Home/Makatawag ng Pansin/Article

Mar 23, 2023 669 0 Betsey Sawyer Estrade
Makatawag ng Pansin

ANG DAGAT NG AWA

“Maawa ka sa akin, O Panginoon, isang makasalanan.”

Ang mga salitang ito ang naging sigaw ng aking buhay.  Kahit na sa aking mga unang taon, sila ang aking motto, nang hindi ko man lang namalayan.

Awa.  Kung ang Diyos ay may gitnang pangalan, ito ay ang “Awa”.

Hinawakan ng Awa ang kamay ko sa tuwing ako ay papasok ng kumpisalan.

Madaming ulit akong iniligtas ng Awa, habang binabalot ang aking kaluluwa at pinapatawad ako.

Nagsimula ang aking paglalakbay sa pananampalataya ilang dekada na ang nakakalipas nang piliin ng aking mga magulang para sa akin ang hindi ko pa mapili para sa aking sarili—ang pagbibinyag sa Simbahang Katoliko.

Ako ay pinalaki na malaman ang tama sa mali.  At dinanas ko ang mga kapinsalaan nang lumihis ako ng landas.  Sineseryoso ng aking mga magulang ang kanilang mga tungkulin at may pagmamalaki ang pagtuturo sa akin tungkol kay Jesus at sa Simbahan.  Sila ang mga kamay ng Diyos sa aking buhay, na bumubuo ng aking budhi sa pamamagitan ng Kanyang biyaya.

Habang ako ay lumalaki, higit akong nagutom at nauhaw nang para sa Kanya.  Gayunpaman, ang mundo at ang sarili kong mga pakikibaka sa takot at pagkabalisa ay humadlang.

Ang pag-aalinlangan sa mabuti at masama, ay naging salot sa aking buhay sa loob ng madaming taon.  Tinawag ko itong “paglalakad sa isang unat na lubid sa pagitan ng langit at impiyerno.”  Habang nasa kolehiyo, naaalala kong nakatayo akong lasing ala una ng umaga sa isang banyo sa bar, umiinom ng inumin habang nagdadasal ako ng Rosaryo, natatakot na maligtaan ko ng kahit isang araw ang pagdadasal nito.

Habang binabalikan ko ang mga sandaling tulad nito na naglarawan sa aking panloobing batakan, naaalala ko ang Awa. Alam ko kung kanino ako kabilang, ngunit natukso akong gumala.

Ang likas na pakikibaka na dulot ng orihinal na kasalanan ay tumatagos sa ating buhay mapangalanan man natin ito o hindi:

Ang ating pinakataimtim na pagnanais kay Kristo ay sinasalungat ng mga pang-akit ng mundo at ng diablo.

Gayunpaman, dinakot ako ng Awa mula sa kanal ng kasalanan, nilinis ang aking dungis at muling hinugasan.

Ang Awa ay naghintay sa aking tawag, nakaupo sa tabi ng telepono sa lahat ng oras ng gabi hanggang sa handa na akong kunin at iuwi.

Nahila ako ng Awa mula sa paglubog, inaalalayan ako na parang salbabida.

Napakinggan ng Awa ang hiyawan, ang mga luha, ang mga galit na salita, at niyakap ako nang mahigpit habang ako ay pumanatag.

Matiyaga akong pinigilan ng Awa habang paulit-ulit akong lumalaban.

Ang Awa ay ang wakas. Ang simula. Ang lahat sa akin.

Ang Diyos ng Awa ay naghintay ako ng Diyos ng Awa, hinabol ako, at napatawad ako sa mahabang panahon na kilala ko Siya.

At sa Kanyang biyaya, tiniyak Niya sa akin na Siya ay laging nandiyan, nakaunat ang mga bisig, mapagmahal at mapagpatawad nang paulit-ulit.

Share:

Betsey Sawyer Estrade

Betsey Sawyer Estrade is a licensed financial advisor and life coach on the Mississippi Gulf Coast. Her greatest joy this side of Heaven is being a wife and mother.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles