Home/Makatagpo/Article

Jan 24, 2024 250 0 Teresa Ann Weider, USA
Makatagpo

Sa Looh ng Liwanag

Ang Kasulatan na binabasa sa Misa ay laging magandang pakinggan sa aking mga tainga bilang isang batang babae.  Bagaman, pagkat ito’y nakalilito, inilalagay ko ito kabílang sa tumpok ng mga bagay na “napakahirap” na maunawaan, sa gayon ay isinasaisang-uri ang lahat ng Kasulatan bilang isang hiwaga na balang araw ay maipaliliwag kung ako’y nasa langit na kapiling ang Diyos.

Pagkaraan, bilang isang may sapat na gulang, ako’y nakarinig ng isang nakapagbabagumbuhay na sipi ni San Geronimo, “Ang pagkawalang-malay sa Kasulatan ay pagkawalang-malay kay Kristo.”  Si San Geronimo ay pinapayuhan ako na hindi ko na kailangang maghintay para sa “balang-araw.”  Sa halip, nagkaroon ako ng pahintulot ng Diyos na maunawaan at makilala si Kristo sa sandaling ito.

Ang aking lakbay sa loob ng salita ng Diyos ay tulad ng pagtatalatag ng isang panulirong larô ay naging higit na malinaw nang ang mga bahagi ay naisaayos nang tama.  Ang Kasulatan, lalo na ang Ebanghelyo ni Juan, ay isinisiwalat na ang Makapangyarihang Diwa ng Diyos, ang may-likha ng lahat, ay nagkatawang-tao pagkat ako’y minahal Niya.  Bilang bahagi ng Kanyang paglikha, nais Niya akong maging Kanyang anak, upang manahin ang Kanyang Kaharian, at manahan na kasama Siya nang payapa habambuhay.

Gayunman, ang Hari ng Kaluwalhatian ay mapagkumbabang pinili na magkatawang-tao bilang isang sanggol, nagdusa, at namatay sa krus para sa akin, upang matupad ang Kanyang plano.  Sa bawa’t lipat ng pahina, ang saklob ng pagkawalang-malay ay naitataas habang ang aking pananampalataya at pag-ibig para sa Kanya ay lumalaki; alam ko na ngayon na ako’y nakasapi sa Kanya.

Sa tulong ng Banal na Ispirito, sinusubukan kong himukin ang iba na huwag maging walang malay kay Kristo dahil sa kakulangan ng pag-unawa sa Kasulatan.  Sa loob ng maraming taon, ako at ang aking asawa ay mga tagapagtugma ng programa sa pag-aaral ng Kasulatan sa aming parokya, sa pag-aasang kami’y makapagkakayag ng iba sa Ang Diwa ng Diyos, na darating upang makilala si Hesus, ang Anak ng Diyos, na naging tao.

Share:

Teresa Ann Weider

Teresa Ann Weider ay naglingkod sa Simbahan sa loob ng maraming taon sa pamamagitan ng kanyang aktibong pakikilahok sa iba't ibang ministeryo. Nakatira siya kasama ang kanyang pamilya sa California, USA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles