Home/Magturo ng Ebanghelyo/Article

Sep 01, 2021 1028 0 Bishop Robert Barron, USA
Magturo ng Ebanghelyo

ANG AKLAT NG EXODO AT BAKIT ANG PAGBALIK SA MISA AY MAHALAGA?

Kaugnay sa aking proyektong akademiko, kamakailan ay masinsinan kong binabasa ang aklat ng Exodo at pagdaka’y maraming komentaryo.  Ang pumapangalawang pinakabantog na aklat ng Lumang Tipan ay hinggil sa uri ng paghugis ng Diyos sa kanyang mga tao upang sila ay maaaring maging maningning na tanglaw, isang bayan sa tuktok ng bundok. Base sa makasaysayang pagbasa ng bibliya, ang bansang Israel ay tunay na napili, ngunit ito ay ni-kaylan napili para sa sariling kapakanan nito kundi para sa lahat ng mga bansa ng mundo.

Masasabi ko na ang pagbuong ito ay nagaganap sa tatlong mga pangunahing yugto:  una, tinuturuan ng Diyos ang Israel na manalig sa Kanyang kapangyarihan; ikalawa, binibigyan Niya ang Israel ng moral na batas; at ikatlo, tinuturuan Niya ang Kanyang mga tao ng kabanalan sa pamamagitan ng tamang papuri.  Ang araling inihahabilin ay tiyak na nangyayari sa pamamagitan ng dakilang gawa ng pagpapalaya ng Diyos. Ang mga walang  bisang alipin ay lubusang nakakatagpo ng kalayaan, hindi sa pag-asa sa sarili nilang kakayanan kundi  sa mapagmahal na pamamagitan ng Diyos.  Ang moral na tagubilin ay nagaganap sa pamamagitan ng Sampung Utos at kanilang kalakip na batas. Sa wakas, ang pagbubuo  sa kabanalan ay nangyayari sa pag sang-ayon sa detalyadong lipon ng mga pansamba at seremonyal na pag-uutos. Ito ay ang pinakahuling galaw na marahil na mabibigyang-pansin natin sa ngayon na pinaka-kakaiba, ngunit, aking maipagtatalo, may partikular na alingawngaw sa ating kakaibang panahon ng COVID.

Tila kusang malinaw marahil sa karamihan sa atin, na ang moral na tagubilin ay kasali sa pag-aral sa relihiyon. At ito ay dahil tayo ay, ayaw man natin o gusto, Kantiyanista.  Noong ika-labing-walong siglo, si pilosopo Immanuel Kant ay pinagtalo na ang kalahatan ng relihiyon ay mababawas sa etika.  Ang bagay ng relihiyon ay, sa bandang huli, pinaglaban ni Kant, tungkol sa pagiging mas makatarungan, mapagmahal, mabait at maawain. Sa kapanabay na wika, ang Kantiyanismo sa relihiyon ay tumutunog na katulad nito:  “Hangga’t ikaw ay mabuting tao, hindi talaga mahalaga kung ano ang paniwala mo at kung paano ka sumamba.”

Walang alinlangan na ang aklat ng Exodo at ang Bibliya sa pangkalahatan nito ay sumasang-ayon na ang moralidad ay mahalaga sa pagbuo ng panalangin ng mga tao ng Diyos.  Yaong mga naghahangad na sumunod sa Panginoon, Siya na katarungan at pag-ibig, ay dapat nakaayon sa katarungan at pag-ibig.  At dahil dito ay matatagpuan natin ng katiyakan, sa dakilang tipan ng Sinai, ang mga pag-uutos na huwag magnakaw, huwag makiapid, huwag mangimbot, huwag pumaslang, at iba pa. Hanggang sa ngayon, Kantiyanista.

Ngunit marahil ang ikinagugulat ng karamihan ng mga magkapanabay na mambabasa ng aklat ng Exodo ay, kaagad na matapos na maisaysay ang mga moral na pag-uutos, halos ginugugol ng may-akda ang mga nalalabing paksa, mula sa kapitulo 25 hanggang 40, sa paglalarawan ng mga tagubiling pang-liturhiya, na susundin ng mga tao.  Kaya bilang halimbawa, matatagpuan natin ang mahabang bahagi sa pag-gawa ng Kaban ng Tipan: “Sila ay gagawa ng Kaban mula sa punong-kahoy ng akasya; ito ay dapat na may haba na dalawa’t kalahating kubit, may lapad na isa’t kalahating kubit, at may taas na isa’t kalahating kubit.  Kakalapkapan ninyo ito ng purong ginto, labas at loob ay kakalapkapan ninyo ito.” At bilang palamuti sa itaas ng kaban, “Gagawa kayo ng dalawang ginintuang kerubin… Gumawa ng isang kerubin sa isang dulo, at isang kerubin sa kabila… Ang mga kerubin ay dinidipa nila ang kanilang mga bagwis sa itaas, nilililiman ang luklukan.”  Ang sunod ay matatagpuan natin ang mga tagubilin na may kinalaman sa mga detalyadong kagamitan sa loob ng tabernakulo, kasama ang lampara, ang mesa para sa kung tawagin ay “tinapay ng pagharap,” mga haligi at iba-ibang mga sinasabit.  Sa pinakahuli, ang napakalaking kabuuan ng ispasyo ay iniukol sa paglalarawan ng mga kasuotang gagamitin ng mga pari ng Israel.  Dito ay isang halimbawa: “Ito ang mga kasuotan na gagawin nila: isang piyesang suot sa dibdib, isang epod, isang balabal, isang dawa-dawang tuniko, isang turban, at isang sintas sa baywang. Sa pag-gawa nila nitong mga sagradong kasuotan…  sila ay gagamit ng mga ginintuan, bughaw, lila, at matingkad na pulang sinulid, at pinong lino.”

Ni walang pahiwatig na binibigay na ang mga moral na tagubilin ay mas mahalaga kaysa sa mga liturhiyang tagubilin.  Kung kahit anuman, ang salungat ay tilang mas maipagpapalagay, pagka’t ang Exodo ay kaagad na sinundan ng aklat ng Levitico, na nagbubuo ng dalawampu’t-walong mga kabanata ng mga pag-uutos ng pandiyeta at liturhiya.   Kaya, ano bilang mga makabagong Kantiyano ang magagawa natin dito?  Una, dapat nating mapuna na ang biblikal na mga may-akda ni-isang saglit ay hindi inisip na ang Diyos ay nangangailangan ng liturhiyang katapatan, na parang ang kawastuhan ng ating pagsamba ay nakakadagdag sa Kanyang pagiging perpekto, o nakabibigay ng lugod sa sikolohikal na pangangailangan Niya. Kung ikaw ay nagkikimkim ng pag-aalinlangan sa puntong ito, ipapayo ko ang maingat na pagbabasa ng unang kapitulo ng propeta Isias at ng ika-limampung salmo.  Hindi kailangan ng Diyos ang Kaban, ang tabernakulo at mga ng pari at palagiang pagsamba, ngunit kailangan natin.  Sa pamamagitan ng mga kilos at ng mga simbolo ng liturhiyang papuri, ang Israel ay nakasang-ayon sa Diyos, nakahanay sa Kanya.  Ang moral na batas ay pinapatnubayan ang mga kalooban natin tungo sa banal na kabutihan, ngunit ang liturhiyang batas ay pinapatnubayan ang ating mga isip, mga puso, mga emosyon, at, oo, kahit ang ating mga katawan sa banal na karilagan.  Punahin ang seremonyal na tagubilin ng Exodo kung paano na puspusang isinasangkot ang kulay, tinig at amoy (mayroong napakaraming bagay hinggil sa insenso), at paano tumutulong ang mga ito   sa produksyon ng kagandahan.

Isinaad ko sa taas na ang pagbibigay-diin ng Exodo sa liturhiya at seremonyal ay may matimbang na kabuluhan sa panahon natin, at ito ang dahilan kung bakit.  Para sa mga pinaka-mabuting dahilan, tayo ay ganap na umiwas sa pampublikong pansamba, at kahit ngayon ang ating abilidad na sumamba ng sama-sama ay napaka limitado.  Sa mga diyosesis sa ating bansa, ang obligasyon na dumalo sa Misa tuwing Linggo ay, para sa mga mabuting dahilang muli, suspendido.  Ang aking ikinatatakot ay kapag kung dumating ang angkop na panahon, na tayo ay maaari nang bumalik sa Misa, maraming mga Katoliko ang iiwas, pagka’t sila ay nasanay na iliban ang kanilang mga sarili sa pagsamba.  At ang aking pag-aalala ay may mas partikular na Kantiyanistang anyo:  Marami bang mga Katolikong magsasabi sa sarili nila, “Alam mo, basta’t ako’y talagang mabuting tao, ano ang punto ng lahat nitong pormal na pagsamba ng Diyos?”

Maaari ko bang irekomenda na ilabas mo ang iyong Bibliya, buksan sa aklat ng Exodo, lalung- lalo na sa mga kapitulo 25 hanggang 40, at kilanlin kung gaano kahalaga sa Diyos ang tamang pagsamba na iniaalay ng Kanyang mga banal na tao? Ang liturhiya ay laging mahalaga.  Ang Misa—kabilang ang mga kasuotan, mga ritwal na pagkilos, mga amoy at mga kampanilya, awit at katahimikan—ay mahalaga pa rin, matimbang.  Hindi ba sapat na ikaw ay mabuting tao?  Hindi upang ilagay ang pinong punto dito:  hindi.

Share:

Bishop Robert Barron

Bishop Robert Barron is the founder of Word on Fire Catholic Ministries and is the bishop of the Diocese of Winona–Rochester. Bishop Barron is a #1 Amazon bestselling author and has published numerous books, essays, and articles on theology and the spiritual life. ARTICLE originally published at wordonfire.org. Reprinted with permission.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles