa mga tao ay kilala ang bawa’t-isa at pinalad na ako’y may pansarili niyang numero.  Nang tumunog ang kanyang telepono, bumilis ang pulso ko, sumikip ang lalamunan ko, at napatunayan ko noon na ang mga babae ay talagang nagkakaroon ng mga pawising palad.  Sinagot niya.  Nang ipinaliwanag ko ang aking kailangan at bakit, nagkaroon ng kapansin-pansing humpay sa kabílang dulo ng linya.

Sa wakas, sinabi niya na titignan niya kung ang  katiwalang kawani ay papapasukin ako ngunit hindi niya malalaman hanggang dumaan ang ika-siyam ng umaga kinabukasan.  Nabalisa ang isip ko.  Pakiramdam ko’y hindi ako mapapanatag kapag hindi ko malalaman mismo sa tagpong yaon na ang matagumpaying pangalawang plano ay nakaayos na.  Ang piging ay nakatakda mula sa ika-labing-isa ng umaga hanggang ikalawa ng hapon, kaya wala nang napakahabang panahon upang mapagpahayagan ang mga magsisidalo tungkol sa pagbabago ng plano kung siya ay hindi bumalik ng pagtawag hanggang makalipas ang ika-9 ng umaga.  Gayunpaman, ang kanyang tono ay binabalaan ako na mag-ingat na magpumilit kung naisin kong maging matagumpay sa pagsumamo sa kanya.  Paulit-ulit at mapagpakumbabang pinasalamatan ko siya bago ko binaba ang telepono.

Maraming ulit naming siniyasat ang magiging lagay ng kinabukasang panahon yaong kinagabihan at inaasam-asam na ang di- mahulaang panahon ng Nueva Inglaterra ay magpatuloy sa aming direksyon, ngunit walang pahiwatig ng pag-asa… hanggang… isa pang mas tahasang paglingap ang pumasok sa aking ulo.  “Marahil ito ang lubhang mabuting sandali na magdasal.  Matapos ang lahat, hindi ba ang Diyos ang namamahala ng kinabukasang kalagayan?”  Ah, ako ay nagdasal at nagdasal at nagdasal.  Ang piging ay dapat lamang tumagal mula ng ika-labing-isa ng umaga hanggang ikalawa ng hapon, kaya ako’y gipit na nakiusap sa Diyos na pahintuin ang ulan para sa tatlong oras na yaon.

Ang sumunod na umaga ay nagsimula ng ambon at maulap na langit.  Ako ay may tatlo pang di-mapakaling oras bago ako makadinig muli sa Punong-guro ng paaralan.  Ang mga iba kong mapagpipilian ay naubos na, kaya ako ay mapanglawing nagpatuloy na magdasal, hindi sa pananalig, ngunit sa kagipitan.  “Ipahintulot Ninyo Panginoon”, ako’y nagmakaawa, “Ipahintulot Ninyo na huwag umulan sa loob ng ika-labing-isa ng umaga at ikalawa ng hapon.”.  Ang adrenalin lamang ang isang bagay na nakapagpigil sa bahâ ng luha sa likod ng aking mga mata.  Ang telepono ay nanatiling tahimik habang ang orasan ay walang tigatig na dumaan ng ika-siyam ng umaga.  Tinanong ko ang asawa ko, “Tatawagan ko ba siya o maghintay ako ng mahaba-haba?”  Bago siya makatugon, ang maanyayang tunog ng telepono ay umalingawngaw sa katahimikan sabay sa pagpigil namin ng paghinga sa pag-aasa.  Ang tinig ko’y gumaralgal  nang sinubukan kong sagutin ng mapanatag ang tawag.  Tiyak akong nagkandatisod-tisod sa pagbigkas ng bawat pantig sa pagbati ko sa kanya.  Walang paligoy-ligoy na sinabi niya sa akin na magagamit namin ang gym para sa piging, ngunit kami ay maglilinis na tila walang bakas na kami ay nanggaling doon.  Nais ko siyang pasalamatan ng marami, ngunit iniklian niya ang usapan at biglaan niyang sinabi na pumaroon sa gym ng paaralan nang mga ika-11:15 ng umaga, na maaabutan namin ang mga pinto na hindi nakapinid.

Ang Hindi-inaasahang Handog

Ang mga gulong ng isip ko ay nagsimulang umikot dahil mayroon na ngayong  matibay na pangalawang planong maisasaayos.  Bagama’t inaasaha’t pinagdarasal kong hihinto ang matatag na ulan sa loob ng tatlong oras na yaon, kinakailangan namin na gumalaw ng pasulong na may panghaliling plano para sa araw na hinihintay namin.  Tila ilang mga sandali lamang ang dumaan bago dumating ang oras para sa mga batang lalaki na magpakita.  Kami ay sukdulang handa sa mga pumapaligid na kalagayan.  Sampung minuto bago pumarada ang unang sasakyan, sumilip ako sa labas ng bintana at hindi ako makapaniwala sa mga mata!  Tinawag ko ang aking asawa at itinuro ko na dumungaw sa labas at tiyakin kung ano ang aking nakita.

Magkasama kaming nakatayo at tahimik na pinagmasdan ang pangitaing nasa harapan namin.  Sinagot na ng Diyos ang aking mga dasal.  Huminto na ang pag-ulan, tulad ng pagsamo ko at sa mabilis na panahon.  Gayon pa man, ang pambihirang kakaibang bagay ay naganap na hindi namin mahulahulaan.  Bagama’t tumigil ang pag-ulan na hindi inaasahan, nagsimula nang MAGNIYEBE!!!! Tiyak kong nadinig ang Diyos na tumatawa’t tumatawa.  Tumayo kami doon ng panandaliang kamanghaan at pagtataka.  Kailanma’y hindi namin nakita na magniyebe nang bandang katapusan ng Mayo sa tanang mga taong itinigil namin sa Massachusetts.  Kami ay nagtawanan sa pangitain, ngunit kami’y  hindi makapag-ukol ng panahon sa kahulugan nito habang ang mga kalalakihan ay nagsimulang dumating para sa piging.   Sa hindi-inaasahang tagpo, ang Punong-guro mismo ang sumalubong sa amin sa gym at sinabihan niya ako na magtratrabago siya sa kanyang opisina ng dalawang oras, hanggang matapos ang laro.

Ang bawat-isa ay nagkaroon ng kasiyahan at tumulong sa amin na maglinis ng gym na nagmukhang mas mabuti kaysa sa anyo nito nang unang maratnan namin.  Pinasalamatan namin ang Punong-guro at idinala ang bawat-isa pauwi para sa keyk at mga handog.  Bago namin malaman, ang ikalawa ng hapon ay dumaan at ang mga magulang ng mga batang lalaki ay nagsimulang lumakad nang padulas-dulas sa maniyebeng daanan sa harap ng garahe upang sunduin ang kanilang mga anak.  Gayunpaman, ang Diyos ay hindi pa tapos sa Kanyang biro at nakahanda nang ipakita ang  maringal na katapusan.  Ginawa Niyang malinaw na dininig ang aking mga dasal sapagkat nang ika-2:10 ng hapon, ang di-inaasahang niyebe ay bumalik sa matatag na ulan.  Ang mga luha na aking pinigil kamakailan lamang ay dumating na bumabaha palabas ng mga mata ko.

Buong panahon bang dumadalo ang Diyos sa aming piging?  Naipakita Niya ba na sinagot Niya ang mga dalangin ko sa pahintulot Niyang hindi uulan mula ika-11 ng umaga hanggang ikalawa ng hapon?  Ang Diyos ba ang naging taga-ayos ng panghalinhinang plano at hindi ako?  Ang Diyos ba ang naglaan ng lugar para sa amin upang magkaroon ng dakilang piging habang binibigyan ako ng aral sa pagpapakumbaba?  Ang Diyos ba ay may pagkamapagpatawa?  Ang sagot sa lahat ng mga tanong na yaon at mas marami pa ay OO, OO, OO, OO, at maliwanag na OO!!!!

Minsan, ang Diyos ay nangangaral nang papatong-patong.  Nang ako’y tumanaw ng pabalik,  napakaraming pagkakamali akong nagawa nang ipinaplano ko ang piging na yaon.  Gayunman, ginamit ng Diyos ang aking mga kahinaan upang malumanay at may-kabiruan na muling maituwid ang aking isipan at kalooban.  Lahat ng aking gawin ay natutupad sa pamamagitan ng Diyos na nagdudulot ng aking lakas. (Mga Filipo 4:13)  Sa simula, halos lahat ng bagay tungkol sa araw na yaon ay tila natupad sa pamamagitan ng aking sariling lakas at kapalaluan.  Ni hindi ko  na anyayahan ang Diyos sa yaong piging o sa pamamalakad ng pagplano.

Laking kahihiyan ang aking nadama nang pinag-nilaynilayan ko ang katungkulan ng aking Manlilikha sa pagdulot Niya ng aming anak sa buhay namin.  Siya dapat ang unang inanyayahang panauhin at ang naging kinalabasan, Siya ang pinakamalugod na tinaggap na panauhin.  Sinagot ng Diyos ang aking mga dasal, hindi sa ganap na paraan na naisip ko, kundi sa malinaw na paraan, na walang iniiwang pangamba na nilayon Niya upang turuan ako ng isang bagay.  Tinuruan ako ng Diyos na lagi ko Siyang kasama—nakikinig, nag-aalay  at nagugustuhang maging bahagi ng mga buhay na Kanyang nilikha.  Ipinagkaloob Niya sa akin ang mga biyaya ng pagpapakumbaba, pagpapaumanhin at pasasalamat bilang kasagutan sa aking dasal.  Ang piging na yaon ay lumabas na sukdulang masaya at di-malilimutan.  Matapos na nasabi’t nagawa ang lahat, hindi umulan sa pagitan ng ika-11 ng umaga’t ikalawa ng hapon, tulad ng aking hiningi sa dasal…..

Sa halip, ang Diyos ay nagdala ng Kanyang sariling handog:  NIYEBE!!!  Aking sasabihin na muli…..

Ang Diyos ay may mapagpatawang pandama!

Share:

Teresa Ann Weider

Teresa Ann Weider ay naglingkod sa Simbahan sa loob ng maraming taon sa pamamagitan ng kanyang aktibong pakikilahok sa iba't ibang ministeryo. Nakatira siya kasama ang kanyang pamilya sa California, USA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles