Home/Makatawag ng Pansin/Article

May 19, 2023 473 0 Nisha Peters
Makatawag ng Pansin

KUNG ANO NA WALA PANG MATA ANG NAKAKITA

“Ang Diwa ay naging tao at nanahan sa atin at nakita na natin ang Kanyang luwalhati, ang luwalhati ayon sa isang anak lamang ng ama, puno ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).

Nang unang napansin ko si Anne ay sa loob ng simbahan habang nasa Banal na Misa.  Sa karaniwang mga araw, dumadalo ako sa Misa sa maliit na kapilya na may dalawang hanay lamang ng mga upuan.  Nakikita mo ang dating iilang mga tao araw-araw, kaya naman magiging sanáy kang makasama sila.  Si Anne ay tila may minsanang panginginig.  Noong una, inakala kong siya’y may Parkinson’s na sakit.  Gayunpaman, pagkaraan ng higit na may kalakipang pagpupuna, napansin kong nagkakaroon lamang siya ng ganitong bagay kapag tumatanggap ng Banal na Komunyon.  Ang kanyang katawan, lalo na ang mga kamay, ay manginginig kapag tumatanggap ng ostiya mula sa pari.  Ang panginginig ay mananatili nang ilang mga minuto.

Isang araw, nagpasya akong tanungin si Anne tungkol sa sanhi na nadadama niya tuwing Komunyon.  Magiliw na ipinaliwanag ni Anne ang kakaibang biyayang ito.  Ang kanyang panginginig ay walang kinalaman sa anumang uri ng panggamutang kalagayan, bagama’t maraming tao ang nag-akalang ito ang lagay.  Siya’y pahapyaw na nahihiya sa kinahihinatnan ng kanyang katawan, sapagka’t ito’y nakapagbibigay ng hindi kinakailangang pagpuna.  Itong di-pangkaraniwang bagay ay nagsimula noong maraming nakalipas na taon nang biglaan niyang nakilala ang kalakhan ng kung ano ang ibig sabihin ng pagtanggap ng Katawan ni Kristo.  Si Hesus, ang Anak ng Diyos, ay naging tao para sa ating kapakanan.  Puspos ng biyaya at katotohanan, Siya’y nakiisa sa atin.  Siya’y namatay bilang alay para sa ating mga sala.  Pagkaraan nitong saglit ng pagkaunawa, sinabi ni Anne na ang kanyang katawan ay yumayanig nang di-kusa tuwing tinatanggap niya ang Komunyon.  Ang paggalang ni Anne sa Yukaristiya ay binigyan ako ng bagong pagpapahalaga para sa sakramentong Ito.

Inilarawan ni San Agustin ang isang Sakramento bilang ‘panlabas at malinaw na sagisag ng isang panloob at lampas sa paningin na biyaya’.  Gaano kadalas natin nakikilala ang mga sagisag ng biyaya?  Kapag tinuturing natin ang sakramento na pawang ritwal lamang, nalilingatan natin ang pagkamulat sa mapagmahal na pag-iral ng Diyos.  Ang mga banal na katotohanan ay maaari lamang mapahalagahan ng mga taong mulat.

Panginoong Hesus, dinadalangin ko na mabigyan Mo ako ng taimtim na paggalang sa lahat ng banal na bagay.  Tulutan mo akong ilakip si Kristo sa lahat ng kung sino ako at sa lahat ng ginagawa ko.  Hubugin mo ako na maging isang umiiral na sakramento—isang panlabas na malinaw na sagisag ng Iyong panloob at lampas sa paningin na biyaya.  Amen. 

Share:

Nisha Peters

Nisha Peters serves in the Shalom Tidings’ Editorial Council and also writes her daily devotional, Spiritual Fitness, at susannapeters.substack.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles