Home/Makatawag ng Pansin/Article

Jan 24, 2024 295 0 Sean Booth, UK
Makatawag ng Pansin

Isang Milyong Dolyar na Ngiti

Sa isang nakakapasong hapon sa mga lansangan ng Calcutta, nakilala ko ang isang batang lalaki…

Ang panalangin ay isang hindi maikakaila, sentro, at mahalagang bahagi ng buhay ng bawat Kristiyano. Gayunpaman, binigyang-diin ni Hesus ang dalawa pang bagay na malinaw na sumasabay sa panalangin—pag-aayuno at paglilimos (Mateo 6:1-21). Sa panahon ng Kuwaresma at Adbiyento, partikular tayong tinatawag na maglaan ng mas maraming oras at pagsisikap sa lahat ng tatlong gawaing asetiko. ‘Higit pa’ ang mahalagang salita. Ano pa man ang kapanahunan natin, ang radikal na pagkakait sa sarili at pagbibigay ay patuloy na panawagan para sa bawat binyagang mananampalataya. Humigit-kumulang na walong taon na ang nakalilipas, literal na pinatigil ako ng Diyos upang pag-isipan ang tungkol sa bagay na ito.

Hindi Inaasahang Pagtatagpo

Noong 2015, nagkaroon ako ng malaking pribilehiyo at pagpapala na tuparin ang isang panghabambuhay na pangarap na makasama at mapaglingkuran ang ilan sa mga kapatid na higit na nangangailangan sa buong mundo sa Calcutta, India, kung saan ang mahihirap ay inilarawan hindi lamang bilang mahirap kundi ang ‘pinakamahirap sa mga dukha.’ Mula sa paglapag ko, parang may kuryenteng dumaloy sa aking mga ugat. Nadama ko ang napakalaking pasasalamat at pagmamahal sa aking puso na mabigyan ng kamangha-manghang pagkakataong ito na maglingkod sa Diyos kasama ng relihiyosong orden ni Santa Mother Teresa, ang Missionaries of Charity. Ang mga araw ay mahaba ngunit ganap na puno ng aksyon at biyaya. Habang nandoon ako, hindi ako nag-isip na magsayang ng sandali. Pagkalipas ng 5 sa umaga ito ang simula ng bawat araw na may isang oras ng pagdarasal, kasunod ang Banal na Misa at almusal, pagkatapos kami ay aalis upang maglingkod sa isang tahanan para sa mga maysakit, dukha, at mamamatay na matatanda. Samantalang nagpapahinga  sa oras ng pananghalian, makalipas ang hindi mabigat na pagkain, marami sa mga kapatid sa relihiyon na aking tinutuluyan ay nag-siesta upang muling magkarga ng kanilang mga baterya, upang maging handang muli sa hapon at hanggang sa gabi.

Isang araw, sa halip na magpahinga sa bahay, nagpasya akong maglakad-lakad para maghanap ng lokal na kapihan na may internet, para makipag-ugnayan sa aking pamilya sa pamamagitan ng email. Sa pagliko ko sa isang sulok, nakasalubong ko ang isang batang lalaki na nasa edad pito o walong taong gulang. Bakas sa mukha niya ang magkahalong pagkabigo, galit, lungkot, sakit at pagod. Ang buhay ay tila nagsimula nang magpahirap sa kanya. Dala-dala niya sa kanyang balikat ang pinakamalaking malinaw, matibay na plastik bag na nakita ko sa buhay ko. Naglalaman ito ng mga plastik na bote at iba pang mga bagay na plastik, at ito ay puno.

Nadurog ang puso ko habang tahimik naming sinusuri ang isa’t isa. Napunta sa isip ko kung ano ang maibibigay ko sa batang ito. Nadurog ang puso ko, nang dumukot ako sa aking bulsa, napagtanto ko na may kaunting sukli lang ako para magamit ko sa internet. Naghahalaga ito ng wala pang isang pound sa English money. Habang ibinibigay ko iyon sa kanya, na nakatingin sa mata niya, parang nagbago ang buong pagkatao niya. Siya ay nabuhayan at nagpapasalamat, habang ang kanyang magandang ngiti ay nagliliwanag sa kanyang magandang mukha. Nag kamayan kami, at naglakad na siya. Habang nananatili akong nakatayo sa likurang kalye ng Calcutta, namangha ako dahil alam kong personal na itinuro sa akin ng Makapangyarihang Diyos ang makapangyarihang aral na nakapagpabago ng buhay sa pamamagitan ng pagtatagpong ito.

Pag-aani ng mga Pagpapala

Pakiramdam ko ay magandang naitinuro sa akin ng Diyos sa sandaling iyon na hindi ang aktwal na regalo ang mahalaga kundi ang disposisyon, intensyon, at pagmamahal mula sa puso kung saan ibinibigay ang isang regalo. Maganda ang pagbubuod nito ni Santa Mother Teresa sa pagsasabing, “Hindi lahat tayo makakagawa ng mga dakilang bagay, ngunit magagawa natin ang maliliit na bagay nang may dakilang pagmamahal.” Sa katunayan, sinabi ni San Pablo, Ipamigay ko man ang lahat kong ari-arian, at ialay ko man ang aking katawan upang sunugin, kung wala naman akong pag-ibig, walang kabutihang maidudulot ito sa akin! (1 Korinto 13:3).

Inilarawan ni Hesus ang kagandahan ng pagbibigay, na kapag tayo ay “nagbigay… ito ay ibabalik sa atin; Magbigay kayo,at bibigyan kayo ng Diyos: hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang takalang ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamitin ng Diyos sa inyo.”  (Lukas 6:38). Ipinaalala rin sa atin ni San Pablo na “Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; ang Diyos ay di madadaya ninuman. Kung ano ang inihasik ng tao, iyon din ang kaniyang aanihin” (Gal 6:7). Hindi tayo nagbibigay para makatanggap, ngunit ang Diyos sa Kanyang walang hanggang karunungan at kabutihan ay personal tayong pinagpapala sa buhay na ito at gayundin sa susunod kapag tayo ay humakbang dahil sa pag-ibig (Huan 4:34-38). Gaya ng itinuro sa atin ni Jesus, “higit na mapalad ang magbigay kaysa tumanggap” (Mga Gawa 20:35).

Share:

Sean Booth

Sean Booth is a member of the Lay Missionaries of Charity and Men of St. Joseph. He is from Manchester, England, currently pursuing a degree in Divinity at the Maryvale Institute in Birmingham.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles