Home/Makatagpo/Article

May 12, 2022 467 0 Jenson Joseph, USA
Makatagpo

AKO AY PINALAYA NIYA

Pinapasan ko yaong mga sugat na nagmula sa nakaraan na lubusan akong napasailalim. Mga hindi inaasahang silakbo ng galit at pagkalulok sa mga makasalanang ugali ay inakay ako patungo sa hukay hanggang…

Nang ako’y pumasok ng mataas na paaralan sa Chicago, ang mga lahiang paghahamok ay napakarami. Ako’y nabibilang sa pangkat ng mga di-karamihang lahi at noong panahon ko sa eskuwela, madalas kong hinarap at tiniis ang pagtatangi-tangi. Sa apat na taóng yaon, ako’y niligalig ng mga mapanirang salita, at dinamdam ko ang pagdusa dahil sa panunukso at pangungutya. Ako ang uri ng tao na hindi sumumbat sa tuwing hinarap ko ang pangungutya, ngunit tinanggap ko ang lahat ng mga pasalansang na mga damdamin na nagmula sa makadiwa at pangkatawang paninigalig at inilibing ko ito sa kailalimlaliman ng aking puso.

Gayunman, ang pagtatago ng lahat ng pananalansang sa looban ay lubusang nakasamâ sa akin. Ang mga pakikipag-ugnayan ko sa aking mga magulang, mga lalaking kapatid, at ibang mga kamag-anak ay nagdusa. Minsan ay magkakaroon ako ng biglaang silakbo ng galit at magbibitiw upang saktan sila ng di-kanais-nais at masasakit na mga salita. Ako ay nagumon sa ilang masasamang ugali.

Bagama’t alam ko na ang mga ito’y masasama at nagnais akong talikdan ang mga ito, ako ay nakihamok nang walang kabuluhan upang mapalaya ang aking sarili. Patuloy akong lumalagpak sa dating masasamang gawi at hindi ko mapigil ang aking galit. Sa isang pagtitipon naming mag-anak, ako’y nagalit ng labis na nahantong ito sa pakikipag-away sa aking bunsong kapatid. Ako’y naging matakutin sa aking sarili sa pagtantong kinakailangan kong gawan ng paraang maalis itong suklam at galit na nananalaytay sa ilalim ng aking kaloob-looban.

Ano Ang Nakabihag Sa Akin?

Dahil sa biyaya ng Diyos, noong unang taon ko sa mataas na paaralan, ako’y dumalo sa isang pangkabataang Pagbalik. Sa Pagbalikt na ito, nakita ko ang mga kabataan na napakasabik sa Diyos at ang kataimtiman ng pag-ibig sa Kanya ay nangintab sa mga mukha nila. Sa kauna-unahang tagpo ng buhay ko, nakakilala ako ng mga kabataan na hindi natatakot na magsalita tungkol sa Diyos o magbahagi ng kanilang mga mapanalig na karanasan. At ako’y tunay na nabighani nito.

Ako ay lumaki na sa isang mabuting mag-anak na Katoliko at inakala kong alam ko ang lahat tungkol sa Diyos, ngunit ito’y nanatili sa pangkaisipang antas at ni- kailan ay lumipat sa aking puso. Gayunman sa  Pagbalik na ito, nakita ko ang mga kabataan na totoong naibigan na isinasabuhay ang kanilang pananalig at sila’y napakaligaya. Sa kabila ng katunayan na ako at mga kaibigan ko ay natatawa dahil para sa amin ang ginagawa nila’y katawa-tawa, sila na naglilingkod sa amin ay hindi mapigilan sa anumang paraan.

Sila ay napakasaya na sila’y naroon at napakagiliw sa pananalig na ninais kong makamit kung ano itong mayroon sila, upang maging puno ng ligaya, upang maging masaya at maibigan ang buhay. Kaya ako ay nanalangin, “Panginoon, nais kong maging ganyan, nais ko iyan.”

Pagkatapos ng Pagbalik, nagkaroon ako ng pagkakataong dumalo ng maraming pang Pagbalik. Pupunta ako ng kahit papaano’y isa o dalawang ulit sa isang taon at nasimulan kong maging masigasig sa ministeryong pangkabataan. Nagkaroon ako ng pagkakataon na maging bahagi ng pangkat na naglilingkod sa mga kabataan para sa Catholic Charismatic Renewal sa Chicago at ako’y nagtrabaho sa ministeryong pangkabataan na kasama ang ibang mga taong may hustong gulang. Yaon ay isang kahanga-hangang panahon para sa akin.

Tinututulan Siya

Ako’y nagsimulang umunlad sa pananalig ko at, kasabay nito, naipamamahagi ko aking pananalig sa iba.

Ngunit kahit ako’y nagpatuloy sa aking ministeryo, ako’y nakikipaghamok pa rin ng minsan sa makasalanang mga gawi at mga silakbo ng poot. Ito’y totoong nakapagbibigay ng lungkot sa akin dahil nagsisikap akong ipamahagi ang mabuting balita ni Kristo sa iba, ngunit ang sarili kong mga kasalanan ay pinipigilan ako at hindi ko pa rin magpatawad ang mga taong nanakit sa akin. Ako’y lubhang nagnais ng kalayaan sa pagka-alipin nitong mga kasalanan.

Nang nanangis ako sa Diyos sa kawalan ng pag-asa, nadama ko ang Panginoon na sinasabihan ako, “Jenson, nais Kong malunasan ka. Nais kitang palayain mula sa lahat nitong pananalansang na sa kaloob-looban ng iyong puso, ngunit para ito’y magawa, kinakailangan Kong samahan ka sa bawat-isa sa lahat ng yaong mga masasakit na tagpo at madampi ang yaong mga masasakit na gunita ng Aking kamay na nahugasan sa Aking dugo na naidanak para sa iyo sa Kalbaryo.” Ako’y natakot at masindaking tumugon, “Panginoon, hindi ko nais na ukilkilin yaong mga salungat na karanasan. Ito’y napakasakit sa akin.” Kaya lagi kong tinututulan ang Panginoon sa tanang pag-eskuwela ko sa haiskul—ako’y nagpatuloy na magdanas ng masasakit na kalagayan, ang Panginoon ay paulit-ulit akong sinabihan na nais Niya akong mapagaling, ngunit paulit-ulit ko Siyang tinututulan. Nagpatuloy akong magtrabaho sa pangkabataang ministeryo ngunit ako’y nagiging mas lalong nasisiraan ng loob dahil hindi ko matagpuan ang walang-hanggang kaligayahan.

Muling Pagdalaw sa Mga Dusa

Pagkatapos ng mataas na pag-aaral, ako’y pumasok sa isang Katolikang pamantasan sa Chicago. Ito’y isang kaaya-ayang kapaligiran dahil, sa kauna-unahang tagpo sa buhay ko, hindi ako nakaranas ng anumang pagtatangi-tangi. Tinanggap ako ng mga tao kung sino ako. Nagsimula akong magnais ng matindi na tuwing ako’y nakatanggap ng ligaya sa Panginoon ito’y mananatili hanggang kinabukasan o buong linggo. Sa aking kabiguan, patuloy akong nalululok sa mga nakaugaliang kasalanan at mga silakbo ng galit. Ako ay tumawag sa Panginoon na nagsasabing, “May dapat na kailangang magbago. Nais kong maging malaya; nais kong pawalan ang aking nakalipas sapagkat pinipigil ako nito bilang bihag.” At ang Panginoon ay patuloy na sinasabihan ako na, “Nais Kong gawin iyan para sa iyo, ngunit kailangang bigyan mo Ako ng pahintulot na gawin ang bagay na iyan.” Ngunit tumugon ako, “Hindi maaari!” Hindi ko nais na dalawing muli yaong mga taón sa haiskul na napakasakit.

Isang araw, sa katapusan ng Pagbalik, isa sa mga may-gulang na katrabaho ko sa pangkabataang ministeryo (na nakaaalam ng lahat ng paghihirap at nakaraan ko) ay lumapit sa akin na nagsasabing, “Jenson, may isang bagay na nais kong gawin mo sa akin. Nais kong ilagay mo ang iyong mga kamay sa aking mga balikat. Nais kong tumingin ka sa akin ng iyong mga mata at nais kong makita mo ang isa sa mga taong nanakit sa iyo noong haiskul. Nais kong sabihin mo sa taong ito kung ano ang ginawa niya sa iyo, at pagkatapos ay nais kong sabihin mo, ‘Pinatatawad kita.” At bilang unang pagkakataon sa buhay ko, hindi ako tumutol.

Ako’y hindi nagkaroon ng lakas na tumutol. Sinabi ko, “Ako ay handa na ngayon. Nais kong tahakin na kaagapay ito.” At kaya sinimulan kong gawin ito nang isa-isa. Nang tumitingin ako sa aking babaeng kaibigan, hindi ko nakita ang kanyang mukha. Sa aking likhang-isip, sinaliksik ko sa loob ng aking alaala upang hanapin at isalarawan ang bawat taong nanakit sa akin sa haiskul. Sinabi ko sa bawat-isa sa kanila kung ano ginawa niya sa akin, at pagkatapos ay sinabi ko, “Pinatatawad kita.” Nang sinimulan kong gawin ito, ako’y nag-umpisang umiyak nang walang tigil. Tuwing isinasaad ko ang mga atas ng kapatawaran, “Pinatatawad kita sa ginawa mo sa akin”, naramdaman kong mayroong mabigat na napawing palabas sa akin.

Ilog ng Pag-ibig

Ito ay isang mahabang gabi ng dasal, ngunit ito ang pinakamabisang karanasan ng paghihilom ng aking buhay. Habang ang bigat ng dalamhating ito ay naglaho sa akin sa bawat gawa ng pagpapaumanhin, nadama kong lalung-lalong gumaan ang puso ko. Isa sa mga kaibigan ko, na kahawig si Jesus dahil sa kanyang mahabang buhok, ay tumayo ng malapit sa akin nang matapos ang dasal. Nadama kong ako’y napakagaan na tila lumutang ako sa kanyang mga kamay. Habang tangan niya ako, nadama kong tila si Jesus ang tumatangan sa akin na malapit sa Kanyang Puso, niyayakap ako. Ang aking puso ay nakadama ng pagkawalang laman ng kabigatan na matagal na nitong pinapasan. Patungo sa hungkag na ito, daglian kong nadama ang pag-ibig ng Diyos na umaagos tulad ng ilog sa aking puso, pinupuno ako ng kapayapaan, pag-ibig at ligaya. Sadyang naibigan ko itong sandali, nilalasap ang kapayapaang matagal ko nang ninanais. Tiyak na nadama ko sa wakas na ako’y lubusang malaya sa bigat ng kasalanan, kakulangan at kahihiyan na nilulupig ako. Ang Panginoon ay lubusang hinugot ang lahat ng mga salansanging bagay at ihiniwalay ito sa akin.

Bakit ito naganap? Dahil naabot ko ang dako ng pagkawalang-bahala na kung saan ay humiyaw ako sa Panginoon ng tulong upang makawala sa pamumuhay na makasalanan, at saka sumang-ayon sa Kanyang panlunas. Sinabi na ng Panginoon, “Nais Kong palayain ka. Ako ang sugatang Manggagamot, mahal kita, inialay Ko ang Aking buhay sa iyo.” Nais Niyang samahan akong maglakad patungo sa aking bawat karanasang masasakit, upang makibahagi sa aking sakit at dalhin ang Kanyang nakahihilom na dampi sa aking mga sugat. Nang pinahintulutan ko Siyang gawin ito, hindi ako hinayaan ni Jesus na lumakad nang mag-isa. Siya’y lumakad na nasa tabi ko, ibinabalik ako sa bawat isang masakit na tagpo, tinutulungan akong ilarawan kung anong nangyari sa taong nanakit sa akin at patawarin siya nang tapat. Binigyan Niya ako ng biyayang gawin yaon, at naidanak nang pangmatagalan ang mabigat na pasanin na matagal ko nang dinadala.

Siya’y Naghihintay sa Iyo

Ang Diyos ay nais tayong pagalingin nang pangmatagalan at gawin tayong buo. Hindi Siya gumagawa ng bahagyang gawain sa atin. Kung nagtitiwala tayo sa Kanya, tatapusin Niya ang gawain na sinimulan Niya at pagagalingin tayo nang lubusan. Sapagkat Siya ang sugatang manggagamot, mahal Niya tayo nang labis na nakikiramay Siya sa ating dalamhati.

Ang Panginoon ay hindi tayo pinababayaan kahit na isang saglit, Siya’y nananatiling kasama tayo sa lahat ng ating mga mapapait na sandali at nakaagapay sa ating paglalakad. Nang matapos kong payagan ang Panginoon na alisin ang aking pasan, nagagawa ko nang ipagpatuloy ang buhay ko na malaya sa mga makasalanang gawî na naalipin ako. Araw-araw, dama ko ang ligaya ng Panginoon sa aking puso at ni-sino o ni-ano ang makapag-aalis ng ligayang yaon mula sa akin.

Kahit nang ako’y nagkasala at napalayo sa Diyos, nagawa kong bumalik kaagad sa pamamagitan ng sakramento ng Pangungumpisal. Ang pagtanggap ng mga grasya ng sakramento ay pinatibay ang aking pangako na mangumpisal nang madalas. Ang Panginoon ay sumaakin at hindi ko pahihintulutan ang sarili ko na muling makawala sa Kanya.

Inaanyayahan ko ang bawat-isa sa inyo na nakaranas na ng sakit na sanhi ng sariling mga sala, o mga sala ng iba, na buksan ang inyong puso kay Jesus. Siya ang sugatang manggagamot. Kayo ay mapapanag-uli Niya nang buo. Kayo ay mapanunumbalik Niya sa pamamagitan ng Kanyang mabisang panlunas. Ang kailangan lamang na gawin ninyo ay tumugon ng ‘Oo’ sa Kanya. Kapag may tiwala kayo sa Kanya at binibigyan ninyo Siya ng pahintulot na lunasan kayo, makakamtan ninyo ang pangmatagalang biyaya at ligaya. Kung sino man sa inyong buhay na kailangan ninyong patawarin, hinihimok ko kayong wikain ang mga salita ng pagpapatawad; pagkat ang pagpapatawad ay matutulutan ang nakalulunas na biyaya ng Diyos upang mabuo kayo at maidala ang kaganapan sa inyong buhay.

Share:

Jenson Joseph

Jenson Joseph has been part of Shalom Media as a speaker at the Shalom Conferences. He lives with his family in Michigan, USA. Watch his series at shalomworld.org/show/discipleship

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles