Home/Makatagpo/Article

Mar 16, 2022 478 0 Shalom Tidings
Makatagpo

PINUPOG NG MGA HALIK

May isang nakababatang mag-asawa na ipinakilala ang kanilang walong-taong-gulang na   lalaking anak na si Gabriel sa pari ng isang parokya na may pakiusap na tanggapin siya na tagapaglingkod sa altar.  Tinanong ng pari ang bata, “Nais mo bang maging batang altar?”  Sa halip na tumugon ng salita, ang bata ay niyakap ang pari sa paligid ng baywang, hanggang sa maaabot niya.

Nang sumunod na Linggo, si Gabriel ay dumating kaagad, labinlimang minuto bago mag-Misa ayon sa pinagtugma ng pari.  Dahil walang sakristan, ang pari ay nagmadaling pumaroo’t  pumarito sa paghahanda.  Nang malapit nang magsimula ang Misa ay noon lamang napagtanto ng pari na si Gabriel ay walang nalalaman sa paglilingkod sa Misa.  Kaya sinabi niya, “Gabriel, gawin mo ang anuman na aking gagawin, ayos ba?”

Si Gabriel ay masunuring bata, at napaka-literal.  Nang magsimula ang Misa, ang pari ay humalik sa altar, ang bata ay humalik din.  Sa homilya, lahat ay nakangiti at hindi pinapansin ang pari pagkat sila’y nabighani ng nakatutuwang batang altar na puspusang ginagaya ang bawa’t kilos ng pari.

Pagkapos ng Misa, ang pari ay tinawag ang munting batang si Gabriel sa kanyang tabi at sinabi ang dapat at hindi dapat niyang gawin habang Misa.  Nilinaw niya na ang paghalik sa altar ay isang tanda na nakalaan sa pari;. “Ang altar ay isinasagisag si Kristo, at ang pari, habang ipinagdiriwang ang sakramento, ay kalakip sa Kanya sa isang nabubukod na paraan.”

Bagama’t si Gabriel ay masunurin, siya rin ay tahasan, kaya hindi siya nag-alinlangang sabihing, “Ngunit nais ko rin itong halikan.”  Ang mga karagdagang paliwanag ay hindi nabawasan ang  pagnanais ng bata na halikan ang altar, kaya ang pari ay nakapag-isip ng matalinong panlutas na sinasabihan ang bata na hahalikan niya ang altar “para sa kanilang dalawa”.  Ang bata ay tilang lumilitaw na sang-ayon sa panlutas kahit lamang sa yaong tagpo.

Nang simulan ng pari ang Misa sa sumunod na Linggo, pinagmasdan niya kung ano ang gagawin ni Gabriel, hindi humalik ang bata sa altar; sa halip, idiniin niya ang kanyang pisngi sa altar at nanatili doon na may malapad na ngiti sa mukha niya hanggang pinagsabihan siya ng pari na huminto.

Pagkatapos ng Misa, sinuri ng pastor ang mga bilin kasama ang bata, pinaalalahanan siya na hindi dapat humalik sa altar at ginagawa ito ng pari “para sa kanilang dalawa”.  Ngunit ang bata ay dagliang hindi sumang-ayon, sinasabing, “Hindi ko ito hinalikan; ito’y hinalikan ako!”  Sa pagkabigla ng pari, sinabi niya, “Gabriel, tigilan mo ang pagbibiro sa akin.”  Ngunit ang bata ay hindi umurong.  “Ito’y totoo!” sinabi niya, “Ako ay pinupog Niya ng mga halik!”

Itong pangyayari, na ibinahagi ni Padre Jose Rodrigo Cepeda, sa panlipunang midya ay naglalahad ng isang tagpo mula sa kanyang mga maaagang taon sa parokya ng Santuwaryo ng Santa Orosia sa Espanya.  Ang munting bata na si Gabriel ay tinuturuan tayo ng kahalagahan na ipaubaya muna ang ating mga sarili kay Jesus, at ng tuwina’y manatiling malapit, sa mabubuting panahon at masasama.  Nahalikan ka na ba Niya ngayong araw?

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles