Home/Makatawag ng Pansin/Article

Jul 27, 2023 1054 0 Stephen Santos, USA
Makatawag ng Pansin

TAMANG DIREKSYON

Hanapin ang landas na inilatag para sa iyo bago pa man magsimula ang iyong panahon sa mundo, at ang iyong buhay ay hindi kailanman magiging pareho.

Ang pagiging Perpekto, o ang Tamang Direksyon, ay isang pandaya na madalas kong ginagamit sa aking mga anak kapag kinakailangan nila ng pagwawasto. Sila ay lubos na bigo sa pakikipagtalo sa akin na inaasahan kong sila ay maging perpekto. Isinasagot ko na “Hindi ko hinihingi ang pagiging perpekto, gusto ko lang na magsimula ka sa tamang direksyon.”

Ang Inaasahan ng Diyos

Para sa akin, ito ay naglalarawan sa kababaang-loob ng kanilang puso. Kung kinikilala ng isa sa aking mga anak na nakagawa sila ng isang hindi tamang pagpili at ang kanilang mga naging aksyon ay labag sa mga mahahalagang pinaniniwalaan nating totoo at tama, samakatwid isang simpleng, ‘Alam kong mali ako, at ikinalulungkot ko. Ano ang maaari kong gawin para mapaganda ang mga bagay-bagay?’ ay ang pinakamabilis na paraan ng pagpapatawad at pagpapanumbalik ng pagkakaisa. Gayunpaman, kung makikipagtalo sila na kahit papaano ay okay lang para sa kanila na sumuway o gumawa ng isang bagay na wala sa itinatag na mga panuntunan ng aming tahanan, natural na tumatagal ang panahon ng paghihiwalay ng relasyon at ang bilang ng mga kahihinatnan.

Ito ay pareho sa ating paglalakad kasama si Hesus. Binigyan tayo ng mga inaasahan sa atin ng Diyos sa Sampung Utos, at nilinaw ito ni Hesus sa Pangaral sa Bundok (Mateo 5-7). At kung hindi pa iyon sapat, inuulit nina San Pablo, San Pedro, at ng iba pang mga Apostol ang mga Utos ng Diyos sa kabuuan ng kanilang mga Sulat sa isang nadaramang paraan.

Kita mo, wala tayong ibang paraan para dito. Ang Tamang Direksyon ay ginawang napakalinaw para sa lahat ng sangkatauhan. Masyadong halata ang lahat. Puwede nating piliin ang paraan ng Diyos o lumaban dito sa pamamagitan ng pagrerebelde.

At kaya nga, nagsimula na tayong makakita ng isang lipunang baluktot na nagbigay ng maling pakahulugan ang Banal na Kasulatan at binabaluktot ang mga paraan ng Diyos upang payapain ang pagkakasala ng makamundo nitong pagnanasa.

Tayo ay nahaharap sa isang panahon na walang katulad, kung saan marami ang nahulog palayo sa Katotohanan ng Diyos. Nakumbinsi sila na kung babaguhin lang nila ang salaysay, kahit papaano ay maiiwasan nila ang itinalagang resulta. Sa kasamaang palad, hindi nila naiintindihan ang mga paraan ng Diyos at ang realidad ng Kanyang Katotohanan.

Ito mga kaibigan, ang dahilan kung bakit ang Ebanghelyo ang pinakasimple ngunit hindi maintindihan na mensahe na maaaring ihayag kailanman.

Paliko-liko at Paikot-ikot

Ang mabuting balita ay napatawad ka na–nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. Gayunpaman, nangangailangan ito ng pagsisisi at matatag na pangako sa bawat araw upang ipagpatuloy ang pakikibaka upang manatili sa tamang landas. Ang kagandahan sa Ebanghelyo ay samantalang hindi natin magagawa ang ginawa ni Kristo sa pamamagitan ng Kanyang Pasyon at Pagkabuhay na Mag-uli, ay matatanggap pa rin natin ang pakinabang ng Kanyang gawain.

Kapag sumuko tayo sa Kanyang pamamaraan, patuloy Niya tayong aakayin sa Tamang Direksyon.

Sa Bagong Tipan, sinabi ni Hesus: “Kung hindi hihigit ang inyong pagkamakatwiran sa mga Pariseo, hindi kayo makapapasok sa Kaharian ng Langit.” Sa madaling salita, karamihan sa mga relihiyoso sa mundong ito ay hindi pa rin sapat na mabuti sa pamamagitan ng kanilang sariling mga gawa upang makapasok sa Kaharian ng Diyos.

Ang pagiging perpekto ay hindi ang sagot, at hindi rin ito ang kinakailangan para sa isang relasyon; kungdi ang pagpapakumbaba.

Kapag binasa mo ang Mateo kabanata 5-7, maaari mong tingnan ito bilang isang imposibleng gawain na inilalatag ni Hesus sa ating harapan.

Hanapin ang Iyong Daan Pabalik

Nabigo akong sundin ang marami sa mga tuntuning ito sa paglipas ng mga taon, gayunpaman, hindi inilalatag ni Hesus ang mga paraan ng Diyos upang ilibing tayo sa ilalim ng pang-aapi dahil sa mga tuntuning hindi matamo.

Ilarawan mo ang iyong sarili na kasama si Hesus at ikaw ay nakatayo sa tuktok ng (sa tuktok) isang burol na tinatanaw ang isang malaking lambak. May malinaw na pinagdaanan. Gayunpaman, humahabi ito sa mga kagubatan, ilog, at iba pang likas na katangian. Ganito ang Mateo 5-7. Ito ay ang landas. Ngunit, sa halip na sabihin ni Hesus na, ‘Buweno, mas makabubuting pumunta ka na,’ ipinakilala ka Niya sa Banal na Espiritu, iniaabot sa iyo ang isang kompas (ang Bibliya), at ipinapaalala sa iyo na hindi ka Niya iiwan o pababayaan. Pagkatapos ay sinabi niya, “Kung ikaw ay mapagpakumbaba, at ang iyong puso ay mananatiling nakatuon sa akin, mangyayaring  mahahanap mo ang landas kahit gaano pa ito magpaliko-liko o magpaikot-ikot. At kung nagkataon na naligaw ka o pumili ng landas maliban sa akin, ang kailangan mo lang gawin ay magpakumbaba ng buong puso at tumawag sa akin, at tutulungan kitang mahanap ang daan pabalik.”

Ito ang tinukoy ng ilan bilang ang pinakamalaking iskandalo sa lahat ng panahon. Ang Diyos ng Langit, na lumikha ng lahat ng nakikita natin at maging ng hindi natin nakikita, ay nagpakumbaba ng Kanyang sarili upang iligtas ang Kanyang nilikha. Mayroon tayong isang simpleng trabaho. Magpatuloy sa Kanyang direksyon.

Dalangin ko sa araw na ito kung nasaan ka man at anuman ang iyong nagawa, masumpungan mo nawa ang iyong sarili na magpakumbaba at nakayuko sa harap ng krus at bumabalik sa landas na inilatag ng Diyos para sa iyo bago magsimula ang iyong panahon sa mundong ito.

Share:

Stephen Santos

Stephen Santos is an author, songwriter, worship leader and speaker. He lives with his family in South Carolina, USA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles