Home/Makatawag ng Pansin/Article

Dec 24, 2022 215 0 Vijaya Bodach
Makatawag ng Pansin

MAHAL KONG TAGABANTAY

Alam natin na ang bawat isa sa atin ay may anghel na taga-bantay.  Ngunit gaano kadalas tayo humingi ng tulong sa kanya?

Ang unang pagkakataon na napaghulo ko na ang aking anghel na taga-bantay ay ang aking pinakamahusay na pag-asa ay noong ako ay itinakdang magturo ng tatlong pagsasanay sa isang Kristiyanong pagpupulong sa pagsusulat mga ilang oras ang layo pag naka kotse.  Nagising ako sa isang kakila-kilabot na tindi ng sakit ng ulo at umiyak habang iniisip ko kung paano ko aayusin ang pagmamaneho.  Hindi ko nais na maging hindi propesyonal at magkansela sa huling minuto.  Umiyak ako dahil naghalo ang kahihiyan sa pagkakaroon ng malalang sakit—nagdudusa ako sa matinding sakit ng ulo na maaaring ikapanghina ko sa halos kalahatin ng mga araw sa isang buwan—at ayaw kong aminin kung gaano ako kahina.  Kaya, nanalangin ako sa aking anghel na ihatid niya ako nang ligtas doon at pabalik.

Hindi ko pa alam kung paano ko nagawa ang mahabang paglalakbay.  Inilagay ko ang aking CD ng rosaryo at pagtapos ay nakinig ako sa Ebanghelyo ni Huan, iniisip kung gaano kaya kaganda ang mapasapuso ko si Hesus kung ako kaya ay mamatay.  Hindi sa gusto kong mamatay.  Malikiit pa ang mga anak ko.  Mangungulila sa akin ang asawa ko.  At lalo ko pang minahal ang aking buhay-pagsusulat simula nang magbalik-loob kami sa Katolisismo.  Nais kong ang lahat ay magkaroon ng kung ano ang mayroon ako—si Jesus!

At dumagubdong! Ang pagbubunyag ay tumama sa akin – ang aking anghel na taga-bantay ay hindi nandito para lamang kalingain ako laban sa pinsala sa katawan kundi upang matiyak na mapupunta ako sa langit. Langit! Yaon ang layunin.

Mahal na mahal tayo ng Diyos na kaya nagtalaga Siya ng isang anghel mula sa sandali nang tayo ay ipinaglihi upang tayo bantayan at pangalagaan sa lahat ng panganib at gabayan tayo sa ating walang hanggang tahanan.  Ang kamalayang ito, na naitanim sa akin mula nang ako ay maliit pang bata, hanggang ngayon ay nakakamangha pa din sa akin.  Noong ako ay bata, nagkaroon ako ng ganap na pagtitiwala sa pagkalinga ng Diyos.  Ngunit ang hirap ng pagdurusa, na lagi nang nasa aking buhay, ay mahirap maitugma sa paniniwala sa isang makapangyarihang Diyos.   Kaya, sa edad na labindalawa nawala ang aking sampalataya at tinigil ang mga pagtawag ko sa aking anghel na tagabntay.   Ngunit, lingid sa aking kaalaman, patuloy akong ginagabayan ng aking anghel.

Lubos akong nagpapasalamat sa aking anghel sa pagkalinga sa akin laban sa kamatayan noong ako ay nasa twenties dahil kung ako ay namatay nuon, habang balot sa kasalanan ang aking pang-unawa, malamang na tinanggihan ko ang awa ng Diyos at mapunta sa impiyerno.  Nang dahil sa biyaya ng Diyos at sa tiyaga at mahabang pagdurusa ng aking anghel na tagabantay, nagawa kong madinig ang kanyang mga pahiwatig at nakabalik sa Diyos, at kapag ang aking mga balak ay naudlot, na ipanalangin hindi ang aking kalooban kundi ang sa Iyo.

Nagbabalik din ako duon sa lubos na pagtitiwala at pagsuko ng Isang musmos na bata.  Kung ako ay nababalisa tungkol sa anumang bagay, hinihiling ko sa aking anghel na pamahalaanan niya ang kalagayang iyon.  Tinatawagan ko ang mga anghel na tagabantay ng aking mga anak kapag ako ay nasa bingit ng kawalan ng tiyaga.  Nananawagan din ako sa mga anghel ng mga tao na gusto kong maging tapat na saksi.   Napakalaking kaaliwan na humingi ng tulong mula sa langit.

Dinadala ng mga anghel na tagabantay ang ating mga panalangin at mga handog sa trono ng Diyos; kasama natin sila sa Banal na Pag-aalay ng Misa at kung hindi tayo makadalo, tulad ng nangyari sa madami sa panahon ng pandemya, maaari nating hilingin sa ating anghel na magtungo para sa atin upang purihin at sambahin ang ating pinagpalang Panginoon.

Ang makalangit na mga nilalang na ito ay isang handog sa atin.  Lagi nating tandaan na binabantayan nila tayo at nais nilang madating natin ang langit!  Linangin ang isang relasyon sa iyong anghel.  Ang mga ito ay handog ng Diyos sa bawat isa sa atin.

Mahal na anghel! Laging nasa tabi ko.  Napaka-mapagmahal mong tiyak

para lisanin ang iyong tahanan sa langit upang bantayan ang isang nagkasalang hamak na tulad ko.

~ Fr. Frederick William Faber (AD 1814-1863)

 

 

 

Share:

Vijaya Bodach

Vijaya Bodach is a scientist-turned-children’s writer with more than 60 books for children and just as many stories, articles and poems in children’s magazines. You can find out more about her at vijayabodach.blogspot.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles