Home/Makatawag ng Pansin/Article

Dec 24, 2022 380 0 PADRE JOSEPH GILL, USA
Makatawag ng Pansin

TANONG AT SAGOT

T – Winika sa atin ni Jesus na kailangan nating maging “mga musmos na bata” upang makapasok sa Kaharian ng Diyos, ngunit winika ni San Pablo na dapat tayong maging makatuwirang mga Kristiyano na may sapat na gulang (Epeso 4:14). Alin ang dapat?

S – Kapwa ay dapat! Ngunit suriin muna natin ang ibig wikain ni Jesus at San Pablo, pagkat ang mga kabutihan ng mga bata at matatanda ay magkakaiba ngunit nagkakasundo.

Una, ano ang mga kabutihan ng mga bata? Sila ay walang kamalayan at wagas, sila’y masayahin, at nagmamahal ng buong puso.

Ang ina ng isang labing-pitong-taon na lalaking nagngangalang Christopher ay ibinahagi sa akin ang tagpo noong isinalaysay niya ang kuwento ni San Juan Biyano. Si San Juan Biyano ay napakabanal kaya ang dimonyo ay minsang nagpakita sa kanya na nagsasabing kung may mga tatlong tao na kasing-banal niya sa mundo, ang kaharian ng dimonyo ay magugunaw. Sa pagkadinig nitong kuwento, si Christopher ay nagsimulang umiyak. Nang ang kanyang ina ay nagtanong kung ano ang mali, tumugon si Christopher, “Ako’y malungkot pagkat isa pa lamang ang tao na ganoong kabanal sa mundo. Nais kong maging ikalawa. Itong walang kamalayang buong-pusong pag-ibig ang nais ni Kristo na tawagin tayo upang tularan.

Ang mga bata ay madalas na tumatawa dahil sila’y hindi sukdulang taimtim sa mga sarili nila. Maaari silang maging hangal sapagka’t sila’y hindi maalalahanin sa sariling katayuan at mapagmalaki. Nais ni Jesus na tayo ay mamuhay tulad nitong pagwawalang-bahala!

Madalas, isang musmos na bata ay bibigyan ako ng isang malaking yakap—kahit na hindi ko pa ito natagpuan noong una. Sa kanilang pagkawalang-malay at pagkawagas, sila’y nakapagmamahal nang walang pasubali. Ito ang kung papaano tayo tinatawag na kumilos. Ang mga bata ay hindi nanghahatol sa pamamagitan ng mga pananamit o hitsura; ang natatanaw lamang nila ay isang maaaring maging kaibigan.

Tinatawag tayo ni Jesus na umasal tulad ng mga bata. Ngunit dapat nating matiyak ang kaibhan ng asal-bata sa isip-bata, na nangangahulugang nagpapakita ng damot, kamangmangan, at kasalawahan, na naitutukoy din sa paglalarawan ng mga bata.

Inaatasan tayo ni San Pablo hindi bilang mga bata sa pananampalataya, kundi bilang ganap na mga lalaki at babae kay Kristo. Ano ang ibig sabihin ng pagiging ganap-na kay Kristo? Ang ganap na mananampalataya ay nakapagsigasig na sa mga kahirapan, tumatahak sa kaloob-looban ng taos na ugnayan kay Kristo, at nagtataglay ng talino.

Ako’y nagtuturo sa isang paaralang Katolika na tinatawag na Cardinal Kung Academy, na ipinangalan mula kay Cardinal Ignatius Kung. Si Cardinal Kung ay isang Intsik na Obispong nadakip na ng partidong komunista noong 1955 at nabilanggo ng mahigit na tatlompung-taon, karamihan nito ay nakahiwalay na nag-iisa. Pagkalipas ng maraming taon ng pagkabilanggo at pagpapahirap, ang mga may-kapangyarihan ay idinala siya sa isang palaruang puno ng mga tao sa Beijing na kung saan ay inaasahan siyang ipagkaila ang Pananalig. Bagkus, tumayo siya sa harap ng libu-libong mga tao at inihayag, “Mabuhay si Kristong Hari!” Ng may dakilang paggiliw ang mga tao’y tumugon, “Mabuhay si Obispo Kung!” Dahil dito ay naniklab sa galit ang mga may-kapangyarihan, na nagdagdag ng kanilang pagpapahirap sa obispo, ngunit hindi niya tinalikdan ang Pananalig.

Narito ang isang disipulo na nagsigasig sa matinding paghihirap, na ihinugis ang banal na kaganapan sa loob ng maligasgas na hulmahan ng mga pagsubok at mga pighati. Nang matapos siyang makawala patungo sa Estados Unidos noong 1986, ipinagpatunay niya na ang kanyang pang-araw-araw at katapatang-loob na pagdarasal kasama si Jesu-Kristo ang nagpagintulot sa kanya na tuminding nang matatag sa pananalig. Sa lahat ng ito, lumabas siya nang walang kapaitan o poot, ngunit nag-uumapaw na talino.

Kaya, sa pagsunod kay Kristo ay ang pagkakaroon ng mga magagandang katangian ng mga bata–taos-pusong walang pasubaling pag-ibig; bumubulubok na ligaya at pagtataka; walang- kamalayan at kalinisan—at ang subók-at-tunay na pagsisigasig, at pang-araw-araw na pakikipaglapit sa Panginoon na itinatangi ng mga yaong ganap na sa pananalig. Nawa’y masundan natin si Kristo sa pagsasabuhay ng walang malay na kaganapan!

 

 

 

Share:

PADRE JOSEPH GILL

PADRE JOSEPH GILL ay isang kapelyan sa mataas na paaralan at naglilingkod sa ministeryo ng parokya. Siya’y isang gradwado ng Franciscan University of Steubenville at ng Mount Saint Mary’s Seminary. Si Padre Gill ay nakapaglathala ng mga ilang album na Kristiyanong himig-ugoy (makukuha sa iTunes). Ang kanyang unang nobela, Days of Grace, ay makukuha sa amazon.com.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles