Home/Makatawag ng Pansin/Article

Sep 17, 2021 693 0 Connie Beckman
Makatawag ng Pansin

ANG BATANG NAKABISEKLETA

Nagdadalamhati sa pagkawala ng isang mahal sa buhay? Narito ang taos-pusong pagsasalarawan ng isang ina kung paano niya natagpuan ang pag-asa kahit sa pinakamadilim na ‘valley’. 

Biniyayaan kami ng dalawang anak na lalaki. Si David na mas nakakatanda ay may ginintuang buhok. Ang aming bunso, si Chris, ay may itim na buhok. Ang ginintuang buhok ni David ay mas magaan ang kulay sa panahon ng tag-init lalo kapag siya ay naarawan. Ang mga anak namin ang kagalakan ng aming buhay.

Nang si David ay labing pitong taong gulang, isang matinding dagok ang dumating sa aming buhay. Isang malubhang sakuna pang-sasakyan ang kumitil sa kanyang buhay at sa isa pang kaibigan. Durog ang aming mga puso. Ilang linggo kaming ‘shocked’.  Bigla na lang, ang aming pamilya ng apat ka-tao ay naging tatlo na lamang dahil ang isa ay marahas na kinuha sa amin. Kaming mag-asawa at ang aming 15-taong-gulang na anak, si Chris, ay nagsikapit sa isa’t isa, sa aming mga kaibigan, at sa aming pananampalataya. Ang tanggapin ito nang kahit paisa-isang araw ay labis labis pa din, kaya ko lang gawin ito nang paisa-isang minuto. Ang akala ko ay hindi na kami lulubayan ng sakit ng pagdadalamhati.

Ang pagdalaw sa puntod ni David ay nagbigay-lunas sa matinding hapis ng pagkawala. Dinadalaw ko ang kanyang puntod kahit man lang minsan sa isang linggo. Maayos ang pangangalaga sa libingan sa aming munting bayan. Nakadagdag sa katahimikan nito ang nakakaayang damuhan at mga puno. Ang daan patungo sa libingan ay paikot kaya’t makikita mula sa anumang dako ang sinumang lumalabas o pumapasok sa sementeryo.

Isang araw, habang nakaupo sa damuhan sa tabi ng libingan ng aking anak, nagsimulang tumulo ang luha sa aking mukha. Labis akong nag-aalala kay Chris na nahihirapang harapin ang pagkawala ng kanyang nag-iisang kapatid. Matapos kong ibuhos ang aking pighati, pinahid ko ang luha sa aking mga mata at nagmasid sa paligid ng sementeryo. Nakita ko ang isang batang lalaking may ginintuang buhok, nakasuot ng puting kamiseta, ang mahusay at walang kahirap hirap  na nagbibisekleta, na ikinabighani ko. Napatigil ako at nagtaka kung bakit ang isang bata ay namimisekleta sa sementeryo. Saglit akong sumuyap pababa sa puntod ng aking anak, ngunit nang tumingin ako pabalik, ang batang may ginintuang buhok ay naglahong iglap sa aking paningin. Naramdaman ko, mula sa kaibuturan ng aking kaluluwa, na ito ay ang aking anak na si David. Ang puting kamisetang suot ng batang lalaki ay tulad na tulad sa isang palagiang suot ni David. Parang dinalaw ako ni David sa sementeryo nung araw na iyon upang aliwin at ipaalam sa akin na siya ay payapa na.

Hanggang sa araw na ito, hindi ko maipaliwanag ang tagpong iyon, ngunit ang alaala nito ay inukit ng Banal na Espirito sa aking puso magpakailanman. Naniniwala ako na ipinagkaloob ng Diyos ang makalangit na tagpong ito upang patunayan sa akin na ako ay hindi mag-isang nagdadalamhati. Si Hesus ay tumatangis kasama ko at pinapahidan ng Banal na Espirito ang aking luha, pa-isa-isang araw. “Ang Diyos ang ating kublihan at tapang, isang palagiang tulong sa pagkabagabag.” Awit 46: 1.

Matapos ang mahiwagang tagpong ito, gumaan ng kaunti ang mabigat kong pasanin. Kahit na maraming taon na ang nakalipas mula nang pumanaw ang aming David, ang kalungkutan sa pagkawala ng aming anak ay nanatili sa aming mga puso.  Ang dalamhati ay walang hangganan. Naiibsan ito sa paglipas ng panahon, ngunit ang mga ina at mga ama ay patuloy na nagdadalamhati. Nakakadama ako ng kaginhawahan sa pag-asang makikita naming muli ang aming mahal na anak balang araw.

Kapag ang sakuna at kamatayan ay dumating sa isang pamilya, ang bawat isa ay mapupuspos ng kalungkutan. Malaking paghamon ang harapin ang pagkawala, inilulubog tayo sa malalim at madilim na mga valleys; ngunit ang pag-ibig ng Diyos at ang Kanyang kamangha-manghang biyaya ay muling makakapagbigay ng sinag ng sikat ng araw at ng pag-asa sa ating buhay.

“Yanigin man ang mga bundok at ang mga burol ay alisin, ang Aking walang maliw na pag-ibig sa iyo ay hindi pa din mayayanig, o dili kaya’y maaalis ang Aking tipan ng kapayapaan ,” sabi ng Panginoon, na may pagkahabag sa iyo. Isaias 54:10.

Share:

Connie Beckman

Connie Beckman is a member of the Catholic Writers Guild, who shares her love of God through her writings, and encourages spiritual growth by sharing her Catholic faith

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles