Home/Magturo ng Ebanghelyo/Article

Oct 17, 2023 451 0 Deacon Jim McFadden
Magturo ng Ebanghelyo

HIGIT PA SA ISANG MAGITING NA BAYANI 

Sino ang iyong tinatanging bayani?  Nakatagpo ka na ba ng isang magiting na bayani sa buhay mo? 

Bilang isang batang lumalaki sa San Francisco noong ikalimampung dekada, kami ay may mga bayani, karaniwan ng mga ito ay mga koboy—higit sa kanilang lahat ay si John Wayne, na nakararating saan man niyang ninais na pumaroon, na may patakarang isinasabuhay niya, nalipol ang mga masasamang tao (o yaong naturing sa lipunan noong panahon na mga ‘masasamang tao’), nakuha ang babae sa katapusan, at pawalang lumakbay patungo sa paglubog ng araw.  Sa pagtuloy ng Estados Unidos matapos magwagi laban sa mga kapangyarihan ng Axis pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig patungo sa mga panganib ng Digmaan sa Diplomasya (pagsasanay sa nukleyar na digmaan, Krisis sa mga Misil mula sa Cuba, atbp.), ang magiting na anyo ni John Wayne ay kahali- halina, sa paghintay namin para sa panahon na ang aming mga landas ay sadyang ‘masasaya.’

Salubungin ang Tunay na Bayani

Paglaktaw patungo sa 2022, at ang pagnanais sa mga bayani ay tuluyang lumalaganap.  Tignan lamang ang mga prangkisiya ng mga maririlag na bayani na pumapangibabaw sa kasalukuyang agos ng mga pelikula.  Ang mga palabas ng Kababalaghan at ang mga kauri nila, ay higit na katulad ng mga karanasan sa isang ‘liwasang may paksa’ kaysa sa paggalugad ng mga kaguluhan ng ating mga pangkatauhang karanasan, ay nag-aalay sa atin ng tila walang tigil na panustos ng mga maririlag na mga bayani (hindi lamang ‘mga bayani’ kundi ‘mga maririlag na bayani’!) na ginagapi ang ating mga kaaway.  Sa pagtutuos sa mga pamiminsala ng pangkalawakang sakit, ang digmaan sa Yuropa, ang pagbabanta ng nukleyar na digmaan, pag-init ng mundo, pagkawalang-tiyak ng ekonomya, dahas sa mga lansangan ng Estados Unidos, ang mga maririlag na bayani ay naglalathala ng ating pagnanais na ang mga dakilang lalaki at babae ay makagagapi sa mga panganib na itinatarak sa atin.

Sa tagpong ito, ang isang Kristiyano ay nawa’y itataas ang kamay at sabihin, “Buweno, kami ay may isang bayani na napangingibabawan ang anuman at lahat ng mga ‘maririlag na bayani’, at ang ngalan Niya ay Hesus.”

Kapag yaong tanong ay itinataas, si Hesus ba ay isang bayani?  Sa isip ko ay hindi, dahil ang bayani ay may ginagawa na ang karaniwang tao ay hindi magagawa o hindi gagawin, kaya, sa danas ng isip natin ay pinanonood natin sila na magapi ang mga kaaway, na pansamantalang nakapagdudulot ng lunas sa ating pagkabagabag hanggang ito’y di-maiiwasang babalik na may susunod na krisis.

Habang si Hesus ay hindi isang bayani sa karaniwang diwa, Siya ay tahasang isang mandirigmang may kakaibang uri:  Siya ang Diwa ng Diyos na naging tao upang tayo’y masagip mula sa sala at kamatayan.  Siya ay makikipaghamok sa mga pangunahing kaaway na ito, ngunit Siya ay hindi gagamit ng mga sandata ng pagsalakay, karahasan, at panggunaw.

Sa halip, gagapiin Niya ang mga ito sa pamamagitan ng awa, pagpapatawad, at pakikiramay, lahat ay idadala sa harap, sa pamamagitan ng Kanyang Pagdurusa, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay.  Bigyang pansin kung papaano Niya nalupig ang sala at kamatayan.  Simula sa Halamanan ng Gethsemane, inari Niya ang ating sala—ang ating pagkakamali, kaguluhan, di-pagkatao, pagkaganid—at naging sala.  Ayon kay San Pablo, “Para sa ating kapakanan ginawa Niya ang Sarili na maging sala na hindi nakakilala ng sala, upang tayo’y maging katuwiran ng Diyos sa Kanya” (2 Korinto 5:21).  Bagama’t si Hesus ay hindi makasalanan pagka’t Siya ay banal—ang ikalawang pagkatao ng Trinidad—pinasan Niya ang ating sala at sa makailang saglit ay ‘naging sala’ na kumitil sa Kanya.  Ang malupit na katotohanan ay ang ating mga sala ay pinatay si Hesus, ang Anak ng Diyos.

Ngunit ang salaysay ng Kristiyano ay hindi nagwakas sa Mahal na Araw dahil sa ikatlong araw, ang Diyos Ama ay ibinangon si Hesus mula sa pagkamatay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal Ispirito.  Sa pagtupad nito, ang ating pangunahing mga kaaway—sala at kamatayan—ay nalupig.

Kaya naman, si Hesus ay talagang isang kataas-tasang banal na mandirigma, ngunit Siya’y hindi isang bayani sa karaniwang diwa.  Bakit hindi?

Sinulid sa Banal na Tapiserya 

Ang Pagdurusa, Pagkamatay at Muling Pagkabuhay ni Hesus ang tanging mga palatandaan ng Misteryo ng Kuwaresma, ang misteryo ng ating Pananampalataya.  Bigyan ng pansin ang ‘ating.’

Si Hesus ay dumanas ng Kanyang paghihirap at pagkamatay—hindi upang tayo’y masagip mula sa pagdanas nito—ngunit upang maipakita sa atin kung papaano mabuhay at maghirap upang sa gayon ay nawa’y maranasan natin ang pagkabuhay na muli ngayon at magpasawalang-hanggan.  Alam ninyo, bilang mga nabinyagang kasapi ng Kanyang Banal na Katawan, ang Simbahan, tayo’y “kumikilos, nabubuhay, at nagkakaroon ng pagkatao” kay Hesus (Mga Gawa 17:28).

Upang maging tiyak, nais Niyang maniwala tayo sa Kanya dahil, batay sa naisulat sa Juan 14:6, “Ako ang landas, ang katotohanan, at ang buhay.  Walang makararating sa Ama maliban sa pamamagitan ko.”  Sa pagtaguyod sa yaong panimulang paniniwala, tayo’y tinatawag na maging  disipulo Niya, upang matupad ang Kanyang layunin, na ihinabilin Niya sa Simbahan noong Pag-akyat sa Langit (ipaghambing ang Marko 16:19-20 at Mateo 21:16-20).  Higit pa rito, tayo’y tinatawag na makibahagi sa Kanyang tunay na Katauhan.  Tulad sa isinulat ni Romano Guaridini sa kanyang pambanalang klasiko, Ang Panginoon, “tayo ay tulad ng sinulid sa banal na tapiserya: nauunawaan natin ang ating katauhan sa Kanya sa pamamagitan Niya.”  Sa ibang salita,  ginagawa natin ayon sa ihinalimbawa ni Hesus para sa atin.

Ang pakikipagbahagi sa Muling Pagkabuhay ng Niluwalhating Pag-iral ni Hesus sa sakramentong buhay ng Simbahan, lalo na, sa Yukaristiya, isinabubuhay natin ang Misteryo ng Kuwaresma sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Ispirito.  Kaya, si Hesus ba ay isang bayani?  Dinggin kung ano ang sinabi ni Pedro noong tinanong siya ni Hesus:  “Ano bagá ang sabi ng mga tao kung sino ako?”  Ang tugon ni Pedro, “Ikaw ang Mesiyas, ang anak ng Diyos na buháy.”  Si Hesus ay higit pa sa isang bayani; Siya ay isang mandirigma ng may kakaisang uri.  Siya ang tangi at pandaigdigang MANUNUBOS!

Share:

Deacon Jim McFadden

Deacon Jim McFadden mga ministro sa Saint John the Baptist Catholic Church sa Folsom, California. Siya ay isang guro ng Teolohiya at naglilingkod sa pagbuo ng pananampalataya at espirituwal na direksyon at sa ministeryo ng bilangguan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles