Home/Makatagpo/Article

Dec 24, 2022 287 0 Christian Simon, Germany
Makatagpo

Ano ang hindi maibibigay sa akin ng Pisika

Ang Tanong Na Bakit

Ang dalubhasa sa pisika na si Christian Simon, 33, ay isang ateista sa loob ng mahabang panahon at umasa sa agham para sa mga sagot sa lahat ng mahahalagang tanong sa buhay – hanggang sa makatagpo niya ang hangganan nito.

Lumaki akong Katoliko, tumanggap ng lahat ng sakramento gaya ng nakaugalian, at may pagka deboto din noong bata pa ako.  Sa kasamaang palad, sa paglipas ng panahon ay nagkaroon ako ng isang napakalaking huwad na imahe ng Diyos: Ang Diyos bilang isang mahigpit na hukom na nagtatapon ng mga makasalanan sa impiyerno, ngunit kung hindi man ay di-maabot at hindi talaga interesado sa akin.  Labis akong nag-alinlangan kung mabuti ang pakay sa akin ng Diyos.  Sa aking kabataan, lalo pa akong naging naniwala na ang Diyos ay sumasalungat sa akin.  Naisip ko na lagi Niyang ginagawa ang siyang kabaligtaran ng ipinagagawa ko sa Kanya. Minsan para sa akin, ito ay nagwakas na.  Wala na akong gustong malaman pa tungkol sa Diyos.

A Pananampalataya – Isang Bagay para sa Mga Kakaiba

Sa gulang na mga 18, naniwala ako na talagang walang Diyos.  Para sa akin, kung ano lang ang nadadanasan ko sa aking mga pandama o kung ano ang masusukat ng natural na agham ang mahalaga.  Para sa akin, ang pananampalataya ay para lamang sa mga kakaiba na maaaring may labis na imahinasyon o sadyang ganap na napaniwala at hindi kailanman nagsuri sa kanilang pananampalataya.  Naniniwala ako na kung ang lahat ay kasing talino ko, wala nang maniniwala sa Diyos.

Matapos ang ilang taong pansariling paghahanap- buhay, nagsimula akong mag-aral ng pisika sa gulang na 26.  Labis akong nabighani sa kung paano tumatakbo ang mundo at umasa akong mahanap ang mga sagot.  Sino ang maaaring sumumbat sa akin?  Ang pisika ay maaaring napakahiwaga sa kanyang di kapani-paniwalang makabagong palatuusan na napaka kaunting tao sa mundo ang nakakaunawa.  Madaling makuha ang kaisipang kung lamang kaya mong lansagin itong nakakodigong pagsasaayos at simbolong mga ito, mabubuksan ang di abot-maisip na karunungan – at talagang maaaring mangyari ang kahit anumang bagay.

Matapos mapag-aralan ang lahat ng uri ng mga galamay ng pisika at maging ang pag-intindi sa mga pinaka-napapanahon na saligang pisika, naupo ako upang gawin ang aking tesis tungkol sa isang mahirap unawaing paksang panteorya – isang bagay na hindi ko pinaniwalaang magkakaroon ng anumang kaugnayan sa totoong mundo.  Sa bandang huli ay nahinuha ko ang hangganan ng pisika: ang pinakamataas na layunin na maaaring maabot ng pisika ay ang pinakatumpak na palatuusang paglalarawan sa kalikasan.  At iyon ay napaka-mapag-asang pag-iisip.  Sa pinakamahusay na kalagayan, maaaring ilarawan ng pisika kung paano gumagana ang isang bagay, ngunit hindi kailanman kung bakit ito gumagana nang ganap sa paraan nito at hindi ang kasaliwaan nito.  Ngunit ang tanong na ito tungkol sa kung bakit ang siyang nagpapahirap sa akin sa oras na ito.

Ang Probabilidad ng Diyos

Para sa mga kadahilanang hindi ko maipaliwanag nang kasiya-siya, napahawak ako sa taglagas ng 2019 ng tanong kung may Diyos nga ba. Ito ay isang tanong na itinanong ko sa aking sarili, ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na niya ako pakakawalan. Humingi ito ng sagot, at hindi ako titigil hangga’t hindi ko ito nahanap. Walang mahalagang karanasan, walang hagupit ng kapalaran na hahantong dito. Kahit si Corona ay hindi isyu noong panahong iyon. Sa loob ng kalahating taon ay sinabsab ko lahat ng mahahanap ko sa paksang “Diyos” araw-araw. Sa panahong ito halos wala akong ibang ginawa, ang daming naakit sa akin ng tanong. Gusto kong malaman kung umiiral ang Diyos at kung ano ang sinabi ng iba’t ibang relihiyon at pananaw sa mundo tungkol dito. Sa paggawa nito, napakasiyentipiko ng myapproach. Naisip ko na kapag nakolekta ko na ang lahat ng argumento at mga pahiwatig, sa kalaunan ay matutukoy ko na ang posibilidad kung mayroong Diyos. Kung ito ay higit sa 50 porsiyento, kung gayon ay maniniwala ako sa Diyos, kung hindi. Medyo simple, hindi ba? Hindi talaga!

Sa matinding panahon ng pananaliksik na ito, natutunan ko ang isang hindi kapani-paniwalang halaga. Una, napagtanto ko na hindi ko maaabot ang aking layunin nang may dahilan lamang. Pangalawa, inisip ko hanggang sa wakas ang mga kahihinatnan ng isang realidad na walang Diyos. Hindi maiiwasang dumating ako sa konklusyon na sa mundong walang Diyos, ang lahat ay magiging walang kabuluhan. Mula sa isang purong siyentipikong pananaw, alam natin na sa isang punto sa uniberso ay mamamatay ang lahat ng mga ilaw. Kung wala nang higit pa riyan, ano ang pagkakaiba ng aking maliliit at malalaking desisyon, sa katunayan, anuman sa lahat?

Nahaharap sa malungkot na pag-asang ito ng isang mundong walang Diyos, nagpasya akong sa tagsibol ng 2020 na bigyan Siya ng pangalawang pagkakataon. Ano ang masakit na magpanggap lamang na naniniwala sa Diyos pansamantala, at subukan ang lahat ng ginagawa ng mga taong naniniwala sa Diyos? Kaya sinubukan kong manalangin, dumalo sa mga serbisyo sa simbahan, at gusto ko lang makita kung ano ang gagawin nito sa akin. Siyempre, ang aking pangunahing pagiging bukas sa pagkakaroon ng Diyos ay hindi pa ako naging Kristiyano; pagkatapos ng lahat, may iba pang mga relihiyon. Ngunit ang aking pagsasaliksik ay mabilis na nakumbinsi sa akin na ang muling pagkabuhay ni Hesus ay isang makasaysayang katotohanan. Para sa akin, ang awtoridad ng Simbahan gayundin ang Banal na Kasulatan ay sumusunod dito

Patunay Ng Diyos

Sa gayon, ano ang lumabas sa aking eksperimento sa “pananampalataya”?  Ginising ng Banal na Espiritu ang aking budhi mula sa pamamahinga nito nang madaming taon.  Nilinaw niya sa akin na kailangan kong lubusang baguhin ang aking buhay.  At malugod Niya akong tinanggap.  Kung tutuusin, ang aking salaysay ay nasa talinghaga sa bibliya tungkol sa alibughang anak (Lucas 15:11-32).  Buong lakas kong tinanggap ang sakramento ng kumpisal sa unang pagkakataon.  Hanggang ngayon, tuwing matapos ang bawat kumpisal, pakiramdam ko’y isinilang akong muli.  Dama ko ito sa buong katawan ko: ang kaginhawahan, ang nag-uumapaw na pag-ibig ng Diyos na naghuhugas ng lahat ng kulimlim ng kaluluwa.  Ang karanasang ito lamang ay patunay ng Diyos para sa akin, dahil ito ay higit sa anumang pagtatangka ng agham sa pagpapaliwanag.

Bilang karagdagan, binigyan ako ng Diyos ng napakadaming magagandang pagtatagpo nitong nakalipas na dalawang taon.  Sa simula pa lang, nang magsimula akong dumalo sa mga paglilingkod sa simbahan, nakilala ko ang isang taong angkop para sa akin sa aking katayuan sa oras na iyon kasama ang lahat ng aking mga katanungan at suliranin. Hanggang ngayon siya ay tapat at mabuting kaibigan.  Simula noon, halos buwan-buwan ay dumadating ang mga bagong dakilang tao sa buhay ko, na nakatulong sa akin nang higit sa paglapit ko kay Hesus – at ang pamamaraang ito ay nagpapatuloy pa din!  Ang ganitong uri ng “masayang mga pagkakataon” ay nagkaipon-ipon na hindi na ako makapaniwala sa mga di sinasadyang pagkakataon.

Ngayon, lubos kong itinuon ang aking buhay kay Hesus.  Syempre, araw-araw akong nabibigo dito!  Ngunit sa tuwing nangyayari iyon, bumabangon ako.  Salamat sa Diyos na ang Diyos ay mahabagin!  Nakikilala ko Siya ng mas maige araw-araw at pinapayagan akong iwan ang lumang Christian Simon.  Napakasakit nito kadalasan, ngunit laging nakakapanlunas at ako’y lumalakas.  Ang panayang pagtanggap ng Eukaristiya ay nagdudulot ng malaking bahagi sa aking pagpapalakas.  Para sa akin ngayon, hindi ko maisip ang buhay na wala si Hesus.  Hinahanap ko Siya sa pang-araw-araw na panalangin, papuri, Banal na Kasulatan, paglilingkod sa iba, at sa mga sakramento. Walang sinuman ang nagmahal sa akin ng katulad Niya.  At sa Kanya ang puso ko.  Para sa lahat nang oras.

 

 

 

Share:

Christian Simon

Christian Simon currently lives in Clausthal-Zellerfeld/Germany and is completing his traineeship as a "career changer" for the grammar school teaching profession.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles