Home/Makatawag ng Pansin/Article

Oct 29, 2021 1141 0 Deacon Doug McManaman, Canada
Makatawag ng Pansin

ANG LANDAS NA DINAANAN NG IILAN LAMANG

Ang Simbahan ba ay nagpapataw ng mga “mabibigat na moral na paghihigpit” sa mga taong magkaparehong-kasarian ang oryentasyon?  Kunin ang katotohanan nang tuwid, galing dito. 

Sa nakalipas na mga taon, ako’y nagkaroon na ng mga napakainam na estudyante sa aking klase na may parehong-kasariang oryentasyon, at, mangyari pa, bilang isang Diyakono ng Simbahan, marami akong kilalang mga matatapat na Katoliko na may tularing-kasarian na oryentasyon.  Mahalaga na mapansin kaagad na maraming taong may parehong-kasariang oryentasyon ay hindi namumuhay ng masiglang sekswalidad.  Marami nang dumaan ng landas na yaon at natagpuan itong hindi sapat (nangangahulugang hindi lahat ng inaakalang bunga nito ay nagaganap).  Marami ang naghahabilin sa bisa ng kalinisang-puri—isang bahagi ng birtud ng kahinahunan.  Sa ibang salita, maraming magkaparehong-kasarian na Katoliko ay napagtanto na kung ano ang dapat na maunawaan ng mga karaniwang mag-asawa—na ang kasiyahan ay hindi nagmumula sa matalik na seksuwal na pagsasama.  Sa halip, ang kasiyahan ay mula sa matinding kaugnayan sa Diyos, at isang moral na buhay na sang-ayon sa ganitong uri ng pagsasama.  Hangga’t ang tao ay wala pang tunay na pakikipagtagpo sa Panginoon, karamihan sa mga itinuturo ng Simbahan ay magmimistulang kaunting higit pa kaysa sa mabibigat na mga pagpataw, na nangangahulugang hindi- kinakailangang paghihigpit sa ating sariling kasiyahan.

Kung maari lamang…

Ang nakawiwili ay maraming Katoliko na may parehong-kasariang oryentasyon ay tahasang  nagbigyang-diin sa di pagkagustong maging deretsahan, ibig sabihin, hindi pagkagustong magpakita at ituro ang mga batayang prinsipyo ng Katoliko sa seksuwal na aral, ay nakagawa ng labis  na kapinsalaan sa kanila.  Kung ang mga pari, mga katekista at mga guro ay naging mas matungkulin at nagpakita ng dakilang pagkamaalalahanin para sa mga matapatin sa pagturo ng pangkasariang etika at ang kalikasan ng pag-aasawa, sila (mga pari, mga katekista, at mga guro), ay maaaring nakapag-adya ng mga kinauukulan (mga Katolikong may parehong-kasariang oryentasyon) mula sa labis na panukala ng pasakit at nasayang na mga taon.  Sa madaling sabi, ang larawang madalas na ipinipinta ng midya o tanyag na kultura ay ang lahat ng mga taong may parehong-kasariang oryentasyon ay nasa isang panig, at ang Simbahan na may  “mapasaning moral na mga paghihigpit” ay nasa kabila.  Ang naturingang larawan ay sadyang hindi sang-ayon sa mga katotohanan.  Maraming Katoliko na may parehong-kasariang oryentasyon ay ganap na nakababatid ng pagkakaiba ng aliw sa ligaya, mahinhinang namumuhay ng tapat na ang kalagitnaang pinalilibutan ay ang Yukaristiya, inaakay ang kanilang Inspirasyon na nagmula sa mga pari, mga madre na matapat na isinabubuhay ang kanilang panunumpa ng kalinisan o mga panata ng pagiging walang asawa.

Ang sekswal na moralidad ay hindi mauunawaan sa labas ng katalastasan ng kalikasan ng pag-iisang-dibdib.  Ako ay nagtuturo ng Pangkasalang Paghahanda sa Arkdyosis, at masasabi ko ng may-kaukulang katiyakan na karamihan sa mga mag-asawang ikinakasal ngayong araw ay hindi nalilinawan ng buo kung ano ang kanilang ginagawa kapag pinili nilang magpakasal.  Sa madaling sabi, hindi lahatang malinaw sa kanila kung ano talaga ang pag-iisang-dibdib at paano ito nakaugnay sa sekswal na pagpapahayag.  Ito ay malinaw dahil tayo ay namumuhay sa kultura na talagang nawala na ang diwa ng totoong kalikasan ng pag-iisang-dibdib.  Mayroong kailanan ng mga dahilan na maaaring maipaliwanag ito, sisimulan ng Rebolusyong Sekswal ng mga kaanimnapung-taon; ang paninimula ng walang-salang paghihiwalay noong kahulihang bahagi ng mga kaanimnapung-taon; ang paninimula ng Karaniwang Batas na “pag-iisang-dibdib” (ang mag-asawa ay nagsasama ng mahabang panahon at pagkatapos ay tinuturing ng estado na tila sila ay ikinasal); ang paghihiwalay ng pagtatalik sa palagay ng mga bata (paghihiwalay na nagawang posible sa pagyari at pamamahagi ng mga makabagong kontraseptibo, atbp.).

Ngunit ang kasal ay lagi nang naunawaan bilang isang institusyon.  Ito’y higit pa sa pakkiipagkaibigan—ang ating mga pagkakaibigan ay pribado, ang mga ito ay hindi institusyon.  Ang buhay may asawa ay isang samahan na umiiral para sa panlahatang kapakanan (institusyon).  Kung ang selula ay isang yunit ng buháy na organismo, ang kasal ay ang pangunahing yunit ng lipunan.  Ang pag-iisang-dibdib ay isang kakaibang hiwaga.

Kahit pagkaraan…

Sa maikling salita,  ito ay ang pagsasama ng dalawa bilang isang laman, isang katawan.  Ito ay isang ganap (buo) at tugunang pag-aalay ng sarili sa isa pa, at dahil “ikaw ang iyong katawan,” upang i-alay ang sarili mo ay upang i-alay ang katawan mo.  Sapagkat ito ay ganap at buong pag-aalay, ito ay hindi mababawi—hindi ko mababawi kung ano ang hindi ko na mapanatili ang bahagi na aking inaalay.  Kung ito ay tugunan sa isa’t isa, ang dalawa ay naghabilin na sa bawat-isa kaya ang katawan ng babae ay sumapi sa lalaki at ang katawan ng lalaki ay sumapi sa babae.  Sila ay ganap na naging pagsasama ng isang laman.  Ang likas na pagpapahayag ng pagsasama ay ang sekswal na pagtatalik (ang pangmag-asawang kilos).  Sa kilos na ito, ang lalaki at babae ay nagiging “isang pampag-anakang organismo” (ang lalaki ay di-ganap na pampag-anakan, at gayundin ang babae.  Ngunit sa kilos ng mag-asawa, ang dalawa ay nagiging isang pampag-anakang katawan).  Sa pagtatalik, ang dalawa ay nagiging pagsasama ng isang laman, kung ano ang pag-iisang-dibdib.  Kaya ang pagtatalik ay isang pagpapahayag at pagdiriwang ng pangmag-asawang pagmamahalan.  Mayroong dalawang bahagi ng kabutihan sa pagtatalik; ito’y nagsisilbi ng dalawang layunin: 1) upang magpahayag at magdiwang ng pangmag-asawang pag-ibig, at 2) ang paglikha ng bagong buhay.

Iyan ang dahilan kung bakit isa sa mga sagabal na magpapatunay na ang kasal ay walang bisa (hindi-umiiral) ay ang kawalan ng sigla o kakayahan, na nagpapahiwatig ng walang kakayahang makipagtalik (walang kakayahang matupad ang pag-iisang-dibdib).  Ang kawalan ng pagyabong o kabaugan ay hindi isang sagabal sa pag-iisang-dibdib; hindi kinakailangang magkaroon ng totoong mga anak upang maging totoong kasal, ngunit ang pagiging bukas sa mga anak ay isang kinakailangang saligan para sa tunay na kasal, at kaya ang kusang layunin na hindi magkaroon ng mga anak ay patunay na ang pag-iisang-dibdib ay walang bisa (hindi umiiral).  Ang iba pang mga sagabal na nakasasanhi ng walang bisang kasal ay dahas o pannpupuwersa, panlilinlang (siya’y hindi ang taong naudyok akong paniwalaang siya), kusang pag-iiwan ng puwang upang makaphiwalay (ang layunin ay dapat hanggang “ang kamatayan ay paghiwalayin tayo”), kakulangan ng hustong pag-iisip (ang moral at pangkaisipang mga kailanganin upang totoong maikasal ay sadyang wala sa kahit isa lamang sa dalawa—ito ay lubhang mabigat na suliranin sa maraming tao ngayong araw, pagkat ang kultura natin ngayon ay hindi kaaya-ayang makapagpalaki ng mga matitinong matatanda).

Ang pag-iisang-dibdib ay naituring ng Hudeo-Kristiyanong kaugalian bilang isang nilalayong institusyon na may maliwanag na pinagmulan, ito’y hindi itinatag ng lipunan, na inaakala ng mga pangkasalukuyang makabago.  At dahil ang pag-iisang-dibdib ay pagbubuklod ng dalawa sa isang katawan, isang laman, ito ay matutupad lamang ng isang lalaki at isang babae.  Ito’y hindi mangyayari sa dalawang taong magkatulad ang kasarian upang maging isang katawan sa pag-ganap ng sekswal na pagsasama.  Sa ibang salita, hindi maaaring matupad ang pag-iisang-dibdib kung ang dalawa’y magkapareho ang kasarian.

Ang sekswal na etika—kahit para sa atin lamang—ay malimit na nagsisimula ng pagkaunawa na may kinalaman sa pag-aasawa.  Ang pagtatalik bago maikasal ay panimulaing tagpo ng pakikipagsiping sa katawan ng iba—pagkat ang dalawa ay naghahayag at nagdiriwang ng kasal na hindi umiiral.  Ngunit ang pagtatalik ng ikinasal na mag-asawa ay tunay na isang banal na kilos; isang nagbibigay-biyayang kilos. Sa labas ng ugnayang ito, ang pagtatalik ay karaniwan at halos-lahat ng kabuuhan nito ay isang uri ng paggawa ng paraan  upang makamit ang sekswal na aliw.  Ang pakikipagtalik sa ibang tao na hindi bilang isang buo at lahat na pag-aalay ng sarili sa kasal, ngunit bilang isang paraan lamang sa sekswal na aliw, ay upang gamitin lamang ang iba bilang paraan sa isang layunin; at ang paggamit ng iba bilang paraan sa layunin ay laging labag sa moral na alituntunin na pagtrato sa mga tao bilang mga layunin sa kanilang sarili, kailanma’y hindi bilang paraan sa  layunin.

Pagtuklas ng Ligaya

Mayroon pang mas maraming matatalakay dito sa pilosopiko at teyolohikong pag-unawa ng pag-iisang-dibdib at ang kahulugan ng sekswal na kilos kaysa maaaring maipahayag ng sapat para sa artikulo na ganito ang sukat, ngunit para sa malaking bahagi ng populasyon, ang sekswal na relasyon ay hindi na talagang isang bagay na may lubhang mensahe ng   kahalagahan.  Kadalasan ay ito’y hindi mas makabuluhan kaysa makainom ng martini o makalabas patungong Dairy Queen para sa sorbetes, o ibang bagay na magagawa mo na kasama kung sino man.  Ngunit ang  hangad ng Simbahan na pangalagaan ang kalikasan at kabanalan ng pagtatalik at ang tunay na kahalagahan ng pag-iisang-dibdib ay napagtibayan ng kanyang paniniwala na ang pamilya ay ang pangunahing yunit ng lipunan, at anuman ang nakapipinsala ng yaong yunit ay nakapipinsala sa pangmamamayang nayon bilang isang kabuuhan.

At kaya naman, ang Simbahan ay tinatawag ang mga taong may parehong-kasariang oryentasyon sa  buhay na kalinisan.  Ngayon ito’y maaaring mapakinggan ng may kalupitan para sa iba, ngunit ito’y maaari rin na mas maiging maging kalagayan ng kasalungat na paglapit na talagang malupit.  Higit pa rito, ang pagpapari ay marahil na mas mahalaga ngayong araw kaysa noon.  Ang isang makisig na pari o magandang madre na nakapagpahayag o nakapagpanata na ng kalinisan o buhay na walang asawa, at nakapamamanaag ng ligaya, nakapagbibigay ng mabisang katibayan na ang kasiyahan (o ligaya) ay hindi nagmumula sa matalik na sekswal na pagsasama; ngunit higit pa rito, ang kasiyahan ay natatagpuan kay Kristo.   Patas na mahirap para sa mga ikinasal na mag-asawa na makita Ito.  Sila’y malimit na naniniwala na ang kanilang kasiyahan ay matatagpuan sa isa’t-isa.  Ngunit si San Agustin ay isinaad noon, sa unang pahina ng kanyang Pagtatapat: “O Panginoon, nilikha Mo kami para sa Sarili Mo, at ang aming mga puso ay walang pahinga hanggang sila’y makapahinga sa Iyo.”  Sa ibang salita, nilikha ka ng Diyos para sa Kanyang Sarili, hindi para sa iba.  Ang lubos na kasiyahan ay ni-kailanma’y matatagpuan sa ibang mga tao, ngunit sa Diyos lamang.  Kung tinawag ng Diyos ang lalaki sa buhay na may asawa, siya’y tinatawag Niya upang mahalin ang kanyang kabiyak para sa kapakanan ng kanyang kabiyak, hindi para sa kanyang kapakanan o kanyang sariling kasiyahan.  Tinatawag Niya itong lalaki upang mahalin ang Diyos sa pamamagitan ng pagmahal niya sa babae para sa kapakanan niya at ng Diyos.  Sa kasawiangpalad, maraming tao ang “naglalahad ng kanilang kamay” sa mga salitang kanilang minumutawi, nagsasabi ng mga bagay tulad ng “pinupuno niya ang puwang na nasa akin”, o “hindi na ako makadama ng kaganapan, kaya iniwan ko siya”, na tila ang pag-iisang-dibdib ay tungkol lamang sa “aking katuparan”.

Hindi masusukat

Mayroong napakatinding yaman ng pamana dito sa paksa ng sekswal na etika at kalikasan ng pag-iisang-dibdib sa kasaysayan ng Simbahan na nakapagdanas ng matinding pag-unlad sa ikadalawampung siglo (ito ay, ang Teyolohiya ng Katawan), at tuwing itinuturo namin ito sa aming mga estudyante, sila’y may sumasang-ayon na reaksyon.  Ito’y totoo rin sa mga estudyanteng may parehong-kasariang paghahalina.  Marami sa kanila ang nakabatid ng katotohanan ng mga itinuturo at sila’y nagpapasalamat sa pagtanggap ng mga ito.  Sa kasawiangpalad, maraming mga kleriko ay takot na ituro ito, at maraming mga tagapagruro ay hindi kilala ito.

Ang katunayan ay, tayong lahat ay may mga sariling pakikibaka.  Ano mang landas na tinatawag tayo ng Panginoon upang tahakin, mayroong mga pagpapakasakit na kinakailangan nating gawin, mga labanan sa ating mga sarili at ating mga kakaibang kalokohan na kailangan nating sagupain, ngunit ang ating kasiyahan ay tiyak na nasa katapusan ng ating landas.  Higit na mahalaga, “ang landas patungong langit ay makalangit”, bilang pasalungat, “ang landas patungong impyerno ay mala-impyerno.”  Kung ang mga tao’y mag-uumpisang talangguhitan ang kanilang sariling mga larangan ng labanan at ang tiyak na landas na tinatawag sila ng Panginoon na sundin, kasama ng lahat ng mga pagpapakasakit na kailangan nilang gawin, masisimulan nilang maranasan ang ligaya na hindi nila inakalang mangyayari.  Karamihan sa mga tao’y napapailalim ng maling akala na ako’y magiging masaya lamang kapag magagawa ko ang gusto kong gawin; malimit na dumadaan sila landas na yaon upang matuklasan lamang na hindi totoong sila’y  masaya, labis sa pagkasira ng loob nila.  Ngunit kapag sa huli’y masimulan nilang gawin ang kung anong tinatawag sila ng Panginoon na gawin, matutuklasan nila ang isang bagay na wala silang palagay na matatagpuan nila, tulad ng, malalim na kahulugan ng katuparan.

Share:

Deacon Doug McManaman

Deacon Doug McManaman is a retired teacher of religion and philosophy in Southern Ontario. He lectures on Catholic education at Niagara University. His courageous and selfless ministry as a deacon is mainly to those who suffer from mental illness.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles