Home/Magturo ng Ebanghelyo/Article

Mar 16, 2022 1021 0 Michelle Harold
Magturo ng Ebanghelyo

ANG DIWA NG PASKO AY HINDI NAGWAWAKAS

Ang hindi mapaglabanang kagandahan ng Pasko ay tumatagal nang higit pa sa isang araw, kung ilalagay mo ang iyong isip dito…

Hindi kailanman nabigo ang gayuma ng Pasko na mabighani ako anuman ang mga pangyayari patungo sa kapanahunang ito. Mga ilang taon, ang pagkamangha at pagtataka ay sa bandana huli lamang nanghihikayat, ngunit kapag nahikayat ako ng diwa ng Pasko, ito ay tuloy-tuloy na.

Ang kagalakan na nadadanasan natin sa pagtanggap sa kaisa-isang Anak ng Diyos na kaloob Nya ang nagtakda ng tono ng napakagandang panahon na ito. Ang pagiging mabuti ay halos nagiging pangalawang kalikasan para sa maikli ngunit magandang panahong ito. Bagama’t ang listahan ni Santa ay maaaring isang malinaw na dahilan para sa maliliit na bata, ipinagtaka ko kung ano ang dahilan kung bakit ganito ang ipinararamdam sa ating mga nakakatanda at paano natin maipapamahagi sa natitirang bahagi ng taon ang kabutihang ito na nararamadaman natin sa mahiwagang Panahon ng Pasko.

Isang Matibay na Paalala

Noong nakaraang taon, naglakbay kami ng aking asawa sa rehiyonal na Victoria. Dumalaw kami sa isang sakahan ng berry at habang pumipili ng mga organikong ani na iuuwi, nakipagkwentuhan ako sa may-ari. Iyon ay isang kaaya-ayang malamig na araw para sa tag-araw, at tinalakay namin kung paano ito naging kabaligtaran nang nakaraang taon, na may matinding sunog sa kagubatan at tagtuyot na lubhang nakaaapekto sa mga pananim at kabuhayan. Bilang isang nagkusang bumbero, nadanasan niya ang pagkawala ng dalawang malalapit niyang kaibigan habang nilalabanan ang mga sunog na iyon.

Nalungkot na madinig ito, lalo akong naantig nang sabihin ng magsasaka na siya ay “handang lumaban kapag tinawag” sakaling muling magkaroon ng sunog sa kagubatan. Paglabas namin sa bukid, binuhat niya ang kanyang maliit na anak at kinawayan nila kami. Walang alinlangan na ang bukid ang pinakamahalagang bahagi ng paglalakbay at ang pagpupunyaging nasaksihan namin ay isang matibay na paalala kung paanong tayong lahat na kailangang maging handa na gumawa ng mabuti kapag ito ay hinihingi sa atin—anuman ang oras ng taon.

Paraan ng Pagunlad

Kapag nalampasan na natin ang kagalakan ng Pasko sa Disyembre at papalapit sa bagong taon, maaaring kailanganin pa natin ng kaunting pagsisikap upang naisin nating gumawa ng mabuti. Karaniwan, sa pagiging abala, maaaring biglang akuin natin ang pangagasiwa sa isang katayuan na hindi natin tanaw ang kahihinatnan. Habang nananaig ang iba’t ibang mga propesyonal at personal na mga bagay na dapat unahin, iniisip ko kung ganon din kaya ako kasigasig sa mga utos ng Panginoon tulad ng dati habang nagbabalot ng mga regalo at umaawit ng mga awiting pampasko.

Gayunpaman, hindi kailanman nagpapabaya ang Panginoon—itinuon ang ating pansin sa isang naghihirap lokal na kalakal, nagpapaalala sa atin na damayan ang taong nalulungkot, hinihikayat tayong magpatawad, at nagbibigay-inspirasyon sa atin na maging mapagbigay. Ang mga ito ay tinatawag ng asawa ko na mga paraan ng Diyos upang matulungan tayong mapalapit sa Kanya. Ang tingin ko sa mga ito ay mga maliliit na ‘paraan ng pagunlad papalapit sa Diyos na ipinagpalang matanggap natin.

Kahit pa malampasan natin ang pagiging abala, kadalasan ay may iba pang mga humahadlang sa atin upang tugunin ang mga utos ng Diyos. Halimbawa, kapag nakakita tayo ng isang panawagan upang tumulong, maaaring mangatwiran tayo na ang ating tulong ay hindi gaanong makakapagpabago o maaaring hindi maaayang tanaggapin ng taong nangangailangan. O ang isang pagnanais na makipag-ayos sa isang taong nakasakit sa atin ay maaaring hadlangan ng isang walang kuwentang pagkakamali.

 Lumaban Nang Mabuting Laban

Sa kabila ng mga maaaring maging hadlang, hindi tumitigil ang maliliit na paghatak sa ating damdamin. Bakit? Dahil napagtagumpayan na ni Hesus ang kadiliman sa loob at paligid natin. Ang kanyang pag-ibig at liwanag ay nagliliyab, magpakailanmang lumilikha ng mga kislap ng kabutihan. Ang pagkilos ayon sa mga pahiwatig na ito ay nasa atin kung gusto nating mas mapalapit sa Kanyang kabutihan. Tulad ng ipinaalala sa atin ng ating Ginang sa Fatima, ang ating kinabukasan ay nasa Diyos at tayo ay ang masigasig at may pananagutan sa paglikha ng hinaharap na iyon.

Kung maaalala natin na ang lahat ng kabutihang nangyari sa atin, kasama na ang ating mga talino at pagpapala, ay mula sa Panginoon, maaari tayong kusang tumugon sa kahit na katiting na pagnanais sa kabutihan na maisip natin.   Higit nating kailangan ngayon na labanan ang kadiliman, nagdadasal na tulungan ng ating Ina upang manatiling nakatuon at makipaglaban nang mabuting laban kapag tayo ay tinawag.  Madaling bigyang-liwanag ang buhay ng isang tao upang mabigyan siya ng pag-asa at kagalakan sa Pasko kung kailan ito ay higit na kailangan, maging ito man ay Pasko… o ano pa mang bahagi ng taon.

“Sa Kanya na makakagawa nang higit pa kaysa maaari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang kumikilos sa atin; sa Kanya nawa ang kaluwalhatian sa pamamagitan ng iglesya at ni Cristo Jesus sa lahat ng salinlahi magpakailanman! Amen.” Efeso 3:20

Share:

Michelle Harold

Michelle Harold is an IT professional who finds great joy in living the Catholic faith. She resides with her husband in Melbourne, Australia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles