Home/Magturo ng Ebanghelyo/Article

Mar 23, 2023 708 0 Bishop Robert Barron
Magturo ng Ebanghelyo

ANG APAT NA PARAAN UPANG PALAKIHIN ANG SIMBAHAN

Noong nakaraang linggo, nakipagkita ako sa mga dikano ng aming diyosesis upang talakayin ang ilang mga paksa, ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang kasalukuyang paraan ng pagsasama ng ilang mga parokya namin at muling pagsasaayos ng mga iba pa bilang mga kulumpol.  Itong mga hakbang, na naglaganap na sa lumipas na maraming taon, ay napagkailanganan ng ilang mga dahilan: ang umuunting bilang ng mga pari, mga pagpapalitan ng dami ng mga tao sa aming mga lunsod at mga purok, mga kabigatan ng ekonomya, atbp.  Kahit na ihinayag ko ang aking pagpayag para sa ilang mga pagbabago nito, sinabi ko sa mga dikano na, para sa bawa’t maayos na paraan ng pagtatatag, kailangan ko rin ang maayos na paraan sa pagpapalaki.

Payak na aking tinanggihan ang mungkahi na ako, o sinomang obispo, ay dapat na mamagitan sa dalisdis ng aming mga simbahan.  Sa sariling kalikasan nito, ang Kristiyanismo ay pumapalayo, gumagawing palabas, pandaigdigan sa layunin at saklaw.  Hindi sinabi ni Hesus, “Ipangaral ninyo ang Ebanghelyo sa Ilan sa inyong mga kaibigan,” o “Ipahayag ninyo ang Mabuting Balita sa inyong kultura.”  Bagkus, winika Niya sa kanyang mga disipulo: “Lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa ay naibigay na sa akin.  Kaya humayo kayo at mag-alap ng mga disipulo ng lahat ng mga bansa, bibinyagan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espirito Santo” (Mateo 28:18-19). Ibinilin din Niya sa Kanyang mga alagad na ang mga pinakapintuan ng impiyerno ay hindi magwawagi laban sa mandirigmang Simbahan na Kanyang itinaguyod. Kaya naman, sa pananatili ng mga bagay na nariyan na, o pangangasiwa ng mga suliranin, o pagsulong sa tubig ay totoong hindi ang ninanais o inaasam ni Hesus mula sa atin.

Pahintulutan akong sabihin, kaagad, na ang pagpapalawak ng ating Simbahan ay hindi nangangahulugang tungkulin na natatangi lamang para sa mga obispo at pari.  Gaya ng malinaw na itinuturo ng Vatikan II, ang bawat binyagang Katoliko ay inatasan na maging isang tagapagturo ng Mabuting Balita; kaya lahat tayo ay sama-sama dito.  Samakatuwid, ano ang ilan sa mga paraan ng paglago na maaaring gamitin ng sinumang Katoliko?  Ang una kong tatampulan ay ito lang: bawat mag-anak na palagiang nagsisimba ay kinakailangang gawin nilang pang-ebanghelyong pananagutan ang magdala ng isa pang pamilya sa Misa sa darating na taon.  Bawat matapat na nagsisimba na bumabasa sa mga salitang ito ay kilala kung sino ang mga taong dapat na nagsisimba ngunit hindi.  Sila marahil ay ang sarili mong mga anak o apo.  Sila marahil ay mga kasamahan sa trabaho na dating masigasig na mga Katoliko at napalayo lamang sa paggampan ng pananampalataya, o marahil mga taong galit sa Simbahan.  Kilalanin ang mga gumagala na tupang ito at gawin mong hámon na pang-ebanghelyo ang dalhin sila pabalik sa Misa. Kung matagumpay nating nagawa ito, madodoble natin ang laki ng ating mga parokya sa isang taon.

Ang pangalawang tagubilin ay ang manalangin para sa pagpapalawak ng Simbahan.  Ayon sa Kasulatan, walang dakilang bagay ang naisagawa kailanman maliban sa panalangin.  Kaya’t hilingin sa Panginoon, mapilit, taimtim, kahit pa maging matigas ang ulo, na ibalik ang Kanyang nakakalat na mga tupa.  Gaya ng kung paanong kinailangan nating magsumamo sa panginoon ng pag-aani na magpadala ng mga manggagawa at magsipagtipon sa kaniyang anihan, gayon din naman na kailangan nating magmakaawa sa Kaniya na palakihin ang kaniyang kawan.  Hinihikayat ko ang mga matatanda at papauwi na sa parokya na gawin ang naturang gawain na ito.  At maaari kong hilingin sa mga panayang nagsasagawa ng Pagsamba sa Eukaristiya na gumugol ng labinlima o tatlumpung minuto sa isang araw na humihiling sa Panginoon para sa nasabing pabor na ito.  O iminumungkahi ko na ang mga tagaplano ng liturhiya ay isama ang mga petisyong para sa paglago ng parokya sa mga panalangin ng mga mananampalataya sa PanLinggong Misa.

Ang pangatlong pag-uutos ay anyayahan ang mga naghahanap na itaas ang kanilang mga katanungan.  Alam ko mula sa madaming konkretong karanasan sa nakalipas na dalawampung taon na madaming kabataan, maging ang mga nag-aangkin ng poot sa pananampalataya, ay talagang interesado sa relihiyon.  Tulad ni Herodes na nakikinig sa pangangaral ni Juan Bautista sa bilangguan, maging ang mga tila hindi ayon sa relihiyon ay pupunta sa mga pahinarya ng relihiyon at harapin nang mabuti ang tinatalakay.  Kaya’t tanungin ang mga naging hindi-kaakibat kung bakit hindi na sila dumadalo sa Misa.  Baka mabigla ka kung gaano sila kahanda na sabihin sa iyo.  Ngunit pagkatapos, kailangan mong sundin ang mungkahi ni San Pedro:  “Maging laging handa na magbigay ng paliwanag sa sinumang magtatanong sa iyo ng dahilan para sa iyong pag-asa” (1 Ped. 3:15).  Sa madaling salita, kung magtatanong ka, mas mabuting maging handa kang magbigay ng ilang mga sagot. Nangangahulugan ito na kailangan mong pagtibayin ang iyong teolohiya, ang iyong apologetics, ang iyong Kasulatan, ang iyong pilosopiya, at ang iyong kasaysayan ng simbahan.  Kung mukhang nakakatakot iyan, tandaan na sa nakalipas na dalawampu’t limang taon o higit pa ay nagkaroon ng pagsabog ng literatura sa mga lugar lamang na ito, na tumpak na nakatuon sa mga uri ng mga tanong na madalas itanong ng mga kabataang naghahanap—at karamihan sa mga ito ay madaling makukuha onlayn.

Ang ikaapat at huling mungkahi na gagawin ko ay ito lang: maging mabait. Si Sherry Waddell, na ang Pagbuo ng Sinasadyang mga Disipulo ay naging isang makabagong klasiko sa larangan ng ebanghelisasyon, na ang isang mahalagang unang hakbang sa pagdadala ng isang tao sa pananampalataya ay ang pagtatatag ng pagtitiwala.  Kung ang isang tao ay nag-iisip na ikaw ay isang mabuti at disenteng tao, siya ay mas malamang na makinig sa iyo na magsalita tungkol sa iyong pananampalataya.  Maaari ba akong magsalita ng tapatan?  Kahit na ang pinaka-hindi sinasadyang sulyap sa Katolikong pakipagtalastasan sa onlayn ay nagpapakita ng napakadaming kasuklam-suklam na pag-uugali. Napakadaming tila nagnanais na ibulalas ang kanilang sariling kawastuhan, tumutuon sa makitid na mga isyu na hindi maintindihan at walang kaugnayan sa karamihan ng mga tao, at wasakin ang kanilang mga kaaway.  Natatakot ako na ang katotohanang ito sa pakipagtalastasan sa onlayn ay maaaring isang pagpapalakas ng mga saloobin sa Simbahan sa labas ng puwang na didyital.  Ang mga saloobing ito ay salungat sa ebanghelisasyon.  Ang isang kasamahan ko ay nagkuwento na sa kanyang pakikipag-usap sa mga hiwalay at hindi kaanib na ang nagpapalayo sa kanila sa Simbahan ay ang kanilang karanasan sa kung ano ang kanilang inilarawan bilang kahalayan sa mga mananampalataya. Kaya sa onlayn at sa totoong buhay, maging mabait.  Walang sinuman ang magiging interesado na madinig ang tungkol sa buhay pananampalataya ng malinaw na masaklap at nalulumbay na mga tao.

Kaya, mayroon tayong mga utos sa paglisan ipahayag ang Panginoong Hesu-Cristo sa lahat ng mga bansa.  Magsimula tayo sa sarili nating mga parokya, sa sarili nating mga pamilya.  At huwag na huwag tayong magpakatatag para sa pagpapanatili ng pangkasalukuyang katayuan.

Share:

Bishop Robert Barron

Bishop Robert Barron

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles