Home/Makatawag ng Pansin/Article

Apr 21, 2022 1245 0 Connie Beckman
Makatawag ng Pansin

ANG AKING ITAY MALAKAS

Ang aking Itay ang siyang nagpasimuno sa akin upang tuklasin ang pinakadakilang Ama sa lahat

Ang aking Itay ay umuwi na upang makasama ang kanyang Ama sa Langit noong ika-15 ng Hunyo, 1994. Kahit hindi ko na siya pisikal na kasama, ang kanyang espirito ay nabubuhay sa aking alaala. Ang mga aralin na itinuro niya sa akin sa buong buhay ko ay nakatulong sa akin na maging ang taong pinagsusumikapan kong maging ngayon. Ikinintal niya sa akin ang isang taos na paggalang sa lahat ng tao, bata at matanda. Tulad ng madaming bagay sa buhay ko, kinailangan kong matutunan ang aral ng paggalang sa mga tao sa mahirap na paraan. Naaalala ko ang araw; sinimulan kong sumagot-sagot sa aking ina at inilabas ko pa ang aking dila sa kanya. Ito ay abot-tanaw at abot-dinig ng aking ama at, hindi na kailangang sabihin pa, nakatanggap ako ng palo at mabuting pangaral tungkol sa paggalang kay Inay. Ngayon maaaring sabihin ng ilan, iyon ay isang asal-bata lamang na ilabas ang dila, ngunit para kay Itay ito ay lubos na kawalan ng paggalang at dapat harapin. Natutunan ko nang mabuti ang pangaral na igalang si Inay at iba pang mga nakatatanda na may karapatan.

Ang Tatay ko ay isang masipag na mágmiminá sa ilalim ng lupa sa mga minahan ng tanso sa Butte, Montana. Naniniwala siya sa pagsusumikap at pagtataguyod sa kanyang mag-anak sa abot ng kanyang makakaya. Ang pagmimina ay mapanganib na gawain. Ilang ulit siyang nasaktan sa kanyang panunungkulan. Noong 1964, napinsala siya sa isang matinding sakuna sa pagmimina, na nagbigay wakas sa kanyang panunungkulan sa pagmimina at ang kakayahan niyang manungkulang muli.

Ito ay isang napakahirap na panahon para sa kanya at sa aming mag-anak. Pinilit niyang tanggapin ang katotohanan na hindi na siya maaaring makapaghanap-buhay at kinailangang tumanggap siya ng bayad para sa kapansanan. Para sa isang taong tapat sa pagkalinga, asawa at ama, ito ay mapanira. Si Itay ay nagsimulang maglasing, nagsisikap na ilunod sa isang bote ang kanyang mga kaguluhan. Gayunpaman, sa loob ng isang buwan, isang bagay ang nagsimulang mangyari sa sariling puso ni Itay. Tumigil siya sa pag-inom at nagsimulang basahin ang Biblia. Ang aking ama, na may ikalimang grado ng pag-aaral, ay nagsimulang basahin at unawain ang Salita ng Diyos sa kanyang puso. Araw-araw, bawat oras, nag-aaral siya at nagninilay sa Salita ng Diyos. Binago ng Diyos ang puso ng aking ama. Siya ay nagsimulang mamuhay bawat araw, na may pag-ibig ng Diyos sa kanyang puso.

Kinalugdan niya ang buhay sa kabuuan sa kabila ng pagtitiis ng madaming makadurog-pusong mga pagkakataon, kabilang na ang pagkawala ng isang anak na babae sa isang sa sakuna sa sasakyan noong ito ay 18 taong gulang. Ang aking mga magulang ay biniyayaan ng apat na apong lalaki at isang apong babae. Bilang isang Lolo, wala siyang paborito. Pakiramdam ng bawat apo ay siya ang mansanas ng mata ni Lolo.

Kahit binawi ng sakuna sa minahan ang kanyang kakayahang maghanapbuhay, ang kinalabasan nito ay isang napakagandang pagpapala para sa aming lahat. Nagkaroon siya ng panahon na makasama ang bawat apo at maibigay sa kanila ng kanyang buong pansin at pagmamahal. Tinuruan ni Itay ang bawat isa sa kanyang mga apo kung paano magmaneho ng kanyang lumang Datsun pickup madaming taon bago sila legal na makapagmaneho. Ang kanyang sakuna sa pagmimina ay nag-iwan sa kanya ng isang kapansin-pansing pag-ika na sinikap gayahin ng kanyang mga apong lalaki nang paglakad tulad ni Lolo. Napakagandang pagmasdan si Itay at ang kanyang mga apo na samasamang naglalakad sa kalsada—lahat ay halatang umiika. Lahat sila ay tumingala kay Lolo at ninais na maging tulad niya. Mahaba ang kanyang pasensya ngunit higit sa lahat, pinaglaanan niya ng panahon na makasama ang bawat isa sa kanila, tinamasa ang bawat sandali ng kanilang pagsasama.

Bilang isang ginang na may sariling mga anak, madaming ulit kong puntahan si Itay upang hingan ng payo at pampatibay-loob. Buong puso siyang nakikinig, sinisikap na hindi manghatol, bagkos, lagi akong hinihikayat na manalangin at magtiwala sa Diyos na lutasin ang mga bagay-bagay. Sa pamamagitan ng kaniyang halimbawa, nagsimula din akong magbasa ng Bibliya. Madami akong mahalagang alaala ng aking Itay. Ngunit ang pinakamahalagang bagay na itinuro niya sa akin ay ilagay ang aking sarili araw-araw sa Mapagmahal na presensya ng aking Ama sa Langit upang ako ay matuto mula sa Amang pinakadakila sa kanilang lahat.

Share:

Connie Beckman

Connie Beckman is a member of the Catholic Writers Guild, who shares her love of God through her writings, and encourages spiritual growth by sharing her Catholic faith

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles